[LOUISE'S POV]
Pagkarating ko sa grocery store ay agad akong pumunta sa food and beverage section na kung saan ay nandoon ang ice cream. Cookies and cream ang binili ko dahil ito ang paborito ko.
Habang naglalakad ako papuntang counter ay may nabangga akong isang pader. Ay hindi pala, isang lalaki pala. Naka-hoodie at sunglasses siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.
"Bulag ka ba Miss? Tumingin ka naman sa dinadaanan mo." galit na sabi sa 'kin ng lalaki.
Ang sungit naman nito.
"Sorry kung hindi kita nakita." mahinahong tugon ko sa kanya.
"Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo at huwag kang tatanga-tanga." galit niyang sabi na ikinainis ko naman.
Aba't tarantado 'to ha.
Hindi ko mapigilang tarayan siya. "Excuse me Sir, ako pa talaga ang sinabihan mo nang ganyan. Ikaw din naman, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. At nag-sorry na po ako sa 'yo. Tapos ikaw pa ang may ganang magalit sa akin. Ilugar mo rin 'yang kasungitan mo dahil lang dito."
"Pasensiya na miss kung nagsungit ako sa 'yo. Akala ko kasi katulad ka rin nila." mahinahon niyang sabi.
Anong pinagsasabi neto? Bigla na lang nagbago ang mood niya. Mood swing ganern.
Tinaggal niya ang suot niyang shades.
Teka, ba't parang pamilyar siya?
"Okay miss, I'll go. I hope sa susunod titingin ka na sa dinadaanan mo." sabi niya sa 'kin at nilagpasan na niya ako.
"Ikaw rin ha, tumingin ka rin sa dinadaanan mo." pahabol kong sabi sa lalaki.
Ang sama ng ugali.
***
Pagkarating ko sa boarding house ay inilagay ko muna sa ref ang ice cream. Bigla kasing natunaw dahil sa lalaking nakilala ko kanina.
*krriiiiiiiiinnnnnnnggggggg!*
Bigla namang tumunog ang phone ko.
Sino kaya ang tumatawag?
***
Hubby ko <3
calling...
***
Ewan pero parang bigla akong kinabahan nang makita kong ang asawa ko ang tumatawag.
Alanganin kong sinagot ang tawag.
"Hello hubby ko."
Pero walang sumagot.
"Hubby?"
("Wifey ko.") tugon niya. Pero ba't parang ang tamlay niya?
"Kumusta? Ba't ngayon ka lang napatawag? Buong gabi kong hinintay ang tawag mo." tanong ko kay Billy.
("Sorry wifey ko kung hindi kita natawagan. Hindi ko sinasadya ang nangyari.") parang naiiyak niyang sabi.
"Okay lang 'yon hubby ko. Alam ko namang may dahilan ka kung bakit hindi ka nakatawag kagabi. Masyado ka lang busy sa taping niyo." sabi ko sa kanya.
("O-oo wifey ko. Last day kasi namin kagabi kaya makakauwi na ako diyan bukas.") - Billy
Bigla namang nangislap ang mga mata ko.
"Talaga?"
("Opo wifey ko at namimiss na kita.") sabi niya.
"Namimiss na rin kita." tugon ko sa kanya.
("Sige, ibababa ko na ang phone ko. Sasakay na kami ng eroplano.") - Billy
"Sige, mag-iingat ka ha."
("I will wifey ko.") - Billy
*toot toot toot*
At nag-end na ang call.
"Bes, panoorin mo 'to." - Kate
Nagulat ako nang bigla akong hilain ni Kate papuntang sala at pinaupo niya ako sa sofa.
("Breaking news for all the SamLy shippers dahil spotted kagabi sa isang bar sa Thailand sina Billy at Sam na magkasama.")
Nanliit ang mga mata ko nang mag-appear ang picture nina Billy at Sam sa TV screen.
Nakaakbay si Billy kay Sam. Tama ba 'tong nakikita ko o sadyang malabo lang ang mga mata?
("Kitang-kita niyo namang ang sweet nilang pareho habang palabas sila ng isang bar sa Thailand. Are they secretly dating? Hiniwalayan na ba ni Billy ang kanyang asawa? iyan ang dapat niyong abangan.")
"Ang kapal din ng mukha ng reporter na 'yan. Parang ang saya-saya pa yata niya kapag maghiwalay kayo ni Billy. Ang sarap niyang sabunutan." galit na sabi ni Kate.
Ayokong maniwala sa nakita ko. Malay natin baka inedit lang 'yan ng mga die hard fans nila. I trust my husband no matter what.
Binalik ko ang tuon ko sa TV screen.
("Up next, makakasama natin ang bagong heartthrob na kababaliwan niyo na si Jameshin Faulkerson.")
Biglang nag-appear sa TV screen ang mukha ng isang pamilyar na lalaki.
Teka, ito yung nakilala ko kanina sa grocery ha.
("Sino kaya si Jameshin Faulkerson sa totoong buhay? At ano ang masasabi niya sa pagkukumpara sa kanya ng mga netizens kay Billy Williams?")
Kaya pala pamilyar siya sa akin. Siya kuno ang kalaban ng hubby ko sa showbiz ayon sa netizens.
"Gosh, ang pogi ni Jameshin!" narinig kong sabi ni Kate habang kinikilig.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Die hard fan ka ba niya?" tanong ko kay Kate.
Natigilan naman si Kate at parang natauhan siya.
"Of course not. Loyal pa rin ako kay James noh." - Kate
"Buti naman kung gano'n."
Ang sama kaya ng ugali ng Jameshin na 'yon.
Sana hindi ko na ulit siya makatagpo sa susunod.
A/N: Sa mga nakabasa ng Book 2 at 3 ng My Prince Is Masungit ay makikilala niyo doon si Jameshin Faulkerson.