Baixar aplicativo
49.36% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 39: Chapter 38

Capítulo 39: Chapter 38

My Demon [Ch. 38]

"Bakit ba habang tumatagal lalo kang gumagwapo?" tanong ko sa napakagwapong lalaki na kaharap ko. "Grabe, idol na idol na talaga kita."

Gusto niyong malaman kung sino? Sige, bigyan ko kayo ng isang clue: Nakaharap ako sa malaking salamin.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Hindi ko na sana papansinin kaso ang taong pumasok ay ang taong ilang araw ko nang gustong-gustong bugbugin.

Naalarma siya nang sinugod ko siya at sinandal sa pader with so much force. "ALAM MO BA KUNG ANONG GINAWA MO HA?!" sigaw ko sakanya.

Nanlalaki ang mga mata niya at tila hindi alam ang gagawin. "A-ano ba yun? W-wala akong ginagawa. Inosente akong binibini. I swear ng Sistar!"

Kinwelyuhan ko siya ng mahigpit. "If it wasn't because of your hella damn advice, Soyu wouldn't be harmed!" I yelped.

Nanlaki ang mga mata niya at hindi nakakibo. Mukhang hindi pa niya alam ang nangyari sa kaibigan niya. "Harm? Kaya ba dalawang araw na siyang hindi pumapasok kasi..." Bigla siyang humagulgol ng iyak kaya binitawan ko siya.

"What kind of beautifully sexy friend I am? Bakit hindi ko alam na may masamang nangyari sakanya?" hagulgol niya. May pa-walling walling pang nalalaman. Ang arte, ang panget, at higit sa lahat, napakasagwa! Sarap upakan pucha.

"Ano ulit? Dalawang araw na siyang hindi pumapasok?" I queried, looking down at him.

Tumango siya habang nakatakip sa mukha niya ang kanyang palad at nakaupo sa tiled floor.

Kaya naman pala hindi ko siya nakikita sa school ng dalawang araw. Akala ko ayaw niya lang talagang lumabas ng classroom kapag break time at lunch break, at hindi na siya nagpapakita sa back gate kung saan ko palagi pinaparada ang motor ko. Inaantay ko pa naman siya. Nagbabakasali na dadating siya para sabay kaming umuwi sa bahay para sa tutorial. I just thought nakalimutan na niya o kaya naman dahil sa trauma, hindi niya muna ako matuturuan. Absent pala siya. Dang! She must be emotionally sick.

"Huhuhuhu! Ang sama kong friend." Nakawala ako sa malalim na pag-iisip dahil sa pag-iinarte ng kaibigan ni Soyu.

Sinipa ko ng mahina ang tuhod niya. "Tumahimik ka nga dyan! Napakasagwa! Kasalanan mo naman yun eh."

Inalis niya ang pagkakatakip sa mukha niya at tumingala sa'kin. Basang-basa ang mukha niya. Akala ko nagdadrama lang, totoo na pala ang pag-iinarte niya. Pero kahit ganun, hindi talaga bagay. Nasasagwaan akong tingnan.

"Kasalanan mo rin yun. Nakinig ka rin naman sa'kin eh."

"What the─ ako pa talaga sinisi mo, ha?!" Lumapit ako sakanya at umamba na babanatan siya. Agad siyang tumayo at tumakbo palayo.

"Ikaw kasi ang best friend niya at alam kong alam mo kung ano ang makabubuti sa kanya," I pointed out, then looked away. "I just did what I knew is best for her." Nang ibalik ko ang tingin sakanya, nakatakip siya ng bibig at halatang nagpipigil ng kilig. Sinamaan ko nga ng tingin. "And following your advice was the worst decision I've ever made."

Binagsak niya ang kamay niya at sumimangot. "Patawad! Ginaya ko lang naman ang ginawa ni Maboy sa I Revenged On A Playboy. Nilayuan niya si Zai para hindi ito mapahamak," katwiran pa niya.

"Anong magagawa ng patawad mo? At, depende yun sa sitwasyon. Yung Johan ang ilayo mo sa kanya, wag ako."

"Asus."

Hindi ko pinansin ang reaksyon niya, at lalabas na sana kaso may nakalimutan ako. Pupuntahan ko si Soyu kaso hindi ko alam ang adress ng bahay nila. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa kanila. Ewan ko ba dun sa kulot na yun, sobrang gwapo ko naman para ikahiya sa pamilya at mga kapitbahay niya.

Binalikan ko si Angelo. Papasok na sana siya sa cubicle nang hilahin ko ang likuran ng uniform niya.

"You outch me!"

"The hell I care."

"What do you want ba? Me?" Nag-beautiful eyes pa siya (yung kinukurap-kurap ang mga mata in a flirt way). Di naman bagay.

"Rot yourself in hell. Masyado kang feeling."

Umirap siya at humalukipkip.

"Iniirapan mo ba ko ha?!" Humakbang ako palapit sakanya, siya naman umatras.

"Hindi, hindi, hindi! Hindi kita inirapan."

"Siguraduhin mo lang. May kasalanan ka pa. Baka kung anong magawa ko sa'yo."

"Oo na. Sarry, sarry! Ano ba kasing kailangan mo?"

"Gusto kong dalhin mo ko sa bahay nila Soyu."

***

"Ito na ba yun?" tanong ko kay Angelo pagkababa niya ng kotse. Naka-motor ako papunta dito at siya naman ay nakasakay sa kotse niya. Kapal nga ng mukha niyang mag-request na iangkas ko siya sa motor ko. Psh. Kung wala lang talaga akong kailangan sakanya...

"Oo, tara na." Akmang papasok na siya sa bahay nila Soyu nang pigilan ko siya. "Why?"

"Ang sabi ko lang, samahan mo ako. Umuwi ka na sainyo."

"Huh? Pero gusto kong makita ang Sistar ko. Gusto ko siyang kamustahin at gusto kong malaman kung ano ang nangyari sakanya."

"Don't you dare!" Napaatras siya ng magtaas ako ng boses. "Listen, what happened to her traumatized her. She must be emotionally sick for two days and until now. Hindi makabubuti kung ipapaalala mo pa ang nangyari sa kanya. Instead of making her remember it, let's help her  erase the memory in her mind."

"Nice idea." Tumango-tango siya. "Pero hindi naman siya na-rape, diba?"

"Sa tingin mo ba maganda pa rin ang sikat ng araw ngayon kung nangyari nga yun?!" I guess he got my point. Dang this gay!

"Naniniguro lang," sabi niya. "Pero gusto ko talaga siyang makita." Tumakbo siya papasok sa bahay kaya agad ko siyang hinabol at hinila.

"Sinabi nang hindi pwede eh!"

"Gusto ko ngang makita ang Sistar ko! Alam mo namang kaibigan ko siya, diba?"

"Makikita mo na siya sa lunes. Papasok na siya, sigurado ako."

"Ang tagal pa nun, tatlong araw pa." Friday palang kasi ngayon. "Bakit ba kasi ayaw mo?"

"Makakaistorbo ka lang sa'min. Umuwi ka na." Pinagtulakan ko siya papunta sa kotse niya.

"Ayoko," paninindigan niya at sinara ang pinto ng kotse.

"Ayaw mo?" I asked in a challenging voice. "Gusto mo suntukan tayo dito?"

"Eto na nga eh. Uuwi na." Binuksan na niya ang pinto at pumasok doon. Pero bago niya isara ang pinto, sinabi niya na sabihin ko daw kay Soyu na nami-miss na daw niya ito at uso ang text at tawag.

"Susunod din pala, ang dami pang arte," sabi ko sa sarili ko habang pinapanood ang kotse niyang papalayo.

Kakatok na sana ako sa pinto nang kusang bumukas ito at lumitaw ang isang babaeng maliit. Itim at straight ang buhok.

"Good afternoon po," magalang na bati ko sa kanya nang hindi inuutusan at hindi sapilitan di gaya ng kadalasan. Mama kasi siya ni Soyu eh.

Hindi sila magkamukha at magkaiba ang buhok nila. Saan sila tugma? Sa height. Malamang Papa ni Soyu ang kamukha niya.

"Good afternoon din, iho. Ikaw si Demon, diba? Yung anak ng amo ko at ang tinuturuan ng anak ko."

Napa-poker face ako. "Demon" talaga ang ipinangalan sa'kin ni Soyu sa mama niya. Talaga yung kulot na yun oh!

"Tara, pasok ka." Binuksan niya ng maluwag ang pinto at pinapasok ako.

"Pasensya ka na sa bahay namin," aniya pagkaupo ko sa maliit na sofa. "Gusto mo ng juice o softdrinks?"

"Di na po, salamat nalang. Si Soyu po?" tinanong ko na ang tunay na pakay ko dito.

"Ah, nasa kwarto nagpapahinga," sagot niya. "Masama daw ang pakiramdam niya. Wala naman siyang lagnat. Basta tahimik lang siya at parang ang lalim ng iniisip." Bumuntong-hininga siya. Pansin na pansin sakanya ang pag-aalala sa anak niya. "Balak ko nga siyang dalhin sa doktor pero ayaw naman niya. Okay lang daw siya... kahit hindi naman. Nag-aalala na talaga ako sa kanya."

Pinagmasdan ko siya habang siya ay nag-iisip. Suot niya ang uniform ng FNTLZ catering, one of my parents' business. Sa pagkakaalam ko, kinuha siyang chef ni mommy nang malaman na nagustuhan ko ang luto niya. Masarap naman kasi talaga ang luto niya.

"May ideya ka ba kung bakit nagkakaganun ang anak ko, iho?"

"Namimiss niya lang ho ako kaya ganun."

"Huh?" naguguluhang tanong niya.

"Kung hindi niyo pa po alam, crush na crush po ako ng anak niyo. Bukod po sa inyo ng papa niya at ng mga pangarap niya, isa rin daw po ako sa mga inspirasyon niya sa pag-aaral."

"Sinabi talaga yun ng anak ko?"

I nodded. Totoo naman eh, sinabi niya sa'kin yun nung napanaginipan ko siya.

"Ah. . . okay," sabi niya nalang kahit hindi mukhang convince. "Sige iho, puntahan mo nalang siya para naman malibang kahit papa'no. Kailangan ko nang pumasok sa trabaho ko."

"Sige po, ako na po ang bahalang mag-alaga sa anak niyo. Mag-iingat po kayo."

Nawiwirduhan siyang tumango at umalis na ng bahay. Pagkaalis na pagkaalis niya, napangiti ako. Wala ang baklang kaibigan niya na madalas manggulo, at wala rin si Johan na aagaw ng eksena. Ang nandito lang ay ako at si Soyu.

I mentally laughed evily. Solong-solo kita ngayon, Soyunique Sarmiento!

 


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C39
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login