Robert Pov*
Hays!!!!! Good morning world!!!! Ako nga pala si Roberto Dimasilang!!!!!!! ANG PINAKA GWAPOOOOO SA LAHAT NG GWAPO SA MUNDONG IBABAW!!!!!! HAHAHAHHAHAHA
(-.-)
KING INA KA AUTHOR BAGO BAGUHIN MO TONG INTRODUCTI0N KO!! NANGGIGIGIL AKO!!! ANG CLICHE!!!! ANONG AKALA MO SA GENERATION KO? ! YEAR 2010??
SOREY....
(--,)
(-.-)
"Robeeeeeeeertoooooo!!!!"
NAPABALIKWAS ako ng bangon ng marinig ang malakas na sigaw ni mother earth!!!
(>_<)
"Ano kang bata ka!? Hindi ka na babangon diyan ha? Tirik na tirik ang araw!!! Naka tilaok na lahat ng manok!!! Di ka parin gising!? Gusto mong idikit na kita diyan sa kama mo!? Ha??" malakas na sigaw niya na naman!!
"ITO NA HO! NAKABANGON NA!!" ito talaga si Mama ang OA.. Samantalang alas tres palang naman ng madaling araw.
(-.-)
Alam niyo, ganyan talaga si Mama. Napaka OA. Mama mo yan Robert... Mama mo yan...
Kamot ulo akong bumangon bago dumaretso sa C.R para maligo. Ito nanaman ang araw ko. Babangon ng maaga, pagkatapos maligo mag-iigib para naman sa panligo ng mga bunso kong kapatid. Pagkatapos 'non ako ang maghahatid sa kanila sa public school na pinapasukan nila malapit rito. Bago pa ako makapasok sa trabaho.
Delivery boy ako sa bigasan sa bayan. Halos isang taon na akong nagtatrabaho ron. Dating nagtatrabaho ron si Mama bilang cashier at noong medyo..you know ubanin na si Madir ay ako na ang pinalit pero bilang Delivery boy naman.
Ngayong taon dapat tapos na ako sa Koleheyo pero mas pinili kong munang tumigil, isang taon lang naman eh... keri ko na yon.. Ang bait ko no?
Dapat matutunan natin tumulong sa pamilya kahit sa maliit na paraan. Sakripisyo bro, yon ang pinakamasakit na gawin pero sa huli ang sarap dahil alam mong tama ang desisyon mo.
"Good morning." masayang bungad ng Mr. Jeon sa akin.
"Hehe, good morning din Ser!"
"You know my favorite na!"
"Hahaha oo naman ser! 5 sack of Dinorado rice."
"Hahahah yes.. That's my boy!"
Costumer ko Mr. Jeon noong naaraang 4 na buwan lang. Talagang napaka buti niyang costumer.
"Hoy! 5 sakong Dinorado! Pakibilis!!" nakangiting sigaw ko sa taas at nakangiti pa ring bumaling ng tingin sa kanya.
"Paano yon Ser? Mukhang wala kayong dalang sasakyan ha?" tanong ko bago tumingin sa likuran nya.
"Yeah yeah, that's what I want you to know. Can you deliver that in our house!?"
"Oo naman ho. Ano pa't naging Delivery boy ako diba? Hahahahahha!!"
"Yeah yeah! You are. So, I will pay it later!"
"Yeah shuuurreeeee." nakangiti pa siyang kumaway bago tuluyang umalis.
Ano kaya't ako ang pinagdeliver niya ngayon? Unang beses palang ito. Noon kasi ay siya at siya lang din ang nagdadala ng mga bigas na binibili niya.
Medyo malayo ang bahay ni Mr Jeon dito. Mga isang oras ang biyahe. Pero ok lang. Kayang kaya ko yan.
Pagkatapos maibaba ng mga bigas ay agad na itong isinakay sa Mini Truck. Bago pa ako abutan ng trapik ay dumeretso na rin akong sumakay para magmaneho.
Napabuntong hininga at nakangiting binuksan ang radyo.
'Elementary pa lang
Napapansin na nila
Mga gawi kong parang
Hindi pambabae, eh kasi
Imbes na Chinese garter
Laruan ko ay teks at jolens
Tapos ka-jamming ko lagi noon
Mga sigang lalaki sa amin'
(--,)
Nakangisi ako habang pinapakinggan ang kanta. Titibo-tibo ha? Naalala ko tuloy ang mga tropa ko non. HAHAHHAHAHAHHA DI DAW PAPATOL SA LALAKI PERO MAY MGA ANAK NA NGAYON!!! HAHAHHAHA BWISIT!
(-.-)
'Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang
At ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak
Na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig
At katamtamang sikat
Ng araw-araw mong pag-ibig
Sa 'king buhay nagpapasarap'
Masaya kong sinabay ang kanta. Ewan ko ba, natutuwa ako sa kantang ito. Di naman ako Tibo hhaahahahha.
Pero bago pa man ang makaliko ng daan ay di ko inaasahang may papara sa akin. Babae? Lalaki? Ha? Naka itim itong jacket na animoy action star. Naka itim rin siyang pants at maging ang bit bit na bag sa likod at sumbrero ay itim rin. Pero kahit ganon pansin sa katawan niya ang pigura ng isang babae. At kahit naka jacket ay pansin rin ang kaputian nito. Wala sa tangkad niya ang normal na tangkad ng isang babae. Matangkad pa ata sa akin to ha? Huwag naman.
Kunot nuo akong tumigil sa pagmamaneho at pinagmasdan siya habang papalapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng malakas siyang kumatok sa kabilang pinto.
Huwag naman... Di ho ito akin eh. Huhuhu.
Bago pa man uli siya kumatok ay agad ko na itong pinagbuksan ng pinto. Inis siyang umupo bago hinubad ang bag pati na rin ang sumbrero bago bumaling ng tingin sa akin.
(O_o)? <- - Ako.
(-.-) <- - Siya.
"Hehehe S-sino k---"
"You know our home right?" seryosong tanong niya. Bakit ganon yong boses niya??? Parang panlalakeng ewan. Hmmp.
"Ha?"
"Ha?" panggagaya niya bago nakangiwing nag iwas ng tingin.
"B-bahay? Bahay mo?... Eh.. Di nga kita kilala." natatawa tawang sambit ko.
Muli siyang lumingon sa akin, "Just Drive. And turn off your freaking radio. Because that's not funny." saad niya bago sumandal at itinakip ang sumbrero sa mukha.
Bakit? Ano bang tunog ng radio ko?
Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
Isang halik mo lamang
At ako ay tinatablan
At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
Na para bang bulaklak
Na namumukadkad
Dahil alaga mo sa dilig
At katamtamang sikat
Ng araw-araw mong pag-ibig
Sa 'king buhay nagpapasarap
(O_O)!!!
Natitigilan akong bumaling ng tingin sa harap at muling ipinagpatuloy ang pagda-drive.
Napalunok ako at saka dinahan dahan ang volume ng radyo. Di ko inaasahan na malilingunan ko siya. At ang mas lalong di ko inaasahan ang na masasalubong ko ang mga tingin niya. Mga tingin na mukhang nakakatakot sa iba pero iba ang dating sa kin ng mga tinging iyon para ako nitong hinihipnotismo na ewan.
Nag iwas ako ng tingin at muling itinuloy ang pag da drive. Hindi ko alam kung bakit nag iba bigla ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi iyon kung anong mga masasama isipin, hindi ko mapaliwanag.
Di ko na namalayan na itinigilan kong muli ang sasakyan at naabutan kong nakapikit na ang mga mata niya. Kusang inisa isa ng tingnan ng mga mata ko ang bawat parte ng mukha niya. Noon di ako naniniwala na may pinanganak na perpekto, pero bakit parang kinain ko ata ang sinabi ko noon? Nagkamali akong sinabi ko yon dahil ngayon may ebidensiya na sa harap ko na talagang di kapani paniwala.
Kahit nasa porma niya ang pagiging lalaki ay di ito makikita sa mukha niya. Ang totoo mukha siyang anghel na bumaba sa langit at nakisakay sa mini truck ko.
"Can't you stop staring at me?" inis na sambit niya. "Psh!!" inis siyang nag iwas ng tingin ng bigla siyang mumulat! Kunot na ang noo niya ng muling magtama ang tingin namin.
Parang gusto ko namang ilibing ang sarili ko sa lupa! GRABE!!! ROBERTO UMAYOS KAAAAA!!!
"Sorry....."
"Na hante gwansim isseuseyo?" bahagya ko siyang nilingon ng nakakunot ang nuo! Ano daw?
Kita ko ang ngisi niya bago ngiti ngiting muling sumandal at pumikit. Unti unting nawala ang mga ngiti niya.
Ako naman ay natameme... Ano ba itong taong to? Saang planet ito nanggaling at bakit ganon ang salita niya??