Baixar aplicativo
28.57% MY VILE WARMTH (GL) / Chapter 10: Dreaming of You

Capítulo 10: Dreaming of You

Madaling araw ay nagising ako.

Ang sakit ng ulo ko at nauuhaw ako.

Uupo na sana ako nang maramdaman kong may mabigat sa tiyan ko.

Wala nang ilaw kaya kinapa ko ang switch ng lamp shade.

Noong kumalat na ang liwanag sa buong kwarto ko, doon ko lang nakita na may katabi ako at sa may lamp shade ko ay may tubig. Buti nalang at hindi ko natabig.

Uminom muna ako kahit ang sakit ng ulo ko at parang may mapait sa sikmura ko.

Matapos kong uminom ay humiga ako paharap sa naka yakap sa'kin.

Ngayon lang ata ako gumising ng umaga na hindi ako na badtrip kasi may prinsesa sa tabi ko.

Napangiti ako habang naaamoy ko ang nakakahalina niyang natural na amoy.

Nag linis siya ng katawan niya sa CR ko kanina bago ako matulog. I can smell myself into her too.

Sumiksik ako sa leeg niya at ginawang unan ang braso niya.

"Uhmm"-Gab

Mahigpit ko siyang niyakap at tinandayan.

Sa'kin lang 'to, walang pwedeng umagaw nito.

Hinimas niya ang ulo ko nang mabagal hanggang sa hindi na siya gumalaw at mukhang nakabalik na ulit sa pag tulog.

Kinikilig ako! Parang gusto ko nang mag sulat ng diary at ilista lahat ng nararamdaman ko doon kapag siya ang kasama ko. Kung kelan at saan at kung ilang beses nangyari.

I can feel her mountain, of course she's not wearing a bra, so do I.

One way 'yon para hindi mag karoon ng breast cancer.

"Gab?"

Hinimas ko ang likod niya.

"Hmm.."

Mukhang ayaw pa niya talagang gumising.

"Gab."

Tawag ko ulit sa kaniya.

"Pwede mamaya nalang?"

She said in the bed room voice.

I chuckled.

Hinimas niya ulit ang buhok ko nang banayad.

"I just want to know, who's with you last day? In the bleacher?"

Sige subukan mong sumagot ng hindi maganda sa pandinig ko, hindi kita pahihingahin sa mariin na yakap ko.

"Uhrm.. Si Mara? Best friend ko"

Napangiti ako sa sagot niya.

Kahit antok na antok ang boses niya she's still responding.

"How about the guy who came to you?"

Niyakap niya ako nang dalawa niyang braso at saka ako naman ngayon ang dinantayan niya.

"Matulog ka na"

Mas lalo ko siyang siniksik.

"Who is that boy?"

"Wala.. nang hingi lang ng number"

Siraulong lalaki 'yon ah.

"Pero ang laki ng ngiti mo sa kaniya"

Biglang siyang natawa. Oh sige.. mag aningan tayo dito.

"Sabi ko kasi 7"

Nang mag sink in sa'kin ang sinabi niya ay mas lumawak ang ngiti ko.

"So hindi mo binigay?"

"Sabi ko nasa jowa ko ang SIM card"

Doon lang nawala ang ngiti ko at saka siya tiningnan. Nakapikit lang ang mata niya habang may ngiti siya sa labi. Pakiramdam ko nananaginip lang siya sa mga sagot niya sa'kin. Half sleep.

"Jowa? You have a jowa?"

"Uhm-o"

What the fuck? She has a boyfriend? Never in my life pinangarap kong maging kabit. Kahit pa sabihin mong hindi pa sila kasal.

"Who?"

" 'Yong 18.. 'yong maganda sa gitna"

Muntik na akong matawa.

Yeah, she's sleep talking and she's really answering my questions.

"Who? Lexie Jane Fistorn?"

18 ang number ng damit ko sa volleyball.

"Huwag kang maingay baka marinig ka niya."

Napa tawa ako nang medyo kalakasan na. HAHAHAHA.. she's dreaming of me!

What the fuck?! HAHAHAHA this is so cool!

Kumilos siya at mukhang ang pag kilos na 'yon ay senyales na nagising ko siya nang tuluyan.

"Miss Lexie? Gising ka ba?"

Bulong niya. HAHAHAHA natatawa ako.

Niyakap ko siya nang mahigpit since siya na ang naka tanday sa'kin.

"I'm about to sleep again, what is it?"

Tinanggal niya ang pag kakadantay niya sa'kin at medyo nilayo ang katawan niya sa'kin.

"Nagising ka ba kasi niyakap kita?"

Pfft..

"No, c'mhere"

Niyakap at dinantayan ko siya ulit parang nanigas naman ang katawan niya sa ginawa ko.

"Calm down, I'm not biting"

I said with my bedroom voice.

"Masakit pa ba ulo mo? Gusto mo hilutin kita?"

Umiling ako. Gusto ko ganito lang na posisyon.

"Let's just sleep Gab, I'm still sleepy"

"Baka hindi ka maka hinga diyan"

Iyon pa talaga ang inaalala niya ah.

"May aircon kaya di ako ma s-suffocate"

Wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin ang posisyon namin.

Nilagay niya ang kamay niya sa tagiliran niya lang. Naiilang ba siya?

Kinuha ko ang braso niya at saka niyakap sa may balikat ko banda.

"Just hug me, I feel cold"

Gano'n nga ang ginawa niya, niyakap niya ako at hinaplos ulit ang buhok ko.

"Did I sleep talk?"

Muntik na akong matawa sa tanong niya.

"Bakit mo naisip 'yan?"

"Kasi tumatawa ka no'ng nagising ako."

Lumingon ako sa kaniya kaya gano'n din ang ginawa niya.

I reach her lips for a peck.

Nanlaki ang mata niya.

See? Ganiyan din ang ginawa niya sa'kin kanina.

"Stop talking and let's sleep"

Bago ako pumikit ay pinatay ko muna ang lamp shade kasi mukhang hindi naman siya nakakatulog nang bukas ang ilaw.

Bumalik ako sa pag kakayakap sa kaniya at tinanggap niya lang ako.

Mas matangkad ako sa kaniya pero ako 'yong naka baluktot dito.

Tama na  sa'kin 'yong alam kong napapanaginipan niya ako. HAHAHAHA..

~~~

Nagising ako na wala nanaman akong katabi.

Napakunot noo ako.

Badtrip naman! Hindi man lang niya ako ginising kung aalis na pala siya?!

Mukhang ma babadtrip nanaman ako buong mag hapon ah?

Linggo ngayon at lahat kami walang pasok.

Ni wala nga ring kahit ano man lang na note. Bakit ba kasi hindi ko namamalayan kapag gumigising siya?

*Doors open*

"Uh? Gising ka na pala, di na ako kumatok kasi akala ko tulog ka pa"

Mula sa pag kakakunot noo ko ay naging malumanay ang sistema ko.

She's still here, gosh I thought she left already.

"Eto kumain ka na muna. Sabi ni Yra hatiran daw kita ng pagkain eh"

Yra? Close na sila?

Samantalang sa'kin Miss Lexie tawag niya?!!

"Did you cook this?"

It's a soup, tamang tama lang sa hindi kaaya ayang sikmura ko ngayong umaga.

"Yeah.. masarap 'yan, tikman mo"

Tinikman ko naman ang nilapag niyang pagkain sa kama. Bihira ako mag breakfast in bed, kapag subsob sa trabaho at pag aaral at inaabot ng umaga, doon lang ako nag bibreakfast in bed.

"Uhmm.. this is good"

Oo at masarap nga talaga.

"Sabi sa'yo eh"

Kumuha ako ng kanin at saka soup.

Sheeet.. perfect combination.

"Sabi sa'kin ni Yra hindi ka raw nag titinapay sa umaga, kanin daw agad kinakain mo kapag na gigising ka"

Ah.. yeah.. hindi ko trip 'yong tinapay lang kasi nagugutom ako kaagad.

"Nag usap kayo?"

"Uhm-o, habang nag luluto ako."

Bakit naman naisipan niya pang mag luto?

"Akala ko umuwi ka na eh"

Badtrip talaga 'yon kapag ginawa niya 'yon.

"Pag tapos mong kumain aalis na rin ako, kailangan ko pang pumunta sa hospital."

Bigla akong naawa sa sitwasyon niya.

"How's your mother?"

Kumakain lang ako habang nakatingin sa kaniya, nakatanaw siya sa labas ng bintana ko.

"Nanghihina ako kapag pinag uusapan ang lagay ni Mama, ayoko munang mag kwento."

Pati ako nang hihina sa lagay niya, pakiramdam ko ako ang nasa posisyon niya.

"Ok, feel free to talk to me if ever you want to talk to someone"

Kinuha ko ang cellphone number niya dahil hindi siya gumagamit ng social media. May social media accounts siya pero hindi niya ginagamit.

"Did they open the gate?"

Tumango siya, kasi kung hindi bubuhusan ko ng kumukulong tubig ang mga bwiset na 'yon.

"I'm going to give you a lift"

Mabilis siyang umiling at nag sabing kaya na niya at isa pa raw mag pahinga muna ako dahil mukha raw marami akong nainom kagabi.

Hindi na rin ako nag pumilit dahil may gagawin pa rin akong importante at may pasok kami sa Pyrocyber mamaya.

Hinatid ko siya hanggang sa gate lang at nag hintay ng cab. Mabuti nalang pag labas namin ilang minuto lang ang hinintay namin nang dumating ang cab.

I just wave my hand onto her and she did the same thing.


next chapter
Load failed, please RETRY

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C10
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login