Baixar aplicativo
24.56% Pagdating Ng Panahon / Chapter 14: Chapter 14: Mabait

Capítulo 14: Chapter 14: Mabait

Mabait naman pala.

O nagbabait-baitan dahil andito sya sa puder ni Papa?.

Who knows?. Di ko din alam kasi nga, di ko sya kilala. Bagong kilala pa. At parang, naiinis ako kapag inamin ko sa sarili kong gusto ko pa syang kilalanin pa.

At bakit?.

Nagkibit balikat ako sa likod ng isip. Bakit nga ba?. Teka. I'm thinking. Don't pressure me.

"Ate, may tawag ka.." mula sa sala. Narinig ko ang boses nitong si Karen. Napatingin ako kay Poro na abala pa rin sa pagsasalang ng mga lumpya.

Tinanggal ko ang suot na apron saka ipapatong lang sana sa mesa ng, "Can you please put that apron to me?. Baka kasi matalsikan damit ko.." ngumunot ang noo ko.

"Bakit di nalang ikaw?. Tsaka saglit lang naman ako. Babalik din agad.."

"Sige na... para di na ako uuwi pa mamaya.. may pasok pa ako.." he explains. Tinitigan ko sya. Pinag-aralan ang mga galaw ng likod nya't hanggang braso. He seems, telling the truth. Walang bakas ng pagkukunwari sa kanya. Sinulyapan nya ako. Naramdaman din siguro ang paninitig ko. "Para mabilis.. isusuot mo lang naman.." lalo ko pa syang tinitigan ng humarap sya sakin. Itinaas ang kamay na may hawak ng sandok. Bahagyang lumapit sakin. Napalunok tuloy ako ng makita ang Adams apple nya. Kingwa! Bat pati yun, parang eksakto ang hulma?.

Talaga lang Ken, ha?. Umayos ka nga!.

Inipit ko ang labi at pinilit wag ipakita na kinabahan ako bigla sa pagharap nya. Kinuha ko nalang ang apron at basta nalang yun isinuot sa kanya. "Balik ka agad?." I can't think if his last statement is a question or just a phrase. Hindi ko na iyon inisip pa ng dali dali akong lumabas ng kusina para daluhan ang sinasabi ni Karen.

"Where's my phone?." hinanap ko pa ito dahil di ko alam bakit bigla akong naging ulyanin. Tanda ko iyon kung saan ko nilapag pero sa oras na to. Wala na akong maalala. Sa kaba na nadarama ko. Nilalamon na nito ang isipan ko kung kaya't dinaig ko na si Papa sa pagka-ulyanin.

"Sa taas ng tv ata. Dyan galing yung tunog kanina e." turo pa ni Karen. Not even sure kung andito rin ba ang hinahanap ko o hinde.

Sa kalituhan. Pinuntahan ko rin ang tabi ng tv. Nadismaya lang din ako ng walang makita. "Wala dito, Kaka.."

"Saan mo ba kasi nilapag kanina?."

"I can't remember anymore.. tawagan mo nga.." utos ko pa sa kanya.

Tinawagan nya naman. May tumutunog. Sa tabi ni Aron. Naipit iyon ng unan at isang bag na itim. Di ko alam kung kanino.

Nataranta ako sa totoo lang. "Sino si Troy?." Aron read the caller id on my phone. Agad ko yung hinablot sa kamay nya. Lahat tuloy sila ay nacurious. Sa akin na ang tingin imbes na sa TV sana. Okay lang sana kung binasa nya ito silently pero hinde e. He read it loudly na kahit nasa kusina ka. Maririnig mo ito.

"Ate ha?. Sinong Troy yan?. Kilala ba yan ni Papa?." nagtanong na ngayon si Karen. Alam ko ring curious na ito kung sino nga ang tumatawag. "Ate?." hinabol pa nya ako pero di ko na sya pinansin ng lumabas ako para sagutin ang maingay na tawag.

I walked away from them. Nagtataka sa kung bakit tumatawag itong tao na to. "Yes?." suplada kong sagot rito. Lumabas ako't sa may gate tumayo. Tapos na kami. Tinapos na nya iyon. Ano pa ito at kailangan nya pa akong kausapin.

"Hello Ken.. ahmm.." I heard him sigh. Is he nervous?. Why?.

"I'm busy right now Troy. What is it?." kulang nalang talaga. Umusok ang ilong ko dito sa kinatatayuan ko. Namaywang na ako sa kabagalan ng tugon nya. "Kung wala ka namang sasabihin. I have to put this down.. marami akong ginagawa.." ibababa ko na sana ang tawag ng nagsalita na sya.

"Can we, talk about us?."

Natigilan ako. Anong pag-uusapan pa?. Tinapos na nya ang lahat samin hindi ba?. What's up on him now?. Lasing ba sya?.

"We are already done Troy.. diba, tinapos mo na ang namamagitan sating dalawa?. Why this?." yumuko ako't sinipa ang isang sapatos sa may pintuan. Nakita kong tumalsik iyon sa labas ng gate kaya pinulot ko din agad iyon. Abnoy lang.

"Gusto pa rin kita Ken.." I heard him left a heavy sigh. "And I regretted that..." he paused. "that... I left you.."

Buti alam mo. Sa isip ko nalang ito sinambit. Dinampot ko ang sapatos saka binalik sa harap ng pintuan. Tumayo na rin ako dito. Nakapamaywang pa. Nahagip ng mata ko na nagsitayuan sila sa sala. Parang paalis na o may pupuntahan pa. I don't even know.

"What do you want?." mataman kong tanong.

"To get us back.." ha?. Ganun lang kadali sa kanyang sabihin na tapos na kami tapos ngayon, gusto nya ulit, kami?. Hibang ba sya?. O nababaliw na?.

"Stop playing games with me Troy.. sinabi mo lang sakin noon na ayaw mo na, tapos heto ka ngayon, gustong ibalik ang dating tayo?." umiling ako sa pagkadismaya. "Hindi na maibabalik ang nakaraan Troy.." kahit linggo lang yata kami naging. O taon pa. Hindi na iyon maibabalik basta ang lahat. Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako't seryoso din sa naging desisyon kong ito.

"Ate, nasaan yung suka natin?." si Karen mula sa loob. Bat sakin nya pa hinahanap?. Nainis ako lalo.

Katahimikan. "Ate, di ka pa ba tapos dyan?. Kailangan na ni Kuya Poro ng kapalit rito.. May pasok pa sya." hindi na nakuntento pa si Karen. Lumabas na sya't sinabi ito sa tabi ko. "Tsaka.. kung pwede.. pahatid naman sya sa school nila.. wala kasi syang dalang sasakyan.. pinaayos pa raw.." gusto kong sabunutan tong kapatid ko sa daldal nito.

"Who's Poro?. Your new suitor?." may halo ng inis ang himig ni Troy sa kabilang linya. Gustuhin ko mang sabihing hinde. Itinikom ko nalang ang labi at hahayaang ganun nga ang isipin nya para tigilan na nya ako. Pagod na akong makipaglaro sa gusto nya. Ayoko na.

Maya maya. Lumantad na sa harap ko ang bulto ni Poro. "I'm sorry Ken.. I have to go.. malelate na ako.." anya na bastang umupo sa gilid at kinuha yung sapatos na syang sinipa ko palabas kanina at sinuot iyon. Sa kanya pala yun?. Pati yung bag na nakadagan sa phone ko bago mahanap. Kanya?. Really?.

"Ahm.. I'm sorry Troy. I have to go.."

"Kendra, liligawan ulit kita.." huling dinig ko sa linya ni Troy bago ko binaba ang tawag nya.

"What about Kian?. His car?. Where's Aron?." hanap ko sa mga kaibigan nito. Nagtataka sa pagmamadali nya.

"Nag-iinuman na sila Ate.. pasensya na. Ikaw nalang please ang maghatid.."

"It's okay, Karen. I can handle.." ani Poro pa na inayos ang bag sa balikat. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Wait me there.. I'll drive you.." papasok na sana ako para kuhanin ang susi ng sasakyan ng iharang na sakin ni Karen ang kamay na hawak ang susi ko.

Di na tumugon si Poro at hindi ko na napansin kung saan galing yung hawak nyang makapal na aklat ngayon. "Dali na Ate.." natigilan kasi ako kaya't kinawayan pa nya ako. Noon ko lang napansin na, nakalabas na pala si Poro.

"Oo na." nagmadali ako't pinaandar ang sasakyan. "Drive safely please.." dinig kong bilin nya pa bago ako pumasok sa loob.

Huminto ako sa harapan ni Poro dahil mukha ngang ngarag na ang oras nya. "Salamat. Mabait ka naman pala.." natawa nalang ako sa impresyon nyang ito sakin. Mabait?. Ako?. Di nga?.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C14
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login