(Rymalene POV)
"Mommy." Mangiyak-ngiyak na sabi sa akin ni Rence. Pero nanatili ang mga ngiti ko sa kanya. Ibinuka ang mga palad ko para ihanda ang pagyakap dito. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na lumapit sa akin, at niyakap nga ako nito.
Hindi talaga ako papayag na mawala pa ang nag-iisa kong baraha Sena.
Di ko namalayan na marunong ka na din pala talagang makipaglaro Sena. Kala ko mananatili kang tanga.
"Rence, hindi mo na ba ako mahal?" Sa tanong ko sa kanya alam kong lalambot kaagad ang puso nito. Bata eh. Madaling pakonsensyahin.
"No Mommy. I do love you." Na lalo niyang ikinahigpit ng yakap sa akin.
"Gusto mo na bang magkaroon ng bagong Mommy?"
"No. Ikaw ang Mommy ko. Walang papalit po sa inyo sa akin. Mommy ko po kayo."
Ganyan nga Rence. Madali lang mabilog ang isipan ng mga bata, at alam kong alam na ni Sena ang tungkol sa bagay na ito.