My Demon [Ch. 54]
Kumag talaga yung Demon na yun! Matapos akong puyatin nung Friday dahil sa "I love you" niya, hindi na naman nagpakita. Pero nag-text naman siya sa'kin. At alam niyo ba kung ano ang tinext ng mokong na yun? Ganito o:
Nasa bahay ako this weekend. Wag kang mag-alala, okay lang ako.
Ang kapal lang, diba? Feeling niya paggising ko siya agad ang una kong hahanapin? Asa naman siya na hindi yun totoo. Oo, tama ang nababasa niyo. Siya nga ang una kong hinanap nung umaga despite na pinuyat niya.
Pichi-pichi! Bini-big deal ko yung narinig ko. Anong malay ko nabingi lang pala ako? Nagkamali ng dinig o baka naman guni-guni ko lang yun? Tama. Guni-guni ko lang siguro yun. Matapos ko kasing matulala ng ilang segundo, nagsalita ako. Wala namang sumagot mula sa kabilang linya at nung tiningnan ko yung screen ng phone ko, naka-end na yung call.
Ah, basta nakakaasar talaga siya ever! Palagi nalang ginugulo ang isip ko.
Boink!
Nilingon ko ang taong bumatok sa'kin.
"Aray ko naman, Angel! Makabatok ka?!"
"Kasi naman, Sistar, kanina pa ho kita tinatawag hindi ka naman lumilingon! Naiintindihan ko pa nung nasa malayo ka pa eh, kaso nung nasa likod mo na ko mismo, aba kang gaga ka ayaw mo pa rin lumingon? Puro ka, "nakakainis talaga siya!". Ay, putragis! Sino ba kasi yang nakakainis na yan, ha?!"
"Ang dami mong sinabi. Busy ka ngayon, diba? Bakit nasa harapan kita?"
"Tas ngayon binalewala mo ang speech ko? Kaloko ka, Sistar!" Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at umarte na sasabunutan ang sariling buhok.
May napansin ako sa underarm niya. "Haluh, Angel, yung kili-kili mo umiiyak na."
"Omagash!" Agad niyang binagsak ang mga kamay niya para di makita ang under arm niyang binabaha na. "Ito yung dahilan kung bakit kita hinahanap. May tissue ka ba dyan, Sistar?"
"Wala eh. Sa CoOp marami."
"Gosh! Nagsayang lang ako ng effort," himutok niya. "Osya, makaalis na nga." Tumalikod na siya at pakembot-kembot na umalis.
Ngayon ang start ng school fair kaya ganun nalang ka-busy si Angelo same with other SC Officers pati na rin ang mga iba't-ibang organization nitong school.
Iba't-ibang booth ang makikita dito sa fair ground. Samu't-saring pakulo.
Pumunta ako sa Sweets booth. Ang cu-cute ng mga design ng cupcakes, lollipop, candies, chocolates and etc. though ang bigat sa bulsa.
Bumili ako ng graham muffin na nagkakahalagang fifty pesos. Napakabigat sa bulsa para sa tulad kong hindi mayaman na estudyante, pero okay lang. Pinag-ipunan ko naman ang araw na 'to kasi alam kong marami akong makikita na magugustuhan ko.
Sa booth na ito, ang customer ang magcu-customize kung anong wrapper ang gagamitin pati na rin ang magiging design ng item na binili niya.
Yung black wrapper na may pink curve sa itaas tapos may pink hearts na nakakalat ang pinili ko para sa muffin ko.
Matapos ibalot ng babae yung graham muffin sa wrapper na napili ko, tinanong niya ako kung anong gusto kong design.
"Pwede sulat lang po?" tanong ko.
"Anything, Ma'am."
"My Demon." I smiled at her.
Ngumiti rin naman siya pero mukhang nawiwirduhan sa gusto kong ipasulat sa kanya. Ganun pa man, sinulat niya pa rin iyon sa muffin ko.
Since black and pink ang color ng wrapper, ganung color din ang ginamit niya para bumagay. Color pink na icing ang ipinangsulat niya (na ginawa pang "♥" ang letter "o") tapos color black naman yung sa outer ng dalawang word.
"Thank you and enjoy your customize sweet!" Inabot na sa'kin ng babae yung muffin ko.
Paglabas ko sa booth nila, pinatong ko muna sa isang standing table yung pagkain ko. Nilabas ang aking phone para kunan ng picture. After that, kinain ko na ito.
Ako lang ang nag-iisa dito. Puro sila may mga kasama at kitang-kita sa mga ngiti na sila kung gaano sila natutuwa sa customize sweet nila.
Sa katabi kong standing table, may limang magkakaibigan na babae. Pinagdikit nila ang mga binili nila at kinunan ng napakaraming pictures. Isa lang pwede ng remembrance eh. Gagawan ata nila ng sariling album sa Facebook yung mga pagkain nila.
"Dahil alone ka ngayon, sumama ka sa'min!" Biglang may humablot ng wrist ko at nilagyan iyon ng handcuffs pareho sa isa.
"Chris, wag ako!" sabi ko. Alam ko naman kung ano ang booth na pinamamahalaan niya eh: Marriage Booth.
"Sorry, Soyu. Pero yung mga alone ang target namin ngayon." Sinenyasan niya ang tatlong lalaki na kasama niya na kaladkarin ako.
Sumunod naman ang mga ito.
"Ano ba! May kasama kaya ako!" pangangatwiran ko.
Huminto sa pangangaladkad saakin ang mga kasama niya at tumingin-tingin sa paligid.
"Sino?" tanong pa ni Chris.
Tumingin ako sa magkabilang gilid ko, tapos nilingon ang pwesto ko kanina. Walang tao. Huhu! Ayokong pumunta sa Marriage Booth!
Na-trauma na ko nung ipinartner nila ako sa lalaking mukhang kahapon. Nakakaumay talaga siya nun. Ngumuso pa siya after i-declare nung father-wannabe na "You may now kiss the bride". Hindi ko kinaya ang pangyayaring iyon kaya nag-runaway bride ako.
"Wala ka namang kasama eh. Nagdadahilan ka lang para pakawalan ka namin."
Eh kung ipinartner mo lang sana ako sa matino-tino noon, hindi ako nata-trauma ngayon!
"Bitbitin niyo na yan," utos ni Chris sabay talikod.
Kinaladkad na naman ako ng mga tauhan niya. Ang lalaki nilang boys, anong laban ko?!
"Chris, may kasama ako! Di niyo lang nakikita pero may kasama talaga ako!" Kahit anong palusot ang idahilan ko, hindi sila nakinig, at sapilitan pa rin akong dinala sa Marriage Booth na nagmistulang Horror Booth para saakin dahil sa karanasan ko noon. Oh noes!
Bago nila ako ipasok sa loob ng Marriage Booth, nilagyan muna nila ako ng blind fold. Para daw surprise. Surprise their faces! Kapag mukhang kahapon na naman ang ipinartner nila sa'kin ngayon, I swear . . . iiyak na ako.
Ginuide nila akong makapasok sa loob. May naririnig akong familiar na boses ng lalaki. Panay din ang reklamo niya na halatang ayaw niya ng ganitong set-up.
"Here comes the bride. Suotan na silang dalawa."
Hindi naman ibig sabihin na susuotan nila kami e kailangan nang hubarin ang mga damit namin. Adik lang? May costume silang easy-to-wear, yung de-ribbon yung nasa likod ng damit ng babae. O diba? Alam na alam ko. Sabi ko naman sainyo e, nanggaling na ko dito.
Matapos akong bihisan, giniya ako ng taong umaalalay sa'kin malapit sa father-wanna-be paharap sa groom-to-be ko.
"Pwede nang alisin ang blind fold."
Pagtanggal ng blind fold ko, nagulat ako sa nakita ko.
"Johan?" tawag ko sa pangalan niya.
Di naman siya nagsalita.
Wait lang, anga-anga yung nagtatanggal ng blind fold niya. First timer ata kaya natagalan sa pagtanggal ng blind fold ni Johan.
"Soyu?" tawag din ni Johan sa pangalan ko nang sa wakas ay natanggal na ang blind fold sa mga mata niya.
Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko mukhang kahapon na naman ang tatambad sa paningin ko eh. Si Johan lang pala na angel sent from above. Hihi! Ang cute niya talaga.
"Johan," tawag ko ulit sa pangalan niya. May gusto akong sabihin kaso di ko alam kung ano.
"Soyu," tawag niya rin ulit sa pangalan ko. May sinasabi ang mga mata niya pero di ko ma-gets.
"Oo na, magkakilala na kayo. Mamaya na kayo magtawagan ng pangalan. Sisimulan ko na ang ceremony," sabi ni Father-wannabe.
Pareho kaming natawa ni Johan, at sa pamamagitan ng aming mga ngiti, napagkasunduan namin na maki-ride nalang sa wedding-wannabe na ito.
"Do you Johan De Guzman, take Soyunique Sarmiento to be your lawfully wedded wife, promising to love and cherish, through joy and sorrow, sickness and health, and whatever challenges you may face, for as long as you both shall live?"
"I do."
"Do you Soyunique Sarmiento, take Johan De Guzman, to be your partner in life and sharing your path; equal in love, a mirror for your true self, promising to honor and cherish, through good times and bad, until death do you part?"
Sasagot na sana ako ng "I do" nang may nag-agaw eksena.
"I object!"
Sabay-sabay na naglingunan sa entrance ang mga taong nasa loob ng booth, including me and Johan. Si father-wannabe lang ang hindi lumingon kasi nakatayo na siya paharap mismo sa entrance ng booth.
"Demon?"
Naka-civilian siya ngayon. Black jacket na tinupi hanggang siko and white V-neck shirt underneath it paired with jeans and converse. Agaw pansin din ang hikaw na kumikinang sa kanang tenga niya. May suot din siyang silver necklace.
He's so . . . hot! No, he's cool! Another no, he's sooo dazzling! Whatever. Basta, ang gwapo-gwapo niya ngayon.
"They can't be married," sabi pa niya.
"And why? Give me a one valid reason," father-wannabe challenged him.
Ano bang nangyayari? Kunwarian lang naman 'to ah.
Demon's lips curled into a thin-amuse smile. "Simply, because she's destined to marry the sexily handsome guy whose first name has an initial KD and has a family name of Fuentalez."
"Pinagsasabi nito?" bulong ko sa sarili ko.
Demon's gazed shifted on me. He smirked arrogantly as he slowly walk gracefully towards my direction. "Right, Soyu? You can't marry another guy except for that sexily handsome guy." He paused. Nasa harapan ko na siya. "Your only Demon."
Without breaking his eye contact with me, nanghila siya ng isa sa mga babaeng nakatayo sa gilid.
Tumingin siya kay Johan at itinulak ang babaeng nahila niya papunta sa kanya. "Marry her instead."
Mabilis na inalis ni Demon ang suot kong veil pati na rin ang gown. Pagkatapos hinawakan niya ko sa kamay at hinila. Tumakbo kami palabas ng booth.