Baixar aplicativo
18.55% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 72: I conquer her

Capítulo 72: I conquer her

Naka simangot ako nung pumunta sa conference room. Kasi talagang naasar ako sa nangyayari. Di ko gusto yung masyadong pinag uusapan feeling ko kasi lahat ng mata sa office namin nasa akin kaya naka yuko akong naglalakad.

"Morning Ma'am and Sir, pinatawag daw po niyo ko?" Mahina kong sabi habang naka tingin ky Boss Helen tanging sulyap lang ang ibinigay ko kay Martin.

"Ganyan ba dapat ang muka ng madaming admirer?" Pang aasar ni Boss sa akin habang naka ngiti. Mukang narinig na rin niya yung balita.

"Hay naku Boss kung alam mo lang ang sakit ng ulo ko ngayon." Di ko maiwasang magreklamo habang umupo sa upuang itinuro ni Boss Helen sa akin. Muli kong sinulyapan si Martin na naka titig sa akin.

"Bakit naman sasakit ang ulo mo eh sikat na sikat ka nga pati sa group chat ikaw ang topic dahil sa wakas daw ang aming muse ay handa ng tumanggap ng mga manliligaw."

"Hay naku kung pwedi lang mag mamadre na lang ako. Change topic tayo! Bakit niyo pala ako pinatawag?"

"Ay... Oo nga pala yung tungkol sa project sa Pagudpod. As you can see andito ngayon si Sir Martin gusto niyang makita yung design mo."

"Ah okey po!" Matipid kong sagot pero agad kong binuksan yung projector at ipinakita ko yung design. Very professional ang pakiki tungo ko kay Martin minsan sinusulyapan ko siya kung nakikinig ba siya or may tanong feeling ko kasi sa akin lang siya naka tingin pero nagpatuloy parin ako sa pag sasalita. Naging smooth naman ang presentation hanggang matapos.

"By the way Sir pinapaadjust ni Boss Helen yung regarding dito sa top floor usually daw kasi di mo pinalalagayan ito ng security kaya tatangalin ko nalang po siya sa plano." Sabi ko kay Martin napilitan na kong kausapin siya para senyasan siya na tigilan niya yung pagtitig sa akin.

"Wag mo ng tanggalin, Okey na ko sa design mo." Mahinang sabi ni Martin sa akin. Di parin niya inaalis sa akin ang tingin pero nung inerapan ko siya wala siyang nagawa kundi bumaleng kay Boss Helen.

"Let's proceed to the implementation."

"Okey send ako ng contract para maka pag start tyo. Bye the way okey lang ba kung si Michelle na yung papadala ko sa site para mag supervised dun?"

"Wag siya!" Mabilis na sagot ni Martin medyo napalakas ang boses niya kaya nagulat kami ni Boss Helen. Kaya nagsalita si Boss para magpaliwanag.

"Naisip ko kasi si Michelle para sana mapa bilis ang project kasi nga alam na niya yung lugar."

"Baka naman magalit sa atin yung mga admirer ni Ms. Michelle kung ipapadala mo siya kagad sa malayong lugar. Pero may bago akong project dito sa Manila balak namin gawing condo. Siya na lang pahawakin natin para di malungkot manliligaw niya."

"Ah... okey!" Naka ngiting sagot ni Boss Helen. Pero alam ko sinadya yung sabihin ni Martin para asarin ako. Pero nagkibit balikat lang ako parang di ko narinig yung sinabi niya. Dahil nga tapos na yung presentation agad kong niligpit yung mga gamit ko. Nag uusap pa si Martin at Boss Helen tungkol sa mga project pero di ko na binigyang pansin dahil ang gusto ko umalis na at bumalik sa table ko lagi kasi akong tinitingnan ni Martin at di ko kasi gusto yung tingin niya dahil natatakot akong mapansin iyon ni Boss. Pero bago akong tuluyang maka pag paalam biglang nagsalita si Martin.

"Invite ko sanang mag lunch si Ms. Michelle para mapag usapan namin yung schedule ng visit sa mga site." Pagpapaalam ni Martin kay Boss Helen. Agad kong sinipat yung relo ko ten minutes pa bago mag twelve.

"Bakit si Michelle lang niyaya mo Martin? Wag mong sabihin dadagdag ka pa sa mahabang manliligaw ni Michelle." Pang aasar ni Boss Helen sa amin kaya agad akong yumuko.

"Wala naman sigurong masama dun binata naman ako saka isa pa alam ko namang di ka sasama dahil ayaw mong maka istorbo sa amin." Naka ngiting sagot ni Martin. Agad ko siyang tiningnan ng masakit para wag ng ituloy yung gusto niyang sabihin.

"Haha... haha... oo nga naman walang masama at sympre ano ako third whee? Pero ingat ka Martin masyadong mailap itong muse namin." Sabay akbay sa akin ni Boss Helen habang tinatakip takip yung balikat ko.

"I CONQUER HER!"

"Haha...haha... good luck then! Basta kunin niyo kong ninang kung sakaling magkatuluyan kayo."

Tuwang tuwa sagot ni Boss Helen na akala mo umaarteng kupido sa pagitan naming dalawa.

"Boss naman masyadong advance! Pag uusapan lang namin yung sched mag twelve na kasi malamang gutom na si Sir Martin kaya nagyaya." Inunahan ko ng sumagot si Martin para magpaliwanag.

"Oh siya mag date na kayo!" Pagtataboy ni Boss samin. Umiling na lang ako habang lumalabas kasunod ko si Martin. Agad ko siyang binulongan ng makita kong di sumunod si Boss sa para sure n dalawa lang kami makakarinig.

"Kunin ko muna yung wallet at notebook ko wait mo na lang ako sa parking lot." Tumango lang si Martin bilang sagot sa akin at dumiretso na sa exit. Nung makita kong sumunod siya kahit papano naka hinga ako ng mabuti. Agad kong kinuha yung pouch ko na naglalaman ng wallet at cellphone ko dinala ko rin yung notebook ko para di obvious na lalabas kaming dalawa pero alam ko naman na niyaya niya ako para interogate.

"Labas muna ako guys!" Sigaw ko sa mga kasama ko.

"San ka punta?" Mabilis na tanong ni Alvin sa akin.

"Lunch meeting." Matipid kong sagot at tuluyan na kong lumabas.

Pag dating ko sa parking lot agad akong sumakay sa kotse ni Martin. Mabilis naman niya itong pinaandar. Lumiko kami papuntang Manila area mukang sa location niya kami papunta. Naging tahimik lang ang biyahe namin di siya nagsalita at ganun din ako hanggang makarating kami.

"Doon na lang tayo sa loob kumain mainit dito sa labas." Sabi ni Martin sa akin habang binuksan niya yung pinto. Tumango lang ako bilang pang sang ayon tirik na tirik ang araw sa labas kaya agad naman akong pumasok at naupo sa sofa. Habang si Martin ay nagbukas ng aircon at tumawag sa telephone sa Martin malamang para omorder ng lunch namin. Ipinikit ko muna yung mata ko para mapa hinga yung utak ko bilang paghahanda na rin sa mahabang paliwanagan. Maya maya naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at hinawakan yung kanang palad ko. Hinayaan ko lang siya at patuloy parin akong naka pikit.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C72
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login