Baixar aplicativo
16.25% SOON TO BE DELETED 2 / Chapter 13: ♥ SPECIAL CHAPTER ♥

Capítulo 13: ♥ SPECIAL CHAPTER ♥

♬ Syden's POV ♬

Walang araw na lumipas na hindi ako nagtretraining. Paano ba naman kasi, masyado akong nira-rush ng mga lalaking 'to. As if namang kaya kong i-memorize lahat ng pinapagawa nila! Tsk!

Nakakainis talaga! Nakakainis...SOBRA!

Halos araw-araw kung anu-ano na lang ang tinuturo nila sa akin. Ang hirap naman kasing kabisaduhin ng tinuturo nila. Lalo na kapag ung leader ung nagtuturo. Tsk! Para atang obligasyon ko pa na kabisaduhin lahat ng itinuturo nila. Gusto ko lang naman magpaturo sa kanila for self-defense. Pero mukhang hindi na self-defense ang tinuturo nila sa akin ngayon eh.

Nakiusap ako sa nilalang na 'yon na turuan akong makipaglaban. First thing na kailangan ko raw gawin bago niya ako turuan is yung masanay na at maging matatag ang loob na makakita ng dugo, kahit gaano pa ito karami. Ilang beses niya akong hinarap sa mga estudyanteng pasikretong pinapatay at patay na, kahit hindi ko kayang tignan, pinakita ko sa kanya na manhid na akong makakita ng ganoon kaya tinuruan na niya ako ng self-defense. Although deep inside, hindi pa talaga ako ganon kamanhid, sa loob-loob ko, gusto ko ng sumabog pero pinilit kong tignan. Kahit masakit, pinilit kong lakasan ang loob ko.

At first ang saya ko ng turuan nila ako, pero ngayon...hindi ko na alam kung self-defense pa ba itong tinuturo nila sa akin.

"Syden. Sa tingin mo ba sa gitna ng labanan pwede kang magpahinga? Tumayo ka d'yan at ayusin mo ang sarili mo. Wala akong sinabi na pwede kang magpahinga" sambit nung nilalang na 'yon.

Ang sarap niyang kuyugin! SOBRA!!! Masyadong bossy. I'm not even one of his members pero hindi ko alam kung bakit sinusunod ko ang gusto niya. Nagpahinga lang ako kasi nakakapagod na. Magmula kaninang umaga hanggang ngayong hapon, wala pa akong pahinga. What's worst? Hindi pa ako kumakain. Gutom na gutom na ako.

Wala ata siyang balak na pakainin ako. Papatayin niya ba ako sa gutom?

"Fine. Eto na" tumayo ako at tinignan siya ng masama since masama din naman ang tingin niya sa akin.

"Sean" sambit niya sabay tingin kay Raven.

Pumunta ako sa gitna para umpisahan nanaman ang training. Nagkatinginan silang dalawa ni Raven. Tumango si Raven habang nakatingin kay Dean pagkatapos pumunta siya sa harapan ko habang nakatingin sa akin at nakangisi. Marunong na rin kasing mag-mayabang ang kapatid ko. Influenced by Vipers.

Pero bakit naman siya nasa harapan ko?

"Bakit ka nandito?" pinagtaasan ko siya ng kilay habang tinatanong ko 'yon. Hindi lang naman kasi siya yung pwedeng mag-mayabang.

"Isn't it obvious my dear sister? We're going to have a fight as part of your training" pagkasabi niya noon, nabigla ako kaya napatingin ako kay Dean.

"What?! Seriously?!" tanong ko kay Dean na nakangisi at parang tuwang-tuwa pa sa mangyayari.

"Why do I need to fight my brother?! 1 week pa lang akong nagtretraining tapos isasabak niyo na ako sa labanan?!" tanong ko sa kanila.

"Paano namin malalaman kung kaya mo ng lumaban kung hindi ka namin susubukan?" sagot naman ni Dave na nakangisi rin.

Pinag-usapan ata nila na pagkaisahan at inisin ako ngayong araw na 'to?

"1 week niyo pa lang akong natuturuan. Ano namang laban ko sa inyo sa loob ng 1 week training? I am not that professional to memorize all those moves vipers" pahayag ko sa kanila. This is so unfair!

"What if biglang magkaroon ng laban mamayang gabi between Vipers and Phantoms? Masasabi mo ba sa kalaban na you can't fight them just because you just had 1 week of your training?" tanong ni Nash. Whut?! Marunong na rin pala siya sa ganito ngayon?

Oo na. Hindi ko masasabi 'yon sa kabalan. Pero masyado naman nila akong nira-rush sa bagay na ito. Hindi ko pa man nga memorize lahat eh.

"This is so unfair!" sigaw ko sa kanila.

As usual, nakangisi lang silang lahat na parang pinlano talaga nilang pahirapan ako sa training na 'to. I shouldn't have asked him na turuan akong makipaglaban. Ngayon, eto ang napala ko. It's my fault now.

"Enough. Just start the game" wika nung nilalang na 'yon.

Nginisian muna ako ni Raven and suddenly bigla niya akong nilusob as if we are not siblings. He's a traitor after all. Traydor siya eh. I did not have the choice but to fight him as well. Gagamitin ko na lang lahat ng techniques na natatandaan kong itinuro nila sa akin kaysa naman sa matalo ako ng hindi lumalaban. Mas maganda ng mamatay ng lumalaban.

Noong umpisa, naitutok ko sa kanya ang kutsilyo kaya I thought nanalo na ako. Pero nakatakas siya sa bitag ko kaya bumaliktad ang mundo at ako naman ang tinutukan niya ng kutsilyo ngayon. Makakatakas na sana ako pero kapag gumalaw ako, it would be my end. In the end, natalo ako. Ilang segundo lang 'yon pero kung totoong laban ito, malamang ngayon, naghihingalo na ako.

Binitawan na ni Raven ang hawak niyang kutsilyo kaya inayos ko na rin ang tayo ko habang naghahabol ng hininga. Sobrang bilis ng pangyayari pero sobrang pagod na din ako.

"Sa kapatid mo pa lang wala ka ng laban, paano pa kaya sa iba?" tanong ni Carson. Alam ko naman 'yon. I'm doing my best to win. Tsk!

"I know" tipid kong sagot.

"Fine. Hangga't hindi mo aayusin, dadagdagan ko. Dave?" tinignan niya si Dave at sinenyasan ito.

Maya-maya pumunta rin si Dave sa tapat ko at inaayos ang porma niya na parang excited siya. Wait?! Don't tell me...siya naman yung ilalaban sa akin?! Hindi pa ba sapat na si Raven lang yung ilaban sa akin?! No way!

"Dba sinabi mo na, na kay Raven pa lang wala na akong laban? So what's this?! Ngayon si Dave naman?!" tanong ko sa kanya.

"Did I say na si Dave lang? Your brother and Dave will fight you" whut?! No way!!!!

"Seryoso ka ba?" tanong ko sa kanya. Tell me no, Dean.

"Hanggat hindi mo seseryosohin, dadagdagan ko" sambit niya.

Seryoso naman ako sa ginagawa ko. Ano bang problema niya? For the 2nd time, I am doing my best to win.

Hindi pa man ako ready, nilusob na ako ng dalawa at sabay pa sila. Kailangan ba talagang maging agresibo sila?

Bigla akong hindi nakagalaw dahil ipinalupot ni Dave ang braso niya sa leeg ko but I managed to escape kaya hindi pa doon natatapos ang lahat. Habang kinakalaban nila ako, wala akong ibang magawa kundi iwasan lang lahat ng tira nila dahil hindi ako makapag-offense. Halos defense lang lahat. Siguro mas maganda kung hintayin ko munang mapagod sila bago lumusob. Pero mukha atang hindi sila napapagod at mas nauna pa akong mapagod kaysa sa kanila.

In the end, natapatan ko ng kutsilyo si Raven pero hindi ko napansin si Dave kaya napatumba niya ako. And now, corner na ako at wala ng takas.

Tinignan ko na lang silang dalawa habang nakatayo sa harapan ko, "Let's take a rest for now" biglang tumayo ang nilalang na 'yon para umalis. Let's take a rest for now daw wala naman siyang ginawa para mapagod. It should be me to take a long rest. Tinulungan naman ako nina Raven at Dave para makatayo. Tinignan ko lang silang dalawa dahil hindi ko magawang ngumiti dahil sa sobrang pagod.

Bigla akong napatingin sa nilalang na 'yon na kausap si Nash. Pero napatingin din siya sa akin, "Nagpaturo ka sa akin kaya huwag kang magreklamo. Tiisin mo" sambit niya. Anong klasing pagtitiis pa ba ang gusto niya? Tinignan ko na lang siya ng masama sa sobrang pagkainis.

"Last fight, siya ang kalaban mo. Ang araw na iyon ang kailangan mong paghandaan" sambit ni Dave kaya tinignan ko siya.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Last part ng training iyon. Hindi niya iisiping kakampi ka niya at kapag naglaban kayo, kailangan mong tiisin ang sakit at hirap. Dahil wala siyang pinipili, totoong susugatan ka niya na parang isa kang kalaban, kahit gaano kalalim ang sugat na iyon, kailangan mong tiisin at lampasan. Kapag nalampasan mo iyon, it means malakas ka na at kaya mo ng lumaban sa iba" pahayag niya.

Totoong susugatan? Kailangan kong tiisin ang sakit at hirap, kahit gaano kalalim ang sugat. Kapag nalampasan ko iyon, ibig sabihin kaya ko ng lumaban sa iba. Sa dugo pa lang takot na ako, paano pa kaya sa sugat na makikita ko sa sarili ko. Dean Carson, you're really a devil.

"Lahat kami, kinailangang lampasan 'yon bago kami tuluyang nakapasok sa grupong 'to. And now here we are, malakas at makapangyarihan. Kinakatakutan at ginagalang" pahayag ni Dave.

Tinignan ko ang direksyon niya at sakto namang napatingin siya ulit sa akin habang kausap niya si Nash, "After 3 days" sambit niya bago tumalikod ulit at nagumpisang maglakad papalabas. Bago siya tuluyang lumabas huminto siya at tumingin sa gilid niya, "Tayong dalawa ang maglalaban" sambit niya na muntik ko ng ikinamatay.

Ganon ba kalaki ang expectation niya sa akin?!

Hinarapan niya ulit ako at medyo malayo ang distansya namin. Napansin kong may isang bagay na papalapit sa direksyon ko kaya pinigilan kong tamaan ako nito at tinignan ko ito sa kamay ko, "Use that on the day na maglalaban tayo" ani niya. Isa itong kakaibang kutsilyo na imbis na katakutan ko sa sobrang talim, nabighani ako dahil sa kulay bughaw ito.

"Ikaw?" tanong ko sabay tingin sa kanya.

"I don't need any weapon" sagot niya. Bakit hindi niya na lang sabihin ng diretso na hindi na niya ako kailangang gamitan ng armas dahil madali lang para sa kanya na talunin ako?

Pagkatapos non, tuluyan na siyang umalis. Sinundan na rin siya nila Raven at Dave at ng iba pa kaya nahuli ako sa pagsunod sa kanila. Bago ko sila hinabol, tinignan ko muna ulit ang kutsilyong ibinigay niya. Ngunit pagkalabas ko sa training place namin, naalala ko ang itinuro nila sa akin. Ngayon, kahit hindi ko nakikita, alam kong may nakatingin sa akin. Bigla akong tumingin sa lugar kung saan pakiramdam ko ay nandoon ang taong nakatingin sa akin.

May isang lalaking naka-black hood na katulad ng kay Nash. Nakatingin ng masama sa akin at higit sa lahat, sobrang pula ng kanyang mga mata. Nang tignan ko ng maayos ang mga mata niya, it seems familiar.

To be continued...


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C13
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login