Baixar aplicativo
67.61% MARBLE: NEGATIVE ATTRACTION EQUALS LOVE / Chapter 119: TRUTH OR DARE

Capítulo 119: TRUTH OR DARE

"O bakit?" maang nyang usisa.

Papsimple siya nitong kinabig sa ulo, kunwa'y hinalikan ang kanyang buhok.

Tumigas bigla ang mukha ni Vendrick, iniiwas ang tingin sa kanila.

Si Gab nama'y tumikhim na habang ang iba'y walang pakialam sa mundo, sige pa rin sa bidahan habang isinasabay ang inuman. Magaling bumida si Paul at Dave.

"Walang ganun. Aabot na yun sa tyan." pigil ang tawang bulong ni Erland sa kanya.

Awang ang labing napatitig siya rito.

"Walang ganun?" di makapaniwala sa nalaman.

Ngumit ito, tumango.

Napadampot siya ng fried chicken sa ibabaw ng mesa at pinapak habang nagungunot ang noo saka napasulyap sa mga iniwang naruon pa rin sa kinaruruonan ng mga ito, naghahagikhikan.

Wala ba talagang ganun? Kaya pala nagulat ang mga ito.

Curious pa niyang initry imeasure kung anong haba nun mula sa kanyang hita hanggang sa kanyang tuhod at napapangiwing yumuko. Ang haba nga, aabot yata hanggang dibdib niya. Buti na lang di siya pinagtawanan kanina.

Muli siyang pumulupot sa binata, bumulong uli.

"Eh sa positions, may airplane ba?" usisa niya uli.

"Anong airplane?" lukot ang noo ni Erland sa kanya.

" May helicopter eh. Di may airplane din." kaswal niyang usal.

Di na napigil ng binata ang isang malakas na tawa, napatingin tuloy sa kanila ang mga kaibigan nito.

"Dude, ang sarap ng tawa mo ha. Sarap ba kumiliti ang jowa mo?" tudyo ni Livy dito.

Tumikhim ito't ngumiti na lang sa nagsalita pero muling kinabig ang kanyang ulo, bumulong uli.

"Ano ka ba, walang airplane dun. Helicopter lang. It's not about transportation." pigil na naman itong matawa.

Umawang uli ang kanyang bibig, inosenteng tumitig dito, kunot ang noo.

"Ganun ba? Wala talaga nun?" di pa rin makapaniwalang tanong niya.

Tumango na uli ang lalaki saka dinampot ang isang baso ng alak at tinungga pagkuwa'y muling kinabig ang kanyang ulo.

"Pag-aralan mo kasi." biro sa kanya.

Kinurot niya ito sa tagiliran sabay irap at di sinasadyang napatingin kina Vendrick at Gab na kapwa di maipinta ang mukha habang nakatingin sa kanila.

Agad siyang yumuko kumuha uli ng isang pirasong fried chicken at namumula ang pisnging sumulyap sa mga kasama kanina. Buti na lang pala, di nahalata ng mga itong nagsisinungaling siya. Ang galing naman pala niyang umarte kung ganun.

Pigil ang kanyang hagikhik habang inuubos kainin ang fried chicken na hawak, ngunit natigil lang nang idampi ni Gab ang isang daliri sa gilid ng kanyang bibig.

"May dumi." anito, malagkit na nakatitig sa kanya.

Isang ngiti lang ang kanyang iginanti saka kumuha ng tissue sa kanyang bag at pinunasan ang bibig, muling pumapak sa hita ng manok, natigilan uli nang malakas na ilapag ni Vendrick ang ininumang baso.

Patay-malisya niya itong sinulyapan, nagtatagis ang bagang nitong di malaman kung sino ang kalaban. Huh? Parang laging may kaaway ah.

Saka lang siya umiwas ng tingin sa binata nang mapansin si Chelsea at ang mga kasamang pabalik na uli sa mga upuan nito kanina.

Napakapit siya sa braso ni Erland at tila humihingi ng confirmation kung wala talagang ganun sa mga binanggit niya kanina, kaya bumulong na uli ito.

"Relax. You're the most beautiful liar in this earth. Pag may nang-away sayo dito, sasapakin ko." usal nito.

Duon na siya napahagikhik at inihilig ang ulo sa binata.

"Guys, why don't we make this evening memorable?" agaw ni Chelsea sa atensyon ng lahat at nagtagumpay naman ito dahil natuon agad dito ang pansin ng mga lalaking nag-iinuman.

Siya nama'y hindi kumibo, lumantak lang ng kain sa mga naruon sa ibabaw ng lamesa.

"Let's have a game. By partner." nakangiti nitong suhestyon.

"Wow, maganda yan." susog agad ni Shanna na awtomatikong pumulupot sa braso ni Paul.

"Ok game." sang-ayon naman ni Maricor.

Humagikhik lang si Ericka sabay halik sa pisngi ni Livy.

"Hep! Hep! Sali ako!"

Sabay-sabay silang napatingin sa dako ng nagsalita.

"Cathy!" tawag niya pagkakita dito at tumayo para salubungin ito.

Agad siyang niyakap ng kaibigan.

"Akin muna si Erland. Ako muna haharot sa kanya." bulong sa kanya.

"Sira." palatak niya.

Humagikhik ito't inilayo ang katawan sa kanya.

"Nakatulog si Kaelo sa bahay. Bukas ko na ihahatid sa inyo." anito pagkuwa'y nakipagbeso-beso na sa mga naruon.

Bumalik siya sa kinauupuan ngunit inawat siya nito.

"Hephep! Ako jan." sita sa kanya ni Cathy.

"Huh? Eh san ako uupo?" maang niyang tanong.

Hinila na ni Gab ang kanyang kamay saka siya inupo sa pagitan nito at ni Vendrick. Wala na siyang nagawa kundi magpatianod na lang saka pasimpleng ngumiti sa lahat.

"Let's try the truth or dare. Magandang laro yun. Pag truth, kailangang sagutin ng magpartner nang tama ang tanong sa kanila. Pag ayaw nilang sumagot magkikiss sila. Pag dare naman, gagawin nila ang sasabihin sa kanila. Pag di nila ginawa, iinom sila ng ibibigay sa kanilang alak." paliwanag ni Chelsea, excited sa kanilang gagawin.

Kumuha siya ng paperplate at tinidor sa mesa, humiwa ng kunting cake, yun naman ang sunod niyang kinain pagkatapos sa manok.

"How do we start our game?" usisa ni Beth, ang asawa ni Ziggy.

"Here." si Shanna na ang sumagot, kinuha ang wala nang lamang bote saka yun pinaikot sa gitna ng mesa.

"Okay trial muna. Kung kanino ito tumapat, sila ang taya." anito.

Nagkibit-balikat lang ang karamihan sa mga lalaki. Pero excited halos ang lahat ng kababaihan liban sa kanyang mas gustong kumain kesa makinig sa sinasabi ng mga ito.

"Hey, kina Cathy huminto." si Ericka.

Humagikhik ang dalaga.

"Ano'ng gagawin?" curious nitong tanong sabay siko kay Erland na biglang tumahimik sa kinauupuan.

"Pipili ka kung truth or dare." sagot ni Ericka.

"Truth na lang." ani Cathy.

"Okay, what's your relationship with Erland?" si Chelsea na ang nagtanong.

Lumungkot ng mukha ni Cathy sabay baling sa kanya.

"Sorry darling Marble, but i really like Erland." pag-amin nito.

Namula ang pisngi ni Erland.

"Okay, fine." tipid niyang sagot.

Tawanan ang lahat. Natawa sa sagot niya.

"You really are game on everything." puna ni Maricor sa kanya.

Nagkibit-balikat siya.

"I can't prevent her from liking my fiancee, but i can prevent her from flirting with him." sagot niya sabay kindat kay Cathy.

Humagikhik ang dalaga.

"Loka ka talaga." saad sa kanya.

"Ok game na!" hiyaw ni Shanna at muling pinaikot ang bote.

Siya nama'y sige pa rin sa ginagawa.

Tudyuan ang lahat nang huminto ang bote sa gawi nina Chelsea.

"Dare." wika agad ng dalaga.

Hiyawan na uli ang lahat.

Pero siya'y napatingin na sa paligid. Bakit tila yata sila na lang ang naruon? Ang kanina'y nakabibinging hiyawan ng mga sumasayaw sa dance floor, ngayo'y bigla nang naging bakante. Ni wala na siyang nakikitang ibang tao maliban sa kanila at sa bartender na panay tingin sa gawi nila.

Napasulyap siya kay Gab. Wag sabihing talagang binayaran nito ang buong bar na yun para sa kanila ngayong gabi? Tsk! Tsk! Anlaki talaga ng nagagawa ng pera.

"Halikan mo si Vendrick." utos ni Shanna kay Chelsea.

Hiyawan na uli sina Paul, liban kay Erland na napapasulyap sa kanya.

Ang lakas ng bungisngis ni Chelsea, sabay pulupot sa braso ng binata at siniil ito ng halik na tila ba baliwala lang sa huli samantalang ang dalaga'y halos sumigaw sa tuwa.

Sa wakas natapos din ang halik na yun, hiyawan ang lahat sa kilig.

Muling pinaikot ang bote, sa kasamaang palad ay huminto sa kanila ni Gab.

Lalong lumakas ang hiyawan ng lahat.

Siya nama'y natigil sa pagnguya at nagtatanong ang mga matang bumaling kay Gab na abot hanggang tenga ang ngiti.

"Go Marble! Walang personalan, game lang to." ani Beth.

Pinaglipat lipat niya ang tingin kay Gab at sa mga kasama saka isinenyas ang kamay.

"Sensya na, pass muna ako. Kumakain ako eh." pagdadahilan niya.

Hiyawan na naman ang lahat.

"Truth or dare?" si Maricor na ang nagtanong.

"Truth." si Gab na din ang sumagot ngunit nakatitig sa kanya.

Wala siyang choice kundi ngumiti na lang at ilapag sa mesa ang kinakain.

"Who is Marble to you?" tanong ni Maricor.

"I'm sorry Dude, but Marble is my first love." pag-amin ni Gab na kay Erland napasulyap pagkuwa'y napatitig na uli sa kanya.

Namumula ang pisnging iniiwas niya ang tingin.

Syempre nagulat ang lahat ng mga naruon pero sa huli'y naghiyawan na uli.

"Really!?" di makapaniwalang tanong ni Shanna.

Nahihiyang tumango si Gab.

"Actually, we've been together before. Five years ago i think. Nagpunta lang akong Canada para mag-aral. But i admit, i'm madly in love with her until now." salaysay ni Gab.

Hiyawan na uli ang mga kaibigan ng binata maliban kina Erland at Vendrick na mas piniling tumahimik kesa makisabay sa iba, lalo na si Vendrick na kanina pa makulimlim ang mukha.

Siya nama'y tipid lang ang ngiti nang sumulyap kay Gab ngunit ewan ba kung bakit di sinasadyang maidikit niya ang braso kay Vendrick na noo'y walang ginawa kundi sumimsim ng alak.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C119
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login