Baixar aplicativo
53.12% My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 34: Leaving You Behind

Capítulo 34: Leaving You Behind

CHAPTER 33

 -=Atilla's POV=-

Parang sobrang bigat nang mga paa ko nang tuluyan na akong lumabas nang kuwarto ni Ram, masakit man sa akin ngunit kailangan ko nang lumayo para sa ikakatahimik niya, pang ilang araw na din ang lumipat nang sinabi ng doctor na ligtas na ang binata at lagi akong nasa tabi nito ngunit panahon na para tuparin ko ang plano kong tuluyan na siyang layuan.

"Paalam Ram." hindi ko napigilan dumaloy ang luha sa magkabilang mga mata ko habang nakatingin sa huling pagkakataon sa binatang walang malay, itong na ang huling beses kong makikita ang binata nang ganitong kalapit at ibabaon ko iyon kahit saan man ako magpunta.

Parang may nakakadenang pabigat sa mga paa ko habang binabaybay ko ang palabas nang ospital, walang kaalam alam ang Daddy ni Ram na ito na ang huli kong pagbisita sa anak niya.

"Handa ka na ba?" tanong ni Henry nang maabutan ko itong naghihintay sa labas mismo nang ospital, hindi ko akalain na hinihintay pala ako nitong makalabas, matapos ang naging aksidente ko noong bata ako ay biglang nagbago ang pakikitungo sa akin nito, mas naramdaman ko ang pagmamahal na akala ko ay hindi ko na mararamdaman sa isang pamilya, kahit hindi ako naging tanggap nang ama namin ay pinunan naman iyon nang pagmamahal ni Henry bilang nakakatandang kapatid, hindi man siya ang showy type of person pero alam ko na mahal ako nito.

"Handa na nga ba ako?" yan ang bagay na gumugulo sa isip ko nang mga oras na iyon dahil kung magiging totoo ako sa sarili ko ay alam kong kahit kailan ay hinding hindi ako magiging handa, pero may mga bagay na kahit hindi natin gusto ay kailangan nating gawin para sa ikakabuti nang taong mga mahal natin.

Dahil sa hindi ko alam kung anong isasagot ay tumango na lang ako sa tanong nito, isang buntong hininga ang narinig ko mula dito at nagpatiuna nang naglakad patungo sa kotse nito.

Nagulat na lang ako nang malaman kong ito pala mismo ang maghahatid sa akin patungong airport.

Habang nasa biyahe ay nanatili lang itong tahimik at ilang minuto din ang nakalipas bago ako nagkaroon nang lakas nang loob na magsalita.

"Maraming salamat Henry." sinabi ko dito sa mahinang tinig habang nakatingin sa gilid nang mukha nito, kita ko ang paggalawan nang muscle nito sa mukha.

"Nalaman ko sa Daddy ni Ram na tinupad mo pala ang pakiusap ko sayong tulungan sila kahit na nga ba hindi na matutuloy ang kasal namin." pagpapasalamat ko dito.

"Ginawa ko iyon dahil iyon ang kahilingan mo Atilla, I will never help that bastard if it wasn't for you." malamig nitong sinabi ngunit kahit gaano pang kablangko ang reaksyon nito ay hinding hindi na nito maitatago ang pagmamahal nito sa akin bilang kapatid niya.

"I know and thank you Henry, we may not have the same mother pero pinaramdam mo sa akin ang pagmamahal nang isang tunay na kapatid." nakangiti kong sinabi dito.

"That's because you are my sister, kailan mo ba  maitatanim sa isip mo ang katotohanan na iyon, isa kang Cervantes, ikaw ang nag-iisa kong kapatid, end of discussion." he said with finality on his voice.

Muling nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, habang ito ay abala sa pagdadrive, ako naman ay tahimik na nakatingin sa bintana nang kotse, hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa Pilipinas o kung gugustuhin ko pa bang bumalik, siguro tapos na talaga ang kabanata naming dalawa ni Ram, ang love story naming dalawa ay hindi katulad nang mga usual na napapanood sa mga movie o sa programa sa tv na nauuwi sa happy ending, ito ang totoong buhay, at ang ending ng love story namin ay hindi happy ending.

Tinulungan ako nitong ibaba ang mga gamit ko na nasa kotse nito, ni hindi nga nito pinayagan ang mga tao sa NAIA na tulunga siya sa pagbubuhat lalo na't agad nilang nakilala si Henry.

"So I guess this is goodbye then." mapait akong napangiti habang nakatingin sa mukha ni Henry na pilit nilalabanan ang nararamdamang emosyon.

"No this is not goodbye Atilla, baka nakakalimutan mong ako si Henry Cervantes at kahit kailan ko gugustuhin ay maari kitang puntahan kahit kailan ko gusto." pagbibiro nito kahit na nga ba iba ang nakikita ko sa mukha nito.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at biglang napatakbo dito sabay yakap nang mahigpit dito na agad naman nitong sinuklian nang yakap.

Ayoko man aminin pero natatakot ako, natatakot akong harapin ang magiging buhay ko kapag umalis na ako nang Pilipinas, iba ang naging sitwasyon ko noo sa ngayon and it scared the hell out of me just thinking na mapag-iisa ako pero pilit ko iyong nilalabanan.

"Don't worry Atilla dadalawin ka namin ni Ellaine kung kailan mo gusto, alam mo naman na malakas ka sa asawa kong iyon." nangingiti nitong sinabi.

"Please do Kuya..." bulong ko dito at naramdaman ko ang biglang paninigas nang katawan nito dahil sa unang pagkakataon ay tinawag ko itong kuya.

"Tinawag....mo akong kuya...." hindi makapaniwalang sinabi nito, who would have thought na dahil sa simpleng salitang iyon ay mararattle ang great and mighty Henry Cervantes.

"You are my Kuya right?" biro ko dito na tumango lang at agad na akong naglakad patungo sa departing area nang marinig ko na ang pagtawag sa flight ko.

"Atilla!" narinig kong tawag nito nang malapit na ako sa inspection area nang NAIA at nagtatakang tumingin dito.

"Hindi mo kailangan lumayo, kung mahal mo talaga si Ram ay ipaglaban mo ang damdamin mo sa kanya huwag kang sumuko." nagulat ako na marinig dito ang bagay na iyon dahil sa una pa lang naman talaga ay against na siya sa naging relasyon namin ni Ram.

"Gusto ko man kuya pero paano mo ipaglalaban ang isang relasyon na sa una pa lang ay alam mo nang wala na namang patutunguhan." mapait kong sinabi dito at kita ko ang pang-unawa sa mga mata nito, kaya naman nagpatuloy ako sa paglalakad ko.

"Kung iyan ang desisyon mo Atilla, but remember this, since you already made your decision hindi ko hahayaan na makalapit pa sayo ang Ram na iyon." pahabol na sigaw nito na sinuklian ko na lang nang OK sign, alam ko naman malabong hanapin pa ako ni Ram sigurado akong kapag nagising ito at malaman nitong tuluyan na akong nawala ay makakahinga na ito nang maluwag, at muli ay naramdaman ko na naman ang sakit sa magiging pagkakalayo ko sa taong tangi kong minahal nang higit pa sa buhay ko.

Hindi ko napigilan ang mga luha ko sa pagpatak nang tuluyan nang lumipad ang eroplanong maghahatid sa akin sa lugar kung saan ko pipiliting kalimutan si Ram.

"Please God help me find the strength to forget him, please help me ease the pain in my heart." piping hiling ko habang mariin na nakapikit.

Pero papaano nga ba?


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C34
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login