Baixar aplicativo
60% Love You In Disguise / Chapter 3: Chapter Charlie

Capítulo 3: Chapter Charlie

***

Escaped

Napakislot si Paisley ng tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa recliner. Nakababad siya sa swimming pool sa condominium na tinutuluyan niya sa Makati, habang malungkot na inaalala ang namayapang kasintahan. Saglit siyang umahon mula sa kinalulubugang jacuzzi at tinuyo ang kamay gamit ang towel bago inabot ang cellphone saka patamad na sinagot ang tawag. Isa lang naman ang alam niyang tatawag sa kanya, dahil isa pa lang ang nakakaalam ng bago niyang number,at wala na rin naman talaga siyang kapamilya na kokontak sa kanya.

"Yes, Connor! What do you want?" Malamig ang boses na sagot niya. Ni hindi man lang nahimigan ng konting emosyon. Galit pa rin siya sa kapartner dahil sa ginawa nito kay Hindler at pangunahan ang desisyon niya. At hindi niya alam kung paano pawiin ang galit na 'yun sa lalaking itinuring na niyang kapatid at kaibigan.

"Hey! Whats with the greetings? Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa pagligtas ko sayo?" Imbes na seryosohin ang sinabi niya ay inasar siya nito na lalong nagpakulo ng dugo niya.

"Pwede ba! I told you many times already, I don't owe you anything to thank for!" Mataray na wika niya. Simula nung araw na magkatagpo at niligtas 'kuno siya ay di na siya nito tinantanan. Well, paano nga ba niya ito maiiwasan? Lagi silang magkasama eh.

"Ow c'mon Violet Striker. A simple dinner is fine with me. For what is our partnership for? And besides, magkaibigan rin naman tayo." pang-aasar muli nito.

"Ok fine!" wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon dito. Inis na pinutol niya ang tawag saka muling bumalik sa pagbabad sa jacuzzi. Mariin siyang Napapikit habang inalala ang pagtatagpo nilang dalawa sa bus isang linggo na ang nakakalipas.

"Connor?"  halata ang galit sa mukha niya ng tuluyang masilayan ang mukha ng binata. Wala siyang pakialam kung mabasa nito kung ano man ang emosyon ng mukha niya. She wants to show him. Gusto niyang malaman  nito na hindi basta-bastang maghihilom ang sugat sa puso niya sanhi ng ginawa nito.

He smirked as he sat beside her.

"Whazzup Violet? Looks like natakasan mo na sila? Good girl!"

Umirap siya at bahagya itong tinalikuran upang ibaling ang paningin sa labas ng bintana.

"Kasalanan mo to Connor! Hindi sana ako tumatakas kung hindi mo ginawa yun!" malamig pa sa yelong wika niya.

"Ow c'mon Violet, tinapos ko lang ang misyon mo na hindi mo kayang gawin!" Giit nito at ipinikit ang mata saka relax na sumandal sa kinauupuan.

Matalim ang matang nilingon niya ito.

"You know that I still dont have the chance. And im waiting for the right chance but you suddenly appear and interrupted me!" She grinned her teeth as she spoke with him.

He chuckled and open his eyes to face towards her.

"Dont get me wrong Violet! Pareho nating alam na hindi mo siya kayang patayin! Why is that?" Taas ang sulok ng labi nitong tanong sa kanya at matiim siyang tinitigan.

Hindi siya agad nakaimik sa sinabi nito.

"Your inlove with him isn't it?" Diretsang tanong nito.

Lalo siyang natahimik sa sinabi nito at iniwas ang paningin dito at itinutok sa labas ng bintana.

"Sinusundan mo ba ako?" Sa halip ay pang iiwas niya sa tanong nito.

" I dont need to do that. You know na kahit na saan ka magpunta ay kaya kitang itrack." muli itong sumandal at ipinikit ang mata.

Napabuntong hininga siya sa sinabi nito at kinapa ang barcode tatto niya sa likod ng kanang tenga. Ito ang dahilan kung bakit natetrace siya ng kasapi nila sa agency at ito ang palatandaan na isa siyang agent ng Red Dragon Society. Yeah, isa siyang secret agent. At walang nakakaalam nun kahit ang ang ina niya, ang nag-iisang kapamilya niya. Pero hindi nang lalaking minahal niya. Isang linggo pa lang ang nakakalipas mula nang ipinagtapat niya dito ang lahat, na siyang labis niyang pinagsisihan ngayon.

Napalingon siya sa lalaking katabi at galit itong tinitigan.

"Ano kaya kung patayin ko ito ngayon?" Bulong niya sa isip habang tahimik pa rin itong pinagmamasdan. Nanatiling nakapikit ang mga mata nito.

Pasimple niyang inabot ang bag at kinuha doon ang natitira niyang syringe. Akmang ituturok na niya iyon sa vial na may lamang nakakamatay na lason ng biglang magsalita ang lalaki na pumigil sa gagawin niya.

"Don't you ever try to think about it, honey. Were in a team and i just did what is right just not to abort that mission of yours." Seryosong wika nito at iminulat ang mata at mariing tumitig sa kanya.

Galit niyang iniwas ang tingin dito at muling itinago ang hawak na syringe sa loob ng bag. Muli niyang ipinagpatuloy ang tahimik na pagmamasid sa labas ng bintana.

Oo nga, alam niyang tinulungan siya nito sa misyon niya. Pero ito rin naman ang nagdala sa kanya sa ganitong sitwasyon.

Marahas siyang Napabuntong hininga ng muling bumalik sa kasalukuyan ang isip. Payapa na nga ba kaya siya ngayong nakabalik na siya sa condo niya? Alam niyang patuloy pa rin siyang pinaghahanap ng pamilya ni Hindler, kahit sabihin pang ibang pangalan ang sinabi niya sa mga ito. Kahit mali man ang impormasyong ibinigay niya ay alam niyang hindi pa rin siya titigilan ni Doña Efifania. Ipapahanap at ipapahanap pa rin siya nito, sa laki ng kasalanang nagawa niya sa Doña, sigurado siyang hanggang ngayon ay hina-hunting pa rin siya.

Mabigat ang loob na umahon siya sa pool. Nandito siya ngayon sa fourth floor ng condominium unit na tinutuluyan niya at nakababad sa swimming pool para kalmahin ang sarili pagkatapos ng ilang araw na pagmumokmok sa kwarto. She swam for five more lapses hanggang sa mapagod at muling nagbabad. Pero lalo lang siyang ginugulo ng ala-ala ni Hindler ng paulit-ulit itong sumagi sa isip niya. Matamlay siyang umahon at Inabot ang towel na nakaabang sa gilid ng pool at tinapos ang pagbababad saka tinungo ang elevator upang umakyat sa unit niya sa 13th floor para magbanlaw.

Pagkapasok sa condo unit ay kaagad siyang dumiretso sa banyo upang magbanlaw at kalmahin ang naninibughong damdamin.

Siya si Paisley Bristow aka Violet Striker. Hindi si Chloie Pineda o kung sino pa man. Sa dami na ng alyas na nagamit niya kahit si Connor ay nalilito na rin kung anong itatawag sa kanya. But she stick with the alyas Violet Striker dahil nagustuhan ito ni Hindler noong di sinasadyang nasabi niya dito ang totoong pagkatao niya na labis nang pinagsisihan ngayon at pinagdusahan.

Hindi na naman niya mapigilang isipin ang namayapang kasintahan habang nakatapat sa shower. Ipinikit niya ang mata at dumaloy ang luha niya ng makita ang nakangiti nitong mukha. Ang  matamis nitong ngiti na kinahumalingan niya. Ang nag iisang lalaking minahal niya ng tapat. Itinapat niya ang mukha sa shower at hinayaang tangayin ng tubig ang luhang pumatak sa kanyang mata. Matigas ang puso niya, at hindi marunong magmahal, pero simula nang makilala niya si Hindler ay nagbago ang pananaw niya sa buhay. Hindi niya alam kung paano nahulog ang loob niya rito, kahit parang wala itong direksyon sa buhay at umaasa lang sa yaman ng mama nito.

"Hindler... I really miss you so much. Alam kung di na tayo magkikita pero umaasa ako na balang araw ay magtagpo ang landas natin at muli kang makasama. Umaasa ako na muli nating ipagpatuloy ang pagmamahalan natin. Pero paano? Paano natin ipagpatuloy kung wala ka na?" she grieved. Ang sakit sa puso niya dulot ng pagkawala ng kasintahan ay hindi mawala-wala.

Tumagal siya sa ilalim ng shower para kalmahin ang sugatang puso bago napagpasyahang magbihis. Suot ang boxing shorts at sports bra at ang nakapatong na towel sa balikat niya ay tinungo niya ang kanyang mini gym na nasa loob lang din ng condo unit niya. Pero nagulat siya ng mabungaran sa sala ang nag iisang lalaking kinaiinisan niya at printeng nakaupo sa sofa na para bang pag-mamay-ari nito ang unit niya.

"What the fuck!" madilim ang mukhang asik niya rito. "What are you doing here at paano ka nakapasok sa unit ko?" tiim ang bagang na tanong niya.

Umayos ito ng upo mula sa Naka de kwatrong upo nito sa sofa at taas kilay na tumingin sa kanya.

"Bahagya yatang bumaba ang self defense mo, Violet? Ni hindi mo na namalayang nakapasok na ako, ang daling buksan ng lock mo! Pumupurol na ang talas ng pakiramdam mo!" Pang aasar na sagot nito.

Hinablot niya ang figurin na nakadisplay sa glass cabinet na katabi niya at malakas na ibinato rito sa sobrang inis.

"Pwede ba, Connor? Tigilan mo na ako!" Wika pa niya na may bahid pa rin ng inis ang boses.

Umilag ito pero mabilis na sinalo ang figurine sa takot na makabasag.

"Hep hep!" Wika nito habang salu-salo ang figurine niyang mamahalin pa naman. "Stop it, Violet! Itigil mo na ang kahibangan mo sa lalaking yun! Wala na siya! Alam mong hindi tayo pwedeng umibig lalo na sa target natin." mariing Sagot nito sa kanya at tumayo para lapitan siya at ibinalik sa kinalalagyan ang figurine na hawak.

Mabilis na umigkas ang kamao niya at Sinikmura ito dala ng sobrang galit, ng makalapit ito sa kanya. Hindi agad ito nakahuma dala ng pagkabigla dahil sa ginawa niya.

"You know, i always want to do this to you!" Pigil ang galit na wika niya. Madilim pa rin ang mukha niyang nakatingin dito.

He grimaced in pain at sapo ang sikmura na humarap sa kanya.

"Ano ba, Violet? Mag move on ka na sa kanya. Hindi siya ang lalaking nababagay sayo!Wala, walang lalaking dapat na umibig sayo!" wika nito habang namimilipit sa sakit.

Lalong tumalim ang titig niya rito. She smirked and utter a word into him.

"And who do you think you are para sabihan ako ng ganyan? Wala kang karapatang pigilan ako, kung sino man ang gugustuhin ko. Wala kang karapatang diktahan ang puso ko kung sino ang iibigin ko!" Galit na wika niya at tinalikuran ito. "And just to let you know, hinding hindi ako mag momove on sa kanya dahil siya lang ang nag iisang lalaking uukupa ng puso ko." Dugtong pa niya at muli itong hinarap habang nakatapat ang daliri sa puso niya. She feel lump in her throat and she wanted to cry, again. Kaya agad siyang tumalikod dito bago pa man nito makitang pumatak ang luha niya. Pero bago siya tuluyang makatalikod dito ay napigilan siya nito sa braso at pilit siyang pinaharap kaya't tumambad dito ang luhaan niyang mukha.

"Ano? Kukutyain mo na naman ako? Kukutyain mo na naman ako dahil nagpadala ako sa damdamin ko?" Nang uuyam na tanong niya rito habang patuloy na umaagos ang kanyang luha.

Malamlam ang matang tinitigan siya ni Connor at Akmang bubuka ang labi pero walang salitang namutawi sa bibig nito.

Ipiniksi ni Paisley ang kamay upang bumitaw si Connor sa pagkakahawak sa kanya saka matalim ang matang tumitig dito.

"Makakaalis ka na!" Malamig ang boses na wika niya rito saka tuluyan itong tinalikuran at dumiretso sa kanyang mini gym.

Oo, tama si Connor. Lumalambot na nga siya. Bumabalik na siya sa dating siya. Kung saan marunong siyang magmahal at magpatawad. At lahat ng 'yun ay nagsimula nang makilala niya si Hindler at simula no'ng matutunan niya itong mahalin. Hindi na siya kasingtigas tulad ng nakasanayan niya, na kayang pumatay kahit kapwa niya babae, inosente man o hindi.

Love really makes us soft. Love can melt the anger, pain and bitterness inside us. And that's what happened to Paisley. Love gave her a new her. Binago ng pagmamahal niya kay Hindler ang batugan niyang puso. Ang puso niya na matagal na niyang isinara sa pagmamahal. Pagmamahal na ipinalasap muli ni Hindler pagkatapos ng labindalawang taon.

"Ahhh...!" Sigaw niya at sinuntok ang punching bag na nasa harap niya. She need to calm herself down. Nawawala siya sa focus.

"C'mon, Paisley! Cheer up! You need to get yourself back!" Galit na sigaw niya habang patuloy ang pagsipa at pagsuntok sa punching bag. Dito niya ibinuhos lahat ng galit para kay Connor, at hinanakit dahil sa masakit niyang kapalaran. At paghihinagpis dahil sa pagkawala ng kasintahan.

Napayakap siya sa punching bag saka muling napahagulhol. Hindi na niya alintana ang paghalo ng pawis at luha niya. Bumalik na naman ang sakit na kinikimkim.

"Hindler... Patawad... Patawarin mo ako. Dahil sakin nawala ka... Pero maniwala ka, hindi ko binalak 'yon sayo at hinding hindi ko kayang gawin 'yon sayo. I love you, baby. I love you with all my heart." Luhaang wika niya habang patuloy ang pagyakap sa punching bag na akala mo'y siya si Hindler.

Ilang minuto pa siyang nanatili sa gano'ng posisyon bago nagpasyang ipag patuloy ang pag eensayo, ng bahagyang mahimasmasan. This time, umalis siya sa punching bag, at pumunta sa firing station. Soundproof ang mini gym niya kaya walang makakarinig kahit magpaputok man siya ng magpaputok ng baril.

"Dont worry, Hindler. Ipaghihiganti kita. Ako mismo ang papatay sa kanya." matigas na bulong niya habang naglalagay ng earcover upang hindi mabingi sa malakas na ingay ng putok ng baril. Ilang metro rin ang layo ng target sa kinatatayuan niya. Malawak ang mini gym niya dahil pinasadya niya ang pagdesinyo ng unit.

Matapos maglagay ng earcover ay agad niyang nilagyan ng bala ang magazine ng paborito niyang Glock gun. Nang makumpleto ng bala ang magazine ay   Galit niyang inasinta ang target, kung saan nakalagay ang picture ni Connor, at sunod-sunod siyang nagpaputok. Nang maubos ang bala ay tiningnan niya ang target. Napangisi siya sa nakita.

Iisang butas lang ang mayroon sa target, lahat ng iyon ay sa noo ni Connor tumama. Sa mga sandaling iyon ay gusto niyang isipin na totoong Connor ang nasa harap niya maipaghigantian niya ang nangyari kay Hindler. Pero alam niyang imposible 'yon. Connor is one of the top agent of RDS. Hindi ito agad-agad mamamatay.

"Sige lang Connor, magpakasaya ka ngayon dahil darating din ang araw na katawan mo na ang paglalandingan ng bala ko! Lahat kayo. Lahat kayong nagpapatay kay Hindler."

Ibinalik niya sa pagkasalansan sa mesa ang hawak na baril saka muling nagpatuloy sa pag-eensayo. Pero ngayon ang paghawak naman ng pocket knife ang napagbalingan niya. May human size statue siyang inilagay sa loob ng mini gym para magsisilbing kanyang kalaban. Gawa ito sa malambot na goma upang maramdaman niya ang bawat pag daplis ng kutsilyo sa statue.

  Nasa kalagitnaan na siya ng pag eensayo ng marinig ang pagtunog ng suot na smartwatch. Huminto siya sa ginagawa at kinuha ang towel na inilapag niya sa mesa saka pinunasan ang pawisang mukha at tiningnan kung saan galing ang message.

"File receive"

She frowned when she read the message. Iisa lang ang ibig sabihin nito. Work. Lumabas siya ng gym at marahang isinara ang pinto na nag-o-automatic lock saka Agad na bumalik sa kwarto at di na tinapos ang pagsasanay. Nang makapasok sa kwarto ay agad niyang binuksan ang laptop at tiningnan ang file na natanggap mula sa opisina.

Napangisi si Paisley ng mabasa ang bagong misyon. Kailangan niya 'to. She need this to face Connor para hindi siya maduwag na patayin ito. Kailangan niyang ibalik ang sarili sa pagiging matigas at walang takot pumatay na si Violet Striker.

Siya ang binansagang killer dragon sa Red dragon society, dahil kaya niyang pumatay kahit pa may batang nakatingin. Balewala na yun sa kanya. Simula nung sapilitan siyang ipinasok sa RDS ay unti unti na siyang naging manhid at walang pakiramdam. Not until she met Hindler. Naipilig niya ang ulo nang muling maalala ang kasintahan.

"Tama na, Paisley. You need to concentrate para maabot mo ang sarili mong misyon." Pursigidong bulong niya.

Matapos suriin ang  file ng target ay agad siyang nagbihis. Mula sa boxer shorts ay pinalitan niya iyon ng ripped jeans at ang suot na sports bra ay pinatungan niya ng fitted na violet turtle neck shirt. Her favorite color. Medyo maiksi 'yon kaya sa bawat pag galaw niya ay kita ang maputi at makinis niyang pusod. Pinatungan din niya iyon ng black leather jacket na binigay sa kanya ni Hindler. Pakiramdam tuloy niya ay kayakap niya  ang kasintahan dahil sa naiwang amoy ng pabango nito sa jacket. Malungkot siyang napangiti sa naisip at humarap sa salamin upang titigan ang sarili.

Ipinuyod niya ang lampas balikat na buhok na ngayon ay kulay golden brown na at may highlights pang lightblue. Nagpahid rin siya ng konting lipstick para di naman masiyadong halata ang pagkaputla niya.

She stand six feet flat. Maliit ang bilugan niyang mukha na binagayan ng maliit pero matangos niyang ilong. Her deep set eyes na kulay brown ay nang-aakit na kapag iyong tinitigan ika'y mahahalina. Her innocent looks will fool you at di mo iisipin na isa siyang mamamatay tao.

Napabuntong hininga siya matapos sipatin ang sarili.

"Here we go, Paisley. Balik na tayo sa pagiging mabangis na mamamatay tao." Patuyang wika niya sa sarili at mabilis na tumayo para tumungo sa opisina. Uumpisahan na niya ang misyon na iniatang sa kanya.

***

Thank u sa pagbasa... Happy readings! !

happy birthday to my baby loves Nasser....


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C3
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login