We had dinner and long chi- chats that day and in the past few weeks. Maayos na ang tungo namin nila Mama at Papa hindi tulad nung una na ramdam ko pa rin ang pagkailang sa kanila kahit anong gawin ko. And speaking of Denise. She is too formal when she is talking to me. Gusto ko naman din na ganun nalang atleast di kami nagpapanggap na gusto namin ang isa't-isa. After the one tiring confrontations with her that day. Hindi na sya nagtangka pa na kausapin ako about the past. Sa tuwing magsasalubong kami sa bahay ay ngingiti nalang sya tapos tatakbo na paalis. Hindi naman pansin nila Mama iyon kaya hinahayan ko nalang. May oras din naman siguro para magkaayos kami ng todo. Hindi man sa ngayon pero alam ko balang araw.
And if your asking about Lance. Here he is. Currently speaking on the line.
"Babe, wag naman ganun. Hanggang dito nalang ba matatapos ang lahat?." salubong ang kilay nyang tanong matapos kong isuhestyon sa kanya ang magpalamig na muna kaming dalawa.
"It's for our own good Lance."
"Good naman tayo eh. Anong mali sa atin?." iritado nya pang dagdag.
I sigh. "Walang mali sa atin Lance. Ako. Ako ang mali una palang."
Umiling sya agad. Ayaw pumayag o hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Who said that?. Walang mali sa'yo Joyce. Inggit lang sila kaya nila nasabi iyon." paliwanag pa nya.
Tinignan ko sya. Matagal. Kumurap sya. Gumalaw. Tumayo. Umalis sa harap ng camera. Hula ko'y lumanghap ng hangin dahil ayaw ang nangyayari.
"Lance, cool off lang naman." giit ko pa ng muli syang nagpakita sa camera. Yumuko sya't kinamot ang batok pataas ng kanyang buhok. Ginulo nito ng ginulo saka tamad na tumingin sa akin.
"Cool off?. E halos pareho na rin iyon sa break up babe?."
Hindi ako nakaisip ng idadahilan. Gusto ko kasing ayusin muna ang sarili ko. Gusto kong hanapin muli ang sarili bago muling ibigay iyon sa taong handa para sa akin. I'm getting unfair here. Hindi si Lance kasi alam kong may dahilan sya. Yes, I am too but I feel like I've been cheating on him kahit wala naman akong ginagawang masama. Basta. Pakiramdam ko lang. Niloloko ko sya dahil lang sa hindi buo ang pagkatao ko. May kung ano sa akin na hindi ko maipaliwanag.
My state of mind is always empty. My heart is getting colder and my soul have been lost. Paano ako maiintindihan ng mga tao kung ako mismo, hindi ko maintindihan ang sarili ko? That's why I want a space.
Sa galit at poot na nanirahan sa akin noon, na kinakain ako ngayon. Hindi ko mapigilan ang manakit ng tao, unintentionally. Not physically but emotionally and mentally. And I hate that!
I want freedom!
Freedom to think, to finding myself again, to have a freedom to be a better person. And a freedom to know what's right and what my heart desires.
Ilang minutong naging tahimik ang paligid. Walang nangahas na nagsalita sa nakakabinging katahimikan.
Then afterwards. I heard his heavy and long sigh. I saw how his annoying face turned into a serious and scary. "Kung iyon ang gusto mo. Then fine." he finally agreed but I can sense the dissatisfaction in his low voice. "If that's what makes you happy. Let's break up."
"Lance, sana maintindihan mo ako." ang tanga ko lang kasi sinabi ko pa to. And the next thing I heard is not the way I'm expecting.
"But after this. I can't promise you that I can be the same Lance as I used to be."
"Lance?."
"You want this isn't it?."
"Yes, but please don't do that. We're still friends right?."
Hindi sya sumagot. Imbes, madilim nya lang akong tinignan. "You want space huh?. Bakit ganun ka na ba kasakal sa akin?."
"Nope. Of course not! It's just that. I need to find myself Lance. Ayokong maging unfair sa'yo. Andyan ka nga pero hindi ko naman maibigay gusto mo. What's my purpose then?. Gusto ko, kapag nagmahal ako. Yung todo. Hindi iyong taong iyon lang ang nagmamahal sakin ng higit pa sa ibinibigay ko."
"What do you mean?." mahina nyang tanong matapos ang nakakailang na katahimikan. "You don't even love me at all?." di makapaniwala nyang saad. Naging marahas ang paghinga nya.
"Lance?."
"All this time Joyce!. Minahal kita. Higit pa sa sarili ko tapos ito?. Itong kingwang to!." may binato sya. Dinig kong nabasag. Vase yata o baso. Natakot ako bigla. Hindi para sakin kundi para sa kanya.
Fuck Joyce! Tama ba yang desisyon mo?. Why is he hurt?.
At bakit nasasaktan rin ako!?. Kingwa!
"Hindi mo ako mahal." umiiyak na nyang sabe. Umiling ako. "Hindi mo ko mahal kasi hindi mo kayang panindigan ang pangako mo. We made a promise Joyce. Saan iyon napunta?.."
I can't even speak. Nangako nga kami sa isa't-isa na walang iwanan tapos heto ako, humihingi ng espasyo para sa sarili ko.
Makasarili na ba ako pag ganun?.
My heart aches.
Silently. He cried. At parang ako ang nasasaktan sa pag-iyak nya. I'm torn. "Have a happy life then. Bye!." bigla ay nagsalita sya tapos pinatay na agad ang tawag.
Duon ako natulala. Hindi masabi ang nararamdaman ngayon. Masyadong magulo ang utak ko sa gustong mangyari ng puso ko.
Kailan ba dapat pairalin ang isip?. Pag nasasaktan na ba ang puso o kapag wala na itong magawa kundi sundin nalang ang sinasabi nito?.
Ang gulo. Sa gulo ng isip ko ay lalong naninikip ang dibdib ko't hindi makahanao ng tamang hangin para makahinga.
Alam kong mahal ako ni Lance. Alam ko nga ba o sinasabi ko lang iyon batay sa nakikita?. I don't know. Basta ang alam ko ay mahal nya ako at mahal ko din naman sya. Sadyang sabi ko nga. I need to find myself first para sa kanya. Sana maintindihan nya ang gusto kong gawin para sa sarili. Hindi ito makasarili. Gusto ko lang gawin ito para sa ikabubuti ng ibang nakapaligid sa akin. At sana lang, pagkatapos ng lahat ng ito. Mahalin nya pa rin ako.
Have some idea about my story? Comment it and let me know.