Baixar aplicativo
5.08% The Baklush Has Fallen / Chapter 3: Chapter 2 : Surprising Looks

Capítulo 3: Chapter 2 : Surprising Looks

Oo na, oo na! No joke, gwapo siya! Pero, ayoko pa riiiin! Huhuhu, Mother Earth!

'Listen everyone. I'll be having a two months business trip in Hong Kong and I need to go there tonight because it was decided that the business trip will start tomorrow. So, expected that by tomorrow, Chal Raed will be your acting CEO.'

Iyan! Iyan ang linya ni Boss kahapon na hindi ko malimot-limot. Isa lang naman kasi ang ibig sabihin niyan, magiging sekretarya ako ng baklush niyang anak.

AYOKO TALAGA! AYOKO!

Natatakot ako, ha! Kahit babakla-bakla 'yon, Jusko! Ang katawan mala Adonis, baka isang sapak no'n, R.I.P Maundy na. Hay!

"Excuse me, Miss, can you please move a little bit?" napatingin naman ako agad sa englisherong lalaking 'to na mukhang hypebeast ang suot-Charot! 'Yong hypebeast tawag 'yan sa mga kabataan ngayon na nakakaloka ang fashion, mukhang Jejemon style na updated. Pero, baka naman Kpop fan lang itong si Kuya, huwag kang judger, Maundy-este, judgemental!

Kasi kung hindi lang 'to maputi at yayamanin ang itsura, mukha talagang hypebeast eh! Mahaba ang T-shirt, naka fitted na ripped jeans, mukhang boots 'yong sapatos, ang daming kachar-charan na accessories sa kamay, leeg, at tenga. Cool siya ha, pero mas bet ko pa rin 'yong mga naka suit, like, Jazz and Chal Raed-hala! Iw, Maundy! Baklush sila, baklush!

"3 minutes," natinag ako nang makita ko siyang bigla na lamang nagsalita at ngumisi.

"Kayo riyan! Mamaya na ang harutan, usog muna! Usog!" kaloka itong si Manong Konduktor, ha. Sinong nag haharutan nang maisumpa ko agad!

"Let's do the harutan later, Miss, but for now, Will you please move, so I can sit comfortably?" usal na naman niya.

Pero, ano raw sabi ni Englisherong hypebeast?! Sumenyas siyang umusog ako tapos umusog din ako kahit wala ako sa katinuan at 'di ko maintindihan 'yong pinagsasabi niya.

'Kayo diyan! Mamaya na ang harutan, usog muna! Usog!'

'Let's do the harutan later, Miss.'

Wait...

"Tayo ba 'yong nagharutan?" out of the blue ay itinanong ko 'yan sa englisherong hypebeast na katabi ko.

"I guess? He's looking at us when he shouted those words," aniya na itinuro pa si Mamang Konduktor.

Ay, so, kami nga? Nag harutan ba kami? Saan ang harot doon?

"Perhaps he thought we're doing 'harutan' because you stared at me earlier for 3 minutes," pagpapatuloy pa niya.

"H-huh? 3 minutes? Bilang na bilang?" takang tanong ko. Nakangiti naman siyang tumango. 'Yong ngiting nakakalusaw! Charot!

"Yep. I secretly counted behind my back while you were staring at me," sagot niya. Amazing ha, nagawa niya pang bilangin 'yon.

Napatango na lang ako at inialis ko na rin 'yong tingin ko sa kanya.

But, wait ulit...

"Tinitigan kita?! Tatlong minuto kitang tinitigan?! Talaga? Tumitig ako sa'yo? Hindi nga?" sunod-sunod kong tanong kasabay ng kanyang pagtawa. Hay! Kainis naman 'to! Nakakahiya talaga ako!

"Yes, Miss. I guess you were mesmerized by my almost perfect looks and you didn't realize you ended up staring at me," aniya. Normal lang naman 'yong pagkakasabi niya, walang halong pagmamalaki sa sarili o 'yong tipong gwapong-gwapo sa sarili na pagkakasabi. Ameeyjing!

Pero, what? Nakaka mesmerize ba 'yang mukha niya? Siguro nga, kasi nga 'di ba tatlong minuto ko siyang tinitigan! Nakakaloka ka, Maundy, kung alam mo lang!

"Sorry," biglang usal ko.

"Why say sorry? You didn't do anything wrong, no need to apologize," matapos niya 'yong sabihin ay hindi ko na siya muli pang kinausap. Nakakahiya kaya, mamaya hindi ko na mapigilan ang sarili ko at talagang buong byahe ko siyang matitigan. Hindi naman kasi maipagkakailang gwapo siya, oo, ang sarap niya sa mata!

Harot mo nga talaga, Maundy!

"Miss, something in your bag keeps on vibrating, maybe it's your phone," rinig kong bulong niya sa akin. My Gosh! Ang sexy ng boses niya-tumigil ka na Maundy! Landi-landi mo!!

Kinuha ko na 'yong phone ko at...ayon! Daming missed call from unknown number, may mga text rin siya. Binasa ko 'yong latest, and it says...

'Sis, diretso ka sa Mall ha, wait kita here!'

Sino ba 'to? Si Rose? Hindi 'yon mahilig mag shopping. Si Joy? Hindi rin, busy 'yon sa pagchicheck ng financial statement ng isang company, buhay accountant! Paniguradong 'do naman 'to si Clarice dahil may pinuntahan siyang gathering. So, wala sa tatlo kong best friends? Sino kaya 'to?

Binasa ko na lang 'yong iba pa niyang messages.

'Sis, sagot-sagot naman! Hags na is me! Stress na long hair ko here kakatawag sa'yo!'

Stress na long hair niya? 'Yong buhok ba niya ang nag type? Kaloka!

Pero, ito talaga 'yong nakapukaw ng kaluluwa ko...

'Sis! Si Gorgeous Chal Raed this! I want to stroll-stroll in Paps's mall and at the same time to be familiar na rin sa mga products na binibenta natin. So, wait kita here ha. Makikita mo ko agad, hanapin mo 'yong store na may pinaka maraming boylet, andiyan ako. Seeya! Muwaaah!'

Patay! Mamaya kalbuhin ako ng baklang 'yon kasi inistress ko siya. Hindi ko na nga nasagot 'yong tawag, pinaghintay ko pa! Deads na naman, kaltas sweldo na ba ito? Iyak, Maundy, iyak! Pero kahit na paiyak na talaga ako ay minabuti ko na lang na replyan siya.

'Sir, sorry po talaga kung hindi ko nasagot 'yong tawag mo at pinaghintay po kita, sorry talaga. Papunta na ho ako riyan, Sir, 10 minutes na lang po. Sorry ulit.'

Waaah! Omg! Na send na! Jusko, natatakot ako sa reply niyaaa!

*One message received*

Pagkabasa ko pa lang niyan ay nanginig na agad ang kamay ko. Napapikit ako ng pindutin ko 'yong message niya. Kaya lang ay napadilat ako agad at nilingon ang katabi ko nang marinig ko ang pilit tinatago niyang tawa---mamaya ma-utot 'to, ngi, nakakahiya kaya 'yon buti na lang gwapo siya.

"That sir of yours is very amusing," sabi niya pa habang natatawa. Napansin niya siguro 'yong mukha ko na parang nagtatanong kung anong samalignong sumapi sa kanya at kung anu-ano ang pinagsasabi niya kaya bigla niyang ininguso ang kanyang labi sa cellphone na hawak ko.

Sumalubong naman agad sa akin ang reply ni Baklush. Hindi ko talaga alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko. Sabi niya...

'Gorgeous Chal Raed or Gorgeous Ma'am, not Sir!'

Mighad! Para pa naman akong baliw kanina na nagdadasal na sana huwag siyang magalit, pero nang mabasa ko 'yang reply niyang 'yan ay parang nahinto 'yong paggalaw ng mga makina sa kaloob-looban ko! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis na ewan sa nireply niya sa'kin.

"You're blessed to have a boss like him," rinig kong usal ni Englisherong hypebeast. "Other bosses fire an employer immediately once they showed that kind of personality, I mean, letting them wait and not answering their calls, they dislike it so much," dagdag pa niya. Tama siya, pasalamat nga talaga ako kasi parang mabait 'yang si Chal Raed na 'yan. "Hmm, Miss, I'm sorry because I accidentally read your conversation with him. It wasn't my intention to read your convo," muli na naman niyang sabi.

"Okay lang. Masyado kasi tayong dikit kaya kahit anong tago ko pa sa cellphone ko habang may ka text ay mababasa mo pa rin," sagot ko naman.

Pero kung convo ko 'yon kay crush at nabasa niya, riyan na talaga ako maghihysterical. Ang harot ko pa naman kapag kausap ko na si Crush. Mamaya mabasa niya 'yon, medyo nakakahiya, 'no!

"I badly wanted to ask for your name, but deep inside of me keeps on telling me not to. Let's stay strangers for now, and if we meet again, I'll surely ask for your name before we parted our ways," nakangiting sabi pa niya. Hindi naman ako bobo sa english, pero bakit parang ang hirap intindihin ng sinabi niya?

Charot!

Naintindihan ko talaga 'yong sinabi niya, ang hindi ko maintindihan kung bakit sinabi niya 'yon. Nakakaloka, pips, ha!

"I really had so much fun for today's ride, Miss purle hair," dugtong niya saka siya tuluyang bumaba.

Compliment ba 'yon? Dahil ba sa'kin kaya naging masaya ang buo niyang byahe o assuming lang talaga ako? Hay, ewan!

Sana magkita kami ulit para matanong ko sa kanya 'yong mga tanong ko, gaya ng...Will you marry me? Hahaha charot! Harot!

Pero, totoo 'yon ha, dami kong tanong para sa kanya. Ipagdadasal ko na sana makita kitang muli, Englisherong hypebeast.

***

Ilang minuto lang din ang lumipas at sa wakas ay nasa A Mall na ako. Inikot ko agad 'yong paningin ko pero hindi ko siya mahagilap. Bigla ko na lamang naalala 'yong text niyang 'Makikita mo ko agad, hanapin mo 'yong store na may pinaka maraming boylet, andiyan ako'. Hmm, ngayon alam ko na kung saan ang baklang 'yon, nasa Yummy resto 'yon, sa may second floor nitong mall.

Yummy talaga kasi hindi lang pagkain ang masarap doon pati mga crew, waiter, chef, lahat ng nagtatrabaho roon puro mga gwapo at machong lalaki! Bakla rin kasi may-ari kaya alam na!

Dumiretso na ako roon at sinalubong naman ako agad ng isang gwapong waiter. "Good morning, pretty Lady, welcome to Yummy resto, what can I do for you?" tanong niya. Isa rin 'yan sa asset ng mga trabahante rito, magaling sa jammingan! Kaya kadalasan mga babae kumakain dito eh-mga babaeng tanga, kasi paniwalang-paniwala na pretty sila, duh!

"Ah, ano, kasi may hinahanap lang ako," sagot ko naman sa kanya. Tumango siya at saka pinakawalan ang kanyang matamis na ngiti at talagang inexpose niya ang kanyang dimples ha.

Tigilan niyo ko! Wala ako sa mood para humarot, kasi kailangan unahin ko munang hanapin si Baklush.

"Siiiis!" isang boses bakla-so rude naman, let's change it-isang lalaki ang sumigaw na pilit pinapababae ang boses, at syempre nakilala ko 'yon agad.

Nilingon ko siya at...Oh my! What the heck?! Nakakaloka! Mukha siyang lalaki na tinubuan ng ulo ng pangbabae, o mukha siyang babae na tinubuan ng katawan na panglalaki!

My God! Nyare sa baklang 'to?!


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C3
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login