Baixar aplicativo
15.91% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 117: Thunder Fairy Boots

Capítulo 117: Thunder Fairy Boots

Editor: LiberReverieGroup

"Bakit mo ba laging pinipisil ang pisngi ko kapag nag-aalala ka!" sabi ni Ding na mainit ang ulo.

"Hindi mo lang kinukurot kapag nag-aalala ka, kinukurot mo rin kapag mayasa ka, o kapag hindi ka masaya. Isa akong dakilang Fortune Fairy!"

"Mag-isip ka ng paraan para hindi siya mamatay!" Galit na sabi ni Kate.

"Wala na akong magagawa!" Nagreklamo si Ding. "Hindi gagana ang blessing ko sa incomplete plane ng isang Legend Wizard."

"Ano? Wala kang magagawa?" Nanigas si Kate.

Wala na siyang magagawa kundi panuorin ang susunod na mangyayari.

Halos lamunin na si Marvin ng bunganga ng Gemini!

"Ano pang silbi mo!?" Sa sobrang pag-aalala ni Kate, hinayaan niyang ahulog sa lapag ang kanyang alaga!

Nanghihina namang gumapang muli paakyat si Ding. Paano nga ba niya ito naging alaga?

"Wag kang mag-alala…" Sabi ni Ding. "Hindi siya mamamatay."

"Hmm?" Natulala si Kate sa screen at nakitang biglang tumigil ang Gemini!

Isang bagay lang ang nasabi ni Marvin kahit nahihilo!

Ito ay dahil na lang sa instinct sa pakikipaglaban.

Nang biglang.

Dalawang matinik nab aging ang mahigpit na pumulupot sa leeg ng lalaking Gemini. Hinihila nito palayo kay Marvin ang nakakatakot nitong bunganga.

Shadow Dopplerganger!

Sa bingit ng kamataya, biglang lumapit ang Shadow Doppleganger at ginamit ang kaparehong skill na ginagamit ni Marvin.

Vine Metamorphosis!

Sapilitang hinila nito ang leeg ng Gemini, upang makabawi si Marvin.

Habang hinihila ng Shadow Doppleganger ang leeg ng Gemini, nakatayo ito sa likuran nito para masigurong hindi na ito makakalapit kay Marvin.

Kung hindi dahil sa tulong nito, malamang ang nalamon na si Marvin!

Dahil sa isang laban, lahat ay maaaring magbago.

Biglang binitawan nito si Marvin. Umikot ang lalaking Gemini at sinuntok nang napakalakas ang Shadow Doppleganger!

Tumalsik naman ito na para bang isang sirang saranggola, at hindi na ito makagalaw!

Hindi ganoon kahabang oras ang naibigay nito kay Marvin.

Mga dalawang segundo lang.

Pero eto ang dalawang segundong kailangan niya!

Nabago na ang sitwasyon.

Huminga ng malalim si Marvin bago bumagsak sa lupa si Marvin, saka niya ginamit ang kanyang willpower para bumangon at gumulong papunta sa tabi!

Tahimik siya gumulong at ginawa niya ito habang inaabangan ang susunod na galaw ng lalaking Gemini!

Tulad ng inaasahan, matapos nitong mapatalsik ang Shadow Doppleganger, biglang pumadyak ang Gemini sa lugar kung nasaan kanina si Marvin.

Sa kasamaang palad, walang itong tinamaan!

Lalo pang gumulong palayo si Marvin saka niya sinipa ang likod ng tuhod nito, kaya napilitan itong lumuhod.

Biglang tumalon si Marvin at gamit ang kanang kamay, inasinta niya ang Ring of Prayers sa likod ng ulo ng Gemini.

Rainbow Jet!

Ang nakakatakot na Rainbow Jet ay tumama sa balat nito!

Nagsimula nang umepekto ito nang may tila krystal na material ang lumitaw sa balat nito!

"Lumayo ka sa akin!" Sigaw ng lalaki g Gemini, habang dahan-dahang umiikot at sinusuntok ang ere.

Pero naka-atras na si Marvin!

Pinagmasdan niya lang kumalat ang mga kulay na kumakalat sa balat ng lalaking Gemini. Makikita na ang takot sa mga mata nito!

Muntik na siya doon.

Talagang pinaabot nito si Marvin sa kanyang hanggangan.

Dahil ito sa perwisyong dulot ng Steel Skin!

Balat na hindi tinatablan ng pisikal na atake, mas nagpapahirap pa ito kesa sa mga Guardian.

Sa Guardian, maaari pang gamitan ni Marvin ng Armor Strip Technique, pero ang Steel Skin, wala siyang magagawa.

'Mabuti na lang nasa akin pa ang Ring of Prayers!'

'Mataas ang magic resistance niya pero mayroong karagdagang crystallization effect ang Rainbow Jet! Siguradong magkakaroon na ng kahinaan ang balat niya!'

Tiningnan mabuti ni Marvin ang balat ng Gemini. Nakita niya ang isang maliit na bahagi ng balat nito na naging krystal at natanggal na may kasamang laman at dugo!

Gumana nga talaga ito!

Kahit na hindi nagdudulot ng direktang pinsala ito sa lalaking Gemini, nagbigay naman ito ng Broken Effect!

Kaya naman, magiging mas mapanganib na ang mga atake ni Marvin.

Naiba na ang stiwasyon.

Nang biglang tumawa ang lalaking Gemini at sinabing, "Mapamaraan ka ah."

"Sayang naman, napakarami mo nang ginawa… Pero paano na ang kapatid mo?"

Bawat tao sa audience ay halos hindi makapagsalita.

Nasaksihan nila kung paano kamuntikan nang makain si Marvin pero bigla nitong binaliktad ang sitwasyon. Napansin rin ng mga Wizard ang Ring of Prayers sa kamay ni Marvin!

"Ang Rainbow Jet nga."

"Ang Physical Immunity ang alas ng lalaking Gemini na ito, pero ngayong sira na ang depensa niya, siguradong kaya na siyang patayin ni Baron Marvin!"

"Lalo pa't ang mga Wizard ang pinakamalakas!"

Nag-uusap ang lahat.

Pero ang babaeng Gemini ay hinahabol si Wayne!

Para sa kanya, kung wala ang Shadow Doppleganger bilang proteksyon ni Wayne, parang lang itong isang karne isinubo na sa kanya.

"Kaya niya ginawa 'yon dahil sinukuan na niya ang buhay ng kapatid niya!"

"Wala naman talaga siyang magagawa sa sitwasyon na 'to."

"Kung ako 'yan, baka sumuko na lang ako."

Hindi mapigilang mapailing ng ilang senior noble.

Kahit na buhay pa ito, lalo namang nanganib ang buhay ni Wayne dahil dito!

Mukhang mayroon nga istratehiya ang estudaynte mo. Siguro sinabi sa kanila ito ni Dame Hathaway."

Magkakasama ang guro ng Magore Academy. Ang kaninang nagrereklamo kanina kay Hanzel ay di napigilang sabihing, "Kahit kakaiba ang kanyang spell set up, tamang-tama naman ito sa Snow Demon Lair. Kaso nga lang…"

"Patay na siya. Hindi magawang isakripisyon ni Baron Marvin ang kanyang buhay para sa kanyang nakababatang kapaid."

Namutla si Hanzel.

Habang binabaybay ng magkapatid ang Snow Demon Lair, lubos siyang natuwa sa kanyang nakita. Ito pala ang rason!

Alam pala nila ang tungkol sa Snow Demon Lair. Kahit na hindi natuwa si Hanzel sa ginawa ni Marvin, alam niyang may sariling paraan ng pag-iisip ang noble na ito ng White River Valley. Isa pa, malapit ito kay Dame Hathaway kaya marahil nakatanggap ito ng kaunting patnubay.

Kaya naman hindi siya gaanong galit.

Pero nang biglang dumating ang Gemini, bumilis ang tibok ng puso nito!

Kung hindi lang ganito ang spell set up ni Wayne, ang koordinasyon ng magkapatid ay sapat na para malabanan ang Gemini!

Ang mga Gemini ay malalakas na nilalang. Pero malakas rin kapag pinagsama ang isang Battle Wizard at isang malakas na 2nd rank Ranger.

Kaso nga lang, ubos na ang mga spell ni Wayne!

Talagang mahihirapan si Marvin na makipaglaban ng isa laban sa dalawa.

Halos katulad na rin ng inaasahan ni Hanzel ang mga nangyayari. Si Marvin, sa pagliligtas sa kanyang sarili ay hindi na nagawang protektahan si Wayne.

Lagot si Wayne!

"Hindi na pwede 'to, ako na ang susuko para sa kanila!" Alalang-alala si Hanzel.

"Alam kong nag-aalala ka sa kaligtasan ng estudyante mo pero sila lang ang maaaring magsabi kung sumusuko na sila!" Agad siyang hinila pabalik ng malapit niyang kaibigan.

"Hindi ko pwedeng panuorin na lang na makain ng isang halimaw ang estudyante ko!" Galit na sigaw ni Hanzel.

"Kailangan mong magtiwala sa kanila!" Itinuro ng lalaki ang magic screen at sinabing, "Panuorin mo!"

Sa magic screen, naglalaway na hinahabol ng babaeng Gemini si Wayne.

At si Wayne na nakatayo sa tabi ng lihim na lagusan ay hindi man lang nasindak.

Bumulong siya ng incantation at isang matingkad na kulay asul na ilaw ang umilaw mula sa ilalim ng kanyang bota!

"Thunder Fairy Boots!"

Nagliwanag ang mata ni Hanzel!

Saka niya naalala na siya mismo ang nagpahiram ng mga botang iyon sa kanyang estudyante kahapon!

...

Thunder Fairy's Boots.

Magic Item.

Effect: Increase running speed.

Isa itong kilalang magic item ng mga Wizard, hindi lang dahil mayroon ring artifact na ganito ang Wizard God na si Lance, kundi dahil malaki ang pakinabang nito.

Sa pamamagitan ng Incantation ni Wayne, ang mga botang si Hanzel mismo ang nag-enchant ay pinamalas ang kakaiba nitong epekto!

[Super Speed]!

Duration: 3 minutes.

Hindi na ito nag-atubili nang makita papalapit sa kanyan ang babaeng Gemini.

Mabilis na tumakbo sa malawak na espasyo na nasa gitna ng bundok si Wayne. Sinusundan ito ng babaeng gemini na ayaw siyang pakawalan.

Galit nitong pinunasan ang kanyan laway para mas maayos niya itong mahabol!

Pero mayroong pa ring malaking distansya sa pagitan nilang dalawa.

Matalino si Wayne. Paikot-ikot lang ang takbo nito at sinisiguradong hindi makakalapit kay Marvin!

Naghabulan ang dalawa sa malawak na espasyong nasa gitna ng bundok.

At dahil dito nagkaroon pa ng kauntin oras si Marvin.

'Tatlong minute? Sapat na siguro 'yon!'

Bahagyang napangiti si Marvin.

Ang lalaking Gemini saharap niya ay kaawa-awa na ang kalagayan. Kahit na malakas ang kanyang recovery ability, malala na ang pinsala ng kanyang balat.

Tinantsa ni Marvin ang bigat ng mga dagger panandalian at nag-isip.

'Oras na para bumawi!'

Sa susunod na sandal, sumugod na si Marvin!

Ngumiti pa rin ang lalaking Gemini habang hindi nagpapakita ng kahinaan.

Seryoso ang mukha ni Marvin, saka niya sinipa ang lupa. Burst! Imitation Shadow Step!

Sa isang iglap nag-iba ang posisyon niya!

Umikot si Marvin at humiwa, nahiwa nito ang baywang ng Gemini, at sumirit ang dugo!

Sa Thunder Tower.

"Alam ko na!" Habang pinapanuod ni Ding si Wayne habang hinahabol ito, bigla itong pumalakpak at sinabing, "Pwede kong buksan ang Teleportation Gate."

"Ang lihim na Teleportation Gate?" Hindi naiintindihan ni Kate ang sinasabi ni Ding.

Tumango lang ang Fortune Fairy. "Wag mo nang intindihin ang mekanismo, basta swerte ka, bubukas 'yan."

"Subukan ko nga, haha…"

Habang tumatakbo, pinag-iisipan pa rin ni Wayne ang ibig-sabihin ng Ouroboros na rebultong katabi ng lagusan.

Pero nagulat siya nang biglang tumunog ng "Tututu" ang mekanismo.

Sa isang iglap, nawala ang pader at makikita na ang kumikisap-kisap na ilaw mula sa Teleportation Gate!

"Anong nangyari!" gumulong si Marvin, at iniwanan ang lalaking Gemini. Naguguluhan siya sa nangyayari.

Bumukas mag-isa ang lagusan?

Saglit na natulala si Wayne. Pero agad rin naman itong bumalik sa ulirat at mas lalo niyang binilisan ang takbo papunta sa Teleportation Gate!

Sa sumunod na sandal, nakarating na siya sa isang lugar na balot ng Nyebe!

Ang tuktok ng Snow Mountain!

Pero hindi siya nag-iisa. Naroon rin ang Witch ng Thunder Tower, si Celina!

Nagulat si Celina nang makita nito ang paglitaw ng Teleportation Gate at ang paglabas ni Wayne dito.

Agad nitong inilabas ang kanyang magic taff at itinutok kay Wayne.

Agad na umatras si Wayne at bumalik sa Teleportation Gate nang makita ang reaksyon nito.

At bigla na ring lumabas mula sa Teleportation Gate ang babaeng Gemini!

Nagkasalisihan lang silang dalawa!

Nakabalik na si Wayne sa loob ng Snow Demon Lair habang ang babaeng Gemini ay napunta sa tuktok ng snow mountain!

Sa susunod na saglit nawala na ang liwanag ng Teleportation Gate!

7 segundo lang ang itinagal ng Teleportation Gate!

Tanging si Marvin at Wayne na lang ang natira sa yungib, kasama ang lalaking Gemini na duguan.

Napakibit-balikat na lang si Marvin. "Hindi ko inaasahan 'yon ah."

"Pero masaya ako sa nangyari"


next chapter
Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C117
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade da Tradução
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login