Baixar aplicativo
65.2% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 253: Crazy

Capítulo 253: Crazy

"Papa!" Malakas kong tawag sa Papa ko ng makita ko siya. Di ko mapigilang mapaluha kasi naka upo na siya sa wheelchair na naging araw-araw na niyang kasama.

"Bakit umiiyak ka?" Sagot niya sakin habang hinahaplos yung ulo ko. Naka subsob ako sa pagitan ng leeg at balikat niya.

"Miss lang kita!" Malambing kong sagot.

"Miss eh lagi ka namann naka video chat samin, nagsama na nga ako sa muka mo eh!"

"Hala paano ka magsasawa sa muka ng maganda mong anak?" Nagtatampo kong sabi.

"Haha...haha...!" tawa ni Papa at napakalakas nun kaya di ko maiwasang matawa narin.

"Lumapit na kayo sa lamesa at kumain na tayo!" Yaya ni Mama.

Agad akong tumayo para itulak si Papa palapit sa mesa.

"Oh bakit kasama mo yan?" Sabi ni Papa sabay turo kay Christopher na naka upo na sa harap ng lamesa.

"Ewan ko diyan!" Tanging nasabi ko.

"Kaya nga eh di makaramdam na alam naman niyang family reunion natin ito pero nakikisiksik parin." Sagot ni Mike na kababa lang galing sa second floor. Dinala na niya sa kwarto ko yung maleta ko.

"Tita oh!" Sumbong ni Christopher kay Mama na akala mo kakampihan siya.

"Bilisan mo ng kumain at umalis ka na!" Masungit na sagot ni Mama sa kanya habang nilalagyan ng pagkain yung plato ko.

"Thanks Ma!" Sabi ko habang nag-umpisa ng kumain. Si Christopher ganun din na para bang okay lang na walang may gusto sa kanya sa bahay namin.

"Bakit di ka na kasi mag-asawa Michelle para walang aaligid na langaw sayo!" Sabi ni Papa habang kumakain kami.

"Bukas 'Pa mag-aasawa na ko!" Seryosong sagot ko. Lahat sila napahito sa pagkain at napatingin sakin na parang gulat na gulat sa sinabi ko kasi alam naman nilang lahat na ever since na umalis ako ay di ako tumanggap kahit isang manliligaw kaya pano ako mag-aasawa?

"Kung sino mauuna kong maka salubong diyan sa kalsada mamaya papakasalan ko kagad!" Dugtong ko ng nanatili sakin yung mga mata nila.

"Paano kong taong grasa naka salubong mo,ano papakasalan mo parin?" Naiiling na tanong ni Mike.

"Sa pinto niyo na ko matutulog para sure na ako yung unang makaka salubong ni Michelle!" Masayang sagot ni Christopher.

"Di na ko mag-aasawa kung ikaw lang naman!" Irap ko sa kanya.

"Wawalisin kita para sure na wala ka sa pinto paggising ni Michelle!"

"Pakasama niyo naman sakin! Huhu...huhu...!" Pag-iinarte ni Christopher.

"Masama ka rin kasi kay Michelle dati!" Sagot naman ni Papa.

"Nagbago na po ako Tito at nangangako po ako di ko na sasaktan si Michelle!"

"Sus yan din sinabi mo dati!" Pambabara ni Mike.

"Kaya nga! Bilisan mo ng kumain at umuwi ka na at hahanapan ko pa ng mapapangasawa itong si Michelle!" Sagot ni Mama na pinamamdali na si Christopher.

"Wag mo na kong alalahanin 'Ma, may nakita na kong papakasalan." Mayabang kong sagot.

"Sino?" Sabay-sabay nilang tanong sakin.

"Ayun oh!" Sabay nguso ko kay Richard Gomez na nasa TV at nagpopromote ng isang vitamins.

"May asawa na yan, ano gusto mo maging kirida?" Masungit na sagot ni Mama.

"Masarap kayang maging kirida!"

"Crazy!" Sabay hampas ni Mama sa braso ko.

"Aray naman! Sige si Christopher na lang papakasalan ko!" Pagbibiro ko.

"Sige Michelle pakasal na tayo ngayon!" Tuwang-tuwang sagot naman ng isa.

"Patola ka rin eh noh!'

"Bakit di ka naman lugi sakin ah?"

"Di nga ako lugi, panalo pa nga ako sa sama ng loob sayo saka di ko pa nakakalimutan yung pambabae mo!"

"Tagal na nun five years na! Move-on na tayo!"

"Ikaw ang mag-move na sa bahay namin! Layas na at tapos ka ng kumain."

Pagtataboy ko kay Cristopher.

Pag-alis ni Christopher pinagpahinga muna ako ni Mama kasi nga daw mahaba yung naging biyahe ko at dahil kumikirot din talaga yung ulo ko ay umakyat na ko sa kwarto ko.

Walang pinagbago yung kwarto ko, ganun parin gaya ng iniwan ko pero kahit papano malinis ito. Malamang laging nililinis ni Mama kasi maayos ang lahat. Naka-upo ako sa gilid ng kama ko ng makita ko yung picture na naka patong sa side table. Dinampot ko iyon at pinagmasdan. Larawan iyon namin ni Martin at parehas kami doong naka ngiti, kuha namin sa Laoag.

Di ko maiwasang mapangiti at malungkot bigla ko nanamang naalala yung huli naming pag-uusap bago ako umalis.

"So aalis ka talaga?" Galit na tanong ni Martin sakin.

Sobrang bigat ng dibdib ko nun pero tumango ako dahil kailangan ko iyon para sa pamilya ko.

"Kapag umalis ka break na tayo!"

"Hon naman please, two years lang hinihingi ko. Mabilis lang iyon di natin mamalayan makakabalik na ko. Isa pa pwedi naman tayo mag-usap sa video call or kung may business trip ka dun pwedi tayong magkita." Natataranta kong paliwanag. Ayaw kong magbreak kami kaya ang panalangin ko sana ay mainitindihan niya ko.

Di sumagot si Martin at nung tinangka kong yakapin siya ay iniwasan niya ko. Di ko na napigilan yung pagtulo ng luha ko dahil sa ginawa niya pero pinilit ko paring mag-makaawa.

"Please understand me!"

"Hindi kita naiintindihan at kahit kailan di kita iintindihin dahil ang alam ko lang ay iiwan mo ko!"

"Martin please, alam mo namang mahal na mahal kita!"

"Alam mo rin Michelle na mahal na mahal kita!" Galit na niyang sabi.

"Kung mahal mo ko iintindihin mo ko!"

"Kung mahal mo rin ako di mo ko iiwan!"

Napakagat nalang ako ng labi at di na sumagot kasi paikot-ikot na lang kami ng usapan pero ang ending di parin niya ko naiintindihan. Wala akong nagawa kundi dampuin yung bag ko at umalis.

"Michelle pag-umalis ka break na tayo!" Muli niyang sabi sakin.

Di ko na nilingon si Martin kasi puno na ng luha yung muka ko pero sinagot ko siya.

"Siguro nga di talaga tayo para sa isat-isa kaya di tayo magkaintindihan. Pasensya ka na pero kailangan kong unahin yung pamilya ko pero gusto ko lang malaman mo na Mahal na mahal kita." Pagkasabi ko nun tuluyan na kong umalis.

Simula ng araw na yun wala na kong naging balita kay Martin hanggang sa lumipad na ko papuntang Singapore at lumipat ng America. Doon natapos yung relasyon naming dalawa pero hanggang ngayon ang sakit parin kapag naiisip ko siya.


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
pumirang pumirang

Pambawi sa di pag-update ng ilang araw. Sorry sobrang busy lang talaga sa work! Hays!!!

Please add may English novel

Let's Start Again.

Thanks!

next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C253
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login