Baixar aplicativo
4.18% The Actor that I Hate to Love / Chapter 8: Single Blessedness

Capítulo 8: Single Blessedness

Shanaia Aira's Point of View

LUMIPAS pa ang mga araw, buwan at taon.Nasa last year na ako sa junior high school at si Gelo naman ay graduating na sa senior high. Dapat nasa college na sya kaya lang medyo atrasado na sya sa pag-aaral dahil sa mga movie projects na tinanggap nya noon.

Lalo kaming naging close. Minsan nagkakatampuhan din kami, pareho kasi kaming topakin. Ang maganda lang, hindi lumilipas ang magdamag ng hindi kami nagkakaayos.

Marami ang nagkaka-crush sa kanya, sino ba naman ang hindi eh napakagwapo nya, lalo na ngayon na binatang-binata na sya. Nagwo-work out na nga sa gym yun kaya hayun may six pack abs na sya. At ang mga babae?  jusme, nagkakandarapa sa kanya.Sumasakit  nga ang ulo ko dahil ako ang madalas pakiusapan ng mga girls sa school na mag-abot ng kung ano-ano na ibinibigay nila kay Gelo.Sandamakmak din ang mga chicks na gusto syang maka-date. Deadma lang naman ang kumag, ewan ko ba sa damuhong yun kung bakit hanggang ngayon wala pa ring nililigawan.

Medyo binabawasan na rin nya ang oras nya sa pag-aartista. Maraming offers pero tinatanggihan nya dahil gusto nyang mag-concentrate sa studies nya. Graduating na nga kasi sya at yun ang inuuna nya. Pero minsan may mga out of town show syang tinatanggap kapag weekends lang at walang pasok sa school.

Marami na rin syang fans at may mga fans club na rin siya. Sabi ko nga, kung nagse-seryoso sya sa career nya baka sobrang sikat na rin sya katulad ni ate Shane. Tinatawanan lang nya ako, studies muna raw ang importante sa kanya sa ngayon.

Pero nalulungkot din ako kapag nangyari yong magseryoso na sya sa showbiz , mawawalan na sya ng time at siguradong game over na ang friendship namin. Kaya nga ine-enjoy ko na lang ang moment na kasama sya ngayon dahil alam ko once na makatapos sya ng pag-aaral magko-concentrate na sya sa pag-aartista nya. Yun kasi ang kasunduan nila ng pamilya nya.

Carpe diem.Seize the day ika nga.

Sa akin naman marami rin ang gustong manligaw kahit na mukha akong manang at Betty la Fea. Siguro yung ibang katangian ko ang tiningnan hindi yung itsura ko. Kaya lang tinatapat ko na kaagad hindi pa man nag-uumpisa.Ayoko muna ng mga ligaw -ligaw na yan hanggat nasa high school pa lang ako siguro kapag nasa college na, pero pag-iisipan ko pa rin.Ayoko kasi na ma-in love ng maaga gaya ni ate Shane, mas magandang i-enjoy ko muna ang pagiging teen ager ko.

Ilang buwan pa ang matulin na lumipas.Graduation na ni Gelo at umattend kami ni ate Shane.Sobrang proud kami sa kanya dahil kasama sya sa mga nagtapos with honors. Nagbunga ang pagtitiyaga nya at pagpa-prioritize  nya sa pag-aaral.

Sa isang restaurant nag-blow out ang parents nya na nagkakasama lang sa mga ganitong pagkakataon.

Natuwa sya sa regalo ni ate Shane sa kanya na latest computer game gadget pero mas natuwa sya nung ibigay ko sa kanya yung regalo ko,mukhang maiiyak pa nga yata sa tuwa.Yun kasi yung relo na minsang nakita namin sa Rustans ay binabalik-balikan na namin.Pag-iipunan nga daw nya yun kasi napakamahal ng presyo.Kaya naman yun na lang ang binigay ko,ang tagal ko kayang inipon yung pinambili ko nun,worth it naman dahil sa nakita kong kasiyahan sa mga mata nya nung makita nya ang regalo ko.

SUMMER vacation na naman at wala kaming balak magbakasyon ni Gelo sa ibang lugar tulad ng mga nakakaraang taon.Ang buong pamilya ni ate Shane ay nagbakasyon sa US, kaya naman wala kaming cute na Dindin na kukulitin ni Gelo.Kaya hayun sa bahay lang kami nagkukulitan,nood ng movies, kain sa labas at pasyal sa mall na madalas naman na naiistorbo dahil sa mga fans na nagpapa-picture at nagpapa-authograph sa kanya. Minsan nga nagawa pa nyang mag-disguise para lang makapaglaro kami sa Tom's World.

Isang hapon ng Sunday, habang nanood ako ng tv, isang hindi maipintang mukha ni Gelo ang biglang pumasok sa room ko.

" Anyare sayo? busangot yang mukha mo? " tanong ko.

" Sabi ni yaya, may umakyat daw ng ligaw sayo kagabi.Sino yon!? " nanggagalaiting tanong nya.

Anyare dito sa kumag na to?

" Anak nung kasama ni kuya sa munisipyo,nagpaalam kay daddy na aakyat ng ligaw kaya hinarap ko.Ano problema mo? " balewala lang na turan ko.

Hindi sya kumibo.Padaskol na umupo sa kama.Kinuha ang remote ng tv at nilipat~lipat ng channel.Hinayaan ko lang.Mag-aaway lang kami pag pinatulan ko.May topak eh.

Maya-maya lumapit sya sa akin at nagulat na lang ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit at nagsalita.

" Ang daya mo naman baby,nagpapaligaw ka na.Sigurado iiwanan mo na ako kasi  magkaka-boyfriend ka na! "

Ha? Ano daw? Ang labo naman ng kumag na to!

Kumalas ako sa yakap nya at inis na hinarap ko sya.

" Hoy! Ariel Angelo ano na naman yang drama mo? Ang laki mong tao para kang inagawan ng candy dyan.Tsaka napaka-advance ng utak mo, umakyat pa lang ng ligaw boyfriend na agad? Huwaw, hindi ba pwedeng kilatisin muna bago sagutin? Nag I therefore conclude ka na dyan hindi mo pa ako tinatanong! Nasaan ang hustisya friend? " napangiti pa sya sa mga sinabi ko.Hayun na naman ang ngiti nya na nagpapalusaw sa inis ko.Yung labas ang dimples.

" Eh kasi naman! " sabi nya na kakamot~kamot pa sa ulo.

" Eh kasi naman ano? " tanong ko.

" Ah basta! " asar na sagot nya

Tignan mo tong hudas na to ang gulo!

" Hay naku Gelo ang gulo mo.Kung ang kinaiinis mo eh yung umakyat ng ligaw kagabi,huwag kang mag-alala una't huli na nya yun kasi sinabi ko wala pa sa isip ko yun.At isa pa kahit gwapo sya at hindi naman ako maganda, hindi ko sya type."

Ngumiti na sya ng malapad ng marinig nya ang sinabi ko.

Mukhang timang!

" Mabuti!...mabuti naman."

" Sus!  Ikaw ha ang dami mong hanash. Ayaw mo lang magka-love life pati ako gusto mo ganun din.Damay-damay lang bes? Sabagay hindi pa ako ready sa ganyan.Pero paano Gelo pag na-in love na ako, pipigilan mo ba ako? "  tanong ko.

" Hindi! " walang gatol na sagot nya.

" Hindi? " nagtatakang tanong ko.Eh yun naman pala bakit nag-iinarte pa sya na may manliligaw ako.Ang labo talaga nito.

" Hindi nga..... kung sa akin ka mai-inlove at ako ang magiging first boyfriend mo." pabulong na sagot nya at nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Napamulagat naman ako.

Dugdug...

Dugdug...

Hala! si heart bigla na naman kumalabog..Bakit naramdaman ko na naman ito?  May heart disease na ba uli ako?

" A-ano k-kamo Gelo? " takte nag stutter pa ako.Pinagti-tripan ba ako ng kumag na to?

Hindi nya sinagot ang tanong ko.Nanatili lang sya na nakatingin sa akin.

PAK!

" Aray baby bakit ba sinasadista mo na naman ako? Ang sakit ah! " reklamo nya habang hinihimas ang braso nyang hinampas ko.

" Para ka kasing timang dyan.Kung ano-anong pinagsasasabi mo." asar kong turan.

Matamis lang syang ngumiti sa akin at niyakap nya ako mula sa likuran.Pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko.

Putspa! Bakit parang kinikilig yata ako? Ang sweet naman nya masyado ngayon.

" Basta baby, wag ka muna magbo-boyfriend o magpapaligaw ha? Mawawalan kana ng oras sa akin pag ganun.Alam mo naman na sayo lang ako kumportable bukod kay Shane."

" Hay nako Gelo, mababaliw ako sayo lakas din ng topak mo noh! Oo na hindi nako magbo-boyfriend, sasamahan kita dyan sa pagiging single blessedness mo." tumatawa kong saad.

" Very good! Ngayon halika na baby ipagluto mo naman ako ng meryenda,gutom na ako eh." nag-puppy eyes pa ang kumag.Haay ang cute talaga nya.

" Yun tayo eh! Kaya ayaw mo akong mawala sa tabi mo kasi tiyak na magugutom ka.Hudas ka talaga Gelo, ano tingin mo sa akin kaldero? "

" Hahaha.. Grabe sya oh.Hindi naman. Masarap ka talagang magluto kaya ganon." saad nya sabay akbay sa akin at iginiya na ako palabas ng kwarto ko para bumaba na papuntang kusina.

Haay nako Gelo!  Ewan ko sayo!


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
AIGENMARIE AIGENMARIE

Hi dear readers! Please support this story by voting and commenting. I just want to know your thoughts on this one. Thank you.

next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C8
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login