Baixar aplicativo
83.09% SOMEONE'S SPECIAL / Chapter 59: CHAPTER 58

Capítulo 59: CHAPTER 58

AMIRA'S POV

Kumunot lang ang noo kong nakatingin sa direksyon nina bestfriend. Hindi ko aakalaing magkasama sila na parang hindi kinuha ng mga yun! Well, siguro kasi ngayon tumutulong na sila sa amin. I don't know how to thank them for saving us especially for saving nat who's still sleeping in the other room.

I look at him. Smoking. Hindi ko alam na naninigarilyo pala siya. Hindi ko nga siya masyadong kilala dahil lahat ng pinakita niya noon sa bahay ay kalokohan lang pala. Naalala ko! May gusto pala siya kay bestfriend! So kaya sila nandyan??! To talk about themselves??!--it hit my heart!

"Hello po" gulat akong napalingon sa likod nang may bumati.

"H-hello?" humarap ako sa hagdan para itago ang pisngi kong may peklat. Napatingin naman ako kay linc na paakyat na.

"Pinapasabi ni grace na matatanggap mo rin na wala na sila" nagkatinginan kami ni linc habang pinapakinggan yung bata "Kasi kami din nawala na papa nina kuya tapos yung sa amin din ni grace pero ilang araw lang masigla na ulit kami ni grace"

"B-bakit?" umiwas na ako at humarap ng konti sa bintana. May mga kapatid pa ba siy--

"Mas happy kami dahil kasama na nila si papa jesus at hindi na sila maghihirap dito sa mundo kasi po kung sa kanya lahat masaya tapos binibigyan palagi ni papa jesus ng gift pero mas hindi po maganda na kunin yung buhay natin kasi siya lang kumukuha nun, kaya kahit matagal pa niya kami kunin dito muna kami manghihingi ng regalo" nagulat na naman ako dahil lumapit siya sa akin at nilahad ang mga kamay na parang may hinihingi.

"Santi, anong ginagawa mo dito?" nakaakyat na siya kaya iniwan ko silang dalawa at pumasok sa kwarto tsaka humiga ulit. 

N-natamaan ako dun sa sinabi niya ah! How can he talk to me like that? How old is he?? He is thinking like we are in the same age. Si linc matatanggap ko pa sana kaso bata siya! Bata yung kaharap ko at mas matatag pa siya kesa sa akin. I didn't expect from a kid like him.

"Kuya sinisingil ko lang siya"

"Ng ano?"

"Regalo kasi nangako siya na bibigyan kami ng regalo kapag nailabas namin siya sa kwarto sa bahay" napatigil ako nang maalala ko yung sinabi nung gabing yun. Bakit hindi pa nila nakalimutan?!

"Pwede bang sa labas ka na muna maglaro?"

"Oh sige kuya pero sandali lang po" pinakinggan ko lang sila sa labas. Hinawi naman nung bata ang kurtina kaya inayos ko ang kumot "Excuse me po pero kung wala po kayong maibibigay sa amin maglaro na lang po tayo sa labas kapag ayos ka na po"

"Go now santi" mahinahong sabi ni linc. Narinig kong tumakbo na siya pababa kaya tinakpan ko ang mukha ng kumot "I'm sorry"

"I'm fine"

"Alam kong masakit sa simula pero sa huli matatanggap mo rin"

"It's hard" tumahimik siya saglit kaya pumikit na ako at inalala ang sinabi nung bata "He was right, they were right--but I can't because it's hard"

"I'm just waiting outside, call me if you need me"

BEA'S POV

Umakyat ako sa itaas ng bahay para hanapin si kuya. Ewan ko sa kanila basta basta na lang nawawala! Sumilip ako ng konti sa kwarto ni bestfriend at natutulog pa siya. Wala din dito.

*sigh* sadya ko talagang magpasama sa kanya! Haays! Lumipat na naman ako sa kwarto ni miss nathalie kaya nagulat ako nang pagsilip ko ay nandun si cj na pinapakain si miss nat. 

"Hi?" nahihiyang bati ko. Sabay silang napalingon sa akin kaya ngumiti ako "Kamusta ka na miss nat?"

"Ayos lang" walang ganang sagot niya.

"Kung maisipan mong lumabas huwag kang magdalawang isip, nasa labas ang dalawang kapatid ko kaya sasamahan ka nila sa pamamasyal"

"Don't need that" tumingin ako kay cj tsaka napakagat na lang sa labi at umalis na. Bakit kaya sila magkasama? May something talaga sa dalawang kasama ni kuya. Noong una kasi sobrang against nila kay bestfriend pero bigla na lang naging ganito. Lalo na sina c-cj at nat.

AMIRA'S POV

Tahimik lang ang buong bahay pero rinig ko ang ingay ng mga bata sa labas. I should get up now. I should stand up and bring everything back. I got a dream last night and I saw kuya and papá with a woman who I don't know. They are telling me to get up.

"Lin--bea?" sumilip ako ng konti sa may pinto at walang ibang nakita kundi ang pahabang upuan lang. Walang ibang nakalagay dito. Dahan dahan akong tumayo at sumilip saglit sa tinutulugan ni nathalie "You should get up nat"

"Leave me alone weirdo" bumuntong hininga ako.

"We will go home soon so better ready ourselves"

"I don't want to go home"

"Kiddo, I will bring you with me, you still have to finish your studies out there" napatingin siya sa akin ng konti at pinahid pa ang mukha niyang basang basa.

"Why do you care? Besides I was so mean to you before"

"You can be mean but ate zaira is the most among all" biro ko. D-did I just said that? Humiga lang siya ng maayos at hindi na ako pinansin.

Maingat akong bumaba sa hagdan at sumilip pa dahil sobrang tahimik din. Gabi na pala? Baka natutulog sila. Nakakita ako ng tv kaya binuksan ko yun at humanap ng balita tungkol sa amin. Laman kami ngayon ng balita kaya hindi malabong makakita ako dito.

"Nahuli po ng mga pulisya si Zaira Smith! May nakakita po sa kanya sa batangas at hindi po nagdalawang isip na tumawag ng pulis! Marami po ang naalarma dahil sa takot na baka pati sila idamay ng dalagita" may lumabas na picture niya na pinagkaguluhan ng mga tao. Tama lang yan sa kanya. Hindi na pala ako mahirapan sa pagsampa ng kaso sa kanya dahil si tita na ang gagawa nun.

"Agad na hinarap ni mrs.smith ang dalaga at hindi po inaasahan ng lahat na magwala siya! Marami po ang naawa sa ginang dahil sa masamang trahedya na nangyari sa pamilya niya, ngayon po inaasahan ng lahat na hindi makakalusot ang dalaga sa kasong haharapin niya!"  pinatay ko na ang tv at nilibot ang paningin. 

First thing to do--take my bath. Nakita ko agad ang maliit na paliguan kaya nagdalawang isip pa ako na pumasok. Wala akong nakikitang faucet dito pero may maraming tubig sa malaking drum.

"Hello po?"

"Ah!" gulat akong lumingon sa likod. Si santi at siguro siya si grace.

"Sorry po nagulat namin kayo pero ano pong ginagawa niyo?" tanong ni grace.

"G-gusto ko lang sana maligo"

"Sige po maligo na kayo! Kukunin ko lang po yung tuwalya ko!" tinulak nila ako papasok kaya wala akong nagawa. Baka kasi maubos ko ito at may gagamit pa ng iba "Ate nandito po sa labas ng pinto ang tuwalya ko!"

"S-salamat" minadali ko ang pagligo kaya nung matapos ako ay kinuha ko agad ang tuwalyang nilagay ng mga bata. Ahh! Pambata! Dora pa ang design! 

"Ate maganda yan kasi naglabas labas ka na po sa kwarto. Nagaalala na po sila ng sobra lalo na po si kuya linc---"

"Salamat" pagputol ko nang makalabas na ako. Tahimik akong umakyat sa hagdan pero napatigil din nang bumukas ang isa pang pinto.

"Alam niyo--Lumabas kayo!!" sigaw ni bestfriend at tinulak yung dalawang lalake na kasama nila. Gulat akong humarap sa kanila at hindi gumalaw.

Tinapon naman ni linc ang hawak niyang sigarilyo at lumapit sa akin tsaka pinasuot ang jacket na suot niya kanina.

"Sakto anak, kumain na tayo" yaya ni nanay at nilagay ang mga pagkain sa mesa. Tumango lang ako at tinignan muna si linc.

"Sasamahan ko lang siya, ihanda niyo na ang makakain niya" sumunod lang siya sa akin kaya pumunta na ako sa kwarto.

"I'm fine here, I need to be alone first"

"Do you have something to wear?" tinanggal ko na yung tuwalya at sinampay sa gilid ng bintana.

"I'm fine with this jacket" sagot ko at hihiga na sana nang may iabot siya sa akin at lumabas.

"Hurry up, we will eat together" tahimik akong nakatayo dito habang nakaharap sa pinto. Tapos ko ng isuot ang shorts kaya nakatunganga lang ako dito"I'm serious. Get out and we will eat together"

"Nagbago na isip ko"

"It's not time to change your mind get out"

"Part ba yan ng trabaho mo?" nagulat ako nang bigla niyang buksan ang kurtina. Nung una akala ko magagalit siya dahil nagsalubong ang mga kilay pero bigla na lang nawala. Ilang minuto lang ay umiwas na siya at umalis ng walang sinabi "It's because of that will. You actually didn't care"

"If I didn't care I wasn't at your side now!" medyo tumataas na din boses niya.

"You're at my side because you kidnapped me first. Nadawit ka na dito kaya sumama ka"

"Paniwalaan mo yang sinabi mo!! Gaano kahirap para sayo na paniwalaan mo ulit ako?" huminga ako ng malalim pero usok lang ang naamoy ko kaya dahan dahan akong sumilip sa labas ng kurtina.

"Why are you smoking?" nagulat siya kaya tinapon niya yun sa labas at humarap sa akin. 

"I'm sorry I shouted at you" hindi na ako gumalaw dito dahil siya na mismo ang lumapit "I-I'm just thinking of something. Let me check your wounds"

"N-no need" nakatingin lang ako sa kanya habang sinusuri ang mga kamay ko tapos sa noo. Hinawakan pa niya ang pisngi ko at sinalubong ang mga tingin ko.

"Masakit pa rin?" napagtanto niya atang wala akong balak na sumagot kaya tinuon niya ulit ang pansin sa mga sugat "Hmm they are healing. You're getting fine amira" 

"You don't have to do that because I know you don't care. Afterall, it's all about the will. Don't worry I will give it to you when we get home. You know how that will works" sumeryoso ulit ang mukha niya pagkatapos bumuntong hininga. 

"May I ask you something?"

"What?"

"Nung b-bago" umiwas ako ng tingin pero hinawakan niya lang ang baba ko at pinaharap ulit sa kanya "Bago ka namin kinuha, ano yung dapat mong sabihin sa akin?"

"I don't have s-something important to say" naaalala niya pa yun?

"Is it really unimportant?" tumango lang ako at tinabig ang kamay niya "Then I have so important to say to you"

"Linc I don't have ti--"

"You are the best and special thing happened to me" lumapit pa siya kaya napatingin ako sa mga mata niyang nakatingin sa labi ko. Tinulak ko agad siya bago pa may mangyari.

"Then opposite to me" napakamot ako sa batok at tuluyan ng umiwas sa kanya. Yeah I lied. I lied without any reason. I don't know "I want to eat, just bring my food here. Ayoko na talagang bumaba"

"Ahh" pilit siyang ngumiti at may kinuha sa likod tsaka tinapat sa akin. Umiwas siya ng tingin kaya tinignan ko ang pulang rosas

"This is not from dunkan or ace right? Please stop receiving something from them!"

"This is for the fourth time I gave you this" sabi niya kaya nagtaka ako. Nung sa labas kami ng bahay. Nung dumating sina tita. Sa opisina ni ate--at ngayon. It's all from him?! A-akala ko binigay yun nila.

Hahawakan ko na sana ang kamay niya pero sakto ding yun ang pagtalikod niya at bumaba na. Hindi niya ata yun napansin kaya hindi na ako kumibo.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C59
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login