"That bastard!" Rinig niyang wika ni Daniel habang katabi niyang itong nakaupo sa malambot na sofa sa bar ni Chad. Umiiyak na ikinulong niya ang mukha ng kanyang mga palad.
Napabuga naman sa hangin si Daniel. Nakuha pa kasi niyang takasan ang taping para lamang alalayan ang babae dahil sa nakita niyang eksena kanina.
"You know…ikaw ang dapat na maging artista." Pabiro niyang wika dito na para bang kaya niya itong patawanin sa ganoong situasyon.
"Stop it. It doesn't help." Humihikbi niyang ani. Hindi niya alam bakit sumama siya dito. Lalong sumikip ang kanyang dibdib.
"Aright. Tapusin mo muna 'yan. Tell me if you're ready to talk." Wika nito saka nagsalin ng alak sa kopita.
Matapos ayusin ang sarili ay huminga ng mamalim si Yna saka nilagok ng diretcho ang alak sa kanyang kopita. Pasulyap-sulyap lamang si Daniel sa kanya na tila naiinip sa sasabihin niya.
"So boyfriend mo talaga ang lalake na 'yun?" Pag-uumpisa nito ng makitang tapos na siya sa pag-iyak at nahamig na niya ang sarili.
"Ofcourse, not! I just have to find a reason to see you in the set." Pag-amin niya dito.
Muntik naman na mabuga ni Daniel ang nilagok na alak sa narinig at napatitig sa babae.
"To see me?!" Gulat na tanong nito.
"Hey, wag mong bigyan ng malisya ang sinabi ko Mr. Dhanes. It's work-related." Paliwanag niya.
"So you're acting like a paparazzi again?" Paninigurado nito.
"Sort of." Tipid naman niyang sagot saka muling nagsalin ng alak sa kanyang kopita.
Napatawa naman si Daniel saka muling tumunghay sa babae.
"Don't tell me na palabas mo lang ang pag-iyak-iyak mo para sirain ang taping ko?" Muling tanong na lalake.
"Hindi ko sinabing samahan mo ako. Teka, bakit nga ba andito ka?" Balik na tanong niya dito.
Muling napatawa ang lalake at napapantiskuhang napatitig sa kanya.
"Dahil ako lang naman ang may magandang kaloobang ihatid ang isang paparazzing wala sa sarili kanina at kosensya ko pa kung may mag rapist na humabol sa'yo kanina." May langkap na pananakot na sagot nito.
Isang irap naman ang ibinigay niya dito.
"So ngayon siguro you will tell me why you cried?" Tila naiinip na ani nito sa kanya. Napabuntong-hininga naman si Yna.
"That's none of our business." Masungit niyang sagot dito saka muling lumagok ng alak.
"It's my business because you owe me your life." Ani nito.
"Really?" Natatawa niyang ani na ikinangiti din ng lalake na lalaong nagpagwapo dito. Pakiramdam ni Yna ay tila nahihipnotismo siya sa karisma ng lalake at gingawa nitong pagtitig sa kanya at nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso.
"Wow! I am glad to see you smile again." Nakangiti nitong wika na pinapungay pa ang mga mata habang nakatitig sa kanya. Hindi alam ni Yna kung epekto ba iyon ng tatlong bote ng alak ng naubos na nila.
"I cried because he kissed me." Nahihiyang pag-amin niya dito.
Napatigil naman sa paglagok sa alak ang lalake at napatitig sa kanya.
"I've never been kissed by any guy so I really hate him!" Gigil na wika niya na halos mabasag na ang hawak niyang kopita sa higpit na pagkakahawak niya dito.
Isang malakas na halakhak ang kumawala sa lalamunan ni Daniel.
"Hey! Anong nakakatawa?" Nagtataka niyang tanong.
"Wala." Tipid na sagot nito saka matiim na pingamasdan ang babaeng katabi. Namumungay na ang mga mata nito na halata ng tinablan ng alak.
"Alam mo bang ikaw lang ang narinig kong babae na halos wasakin na ang mundo dahil lang sa halik?" Natatawa niyang sabi habang pinagmamasdan ang babae na patuloy sa paglagok.
"Hindi lang 'yun basta halik. It was my first kiss! I want my first kiss to be from someone na I love! It should be sweet! But it was rude! He almost raped me." Paliwanag ng babae.
Nakuyom naman niya ang mga kamao sa narinig sabay ang pagpukol ng kanyang mga mata sa mapula nitong mga labi. Nakaramdam siya ng galit. Galit dahil sa hindi siya ang naging first kiss ng dalaga?
Hinamig ni Daniel ang sarili. Nagyon lang siya nakaramdam ng ganito. Ngayon lang niya naramdaman ang mabilis na pintig ng kanyang puso pag kasama ang talaga. Aminado siyang nakaramdam siya ng kirot sa puso kanina habang nasa taping ng malaman na boyfriend ni Yna si Gian. Ngunit ngayong nalaman niya ang totoo, tila nkaramdam siya ng ginhawa. Muli siyang tumunghay sa maamong mukha ni Yna, sa magulo nitong buhok sa hindi na nito ginawa pang ayusin mula ng makarating sila sa bar na iyon, sa palda nito na bahagyang nalihis pataas na nagpatambad sa makinis at maputi nitong nga hita, at sa strap ng bestida nito na bahagya na rin nalihis pababa sa balikat nito.
Napalunok si Daniel at pakiramdam niya ay umiinit ang kanyang mukha. Kailangan niyang hamigin ang sarili.