"I never wanted to be a part of this.", rinig ko ang tila pagkairita ng kaniyag boses. Ang kaninang kulay asul niyang mga mata ay bumalik sa dati at kitang-kita ko kung gaano kapait ang kaniyang paninitig. Itinigil niya ang kaniyang pagkain na para bang nawalan na siya ng gana dahil sa aming usapan. Hindi din nakaligtas sa aking paningin ang pagkuyom ng kaniyang kaliwang kamao.
"I...I don't know what to say.", bakas ang tila pagkatalo sa aking boses at nag-iwas na lamang ako ng tingin dahil hindi ko naman nalalaman ang dapat kong sabihin sa kaniya. Wala akong alam sa binabalak ng Dyosa ng buwan at kahit ako ay hindi siya naiintindihan.
"Don't you have any alcohol in this freaking world?", iritable nitong sabi sa akin at agad na bumaling ang tingin ko sa kaniya. Halo-halo ang nakikita kong emosyon sa kaniya ngunit namumutawi ang pagkairita. Yes! We have alcohols in this world kahit kami ay may karapatan din maglasing dahil hindi lang naman mga mortal ang may problema sa buhay.
"Hindi mo na kailangan pa na mahirapan maghanap.", mabilis kong saad at agad niya akong tinignan nang nakakunot ang noo. Wala na akong inaksaya pa na oras at agad akong tumayo at iniangat ang tela na nagtatakip sa ilalim ng mesa at walang ano-ano pa man ay kinuha ko ang isang malaking bote ng alak at mabilis itong ipinatong sa mesa. Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa pagkagulat na may alak sa ilalim.
"Why do you have that?", agad niyang tanong habang nakataas na ang kaniyang kilay. Agad akong napangisi dahil sadyang may katarayan ang mortal na ito pero agad ko naman naalala kung bakit nga ba ako may dala na ganito.
"Kung hindi epektibo ang pang-aakit mo sa kaniya ay daanin mo na lang sa ganito.", agad na iniabot sa akin ni Tiyo ang bote ng alak na kinuha ko naman ng hindi na masyadong nag-iisip.
"What will I do with this?", mataray na pagtatanong ko sa kaniya na siya naman niyang nginitian. Minsan talaga Tiyo pakiramdam ko na kapag sinusungitan ka ay lalo ka pang natutuwa samantalang kapag si Ina ang tatarayan ko ay paniguradong bubuhusan niya ako nang malamig na tubig.
"Lasingin mo na lang tsaka mo pagsamantalahan", agad siyang bumulalas sa pagtawa habang nakikita niya kung paano mas lalong tumaas ang aking kilay sa kaniya.
"What do you think of me Tiyo? Ang suwerte naman ata ng tao na ito at ako pa na isang maharlika ang gagahasa sa kaniya!", mabilisan kong sabi sa kaniya na may pagkairita habang mabilisan kong pinagkrus ang aking mga braso at iniharang ito sa aking dibdib na tila ba may kung sinong hahawak sa mga ito.
"I guess kung hindi ka pa nakatadhana na magkaroon ng supling ay wala kang balak na magpahawak sa kahit sino. A virgin vampire princess like iww", natatawa nitong sabi habang ginagaya ang pag-arte ng mg tao kapag nagsasalita ng kanilang lengguwahe. Entrante! Inuubos ni Tiyo ang aking pasensya.
"What's wrong with that? At least hindi nila napagpipyestahan ang aking katawan at hanggang tingin lang sila! No touch!", mabilis ko na singhal sa kaniya na lalo lamang niya ikinatawa na tila ba gustong-gusto niya na nawawalan na ako ng pagtitimpi. Tiyo hindi ka pa din nagbabago talaga kung dati ay tatakbo ako kay Ina na umiiyak kapag inaasar mo ako ngayon ay pwedeng-pwede na tayo magkalmutan!
"Ang tanda-tanda mo na Vreihya tapos wala ka pa ding alam diyan.", muli na naman siyang natatawa sa kaniyang tinuran. "Bakit kailangan ba talaga na meron Tiyo?", pangangatwiran ko sa kaniya. "Oh kumalma ka na Vreihya napaka-defensive mo!", pag-aawat niya sa akin dahil batid niya na maikli talaga ang aking pasensya at baka ihulog ko siya sa pagkakaupo niya kay Silvestre. "Coming from you Tiyo ah! Bakit ikaw may karanasan ka na? Nahawakan ka na? Nahalikan ka na?", sabi ko ng may pagtataray pero bigla siyang nanahimik at namula kasabay ng pag-iwas ng tingin.
Agad na nangunot ang noo ko because what is with that reaction? Ilang sandali pa ay napagtanto ko na ang lahat kaya bigla na lamang akong napangiti at napatawa kaya lumingon siya sa akin. "Wala ka pa din karanasan ano Tiyo?", ako naman ngayon ang nakangiti at nagpipigil ng tawa dahil sa nagsisimula na siyang mamula.
"Iww! A virgin royal vampire", maarte kong saad sa kaniya upang makaganti sa turan niya sa akin kanina. Dahil doon ay siya naman ngayon ang nagsusungit. Minsan lang ako makaganti kaya lulubos-lubusin ko na ang aking tuwa.
"Nothing, I just miss drinking.", pagsisinungaling ko sa kaniya dahil hindi ko naman pwede sabihin na gagamitin ko ito para pagsamantalahan siya dahil unang-una hindi ko naman gagawin iyon dahil tila pinapahayag ko na rin na hindi ako kaakit-akit at kailangan ko pa gumamit ng ganitong pandaraya. Pangalawa ay parang nagmumukha akong uhaw sa lalaki.
Sa totoo lang ay hindi naman ako malakas uminom dahil ang isang kalis ng alak ay hindi ko nauubos at nagkukunwari lamang akong umiinom dahil kailangan iyon kapag may mga panauhin sa malasyo sa tuwing may pagdiriwang. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at agad na kinuha ang alak na nasa lamesa at binuksan ito. Kailangan ko pa ba sabihin na maghinay-hinay siya dahil baka hindi siya sanay sa alak ng aming mundo?
Papabayaan ko na lamang siya baka mag-away pa kami kapag pinigil ko siya. Buong akala ko ay gagamit siya ng baso upang magsalin ngunit napaawang ang aking bibig nang tunggain niya ang bote. Pinuno niya ang kaniyang bibig at inalis sa pagkakatungga ang bote bago niya nilunok ng tuluyan ang alak.
"Damn...That's bitter!", nahihirapan niyang saad kasabay nito ay ang pag-ubo niya na tila ba nasamid at bakas sa kaniyang mukha ang nalalasahang pait pero bakit ganoon? Napakaperpekto pa din ng kaniyang mukha kahit halata sa ekspresyon niya ang hindi kaaya-ayang lasa ng alak. Kailan ba magiging kasuklam-suklam ang anyo ng tao na ito?
Nasa kalagitnaan ako ng ganoong pag-iisip nang bigla na lamang siya matutumba sa kaniyang kinauupuan. Mabilis akong lumapit sa kaniya at sinalo ang tila lupaypay na niyang katawan. Agad siyang nalasing sa kaniyang pag-inom.
"Why...didn't you warn me about that darn alcohol?", may kahinaan at kaunting pagtabingi na ang kaniyang bibig sa pagsasalita dahil sa kaniyang matinding pagkalasing. Ilang sandali pa ay binuhat ko na siya na tila bagong kasal kami kaya nga lang sa baliktad na paraan dahil ako ang siyang bumubuhat sa lupaypay niyang katawan. Why do I feel like I am the knight and shining armor here?
Tumaas na ang aking kilay dahil nakita ko na naman ang maamo niyang mukha dahil sa kalasingan. Entrante! Ang aga-aga pero puro pasakit na naman ang dulot niya sa akin! Tila ata ako ang nagiging tagapagsilbi niya. Kung ibalibag ko na lang kaya ang tao na ito?
Akma ko na sana siyang ipapasok sa loob ngunit napansin ko ang pangilan-ngilan na mga dumi sa kaniyang kasuotan at maging sa ilang bahagi ng kaniyang katawan. Bakit ngayon ko lang napansin ang kaniyang pagkamadungis?
"Paano ay sa mukha ka na lamang niya nakatingin at pati na rin sa kaniyang mga labi!", agad na napataas ang aking kilay nang marinig ko ang aking sariling isip na tila ba ay sinasagot ang aking mga katanungan. Patuloy siyang tila wala ng malay na nasa aking mga bisig.
"Mino! You need to clean yourself!", sabi ko sa kaniya at hindi ko alam kung bakit pero nagawa niyang tumango nang mabagal na tila ba naririnig niya ako kahit papaano at gumagana pa ang kaniyang pang-unawa.
"Sho-shower! Yeeey!", agad siyang napapalakpak nang bahagya habang nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata at tila ba natutuwa siya at hindi na makapaghintay na makaligong muli. Binitawan ko ang pagkakabuhat ko sa kaniyang mga binti at agad naman siyang nakatayo ngunit inakbayan ko siya upang alalayan habang tila lupaypay pa din siya at nakayuko habang nakapikit at walang emosyon.
"Come on! You need to walk!", iritable kong saad nang humakbang na ako ngunit hindi humakbang ang kaniyang mga binti. Ginagawa mo na talaga akong tagapag-alalay mortal! Napakaswerte mo na talaga niyan!
"Minoooooo!", agad kong tinapik ang pisngi niya habang siya ay nakayuko pa lamang. "Wake up! You need to take a bath!", medyo may pagkairita kong turan sa kaniya ngunit hindi siya natitinag sa kaniyang pagkakayuko at sa pagkakaakbay niya sa akin ay para lamang siyang damit na nakasampay sakin. I have no intentions to bathe him kaya dapat gawin niya iyon mag-isa.
Ilang segundo pa din siyang wala sa katinuan kaya naman hindi ko na ipipilit ang gusto kong gawin niya. Ibinaba ko na lamang siya at isinandal sa kahoy na paanan ng lamesa. Inayos ko ang kaniyang pwesto upang hindi siya tuluyan na matumba. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng kaniyang pagkakaupo at pagsandal nang bigla siyang magsalita.
"Mom?", agad kong narinig ang kaniyang mahinang pagtawag sa kaniyang Ina at kasabay nito ay ang paghinga niya nang mabagal na tila ba pinapalakas niya ang kaniyang loob.
"Why...are you just giving me up?", mabibigat at mabagal ang mga salita na kaniyang binitawan ngunit hindi ko ito binigyan ng pansin at iniaayos ko ang kaniyang likuran upang mas maayos itong makasandal pero nabigla ako ng hinawi niya paalis ang hawak ko sa kaniya.
"Why are you caring for me now Mom? Pinamigay niyo...na ako ni Dad!", bigla siyang sininok sa kaniyang pagkakasabi at pinipilig niya ang kaniyang ulo at sa kaniyang pagpilig ay tila matutumba siya kaya sinalo ko ang kaniyang balikat upang hindi tuluyan na tumama ang kaniyang ulo sa upuan niya kanina.
"Shut up Mino! I am not your Mom!", mataray ko na saad sa kaniya dahil galaw siya ng galaw. Matutumba talaga siya sa ginagawa niyang iyan. Agad akong napatingin sa kaniya when he smirked and slowly opened his eyes and looked at me ngunit kitang-kita ang kalasingan sa kaniyang mga mata.
"Mom? I guess you never...ever..loved me!", mahina nitong bulong sa akin na tila ba ako ang kaniyang Ina. Magsasalita na sana ako pero agad akong natigilan sa pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. Is he about to cry? Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang paggalaw ng kaniyang balikat dahil nagsimula na siyang humikbi. Agad na dumaloy ang luha sa kaniyang mata na siyang mas lalong nagpatigil sa aking paggalaw. Damn! Those teary eyes! All I can see is pain and disappointment.
"I...*sniff* I am scared Mom...but...*sniff* you and Dad had given me up!", agad na napaos ang kaniyang tinig kasabay ng kaniyang mga hikbi habang derekta siyang nakatingin. "You don't have any idea Mom...Dad on how scary this place is?", unti-unting nagiging bulong ang kaniyang boses habang mas lalo siyang napahikbi kasabay ng masaganang luha na dumadaloy mula sa kaniyang mga mata.
Napaawang na lamang ang aking bibig dahil ngayon lamang ako nakasaksi ng isang lalaking tila ba sinaktan at napag-iwanan nang husto. Magsisinungaling ako kung hindi ko aaminin na nakakaramdam ako ng kirot sa puso para sa kaniya.
"Look at me Mom *sniff* hindi ka ba naa..naawa?", mahina niyang sabi at marahas siyang napayuko dahil sa pagkahilo ngunit mas lalong nanginig ang kaniyang balikat kasabay ng mga ipit niyang hikbi. Entrante! Agad akong tumingala dahil upang pigilin ang aking mga nagbabadyang mga luha. Vreihya! Tumigil ka! Hindi mo kailangang maawa para sa kaniya. Isa pa isa ka sa may kasalanan kung bakit siya nagkakaganyan.
"Mom...just let me die please...*sniff* huwag na ninyong hayaan na...mahirapan pa ako!", I heard his weak plead for me at kasabay nito ay naramdaman ko ang kaniyang pagyakap sa aking bewang at dahil magkalebel lamang kami ay tumapat ang kaniyang noo sa aking dibdib ngunit hindi sa paraang nakasubsob dahil may espasyo pa din ang kaniyang mukha. Hindi ko na napigilan at may nakatakas ng luha sa aking mga mata. Muli siyang nanginig habang nakayakap sa akin na tila ba nagmamakaawa.
"I maybe mad at you Mom...but I still...I still love you!", another hard sentence came out from him at mas lalong dumoble ang kaniyang pag-iyak at paghagulgol. I should laugh at him during this moment dahil kalalaki niyang tao ay nag-iiyak siya nang ganiyan. I should be boastful dahil pinapakita lamang niya kung gaano kahina ang mga katulad niya. I should be joyful seeing a human being weak and this broke but what I can feel now is pity and sympathy for him. Regardless of being a man or a woman kapag nasaktan ka talaga ng mga tao na inaasahan mong hindi ka isusuko ay talagang manlalambot ka sa pagluha.
Whenever you are being in a situation or a world that you don't know what to do and you felt puzzled at ang mga tao na dapat sana ay ilalayo ka sa ganoong pakiramdam ang siya pang nagpaubaya upang maranasan mo ang mga iyon ay talagang nakakadurog ng puso. Entrante! Bakit pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat? Kinakain ako ng aking konsensya dahil sa kalagayan niya ngayon. He continued to cry na para bang pagod na pagod na siya.
"Just...*sniff* let me rest Mom...I don't want to be this scared and away from you!", mas lalo niya akong ginigit palapit sa kaniya na tila ba mas gusto niya nang mas mahigpit na yakap at pag-aalo. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin upang mapakalma siya at kung ano ang aking sasabihin para mapagaan ang kaniyang loob. Hindi ko siya basta-basta pwedeng ibalik sa kaniyang mundo because it would be the end of my world. Alam ko na parang makasarili at madamot ngunit mahal ko ang mundo na ito at ang aking pamilya. I am here to fulfill the prophecy that has been given to me.
Hindi ko na kaya pa na magtagal sa ganitong posisyon at mas pipiliin ko na lamang na lagi kaming nagtatalo kaysa naman ganito siya. He needs to be strong and survive this world. Wala na akong magagawa sa kaniyang kalagayan ngunit may isang bagay akong maaaring magawa upang maibsan ang kaniyang takot kahit papano.
When his embrace got wider ay dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang balikat. Hindi na ako nahirapan na mailayo siya sa akin upang makita ko ang kaniyang mukha. Sinalubong ako nang namumula at pagod niyang mga mata. I felt pity! Batid ko na takot, pagod at nasasaktan siya sa nangyayari ngunit hindi ko na ito mababago.
"I will promise this one thing to you Mino!", determinado kong sabi sa kaniya kahit malamlam lamang siyang nakatingin sa akin na tila walang lakas. "I will be your strength!", marahan kong sabi sa kaniya. "I will protect you from future harm!", tila gusto ko pang magsabi ng mga kataga na siyang magsisilbi kong pangako sa kaniya.
"I will help you survive this world and that...would be an unbreakable promise!", and after I said that my eyes burned red and pollens from a nearby flower traveled in the air he breath and upon smelling it his body collapsed and fell into a deep sleep.
I am Vreihya Amely Zecillion, a princess that came from the strongest royal family of this world will promise to take care of him regardless of the fact that we both hate each other.