Baixar aplicativo
67.12% The Badass Twins / Chapter 49: Chapter 48

Capítulo 49: Chapter 48

Godee's POV

Dahil matigas ang ulo ni Dawn at Desdes hindi namin sinunod ang utos ni kuya. Dumeretso kami sa MOA pagkatapos ng klase namin.

As always, maraming nawiwirduhang pilihim na sumuyulyap kay Dawn dahil sa dalawang katana nitong nakasabit sa likod at sa bitbit niyang diamanteng bote. Habang si Desdes naman ay walang emosyon na ginagala ang paningin sa paligid.

'Ako lang yata ang matino sa'min tatlo.'

Kahit kasama pa namin sina twin at Dana, well, isa pa silang mga abnormal. Kaya, masasabi kong ako lang ang pinakamatino sa'ming lahat.

"Napiga ang utak ko kanina sa exam natin." wika ko sa dalawang kasama ko. Inosenteng tumingin sa'kin si Desdes kaya ningisihan ko siya.

"Ako, hindi." aniya.

"Matalino ka kase Baby Desdes while kami naman ni Panginoonee ay pinipiga ang utak para may masagot sa exam." saad ni Dawn sa kapatid. Oo nga noh, kanina ko lang napansin na matalinong bata itong si Desdes. At age of 16, she's already in college at graduating pa. Yeah, 16 pa lang siya. Kaya siya ang bunso sa Mansion. Minsan nga ay, 'Maknae' ang tawag sa kanya ng ilan na ibig sabihin ay bunso o pinakabata sa grupo.

"Pinipiga ba talaga ang utak? Paano ginagawa iyon?"

Tanong niya sa'min. Nagkatinginan kami ni Dawn at sabay na umiling. Matalino nga kaso masyado pa siyang inosente sa lahat.

"Ahh, basta kapag hindi mo alam ang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga-----"

"Gago hahahahhaha!"

Binatukan ko ng mahina si Dawn kaya naputol ang sasabihin nito. Tumawa lang ito at tumungga sa alak niya. Very expensive ng lagayan. Pero yung laman, nagkakahalagang bente pesos lang.

Pumasok kami sa isang Boutique para bumili ng uniform ni Dawn.

"May Huntress Uniform po ba kayo rito, uh-sir?"

Tanong ni Dawn sa isang sales man. Ngumiti ito sa'min tipong nagpapa-cute hahahahaha! Hindi yan tatalab boy.

"Mayroon po, ma'am. Dito po." hinatid niya kami sa mga maniquin na may suot na uniform ng Huntress. Ngumiwi pa ako ng makita ko ang pictures ng model nila sa uniform. Sa girls ay si Dana habang sa boys naman ay si kuya. Edi wow. Di sila bagay hahahhahaha! "Feel free po sa pagsukat." sabi ng sales man. Tumango si Dawn dito. At umalis na ang lalaki.

"Ano bang size ko? Hahahahaha! My bad, I forgot." usal ni Dawn. Parehong nangunot ang noo namin ni Desdes na tumitingin lang sa kanya.

"Sukatin mo isa-isa para malaman mo size mo." sabi ko.

"Eh? Lahat yan?"

Tinuro niya ang mga mahigit isang daan na maniquin. Tamad na tumango ako sa kanya.

"Doon lang kami sa Bookstore, puntahan mo kami ni Desdes doon kapag tapos ka ng mamili ng uniform mo, Bukang Liwayway."

"Sige, Panginoonee. Ingatan mo si Baby Desdes ko."

"Yeah, yeah. Sige."

Iniwan na namin si Dawn sa Boutique. At nagtungo kami ni Desdes sa Bookstore dito sa MOA.

"Godee, bakit ba tinatawag ako ni Dawn na baby? Hindi naman ako sanggol. Ganun din kasi ang sinabi sa'kin ni Ocean noong nakaraang araw." aniya. Pfffftttt... May gusto pala si Ocean sa kanya? Hahahahaha!

"Mukha ka kasing baby at utak mo rin ay parang baby hahahahaa! Genius but innocent." matatalino naman talaga ang mga bata ngunit sa inosenteng paraan.

"Kailangan ko na bang mag matured?"

"No, wag ka munang mag mature hahahahaha! Tignan mo si Heaven, sapilitang pina-matured, ayun naging wild hahahahahaha!"

Pumasok kami sa Bookstore at pumunta sa Manga Section. Maraming release ngayon na manga kaya tiba tiba na naman ako nito sa pagbabasa.

"Godee, alam mo bang si Ryder ang owner nitong Bookstore?" maya't mayang ani ni Desdes. Oh? Really? Si Baklang Ryder ang may-ari nito? Hahahahaha! Di halata. Akala ko kase Salon ang pinatayo niyang negosyo.

"Di ba, dapat Hair Spa?"

"Hindi ah. Bakit naman Hair Spa?"

"Alagang salon ang buhok ni Ryder."

"Hindi ah. Iniingatan niya lang talaga ang buhok niya."

"Ah, kaya pala sobrang ganda at makintab pa."

"Mas maayos pa nga ang buhok ni Ryder kaysa sayo." $_$ ang honest naman ng babaeng ito. Hahahahaha! Di tulad ng kapatid niyang si Dana nasobrahan sa kaplastikan.

Dawn's POV

Hi! It's me Dawn. Ang Bukang Liwayway ng buhay niyo. Hindi ako lasing dahil hindi naman ako umiinom ng alak hahahhaha!

"Tsk! Saan sila Godee at Deisiree?"

Inis na tanong ng taong nasa likuran ko. Sumunod pala sila dito sa'min sa mall. Nakangiting nilingon si Sky Blade. Galit ang mga mata nitong tumingin sa'kin. I pouted.

"Nasa Bookstore sila, Langit Talim." nakangising saad ko sa kanya. Galit itong pinasadahan ako ng tingin.

"Wag mo ng hubarin yang jacket. Suotin mo yan hanggang sa maka-uwi tayo sa bahay."

Walang emosyon niyang sabi sa'kin. Tinignan ko ang suot ko. Eh, Hindi pwede. Masisira ang porma ko.

"Ah, eh, Langit Talim, nagsusukat pa lang ako ng mga Blazer. Kita mo naman, ang laki nito sa'kin."

Tutol ko sa sinabi niya. Galit itong bumalik ng tingin sa'kin kaya pasimple akong lumunok ng laway.

"I don't care. Just wear it."

Malamig niyang sabi at tinalikuran ako. Kumuha siya ng isang Blazer, school skirt, white polo shirt, white blouse, school tie, at isang emblem ng Huntress. Siya na rin ang nagbayad nito sa counter.

"Let's go."

Aya niya at hinila ako palabas sa Boutique. Masama rin ang mga binibigay niyang tingin sa mga lalaking tumitingin sa'kin. Wala ng bago. Palagi naman siyang ganyan sa'kin dati pa.

Nakasalubong namin ang kapatid kong si Dana. Mataray itong sumulyap sa'kin bago mahinhing lumapit kay Sky Blade at inilingkis ang braso niya sa braso nito. Hinila ko ang pulsohan ko kay Sky Blade at naunang naglakad sa kanila. Hindi ko pinansin ang nakakapaso niyang tingin.

"Blade, Ano palang dinner natin tonight?" mahinhin na boses ng kapatid ko ang narinig ko.

"Sina Worth at Heaven na ang bahala sa hapunan mamaya. Worth called me earlier."

Kalmadong saad ni Sky Blade. Napabugtong hininga ako. Iba talaga ang pakikitungo niya sa iba kaysa sa'kin. 'Sinful Blade of Adventurous Dawn' Tipong ang banal banal niya sa tingin ng lahat pero para sa'kin his wicked and unholy.

"Hahahahahahaha! Anong itsura yan, Bukang Liwayway?" Pang-aasar ni Panginoonee sa'kin ng makasalubong ko sila. Nandito rin pala ang iba naming kasamahan sa bahay. Ngumisi ako at may binulong sa kanya.

"Game" aniya kaya napangiti ako at sabay na kaming naglakad. Binulong niya rin kay Baby Desdes ko ang gagawin namin.

Sasakay kami ng escalator pababa. Nauna si Godee sa'min at balanse siyang tumayo sa may hawakan ng escalator. She stands like a surfer. Narinig ko ang mahinang mura ni Sky Blade kaya di ko napigilang tumawa. Sumunod naman ang kapatid kong si Desdes ginaya niya ang ginawa ni Godee. Namangha ako dahil nabalanse niya ang katawan niya. Ang mga taong nakakita sa kanila ay humihinto at kinakabahan na baka sila ay ma-out of balance. Swabe silang lumanding sa ibaba at pangisi-ngisi si Godee na nakatingin sa'min.

"Gosh. Mga walang pinipiling lugar. Nakakahiya ang ginawa nila Blade."

Maarteng bulong ng kapatid kong si Dana. Hindi ko ito pinansin at humakbang na sa escalator. Sumunod naman sila sa'kin. Nasa kalagitnaan na kami ng nilabas ko ang katana ko at patalon na hiniwa ang hawakan ng escalator. Kaliwa't kanan. Saktong lumanding ako sa tapat mismo nila Godee.

"Putsa, anong ginawa ni Dawn?"

"Fucjsjit"

"Oh my gosh!"

"God damn it!"

Reklamo nila ng huminto ang escalator.

"Hahahahahahaha! Bawal kayong gumalaw kuya, baka lalong masira ang escalator at mahulog kayo sa ibaba lahat." nakangising saad ni Panginoonee. Gusto kong humalakhak ng tawa dahil hindi talaga sila gumalaw at hindi pa nila alam ang gagawin.

"I suggest, tumalon na lang kayo papunta rito sa baba." walang emosyong wika ni Desdes. Tinignan siya ng masama ni Dana.

"Are you stupid! Kung tatalon kami diyan! Buto naman namin ang masisira! Bastarda!" sigaw ni Dana. Psh. Maldita talaga. Hindi man lang mahiya sa mga taong nakakarinig sa kanya. Ang ilan din naman ay pinagtatawanan sila. Sakto naman ay ginawa namin dahil sila lang ang tao sa Escalator.

"Oh? Anyare sa kanila? Bakit ayaw nilang bumaba?"

Nagtatakang tanong ni Heaven. Kasama niya si Worth. Saan naman galing ang dalawang ito? Lumapit siya sa escalator at may pinindot sa gilid nito. Aish.

"Aish. Langit langit naman eh. Bakit mo pinindot?"

Usal ko. Nakasimangot.

"Kailangan ko ng tulong nila para sa hapunan natin mamaya. Sumunod kayo sa amin, sa Vegetables and Meaty area. Let's go, Worth." komando niya. Like a boss. Our commander. Napa-iling ako at tumingin kanila Sky Blade na masama ang mga tingin sa'min ni Panginoonee. Umandar na ulit yung escalator kaya ilang segundo na lang ay makakarating na sila rito sa ibaba.

"Tara na, Bukang Liwayway. Sasabog yan si Kuya hahahahaha!"

Hinawakan ni Godee ang kamay ko at hinawakan ko naman si Desdes sa kamay nito saka kami sumunod kanila Heaven at Worth bago kami maabutan nila Langit Talim.

Godee's POV

Kumuha ako ng isang malaking push cart at agad na sumakay si Dawn doon.

"Sakay ka rin, Desdes. Itutulak ko kayo." umiling-iling si Desdes at pumwesto sa tabi ko.

"Sabi ni Blade bawal daw sakyan ito." aniya at tinuro ang push cart.

"Ok, ok. Ikaw na lang ang tagakuha ng mga snacks natin. At ako naman ang tagatulak ng cart."

"How about Dawn?"

"Siya ang magda-drive hahahahaha!"

Sabi ko at tinulak na ang cart. Nandito kami sa Food Area. Sa mga snacks. Kumunot ang noo ko ng mag-umpisa si Desdes na maglagay ng kung ano anong junk foods. Napa-iling kami ni Dawn at hinayaan na lang siya.

Makakasalubong namin sila Dana at Kuya. Magbabanggaan ang mga push cart namin. Si Dana ang nagtutulak ng kanila habang si kuya naman ay busy sa paglalagay ng kung ano anong kailangan sa kusina.

"Tumabi nga kayo!"

Singhal niya sa'min kaya hindi namin sinunod ang sinabi. Instead, binangga ko ng malakas ang push cart niya. Sa sobrang lakas ay natumba siya. "Ouchhh! Blade!" agad na tumakbo si kuya sa kanya at tinulungan siyang tumayo.

"Ano ba! Ang kukulit niyo talaga." inis na wika ni kuya pero kay Dawn ang masama niyang tingin. Ngeeekk.

"Hehehe, sorry. Si Panginoonee kasi sinadya niyang lakasan ang tulak at hindi ko napigilang magpreno hahahahaha! My bad." makulit na saad ni Dawn at uminom pa siya sa dala niyang boteng diamante.

"Mga walang magawa sa buhay! Bwesit!" nag-uusok ang ilong ni Dana ng wikain iyon. Hindi namin siya pinansin at tinulak ko na ang cart sa ibang direction.

"Nasaktan yata si Dana." usal ni Desdes at nagpatuloy na naman sa pagkuha ng kung ano anong madampot ng kamay niya.

"Hahahahahaha! Sanay namang masaktan ang bruhang yun. Kaya, ayos lang sa kanya iyon."

Pang-uuto ko kay Desdes. Inosenteng tumango ito sa'kin. Sila Ryder naman ang makakasalubong namin kaya hinahanda ko ang push cart.

"Panginoonee, wag hahahahahaha! Hindi pa ako naka-isip ng paraan kung paano lumipad." awat sa'kin ni Dawn. Lumawak ang ngisi ko sa kanya.

"Bukang Liwayway, just say abracadabra!"

At malakas na tinulak ang push cart patungo kanila Ryder. Napahinto ang mga ito at nanlalaki ang mga mata nilang nakatingin sa push cart namin na babanggain ang push cart nila. Habang si Dawn naman ay enjoy na enjoy ang riding niya while saying 'Abracadabra!' Hindi natatakot sa maaaring mangyare sa kanya.

"Abracadabraaaaa!!!! Hahahahahhaaha!!!!"

"Whaaaaaaa!!!!"

Sigawan nila Song, Dk, at Ozi. Lumakas pa ang sigawan nila ng walang takot na tumayo si Dawn at nilabas na naman nito ang dalawang katana niya at hiniwa ang push cart nila Ryder. Nagsabugan ang mga laman nito at ang push cart nila ay nahati sa apat? Tss. Galing talaga ni Dawn.

"Hahahahahahahaha! Priceless!"

"That's awesome, Bukang Liwayway!" puri ko sa kanya ng makalapit kami sa pwesto nila. Tumingin ako sa boys na parang humiwalay sa kanila ang mga kaluluwa nila. Except, Ryder na cool lang itong nakakrus ang mga braso at masungit ang tingin sa'kin.

"That's why, pina-alis ni Worth ang mga tao rito sa MOA dahil may mga pasaway na gumagawa ng hindi angkop na ginagawa sa Mall."

Masungit niyang sabi habang nakatingin sa'kin. Ngumisi ako at nilibot ang mata sa mall. Wala ngang mga customers tanging kami lang ang nandito at ang mga empleyado.

Nagkatinginan kami ni Dawn at saka kami tumingin kay Heaven na hindi nalalayo sa pwesto namin. Nakatingin din siya sa'min at sabay kaming ngumisi.

'It's Party time!'


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C49
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login