Baixar aplicativo
97.5% Protector's Love / Chapter 39: Chapter 39

Capítulo 39: Chapter 39

Nakabalik na ng Maynila ang ORION kasama si Valerie. Gusto mang ihatid ni Iggy ang pinsan ay hindi pwede dahil madami pang gagawin ang PHOENIX lalo at mas madami silang paper works at reports na gagawin patungkol sa mga nangyari sa pagitan nila at sa grupo nila Ka Mario.

Hindi naman agad pumasok si Valerie sa ospital dahil hindi siya pinayagan ni Luke at sinuportahan naman ito ng mga magulang niya at mga magulang ng binata. Tumawag din si Hendrix na magpahinga muna siya ng ilang araw bago muling magtrabaho.

Wala namang nagawa si Valerie kungdi sumunod sa kagustuhan ng nakakadami dahil ayaw na din niyang kulitin siya ng mga ito.

"Morning, Hon! Breakfast in bed?" Ngumiti siya ng sa kanyang pagdilat ay ang gwapong mukha ng boyfriend ang nasilayan niya.

Nakangiti namang lumapit si Luke sa kama ng dalaga. Pagkatapos ibaba ang tray na may lamang fried rice, hotdog, bacon, ham, longganisa at tocino ay hahalikan sana niya ang dalaga pero bigla itong nagtalukbong ng kumot.

"Hindi pa ako nagmumumog." Sabi ni Valerie na kinangiti ni Luke. Inalis ng binata ang kumot na nakatakip sa dalaga saka hinila ito patayo. Niyakap ni Luke ang dalaga at gumanti naman ng yakap si Valerie.

Magkayakap pa din ang dalawa ng sabay na tumunog ang kanilang mga tiyan. Natawa sila ng sabay. Bumitaw si Luke sa pagkakayakap sa dalaga at iniharap ito papunta sa CR.

"Magmumog ka na, nag-aalburoto na ang mga bulate sa mga tiyan natin." Sabi ni Luke at nagsimula ng maglakad si Valerie papunta sa CR pero nagulat siya ng yakapin siya mula sa likod ng binata. Nagpatuloy si Valerie sa paglakad papunta sa CR ng nakayakap sa likod niya ang binata.

.......

Matapos kumain ng sabay ng umagahang hinanda ni Luke ay bumalik ang binata sa kanyang unit para maghanda naman para pumasok. Nakasunod sa kanya si Valerie na nakahaba ang nguso.

Natatawa si Luke sa itsura ng dalaga pero kailangan niyang pumasok dahil kailangan magreport ng ORION sa kanilang opisina.

Matapos maligo at magbihis ay nilapitan ni Luke ang dalaga na nakaupo sa kanyang sofa.

"Hon..." Hindi pinansin ni Valerie ang pagtawag sa kanya ni Luke. "Hon..." Muling tawag niya sa dalaga pero nagulat siya ng bigla itong tumayo at yumakap sa kanya. Ang dalawang kamay nito ay nakapaikot sa kanyang leeg at ang dalawang paa naman nito ay nakapaikot sa kanyang bewang. Napangiti si Luke pero naalis ang ngiti niya ng bigla siyang halikan ni Valerie.

Naramdaman ni Luke ang pag-iinit ng buo niyang katawan dahil sa paghalik na ginagawa ni Valerie sa kanya.

Nagdiwang naman ng lihim si Valerie dahil effective ang panunuksong ginagawa niya kay Luke.

Nagsimula ng bumigay si Luke sa dalaga pero nagpasalamat siya ng may kumatok sa pinto. Si Valerie naman ay tumingin sa pinto na naniningkit ang mga mata.

"Valerie!!!" Kulang na lang ay sumabog ang tainga ng dalaga sa tinis ng boses ni Abigail. Agad niyakap ng bagong dating ang kaibigan.

Nakita ni Luke na nakatayo si Andre sa pinto ng unit ni Valerie habang buhat ang anak nito. Agad lumapit ang binata sa kaibigan pero kumunot ang noo nito ng ngumisi ito saka ngumuso na may tinuturo sa kanyang baba. Nang yumuko siya ay nakita niya ang ebidensiya ng ginawa ni Valerie kanina.

"Naka-istorbo ba kami, Cap?" Nakangising tanong ni Andre. "Oo pero buti na lang at dumating kayo kung hindi ay baka hindi ako nakapasok ngayon dahil sa kalokohan ni Val." Iiling-iling na sabi ni Luke na pilit pinapakalma ang sarili.

.......

Nang makaalis na sila Luke at Andre ay pumasok na sila Valerie at Abigail sa unit ng una. Tuwang-tuwa si Valerie sa inaanak.

"Manang-mana ka talaga sa ninang." Sabi ni Valerie. "Sa akin kaya galing 'yan, bakit sa'yo magmamana?" Sabi naman ni Abigail.

Matapos panggigilan ay hinayaan na ni Valerie na makatulog ng tahimik ang inaanak. Alam naman niya kung bakit nandito ang kaibigan kaya sinimulan na niyang ikwento ang mga nangyari.

.......

"Tiyak namang papayag si Director sa plano mo. At alam mo na susuportahan ka namin lalo at para naman sa iba ang gagawin mo." Sabi ni Abigail matapos madinig ang kwento ni Valerie.

"Kaya lang ay hindi pa kita masasamahan sa pagbalik mo doon. Pero bigyan mo lang ako ng two weeks..." Hindi natapos ni Abigail ang sasabihin dahil nagsalita na si Valerie.

"Nandoon naman sila Sarah at Hazel at bago pa man ako bumalik dito ay kinausap ko na sila at pumayag din sila agad-agad. Hindi naman tayo pwedeng magsabay-sabay ng alis dahil sa mga pasyente natin dito." Sabi ni Valerie. "Pagbalik mo sa ospital ay kausapin mo na sila Archer, Genesis, at Mia para maayos mo na ang mga dapat gawin." Tumango naman si Valerie. Naputol ang kanilang pag-uusap ng muling may kumatok sa pinto.

"Valerie!!!" Muling sumakit ang tainga ng dalaga sa sabay-sabay na boses nila Mia, Archer, at Genesis. Halos mapiga din sya ng sabay-sabay din ang mga ito na yumakap sa kanya. Kasabay ng pagyayakapan nila ay ang pag-iyak ng anak ni Abigail.

Natatawa na naiiling si Valerie dahil ng madinig ng kanyang mga kaibigan ang pag-iyak ng bata ay nag-uunahan ang mga ito na pumasok sa kanyang unit at naiwan siyang mag-isa sa pinto.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C39
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login