Baixar aplicativo
100% The Seven Nights / Chapter 12: Far From Home

Capítulo 12: Far From Home

"Habang nagbibihis ako ay tsaka ko lang ikinuwento sa aking pamilya ang totoong mga nangyari. Umiyak ulit ako nun kaya niyakap ako ni Mama at tinanong kung buo na ba talaga ang disesyon kong umalis. Sabi pa niya na okay lang kahit sa simpleng unibersidad ako magtapos basta masaya ako. Sabi ko na okay lang dahil kakayanin ko."

"Hinatid ako nina Mama, Papa at ng dalawa kong kapatid sa airport. Naghintay sila nang mahabang oras. Hindi muna sila umalis hanggang wala pa yung flight ko. At mayamaya ay tinawag na nga na magready kami. Sinyales iyon na kailangan ko nang magpaalam sa pamilya ko."

"Niyakap nila ako nang mahigpit! Lahat kami ay umiiyak na. Unang beses ko kasing malayo sa pamilya ko at medyo matatagalan pa bago ako bumalik. Nag promise ako na pagbalik ko ay may trabaho na ako at tutulong na ako sa pagpapaayos ng bahay. Napangiti naman si Mama sabay sabing, "Oh sige anak! Baka maiwan ka pa ng flight mo. Mag iingat ka doon ha? Wag mong pababayaan ang sarili mo. Mag text ka kaagad pagmakarating ka na doon. Magdasal ka!" Bilin sa akin ni Mama."

"Habang hila ang aking maleta ay naglakad na ako palayo. Pakaway kaway pa ako noon habang nakangiti para hindi na sila mag alala."

"Habang nasa eroplano ay umiiyak parin ako. Pagkalipas nang ilang saglit ay nag landing kami sa NAIA. Paglabas ko sa airport ay sumakay sa ng Taxi at dumiretso sa address na binilin sa akin ng organization. Medyo may kalayuan ang byahe at traffic kaya nag update muna ako kina Mama bago natulog."

"Pag gising ko saktong malapit na ako sa aking magiging bagong tahanan. Nag ayos sa sarili at nag update ulit kina Mama. Tanghaling tapat na nung makarating ako sa dorm. Simpleng kwarto pero malinis at safe. Para sa isahan lang yun. Matapos magligpit ay kumain na ako at natulog dahil puyat ako at pagod pa."

"Takip silim na nung magising ako, kaya lumabas muna ako para bumili ng magiging hapunan ko. Doon ko narealize na mahirap palang mag isa at malayo sa pamilya. Bumili ako ng pagkain at bumalik sa dorm. Naghapunan din ako agad at nagbihis. Nagtext si Mama, nangangamusta siya kaya tumawag ako para ikwento ang mga ganap sa akin. Tapos nun, nag online ako. Nag message sa akin si Kyle. Sabi nya, mag iingat daw ako at mahal na mahal niya ako. Unti unti ay umiiyak na naman ako. Naisip ko naman mga friends ko, kaklase ko, pamilya ko at si Kyle. Naaalala ko mga memories kasama sila kaya bumuhos muli ang aking mga luha hanggang sa makatulugan nalang akong umiiyak."

"Umaga na nung magising ako. Kailangan kong pumunta sa school kasi nga may orientation sa amin about our scholarship and the rules and regulations. Pagkatapos kong magprepare at pumunta ako sa school. Malapit lang ito dahil walking distance lang."

"During orientation, sinabi sa amin na kailangan naming mag aral nang mabuti dahil kailangan naming ma meet yung napakataas na standard ng school. Dahil pag once na nag failed kami, automatic tanggal na at no more second chance. Kaya pinayuhan kaming maki pag cool off sa jowa namin if meron at mag deactivate na ng mga social media accounts para walang sagabal sa pag aaral. As in kailangan mag focus talaga."

"Kaya ayon, pag uwi ko sa dorm ay sinabi ko agad sa aking pamilya yung about sa orientation at sa magdedeactivate ako ng mga accounts ko. Text message lang ang magiging way of communication ko sa kanila at video call tuwing weekend."

"At ganun nga ang nangyari. Nagsubsob ako at nag sunog ng kilay sa pag aaral kahit sobrang hirap! Minsan naiisip kong sumuko nalang at umuwi. Pero naiisip ko ang aking mga pangarap. Isang beses lang sa bawat semester kung bumisita si Mama sa akin. Bawal kasi kaming umuwi hanggang hindi pa nakapag tatapos ng pag aaral."

"At lumipas ang dalawang taon. Nagbunga din lahat nang pagtitiis ko! Naka graduate din ako sa kursong Bachelor of Arts in Mass Communication. Si Mama at Papa lang ang nakarating sa graduation ko. Hindi man ako Latin Awardee gaya nung iba, ay proud pa rin sa akin ang aking pamilya. Sulit ang mga pagtitiis at sakripisyo."

"Dalawang araw lang nag stay sina Mama, at umuwi din sila agad sa probinsiya. Gusto nilang sumama ako sa kanila pero tumanggi ako. Nagkataon kasi na naghahanap ng bagong field news researcher ang isang sikat na TV News program dito sa Pilipinas noon, kaya sinunggaban ko agad yung oportunidad. Sa kabutihang palad ay nakapasa ako. Sobrang saya ko pati na ang aking pamilya."

"Kaya nanatili pa ako nang tatlong taon sa Manila. Di ako nagbakasyon dahil gusto kong magpa impress sa kompanya. Gusto kong humanga sila sa akin kahit baguhan ako. Nakakapagpadala na ako sa bahay at nabibili ko na ang gusto ko. Sobrang busy ko na kaya di ko na nagagawang mag update sa mga social media accounts ko. Nagsipag pa ako lalo kaya na promote ako. Ang saya saya ko nun!"

"Dahil sa request ni Mama, ay nag file ako ng leave at umuwi muna para magbakasyon. Mag bibirthday na kasi nun si Papa tapos sabay na rin sa blessing ng bahay na pinangarap namin. Ilang taon na pala akong hindi nakakauwi sa probinsya. Andami nang nagbago. Mag aasawa na si Ate at nagka anak na yung asawa nung Kuya ko. Yung bahay namin naging maayos na. Yung gusgusing bata noon dalaga na ngayon. Pumasok din sa isip ko, kamusta na kaya si Kyle?"


next chapter
Load failed, please RETRY

Novo capítulo em breve Escreva uma avaliação

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C12
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login