[LOUISE'S POV]
- TWO YEARS LATER -
Karga-karga ko ngayon ang anak naming si Bella. Last month ay kapapanganak ko pa lang sa kanya.
Akala nga namin ni Billy ay hindi na ulit kami magkakaanak pa simula nang malaglag ang kauna-unahang baby namin sa sinapupunan ko. Pero salamat sa Diyos dahil biniyayaan ulit kami ng panibagong prinsesa.
"Uwaaaa!" narinig kong iyak ni Baby Bella.
Siguro ay nagugutom na siya. Kaya binigyan ko ito ng breastfeed.
Tumigil naman sa pag-iyak si Bella nang dumede na siya.
"Padede rin ako wifey ko." narinig kong sabi ni Billy na galing sa DGUP. Siya na ngayon ang Director ng school namin.
"Huwag ka ngang manyak hubby ko. Para 'to kay Baby Bella." sabi ko sa kanya. Umaaktibo na naman kasi ang wild side niya.
"Naglalambing lang naman ako wifey ko." sabi niya sa 'kin.
Naglalambing daw. Pasimple pa 'tong asawa ko. Gusto lang niya maka-score sa akin. Pero sorry na lang siya dahil hindi ko siya pagbibigyan ngayon. Ayoko pang sundan si Baby Bella.
Bigla naman akong niyakap ni Billy.
"I love you wifey ko." sabi sa 'kin ni Billy.
"I love you too hubby ko." tugon ko naman sa kanya.
"I love you baby ko." sabi ng asawa ko sa anak namin.
Tumawa lang si Baby Bella na parang natutuwa siya sa sinabi ng Daddy niya.
Sa ngayon ay maayos na ang buhay namin ni Billy. Kahit na may mga sa pagsubok sa buhay namin na hindi mawala-wala ay magkasama namin itong haharapin bilang pamilya.
Siguro ay dito ko na tatapusin ang aming kwento.
Magkikita na lang tayo sa pagtanda namin.
- THE END -
A/N: Up next, Final Book Epilogue.