Baixar aplicativo
39.24% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 31: Chapter 30

Capítulo 31: Chapter 30

My Demon [Ch. 30]

"Uy, nakikinig ka ba?" tanong ko kay Demon sa kalagitnaan ng paglelecture ko sa Physics. Pa'no, kanina pa ko dada ng dada pero wala siyang kibo. Hindi nga siya nag-a-ad-lib like the usual na ginagawa niya kapag may pinapaliwanag ako about sa topic sa subject. Seryoso lang siyang nakatingin sa. . .

Tumingin ako kung saan siya nakatingin at nakatutok ang atensyon niya. Nagtaka naman ako kasi sa skirt ko siya nakatingin sa bandang tuhod.

Nagulat nalang ako nang tinaas niya yung palda ko. Magrereklamo pa sana ako kaso napukaw ang atensyon ko nung sugat na nasa knee-cap ko. Seriously, hindi ko alam na nasugatan ako sa tuhod dahil sa kagagawan nung apat kanina. Kaya naman pala ang sakit at ang hapdi ng tuhod ko eh.

"Ano ba talagang nangyari sa'yo?" Salitan niya kong tiningnan at ang sugat ko.

"Uh . . . wala." Binaba ko ang palda ko at yumuko sa table kung nasaan nakakalat ang mga libro na ginagamit namin para sa tutorial. "Nadapa lang ako."

"Klutz," he insulted.

"Oo nalang."

Hindi siya sumagot. Tumayo siya at nagbilin, "Wag kang aalis. Antayin mo ko. Saglit lang ako" tsaka umalis.

As if naman na aalis ako dito. Hindi pa nga tapos yung tutorial hour namin eh.

Habang inaantay siyang bumalik, inayos ko yung mga librong tapos na namin gamitin. Sinilip ko uli yung sugat ko. Simula ata nung nag-teen ako ngayon lang ulit ako nagkasugat sa tuhod. Nasabihan pang klutz. Siya kaya pagtulungan ng apat na mas malalaki sakanya? Palibhasa fight expert.

Pagbalik ni Demon, may dala siyang first aid kit. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya basta seryoso ang mukha niya. Ganun naman talaga siya eh. Mahirap basahin hindi gaya ng ordinaryong tao.

Umupo siya sa tabi ko at nilapag yung dala niya sa study table. Kinuha pa niya ang binti ko at pinatong sa lap niya. Napasabi nalang ako ng "Uy, ano ba?!" nung tinaas niya ang skirt ko.

"Isang reklamo mo pa!" he beamed at me. Wala na kong iba pang nagawa kundi ang yumuko at dahan-dahang hinila yung laylayan ng skirt ko. Ibababa ko pa sana yung binti ko kaso hinawakan niya yun ng madiin.

"Demon, naman eh!"

"Wag ka ngang feeling. Di naman kagandahan 'yang legs mo."

At hindi rin kagandahan yang ugali mo! Hmp! Ang hilig mang-insulto! Anong hindi maganda ang legs ko? Maputi at makinis yung legs ko ha! If he only knew na majorette ako sa Brass Band sa barangay namin. And every christmas season, fiesta at kung anu-ano pang okasyon, nirarampa ko ang aking legs na nilait niya at nagpeperform.

Gravity! Hindi ata marunong magbigay ng compliment ang lalaking ito. Pati ba naman ang legs ko na pinakamamamahal ko ay hindi nakaligtas sa panglalait niya. Grabe talaga siya.

Without releasing my knee, he reached for the ointment inside the first aid kit box. Pinagmasdan ko siyang marahan na pinapahiran ng ointment ang sugat ko sa tuhod, at hindi ko mapigilang ngumiti.

Hot-tempered man siyang nilalang, napa-caring din niya. Ang sweet lang! First time na may lalaking gumawa sa'kin ng ganito. I feel like I'm a princess who is cared by the handsome prince. Ang haba na talaga ng buhok ko! Si Keyr Demoneir Fuentalez yan oh!

Ano kayang feeling na maging boyfriend si Demon? Ganito kaya siya ka-sweet o kaya . . . mas sweet pa? Parang gusto ko tuloy ma-experience kung paano maging boyfriend si Demon.

Kaloka. Gumising ka nga, Soyu! Parang sinabi mo na rin na gusto mong maging boyfriend si Demon. At parang sinabi mo na rin na may gusto ka sakanya. Huwaaat?!

I looked around para libangin ang sarili ko. Kung anu-ano na naman ang iniisip ko.

Nakaramdam ako ng mainit na hangin sa sugat ko na talaga namang nagpaalis ng kirot at hapdi. Si Demon pala, hinihipan ang sugat ko.

Dalawang beses niyang ginawa yun pero talaga nag-heal sa kirot at hapdi ng sugat ko. Kung kanina nararamdaman ko pa ang dalawang iyon, ngayon isa nalang. Kilig.

* * *

Kinabukasan, hindi ko nakita yung apat na babaeng umaway sa'kin. Marahil na-suspend sila. Inabangan pa namin nila Angelo pati na rin ang iba kong classmates. Mapa-babae man at mapa-lalake. Yung ibang lalake mukhang sumama lang kasi nandoon yung crush nila. So kunyare nag-aabang din at kunyare nagki-care sa'kin, pero ang totoo, dumada-moves sa crush nila.

Nung uwian na, sinamahan uli ako ni Angelo sa back gate ng school at sabay na naman kami ni Demon. Natuwa pa nga ako nung kinamusta niya yung sugat ko.

"Dito ka lang, okay? Saglit lang ako." Napakaalinganin talaga magbilin ng isang 'to. Ganito rin siya kahapon eh.

Pa'no naman ako makakaalis dito sa Pastry Shop na 'to eh hindi ko alam ang daan pauwi o kaya kahit papunta manlang sakanila?!

"Kapag umalis ka . . ." Kita mo 'to. Nag-iwan pa ng banta eno?

Tumango nalang ako at kumain ng blackforest cake.

"Good girl," sabi niya habang pina-pat ako sa ulo. Ano ko aso?

Nakatayo siya sa gilid ko habang ako nakaupo at kumakain ng cake. Isang slice lang ang inorder niya kanina: para lang sa'kin. Ewan ko ba sakanya kung bakit di siya bumili ng para sa kanya. Ay, alam ko na pala ngayon. Kasi may lakad siya. Halata naman eh. Para kong bata na iniwan niya sa playground at babalikan nalang later on.

"Tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka," ang huling bilin niya bago tuluyang umalis ng Pastry Shop.

Paano ko siya tatawagan e wala akong cellphone number niya? Sira talaga. Oo,  halos araw-araw na kaming magkasama pero wala akong number niya at wala rin siyang number ko. Siguro akala niya naka-save sa cellphone ko ang number niya. Hmp! Hindi ako interesado sa number niya, noh! Kung siya nga nuknukan ng pride para kunin ang number ko, pwes ako din! Pataasan kami ng pride.

May lalaking lumapit sa'kin. Base sa porma niya, staff rin siya sa Pastry Shop na 'to. Hindi ko lang alam kung ano. Basta sigurado akong hindi siya janitor, waiter at mas lalong chef. Yung uniform niya parang uniform ng receptionist. Sorry hindi ko talaga alam. Wala naman kasi akong alam sa mga ganitong sosyalan na lugar. Ngayon lang ako nakakapunta sa mga ganito dahil kay Demon. Dinadala rin naman ako ni Angel sa mga soyal na lugar pero mas bongga ang kay Demon.

May sinasabi yung lalaki pero hindi ko maintindihan. Japanese naman kasi 'tong Pastry Shop na 'to eh. Ano ba siya? Manager? Supervisor? O baka yung mismong may-ari na?

Blah... blah... blah. Binabaha na talaga ng dugo ang ilong ko literally. Bukod sa aisheteru, wala na kong alam na japanese words.

Kinuha niya ang kamay ko at may nilagay na card. Hindi na ko nag-abalang tingnan pa ang card dahil natataranta ako. Ano ba kasing pinagsasasabi niya? Bakit di nalang siya mag-english?

Sakto namang dumaan si Demon sa labas sa bandang gilid ko lang. Nakapwesto kasi ako sa tabi ng glass wall.

"Demon, may kumakausap sa'kin!" sigaw ko. Nagtinginan sa'kin ang mga tao sa loob ng Pastry Shop pero hindi si Demon. "Demon, may nose is bleeding! Me is don't know nihonggo!"

Langya! Ganito ba epekto ng Japanese Language sa'kin? Pati sa english nawro-wrong grammar na ko.

Napatayo ako at sinundan ng tingin si Demon na dire-diretsong naglalakad papalayo with worried look on my face.

Kinalabit ako ni kuyang hapon. Pagharap ko sakanya, nakangiti sya at gustong makipag-shakehands. Instead na tanggapin, kinuha ko ang cake na nasa table. Nakalagay naman ito sa box na para sa take-out. Sabi ko kasi kay Demon sa box ipalagay. Ang cute kasi ng lalagyan nila kaysa sa plate. Chibi yung design sa box.

"Wait lang po. Tatawagin ko lang po si Demon para may translator. I shall return!" Nagmano ako sakanya atsaka tumakbo paalis.

Nakita ko si Demon na nasa may kalayuan naglalakad. Tinawag ko siya pero hindi lumingon. Di ata narinig. Tumakbo nalang ako para maabutan siya. Bitbit ko pa ang cake pati yung card. Naka-backpack pa ko kaya medyo nahirapan akong tumakbo.

Habang papalayo, papakunti ang taong nakikita ko.

Lumiko si Demon kaya binilisan ko pa lalo ang takbo ko kahit na hinihingal na ko maabutan lang siya.

Pagliko ko, kusang tumigil ang mga paa ko sa paghakbang.

For the sixteen years of my existence, ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng street fight. Mas matindi pa ito noong unang beses kong nakitang makipag-rambulan si Demon.

"Ayun sila! Sugooood!"


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C31
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login