Baixar aplicativo
99.48% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 386: Chapter 386

Capítulo 386: Chapter 386

Dahil nga meron akong bisita behave lag si Martin. Pagkatapos naming kumain ay bumalik ako sa kwarto namin pero dahil nga di ako makatulog muli akong bumangon at pinuntahan ko si Martin kung saan nasa study room niya.

"Hon," tawag ko sa kanya nung pumasok ako. Nakasubsob siya sa mga documents na nasa ibabaw ng office table niya at ng narinig niya yung boses ko ay nag-angat siya tingin para makita ako.

"Bakit di ka pa natulog?" tanong niya sakin.

"Di na ako makatulog eh!" rason ko bago ako umupo sa mahabang upuan na naroroon sa study room niya.

"Di na masakit yung puson mo?"

"Di na masyado," sagot ko sa kanya bago ko dinampot yung magazine na nasa center table. Business magazine yun at dahil nga wala naman akong hilig sa mga iyon ay muli ko itong ibinalik sa lamesa saka ako tumayo at humanap ng libro na pweding basahin para may pagkaabalahan ako habang nagpapaantok.

"Basa-basa ka muna diyan at malapit naman na ako matapos," sabi ni Martin sakin bago muling bumalik sa ginagawa niya pero puro more on business management yung mga libro ni Martin at wala naman akong hilig dun hanggang sa mapansin ko yung isang cooking book na tanging naiiba sa lahat kaya agad ko yung kinuha para tingnan kasi nga nagtataka ako kung bakit meron nun dun.

"Bakit may cooking book dito, sayo ito?" curious kong tanong habang nakatingin ako kay Martin kasi di parin ako makapaniwala na meron nun dun.

"Oo, sakin yan!"

"Nag-aral kang magluto?"

"Hmmm," tanging sagot niya.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Para maipagluto ka!" proud na sagot niya sakin di ko tuloy mapigilang matawa nung marinig ko yung sagot niyang iyon sakin.

"Bakit mo ko kailangang pagluto eh meron ka naman chief na handang sundin lahat ng utos mo!" pagbibiro ko bago ako bumalik sa upuan, bitbit ko yung cooking book niya.

"Para if ever tayo lang, pwedi kitang pagsilbihan!"

"Di mo naman yun kailangan gawin kasi duty ko yun bilang asawa mo!"

"Duty ko rin yun bilang asawa mo rin!" mabilis na sagot ni Martin sakin.

"Bahala ka nga diyan!" sagot ko nalang kasi hahaba pa yung pagtatalo namin at malamang maiistorbo ko lang yung ginagawa niya kapag pinagtatalunan pa namin yung mga ganung bagay.

More on basic cooking lang naman yung laman nung cooking book, gaya ng pagprito ng mga itlog at mga basic breakfast at ulam for dinner and lunch. Meron din how to make basic dessert pero kahit basic yun di parin ako makapaniwala na ang isang gaya ni Martin ay willing matuto ng ganung bagay para sakin. Di ko mapigilang mapatingin kay Martin at sakto namang naka tingin din siya sakin kaya nginitian ko siya.

"I love you!" usal niya sa pamamagitan lang ng labi niya at walang boses na lumabas sa bibig niya.

"I love you too!" sabi ko sa kanya pero sakin may boses.

"Hon ah, inaakit mo ko! Sinasabi ko sayo!" pagbabanta ni Martin sakin.

"Excuse me di noh!" sagot ko sa kanya sabay irap ko sa kanya at muli akong bumalik sa pagbabasa ng cooking book. Iniisip kong gumawa ng puto cheese kaya pinag-aaralan ko yung recipe nun sa libro.

"Tara na tulog na tayo!" sabi ni Martin sakin na di ko napansin na naka lait na pala sakin.

"Tapos ka na?"

"Hmmm!" sagot niya sakin bago niya ko binuhat ng princess style at para masigurado kong totoo yung sinasabi niya at agad kong sinulyapan yung table niya pero wala na kong makitang papel dun kasi nga naligpit na niya.

"Mamaya nagmamadali ka lang kasi inaalala mo ko!" sabi ko kay Martin bago ako kumapit sa leeg niya.

"Tapos na talaga ako, kaya matulog na tayo!" sabi niya sakin bago ako hinalikan sa pisngi.

"Okay, sabi mo eh!" sagot ko nalang habang bitbit niya ko papunta sa kwarto namin.

Paggising ko ng umaga wala n si Martin sa tabi ko at di gaya kahapon di na masakit yung puson ko kaya bumangon na ko.

Pagkatapos kung mag-almusal agad kong binuksan yung laptop ko para mag check ng email ko kasi may hinihintay akong email galing kay Anna. Sinend ko lang kasi via email yung invitation sa kasal ko and I'm hoping na nabasa niya yun.

Di ko kasi siya magawang tawagan dahil nga nagalit ito ng hindi ako tumuloy sa pagbalik sa America. Na disappoint ako nung pagbukas ko ng email na wala parin akong narereceive na email na galing sa kanya.

Siya kasi sana yung gusto kong maging maid of honor ko sa darating na kasal at umaasa akong di niya ko matitiis.

"Kapag di ka pa nagreply tatawagan na kita bukas," sabi ko sa sarili ko bago ko pinatay yung laptop ko.

Dahil wala na nga ako magawa lumabas nalang ako papunta sa garden at nagsimula nanamang magtanim.

Yung lang naman yung ginagawa ko kung wala ako sa garden nasa kwarto ako natutulog, ganito lumilipas yung araw ko sa bahay namin ni Martin.

"Hon," nagulat ako ng marinig ko yung tawag ni Martin.

"Bakit ang aga mo?" tanong ko habang nakatingin ako sa relo ko. Four palang kasi ng hapon kaya labis akong nagtataka bakit siya umuwi.

"Iniisip ko kasi baka masakit pa yung puson mo kaya umuwi ako ng maaga,"

"Di na, ganyan lang talaga pag sa una pero sa pangalawang araw okay na ko!" sagot ko sa kanya habang naglakad ako papalapit sa kanya.

"Diyan ka lang, maputik!" saway ko ng makita kong balak niya kong lapitan. Maputik kasi sa pwesto ko lalo pa nga at umulan kagabi.

"Ano bang ginagawa mo dito, dapat nasa loob ka nalang!" sabi niya sakin habang hinalikan ako sa pisngi.

"Okay naman na ko kaya wala ka ng dapat alalahanin," sabi ko kay Martin bago ako naghugas ng kamay na puno ng putik.

"Ano yung tinatanim mo?"

"Nagtanim ako ng talong, sili, okra at saka kamatis. Balak ko nga sana magtanim ng ampalaya saka upo kaya lang wala pa kong kahoy na pweding kapitan,"

"Gusto mo kumuha ako ng gardener para may mag-alaga ng halaman mo?"

"Huh, ito na nga lang libangan ko tapos kukuhaan mo pa ko ng gardener eh ano nalang gagawin ko?" Tanong ko kay Martin habang naka taas yung kilay ko.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C386
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login