Baixar aplicativo
96.97% Ms. Hoodie / Chapter 449: Kabanata 449

Capítulo 449: Kabanata 449

Isang gabi ang lumipas,

9am na ng umaga at nagising ng bigla si Kelly "deng! What the? Talagang nakatulog ako? Hayssss! Kailangan ko ng umisip ng paraan para maka alis dine bago pa ako mahanap nila kuya. Kailangan ko silang maunahan kung hindi madaming tao ang madadamay sa galit nila."

Bumangon na ngang agad si Kelly at na gulat syang biglang may nag salita "do you really think na makikita ka pa ng mga kuya mo?"

"What the?! Magaling ka na?"

"Ha... Ha? Ahem! Why... Why are you asking me like that?" Tanong ni Jarious na para bang nahihiya.

Nilapitan ni Kelly si Jarious at tinignan kung mainit pa ito "you really okay?"

"A-- Ano bang ginagawa mo?!"Umiwas sya kay Kelly at nag punta sa may balcony.

Sinundan naman ni Kelly si Jarious "naninigurado lang naman ako baka kasi mamaya ako ma masisi kapag di ka pa gumaling."

"Huh! Ibang klase ka talagang babae no? Sa lahat ng kinidnap ikaw yung concern sa nag abduct sayo."

"Well, where not in the movie or any other dramarama sa hapon. Kaya sige na pakawalan mo na ko bago pa makarating dito sila kuya."

"Huh! What do you think of me crazy? Sa tingin mo natatakot ako sa mga kuya mo?"

"Well, kung hindi ka natatakot sa mga kuya ko matakot ka nalang sa buong angkan namin. Dahil sigurado akong lahat ng connection nila gagamitin nila mahanap lang ang prinsesa ng Dela Cruz clan."

"What?! Pinagsasabi mong prinsesa ka?"

"Kung hindi mo na itatanong sundalo at mga police ang mga pinsan at mga uncle ko kaya they treat all the females in our clan like princess and queen."

"What? Sundalo at police? Tsss! As if naman!"

"Edi wag kang maniwala basta binigyan na kita ng warning kung ayaw mong malumpo sa kulungan pakwalan mo na ko!"

"Asa ka! Sakin ka lang!" Then he left.

"Yah!!! Pagsisisihan mo talagang kinidnap mo ko!!!"

At pag labas nga ni Jarious na gulat sya kay Benjo "what the fu*k?!"

"Sorry Sir, pero ang daddy nyo galit na galit tumawag sakin."

"What? Alam ni daddy?"

"O-- Opo hindi ko po alam kung paano nalaman pero sa palagay ko dahil sa mga kuya ni Ms. Kelly nag pa televised na po kasi sila."

"Ano?! Bakit di mo pinigilan? Hindi ba ang sabi ko bantayan nyo ang kilos ng mga kuya ni Kelly?"

"Opo Sir... ang kaso..."

"Ano!!!"

"Ang kaso po yung mga tauhan natin hindi ko na po ma contact sa tingin ko nahuli na sila o bumaliktad na satin."

"What the?! Hindi maaaring matunton tayo ng mga kuya ni Kelly! Sakin lang si Kell!!!"

"Pero Sir, ano pong gagawin natin papunta na daw po ang daddy nyo dito?"

"Ano?! Bakit di mo agad sinabi sakin? Ihanda mo ang sasakyan aalis tayo ngayon din!"

"Opo Sir!"

Makalipas ang ilang minuto,

"Bitawan nyo ko!!! Ayokong sumama sa inyo!!!"

"Tumahimik ka kung ayaw mong tanggalin ko yang dila mo!"

"Nag warning na ko sayo Jarious kahit san mo pa ako dalhin hinding hindi ka tatantanan nila kuya!!!"

"Shut up! Lagyan nyo ng tape ang bibig nyan!"

"Yes Sir!" Sambit ng mga guard na nakahawak kay Kelly.

"Sir, mag isip muna po kayo baka tama si Ms. Kelly pakwalan nyo na po sya baka po kasi mapaano kayo mapag lalo nyong ginalit ang mga kuya nya." sabi ni Manang.

"Wala kang pakialam sa desisyon ko Manang! Alis!"

Tinulak ni Jarious si Manang at nagulat syang may biglang tumawag sa pangalan nya "Jarious!!!"

"Da-- Dad..."

"Ano sa tingin mo ang gingawa mo sa lola mo?!"

"Da-- Dad kasi..."

Napahinto naman sa pag pupumiglas si Kelly ng nalaman niyang si Manang pala ay lola ni Jarious.

Sa isip-isip ni Kelly "Lola niya si Manang? Pero bakit... Hayssss... Napaka kumplekado naman pala ng pamilya nireng tukmol na re."

Samantala,

"Yes kuya, may nag timbre samin sa Cavite raw yung isang rest house nung pamilya ni Jarious. Papunta na rin doon sila kuya Ethan at sila Uncle pati ang iba pa." Ani Vince na humahangos na nag punta sa bahay nila Kelly.

"Ano pang hinihintay natin puntahan na natin si Kelly!" Ani Keith.

"Sandali lang. Hindi pwedeng pumunta tayo b lahat doon." Sabi ni Kim.

"Tama si Kim, Kevin maiwan ka dito kasama nila ate Rica mo para kung umuwi si Kelly may taong madadatnan dito." Sambit ni Kian.

"Oo kuya ako ng bahala dito."

"Kim, sumama ka sakin tayo nila Vince ang pupunta sa Cavite."

"Oo kuya." Sabay sambit nila Kim at Vince.

"Ikaw Keith, ikaw ang mag sabi kay Patrick sa kaniya ka na sumabay."

"Oo kuya ako ng bahala kay Patrick." Ani Keith.

"Let's go and find Kelly! Humanda yang Jarious na yan at kung sino pa man ang kasama niya sa pag dukot kay Kelly. Isang Dela Cruz ang kinuha nya buong angkan nya ang magiging kapalit oras lang na may ginawa syang masama kay Kelly." Sabi ni Kian na para bang sasabak sa gera.

"Yeah!!!" Sagot naman ng iba pa niyang kapatid at ni Vince at umalis at naiwan naman si Kevin sa bahay nila.

At ng makaalis sila Kian "sana naman mahanap na nila si Kelly. Nag aalala na ko baka mamaya kung ano ng ginawa ng Jarious na yon kay baby girl." Ani Rica.

"Wag kayong mag alala ate, kilala nyo naman si Kelly palaban rin yon isa pa oras na may gawing masama ang Jarious na yon kay Bunso. Humanda sya saming angkan lintek lang talaga ang walang ganti."

"Um. I remember one time na when I was a kid nawala kami ni Kim sa isang lugar at ang nga Dela Cruz ang nag hanap samin yung tipong feeling anak kami ng president kasi parang susugod sa gera sila Uncle Kemwell mahanap lang kami ni Kim. Do you remember that Kevin? Ah hindi, I think nasa tiyan ka pa ni Tita Keilla."Sabi ni Leny.

"Pero ka kwento yun sakin nila kuya. Mayor rin kasi ata nun that time si Lolo kaya talaga di pwedeng hindi kayo mahahanap ni kuya Kim nun."

"Talaga? Anong nangyare?" Ani Faith.

"Naligaw lang talaga kami ng mga oras na yon bago lang kasi ako nun sa barrio nila syempre di ko alam yung place tapos si Kim yung nakakita sakin. Eh etong kuya niyong feeling magaling sa direksyon ayun lalo kaming naligaw hanggang sa akala nga nila Uncle eh may kumidnap na kay Kim. Kaya yun lahat ng police at sundalo sa pamilya kasama sa pag hahanap samin para silang susugod sa gera kanyo. Kaya ngayong si Kelly ang nawawala lintek lang talaga ang walang ganti. Isa para sa lahat!"

"."

Walang imik o kahit anong kaluskos ang maririnig ng biglang may tumawag sa telephone.

"Hello? This is Dela Cruz Residence." Ani Kevin.

"Sino raw?" Pabulong na sambit ni Rica.

"Ah... Sige kuya, ako nalang mag sasabi kila ate Rica. Ingat kayo."

Pagka baba ni Kevin ng telephone nag tanong agad ang mga ate niya "wala pa sila dun sa resthouse na sinasabi bigla nag change daw ng plan."

"Ha? Bakit raw?" Tanong ni Faith.

"May nag timbre daw sa kanila na may pinuntahan na isang lugar yung daddy ni Jarious."

"So? Bakit doon sila nakatuon ang pansin?" Ani Rica.

"May mga pulis daw kasing nag mamanman dun sa tatay ni Jarious at ang sabi eh pumunta raw ito kung na yung anak nya si Jarious nga."

"Nako!!! Baka kakampi ng Jarious na yan yung daddy nya hindi ba Mayor yun dun sa Palawan? At ang sabi sakin ni Keith pinababa na nga daw sa pwesto kasi corrupt. Baka nalamang boyfriend ni Kelly eh anak ng mga Santos baka hihingo ng ransom." Sabi ni Faith.

"Hindi ate, kung hihingi man sila ng ransom nung unang araw palang tumawag na sila para sa perang kapalit ni Kelly."

"Isa pa, ang sabi sa na research ko mayaman rin yang sila Jarious dahil nga corrupt ang daddy nya pero bago pa man daw ito maging Mayor sadyang mayaman na kaya sa tingin ko di pera ang habol nila satin para kay Kelly." Sambit ni Leny.

"So, you mean ate, in love lang talaga yung lintek na yon kay babysis?"

"Ewan ko, sa panahon ngayon mahirap mag overthinking lalo na kung wala namang proweba."

"Pero one thing is for sure makukuha na po si tita Kelly!" Ani Jacob pagbaba nua ng hagdan at may dalang iPad.

"Oh nak, bakit andito ka? Hindi ba sabi ko bantayan mo muna ang kapatid at pinsan mo."

"Don't worry mom, tulog po silang tatlo."

"Oh.. I see."

"Ano yang naririnig ko sa iPad mo bebe boy?" Ani Faith.

"Eto po panoorin nyo po yung news."

"Hmm?"

At ipinapanood nga ni Jacob sa mommy at mga tita nya at kay Kevin yung nakita nya sa social media.

"Totoo ba yang balita na yan?" Tanong ni Rica.

"Opo mommy legit po yang source na yan. Iyan po yung page na nag babalita sa tv."

"Ibig sabihin ba nun makukuha na natin si babysis?" Sabi ni Faith.

"Oo Faith! Talagang we need to have Faith in God!" Ani Leny.

At nag tatalon sa tuwa yunb mag hihipag habang napansin naman ni Jacob na parang hindi masaya ang tito Kevin nya.

"Uncle, ayos ka lang po ba?"

"Um. Okay lang ako."

"Bakit parang hindi po gaya nila mommy hindi ka po masaya?"

Bigla namang na luha si Kevin "ah... Sorry, sobrang saya ko lang talaga na hindi sinaktan si Kelly. Ayoko kasing madagdagan na naman yung trauma niya eh. Nasasaktan kasi ako kapag nahihirapan si Kelly i-concur yung fear niya feeling ko kasi bilang kuya niya hindi namin sya na alagaan ng ayos."

Jacob wipes his uncle Kevin's tears at na touched naman yung mag hihipag na naiiyak na rin.

"Don't cry na po. Sabi nyo nga po di ba palaban po si tita Kelly kaya wag po kayo ma sad dahil sa hindi nyo naalagaan ng ayos si tita Kelly. Kasi po di yun totoo kasi naging brave po si tita Kelly di ba sabi nya naman po sa interview na okay naman po sya. Kaya wag ka na po sad uncle. Tita Kelly will he alright na po."

"Um. Thanks baby boy."

At niyakap ni Jacob ang uncle Kevin nya at sumali na nga rin yung mag hihipag habang nag iiyakan.

"Wag ka na sad Kevin andito naman kami saka tama si Jacob ginawa nyong brave girl si babysis. Kelly is not a typical girl she is brave and smart tapos galing nya pa sa martial arts kasi magaling kayong mga kuya. Di ba mga ate?" Ani Faith.

"Um."

Samantala sa rest house nila Jarious,

May dalang makakain si Manang para kay Kelly na nasa balcony...

"Ay, nako... Ayos lang po di naman po ako gutom Manang...ay, lola..."

"Tawagin mo nalang akong lola Lucia."

"Oh... Hello po lola Lucia."

Lola Lucia smiled "upo ka na at kainin po itong niluto kong sopas. Mamaya lang eh andito na ang mga kuya mo."

"Ahm... Lola, sorry po ah... Hindi ko napigilan si Jarious. Grabe naman po kasi sya lola niya pala kayo tapos ginagawa nya kayong kasambahay dito? Tapos tinulak nya pa po kayo? Grabe sya! Wala po syang modo! Dapat di nalang sya ipinanganak ng nanay niya! Napaka sama po ng ugali niya!"

"Naiintindihan ko naman kung masama ang tingin mo kay Jarious pero sadyang pilyo lang yang bata na yan kasi hindi siya na paglaanan ng oras ng magulang nya. Kaya ayan napaka rebelde."

"Pero pwede pong itanong bakit ngayon lang nalaman ni Jarious na lola niya po kayo?"

"Nung bata kasi sya ayaw na ayaw niyang may lalapit na kapamilya o mga kamaganak namin sa kaniya."

"Po?"

"Dahil nga walang panahon sa kaniya ang mga magulang nya dahil busy sa trabaho tapos lagi pa syang napapagalitan tumatak na sa isip niya na hindi sya belong sa family namin."

"Dahil lang po dun?"

"Habang lumalaki si Jarious nagiging malaki ang expectations sa kaniya ng parents nya gang sa nag hiwalay na nga ang mga ito dahil sa pera at sugal. Inisip ni Jarious na hindi na sya pinahahalagahan ng mga ito kaya nag layas sya pumunta sya sa nga kaibigan nya at ayaw na ayaw niyang makikita ang parents nya hanggang sa... one time na aksidente sya kinailangan nyang salinan ng dugo at ang dad niya ang ka match nya. Kaya ng magkaroon ito ng malay simula non hindi na sya umalis sa puder ng daddy niya marami na ring kasing nakabantay sa kaniya. Pero galit pa rin sya sa mga parents nya o sa kahit sinong relatives nya."

"Tapos po? Yung mom nya po nasan?"

"Nasa ibang bansa may iba ng pamilya kaya ako na ang nag pa laki sa kaniya."

"Ohh... Kaya po ba nag pakilala nalang kayong kasambahay dahil ayaw ni Jarious sa mga kamaganak niya?"

"Oo, nakiusap rin sakin ang daddy nya na ako na ang bahala kay Jarious kaya kapag may problema sya parati syang andito o kapag napapagalitan sya ng daddy nya."

"Pero bakit hindi nyo po sinabi na lola nya kayo ?"

"Ayaw na ayaw kasi ni Jarious na nag sisinungaling sa kaniya yun kasi ang nakalakihan nya sa parents nya lagi nilang sasabihin na mabubuo silang pamilya sa birthday niya o sa kahit anong okasyon sa buhay nya pero ang ending walang daddy o mommy na dumadating. Kaya ayaw na ayaw niya ng tao na mangangako at mag sisinungaling."

"Ohhh... Kaya pinili niyo nalang po na maging kasambahay kayo sa tingin ng apo niyo wag lang syang lumayo ang loob sa inyo. Pero lola, hindi po ba ito na yung right time para kausapin nyo sya bilang lola nya hindi bilang kasambahay na alam niya."

"Ayos lang, ako pa rin naman yung Manang na mahal na mahal sya kahit hindi nya ako tanggap. At, pasensya ka na sa pag kidnap sayo ni Jarious."

"Hindi nyo kailangang mag sorry sa kaniya."

"A-- Apo... I mean, Sir Jarious."

"Alam ko na po, wag nyo na akong ituring na amo."

"Pero..."

Lumuhod si Jarious sa harapan ni Lola Lucia.

"A-- Ano bang ginagawa mong bata ka? Tumayo ka diyan!"

"Hindi po, hindi po ako tatayo hangga't di nyo po ako pinapatawad sa mga ginawa kong kasalanan at pambabastos sa inyo."

"Wala ka namang kasalanan. Nag lihim ako sayo kaya kasalanan ko rin."

"Pero La, I treat you like a maid!"

"Tumayo ka na. Naiintindihan ko namang lahat ng ito ayoko lang na lumayo ang loob mo sakin."

Niyakap ni Jarious ang lola niya at nag iiyak "Lola!!!"

"Apo..."

Naiyak naman si Kelly habang pinagmamasdan yung mag lola.

"Mag pakabait ka sa lola mo Jarious na pasaway!"

"Heh!!! Mamaya mo na ko pakulong yayakapin ko muna ang lola ko!"

"Sino bang may sabi na ipapakulong kita?"

"Ha?"

"Pero Ms. Kelly, kasalanan sa batas yung pag kidnap sayo nitong apo ko."

"Okay lang po lola. Parang ang sama ko naman pong tao kung paghihiwalayin ko yung mga tao na ngayon lang nag kasama as lola at apo. Kaya okay lang po, ako na pong bahala mag explain sa mga pulis at kila kuya."

"Salamat Miss."

"Kelly nalang po La."

"Salamat ulit Kelly."

"Wala po yon, basta mag babait na po sana yung isa diyan. At kapag inapi na naman kayo nyan tawagan nyo nalang po ako at sana ibalik na rin po nya yung phone ko para may contact na po tayo sa isa't isa."

"Apo..."

"Opo La, eto na po ibabalik ko na po."

At lumapit nga itong si Jarious kay Kellu ay binalik ang phone nito.

"Apo, baka may gusto kang sabihin kay Kelly. Ang bait nya sayo di ka na nya papakulong."

"O--- Opo La."

"Ay, Lola! Parang napipilitan lang po oh!"

"Jarious!!!"

"Opo La, eto na nga po. Sa-- Salamat and sorry sa ginawa ko."

"Sus! Pasalamat ka at ang bait ni Lola Lucia kung hindi, baka na sapak na naman kita eh."

"Lola oh!"

"Sige lang Kelly, para matauhan yang apo kong si Jarious."

"Lola naman eh!!! Ako po yung apo nyo dito."

Lumapit naman si Kelly kay Lola Lucia at biglang naging clingy at sinabing "sorry ka mas love ako ni Lola."

"Ikaw!!!"

"Lola, si Jarious po oh!"

"Kelly!!!"

"Hmm? Kuya Kian!!!"


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
lyniar lyniar

Hi geysh! Sorry di ako nakaka pag update ng chapter na busy lang po talaga ako. Hayaan nyo po babawi ako sa mga susunod na linggo. Salamat po! ^_^

next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C449
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login