Baixar aplicativo
80.62% The Actor that I Hate to Love / Chapter 154: Half of the Truth

Capítulo 154: Half of the Truth

Shanaia Aira's Point of View

" Sorry I'm late. Galing pa po ako sa shooting." hinging paumanhin nya sa wedding coordinator.

Hmp. shooting your ass! Magkasama lang kayo ng sawa na yan kaya ka late.

Anong pinaglalaban mo Aira? Bitter much?

Hindi ah. Nakakainis lang na nandito na kaming lahat eh siya late na nga may bitbit pang —hmp. ewan!

Tumango lang yung wedding coordinator sa kanya tapos iminuwestra sa kanya na pumunta na sa pwesto nya.

Nagulat pa siya nung ako yung nakita nya na ka-partner niya. Bakit hindi rin ba niya nabasa yung invitation?

Hindi ko na lang siya pinansin. Poker face lang ako. Alam ko natigilan siya at nakatingin lang sa akin.

Tumugtog yung wedding march. Noon lang parang natauhan si Gelo at tumingin sa harap. Traditional Christian ceremony ang ginawang style ng wedding coordinator. Naunang naglakad si lolo Franz at lola Paz tapos yung grandparents nila kuya Ariston. Sumunod yung mama at papa ni kuya Aris then sa likod nila si mommy. Sa likod ni mommy si kuya Aris tapos sa likod naman nya yung mga bridesmaid at groomsmen, si Feliche at Jaytee yon at yung kapatid ni Gelo na si Arcel at si Neiel.

Nung turn na naming dalawa, hindi ko alam kung hahawak ba ako sa braso nya o ano. Tapos nung sumenyas yung wedding coordinator, tsaka ko lang

inilagay yung kamay ko.

Jusko lang. Sana hindi niya mapuna na nanginginig ang kamay ko. After almost four years, ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong physical contact.

Ang awkward.

Mabuti na lang saglit lang yung paglalakad dahil pumunta na siya dun sa harap, sa tabi ni kuya Aris tapos dun naman ako sa pwesto ko, kung saan ang maid of honor.

Sumunod sa amin si Shan bilang coin bearer, then yung Bible bearer at ring bearer. Tapos sila Yella na at yung mga pamangkin nila Gelo bilang flower girls. Ang ganda-ganda ng anak ko, may flower crown pa siya sa ulo.

Napansin kong nakatitig si Gelo kay Yella. Napapansin kaya niya ang malaking pagkakamukha nilang dalawa?

May lukso ng dugo ba siyang naramdaman pagkakita niya sa mga bata?

Maaaring meron pero hindi niya alintana kasi ang alam niya anak sila ni Jaytee.

Naging maayos naman ang kasal nila ate Shane at kuya Aris. Parang mas gusto ko ito kaysa doon sa una niyang kasal. Star studded kasi yung una tsaka ang daming tao, pero itong ngayon family lang at closest friends. Walang masyadong artista kundi yung mga kabilang lang sa pamilya at ilang kaibigan.

Naiyak ako nung nagsasabihan na sila ng vows nila. Hindi ko alam na simula pa pala noong grade school sila, gusto na ni kuya Aris si ate Shane. Kaya pala nanatili siyang single dahil si ate Shane lang yung gusto niya talaga. Kung hindi rin lang daw si ate ang end game niya, single na lang daw siya forever. Iyak nga ng iyak si ate, kung alam lang sana daw niya hindi na sana siya nasaktan pa.

Siguro kung natuloy yung kasal namin ni Gelo noon sa farm nila sa Batangas, baka nakakaiyak din yung vow namin. Imagine parang ganun din siya kay kuya Aris, nga lang 8 years old pa lang ako nung crush na ako ni Gelo.

Natapos ang seremonyas ng kasal at you may kiss the bride na. Naghihiyawan ang mga tao sa panunukso sa dalawa kaya tuloy yung kiss ni kuya Aris kay ate Shane ay smack lang. Mamaya na lang daw siya babawi kapag sila na lang. Nagtawanan naman yung mga guests sa sinabi ni kuya.

Heto na at picture taking na. Iniiwasan ko na makatabi ko si Gelo pero wala akong nagawa nung tawagin kami nung photographer para sa picture taking ng buong entourage tapos mayroon pang family ng bride at groom. Nakita ko pa yung girlfriend niya na kumukuha din ng picture.

Oo nga pala photographer nga pala siya.

Sa BGC ang reception. Naging abala na sila ate Shane sa pag-estima sa mga bisita matapos yung mga traditional activity. Mabuti na lang hindi ako ang nakasalo nung bouquet ni ate Shane kundi makakadaupang - palad ko na naman si Gelo dahil sa kanya napunta yung garter.

Sa kalagitnaan ng kasiyahan, bigla akong kinalabit ni Feliche.

" Cuz sumasakit ang tiyan ko. Samahan mo naman ako sa CR please." medyo naalarma naman ako kaya mabilis akong tumayo para alalayan siya papunta sa CR.

" Where are you going?" biglang tanong ni Jaytee na nasa tabi ko.

" Sumasakit daw ang tiyan niya Dada "

" Ha? Samahan ko na kayo. Ibibigay ko na muna itong dalawa kila mommy. " tumayo na siya at dinala si Yella at Shan kay mommy.

Nagmamadali kami ni Feli kasi parang nasusuka din daw siya. Nasa likod namin si Jaytee.

Sinamahan ko siya sa loob. Sumuka siya ng sumuka. Panay ang hagod ko sa likod niya. Nang matapos ay medyo nahimasmasan na siya. Natakot rin ako kahit paano dahil buntis siya

Lumabas na kami at agad namang nakaantabay si Jaytee. Iniupo niya si Feli dun sa bench tapos tinabihan niya. Hinagod niya yung likod ni Feli habang nakayakap si Feli sa kanya. Nasa harapan naman nila ako habang nakatingin sa kanila.

" Ikukuha kita ng tubig sa loob cuz." paalam ko tapos tumango lang siya.

Pagpasok ko ay nasalubong ko naman si Gelo na papunta naman ng CR.

Hindi ko siya pinansin, tuloy-tuloy lang ako sa loob. Huli na ng maisip ko na naroroon nga pala si Jaytee at Feliche.

Patay na ako nito pag nakita niya yung dalawa.

Ipinagkibit balikat ko na lang. Bahala na.

Medyo natagalan ako ng kaunti kasi hinintay ko pa yung waiter para sa bottled water na hiningi ko.

Nung makuha ko na yung tubig ay mabilis na akong bumalik kila Jaytee.

Pero bago ako makarating ay hinila na ako ni Gelo at dinala sa isang sulok.

Galit na galit siya at masama ang tingin na ipinukol niya sa akin. Taas baba ang dibdib niya sa mabilis na paghinga. Halatang nagtitimpi ng galit.

Nakatingin siya sa akin. Ibubuka ang bibig para magsalita pero hindi maituloy. Parang problemadong hinagod ng isang kamay niya ang likod ng ulo at tumingin muli sa akin.

" Anong problema mo?" medyo naiinis kong tanong. Hindi ako makagalaw dahil naka-diin yung mga kamay niya sa magkabilang gilid ko.

" Wala akong problema, ikaw meron! I saw your husband with your cousin and they were kissing. They are cheating behind your back." hindi ako sumagot. Tiningnan ko lang siya.

" Wala kang gagawin?" tanong niya. Medyo pagalit pa yung pagkakatanong niya.

" Wala!" maikling tugon ko. Parang problemadong-problemado siya sa narinig. Huminga siya ng malalim saka ako muling hinarap.

" My God! Aira ganyan ka na ba talaga ngayon?Hindi ako nagsakripisyo para lokohin ka lang nyang Jaytee na yan. " sabi nya. Ang lapit ng mukha niya sa akin at naamoy ko pa yung amoy mint na hininga niya.

" Sakripisyo? Anong sakripisyo sinasabi mo dyan? " mariin kong tanong.

" Noong makita ko kayo sa Canada na masayang nagsasama at may anak kayo, hinayaan ko na kayo, kahit tutol ang kalooban ko, nagsakripisyo ako para sa mga anak ninyo. Dahil alam ko ang pakiramdam ng hindi buo ang pamilya. Masakit pero kailangan kong magtiis. Nasira ang buhay ko nung mawala ka kasi Aira mahal na mahal kita. Tapos ngayon niloloko ka na ng asawa mo, wala lang sayo? At sa mismong pinsan mo pa? " he gritted his teeth. Dinig ko ang mabilis na paghinga nya.

" Gelo wala kang alam. Hindi mo ako pwedeng husgahan o si Jaytee dahil wala kang alam. Kung may nagsakripisyo man dito, ako yon. Ikaw ano ba ang ginagawa mo ngayon? May girlfriend ka, hindi ba kasal pa tayo? " tanong ko.

" Nauna ka Aira. Nagawa ko lang papasukin si Roxanne sa buhay ko dahil siya yung nandoon nung halos malugmok na ako sa sobrang sakit at kalungkutan. Siya yung umunawa sa akin at nag-ahon dahil nung iwanan mo ako nag self destruct ako. Hindi mo ako masisisi dahil nauna ka. " biglang tumulo ang luha ko.

Masakit marinig ito mula sa kanya mismo.Hindi ko man gustong iwanan siya noon pero wala akong choice. Ayaw ko siyang saktan pero nasaktan ko siya ng hindi ko sinasadya. Hindi rin biro ang sakit na pinagdaanan ko nung lumayo ako sa kanya. Luha ang madalas kong kasama noon dahil nawalay ako sa kanya at maging hanggang ngayon nasasaktan ako dahil mayroon na siyang iba.

Siguro malaman man niya ang totoo pero huli na rin ang lahat sa amin. Malalim na ang pinagsamahan nila ni Roxanne. Paano niya ito aalisin sa buhay niya? Nag-invest na sila ng feelings sa isa't isa. Ito rin ang tumulong sa kanya noong panahong akala niya pinagpalit ko siya kay Jaytee.

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa kanya. Nagulat ako nung masuyo niyang pinunasan ng palad nya ang mga luha ko. Lalo lang akong naiyak sa ginawa niya. Ganyan din kasi noon kapag umiiyak ako.

" Gelo, malaman mo man ang lahat hindi na rin magbabago ang sitwasyon na hiwalay na tayo at may mahal ka ng iba. Ayoko na rin malaman mo mula sa akin, hahayaan ko na lang sana na ikaw ang tumuklas. Gusto ko magsisi ka sa mga masasakit na salitang ibinintang mo sa akin nitong mga nakaraan.Gusto ko ikaw ang tumuklas para kung malaman mo ang totoo, masaktan ka upang kahit sa ganoong paraan maka-kurot man lang ako sayo. Sobrang sakit ang ipinaranas mo sa akin sa pagbabalik ko. Akala ko maayos pa natin pero nagkamali ako. Ikaw ang nagtaksil dahil may girlfriend ka habang nasa loob pa tayo ng matrimonya ng kasal natin. Ikaw Gelo at hindi ako. " panay na ang tulo ng luha ko.

" Anong ibig mong sabihin? "

" Si Jaytee at si Feliche talaga Gelo. Walang Aira at Jaytee. "

" What? "


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C154
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login