Baixar aplicativo
31.81% Love Bites / Chapter 7: CHAPTER FIVE

Capítulo 7: CHAPTER FIVE

Biglang sumingit sa harapan niya si Lors at muntikan nang humalik ang mukha ni Caitlin sa maalikabok na semento buti na lang agad siyang naalalayan ni Luce.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito, parehas na silang napaurong papunta sa likod ni Lors. Hindi niya maiwasang mapaisip na kahit payat si Lors halos nasakop na nito ang buong espasyo dahil ang buong atensyon ng dalawang bugok ay dito na nakatuon samantalang silang dalawa ni Luce parang hindi na nag-eexist. At kung kanina mukhang papatay sila sa matalim na tinging ipinukol nito sa kanila ngayon kung makatingin kay Lors ang mga ito ay parang gusto na ng mga itong kainin ng buhay ang kaibigan.

Caitlin sigh. It's always been Lors who commanded and wield attention, while her or sometimes Luce both fade into the background.

Alam niyang hindi siya pangit pero hindi niya maiwasang makaramdam na parang bumaba sa negative one ang self-esteem niya. It's just that no man has ever really look at her the way others did towards her friend. Laging lumalagpas ang tingin ng mga lalaking nakakasalamuha niya palayo sa mukha niya. O kaya minsan naman parang wala siya sa harap ng mga ito. Nakatingin nga ang mga ito sa kanya pero parang hindi nagre-register sa utak nito ang presence niya. She's having those weird incidents in which despite numerous meetings with several acquaintances, they don't seem to remember her. She had to do the tedious effort of introducing herself all over again. Dati nakakaramdam pa siya ng relief kapag nangyayari iyon dahil most of the time she wanted to be left alone pero ngayon hindi niya napigilan ang pagbangon ng inis sa kanyang dibdib. There's no chance in hell that this gorgeous guy will even notice her. Uulan muna yata ng snow sa Pilipinas bago mangyari iyon.

Sa isiping iyon, para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Nahulasan siya. Napangiwi siya ng ma-realize ang pansamantalang kahibangan niya.

"Ayos lang ako" Muling bumalik ang tingin ni Caitlin kay Lors na abala sa pakikipag-usap sa dalawang lalaki. Hindi niya alam kung bakit biglang ganoon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero muling bumalik ang kaba, takot at pagdududa na naramdaman niya kanina.

"It's gonna be fine" mayamaya ay bulong ni Luce sa kanya. Nahalata na nito ang pag-aalala niya. "Lors has her charm at her disposal" nangingiting paalala nito. Napailing na lang siya.

Nag-concentrate na lamang si Caitlin sa pakikinig sa usapan ng mga ito

"This is a private property Miss, I suggest you leave with your friends now" saad ng isa na walang pakundungang binagtas ang personal space ni Lors para lang sabihin iyon sa kaibigan ng harapan. Walang kahirap-hirap na inignora lamang ng kaibigan ang tangkang pananakot nang isa gamit ang malahiganteng katawan nito. Lors is completely cool and compose.

"Ako nga pala si Lorelei Delos" panimula ni Lors, with matching beautiful eyes at chest out pa. Kapansin-pansin ang biglang extra attention ng mga ito sa kaibigan. She groaned inside her head. Boys will always be boys.

"And these are my friends, Lucia Joo and Caitlin Sinclair" That's our cue. Sabay silang humakbang palapit sa unahan. Pilit niyang pinapakalma ang sarili pero walang epekto, ang lakas makabalibag ng puso niya, at bigla siyang pinagpawisan ng malamig. Napagpasiyahan ni Caitlin na wag na lang pansinin ang distracting na kagwapuhan sa harapan niya at mag-focus kay Lors pero kahit anong gawin niya bumabalik at bumabalik ang tingin niya sa binata. She sighed, completely defeated.

Might as well enjoy the view while it last. Sinimulan na niya ang thorough examination sa fine specimen na nasa harap niya ng mga sandaling iyon

The specimen in question in freaking huge. As in huge. Iyon ang unang pumasok sa isip ni Caitlin ng makita niya ito kanina. She never really like muscled men pero hindi maipagkakailang gwapo ito in an unearthly way. Ang mukha nito ang nakapagpagulat sa kanya. It's the opposite of his powerful body and rugged clothing. He has the most angelic face she'd ever seen that is unfortunately encased in a block of ice, cold and expressionless.

He has chiseled jaw carved in perfection, high cheekbones aquiline nose, a pinkish plump cupid bows lips, enchanting dark smoky grey eyes that matches the color of the sky in impending storm, thick eye lashes and longish jet black curly hair. At ang pinaka-best part sa mukha nito ay ang maliit na pilat ng binata na nagmula sa ibabang bahagi ng sentido nito hanggang sa may gilid ng pisngi. With his scar, it gives him an even more dangeroys look. Nagpatuloy lang si Caitlin sa pag-oobserba samantalang nagpatuloy lang din si Lors sa pakikipag-usap sa nga ito.

"Were actually invited" pag-imporma ni Lors sa mga ito. Agad nitong ipinakita ang invitation cards nilang tatlo. Matapos nitong masusing inspeksyonin ang invitation ay bahagyang kumunot ang noo ng binata.

"Raphael?" untag na tawag ng isa sa kasama nito. Her ears perk up with the name. So that's his name. Raphael.

Matagal ito bago sumagot pero ng marinig niya ang boses ng binata ay sapat na para makaramdam siya ng panginginig sa kalamnan niya. Anong nangyayari sa kanya? Nababaliw na ba talaga siya?

"It looks genuine" Naramdaman niya ang pagbalikwas ni Luce sa tabi niya. Kahit siya nagulat. Ang lakas naman talaga ni Lors at nakapag-reproduce ito ng diumano ay original invitation cards. Sa hitsura pa lang kasi ng dalawa mukhang hindi ito ang tipo ng mga taong madaling maloko

"Which house?" mayamaya ay tanong ng kasama ni Raphael.

"Black Ivy" agap na sagot ni Lors. Nagkatinginan na naman silang dalawa ni Luce. Ano lang 'to secret organization?

"We are Sebastian Mercer's recruit" dagdag imporma pa ni Lors.

"Vincent escort them in" walang pasubaling utos ni Rapahel dito. Tumango naman ang kasama nito at agad silang dinala papasok sa isa pang hallway. Sa wakas nakahinga rin siya ng maluwag pero hindi pa rin niya maiwasang tapunan ng isa pang tingin si Raphael na hinahatid din sila ng tingin.

She sighed . Ang lalim ng pinaghugutan ng buntong hininga niya.

Ugh! Forget about him!

Buo ang desisyon na sinimulan niyang ayusin ang sarili. Tumuwid siya ng tayo at itinutok ang atensyon sa direksyong tinatahak.

Hindi na napansin ni Caitlin ang palihim na tinging ipinukol sa kanya ng binata. Pati na din ang pagtatakang namayani sa mukha nito.

A few minutes later

"I'll stay here" agap na anunsiyo ni Caitlin sa kaibigang sina Luce at Lors matapos nilang makapasok sa loob ng engrandeng ballroom.

"Sigurado ka?" tanong sa kanya ni Lors pagkatapos ay muling nagkandahaba ang leeg nito sa kakakahanap kay Sebastian bago muling bumalik ang tingin sa kanya. "Ang mas maganda sumama ka na sa amin ni Luce para makipa-mingle ka na rin" dagdag pa nito.

Siya naman ang umikot ang paningin sa kabuuan ng party. Kaninang pagpasok nila hindi na niya napigilan ang mapasinghap sa gulat at matulala ng panandalian dahil sa nadatnang. Ang akala niya simpleng party lang ang pupuntahan nila pero hindi niya akalaing para na rin siyang umattend ng isang medieval ball na karaniwang na-iimagine niya lang kapag nagbabasa siya ng historical novel na ang setting ay 12th or 15th century BC. Noong una halos hindi siya magkandaugaga sa kakatingin, sa set-up ng lugar--very gothic ang architecture pero ng lumipat ang tingin niya sa mga bisita para siyang biglang pinasok sa freezer at sinalakay ng kung anong klaseng takot na nakapag-panginig ng katawan niya.

With that ended her fascination. These people are giving her the creeps. Kahit pa sabihing napaka-perfect nilang tignan dahil wala man lang kahit isang naligaw na hindi nabibilang doon. Kahit ang mga waiters at waitress parang artista lang at kasalukuyan lang sila ngayong nagsho-shooting bilang taga-silbi.

"Yeah" she muttered. Napabuga na lang ng hangin si Lors samantalang si Luce parang hindi na maihi dahil kanina pa nito mukhang gustong umalis at maglibot.

"Sige na. Ayos lang ako dito"

Nang makaalis ang mga kaibigan ay patuloy siyang nagmasid sa may isang sulok habang nakasandal sa stoned wall. Nang biglang may dumaang waiter sa harap niya. Agad niyang pinatigil ito at kinuha ang kopita ng red wine.

"Umalis ka na. Hindi ka dapat nandito" walang babalang saad ng tinig mula sa kanyang likuran. Natigil sa aktong paglagok si Caitlin ng kinuha niyang red wine at binalingan ang nagsalita.

Nang nag-landing ang tingin niya sa estrangherong nakatayo sa harap niya hindi niya napigilan ang mapamata. And then she stared for quite some time. Hindi niya maintindihan kung bakit pero parang pamilyar ang mukha nito. Hindi niya diretsang matukoy pero ramdam niyang nagkita na talaga sila noon.

Gusto na sana niyang tanungin ito tungkol doon ng napagtanto niyang walang boses na lumalabas mula sa bibig niya. Bukas sara ang bibig na tumitig siya sa mga mata nito. She look like an idiot simply because she doesn't how to say it or how to ask. Kapansin pansin naman ang iritasyong bumalong sa mukha nito.Walang babalang marahas na hinawakan siya nito sa kanyang pala-pulsuhan at sinimulang mabilis na hilahin papunta sa kung saan man. Napasinghap si Caitlin sa gulat pero hindi niya magawang magprotesta. Halos magkandasala-salabit ang paa niya habang walang pakundungang hinihila siya nito.

For someone who looks like he's in mid 40's or 50's, he's awfully strong and quick. Malaki din ang pangangatawan nito. At imbes na gamitin nito ang tungkod na hawak nito, nagsilbi na lamang iyong display sa kamay ng matanda.

Alam niya na kung sa isang normal na sitwasyon dapat kanina pa siya nagsisisigaw para humingi ng tulong o kaya simulang manlaban man lang pero hindi niya magawa. Ni hindi nga siya makaramdam ng takot, tanging pagtataka ang namayani sa utak niya.

Nagpatuloy siya sa pagmamasid dito hanggang sa humantong sila sa isang napakalawak na kwarto na walang kalaman laman. Mabuti na lang hindi gloomy ang kulay ng pintura. It's a cool shade of blue na kahit paano ay tinulungan siyang maging cool sa kabila ng may isang weirdong matanda na humila sa kanya. Hindi niya maiwasang hindi patuloy na pagmasdan ito at ganoon din ito sa kanya. Para na silang nagsusukatan ng tingin. And in her mind, she's still trying to figure out who the hell he is, but the more she tried, the harder it is. It keeps slipping from her mind.

"Kailangan mo ng umalis. Delikado ka dito. Tutulungan kitang makalabas ngayon, pero kung pwede lang wala ng susunod. Stay out of trouble" pangaral nito. Napakurap siya. At nang nag-sink in ang sinabi nito sa kanya lalo siyang napatda.

"I'm sorry, pero mukhang mali po yata kayo ng taong nahila" tanging nasabi ni Caitlin

"You don't remember me" manghang saad nito. Mayamaya lamang ay biglang ngumiti ito. It's like there's something she should know. At bakit parang kung umakto ito matagal na silang magkakilala?

"You're her. Hindi ako pwedeng magkamali. I can recognize your soul. Your the same girl who beg me to kill her for her freedom"

She blink and a tear fell down her cheek. Hindi na talaga niya maintindihan ang sarili niya. Agad niyang inayos ang sarili at pinakalma ang naninikip na niyang dibdib na hindi niya malaman kung saan nanggagaling.

"Sorry po Lolo, pero imposibleng mag-makaawa ako na patayin niyo ko" lumapit siya dito at nginitian ito ng pagkatamis-tamis kung sana lang nakumbinsi niya ito sa ngiti niya "Mahal ko po ang buhay ko" pagpapa-tuloy pa niya.

Hinawakan niya ito sa braso at marahang pinisil iyon. "Tara na po. Bumalik na tayo sa party baka hinahanap na rin kayo ng apo niyo"

Nagulat na lamang si Caitlin ng biglang humalakhak ito ng pagkalakas lakas. Agad siyang kumalas sa braso nito at hinarap ang matanda. Nakahalukipkip na pinagmasdan niya ito at hinayaang tumawa hanggang sa mapagod ito.

"Selene, hindi ka pa rin talaga nagbabago" nangingiting titig na titig na turan nito. Natigilan siya dahil sa binanggit nitong pangalan ngunit pinilit pa rin niyang ngumiti. Agad niyang iniba ang usapan

"Lolo, Caitlin po. Hindi po natin gagayahin yung sa commercial ng Mcdo. Caitlin po, hindi Selene.Caitlin. Repeat after me Lolo---oww!"

Napabalikwas siya ng bigla siyang tapikin nito sa noo. Sinimulang himasin ni Caitlin ang noong na-assault ng matanda.

"Lolo naman e!"

"Se---I mean Caitlin, kung hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko just take this as an advice from someone old man who cares for the youth. Ayon nga sa kasabihan ang kabataan-"

"ang pag-asa ng bayan" pagtatapos niya. Napailing na lamang ito

"You don't know these people but I do. I've been working with them for a long time. Hindi lang ito isang simpleng party you've got yourself tangled with dangerous people"

"What are you talking about?" naguguluhan ng tanong niya sa matanda.

"Caitlin, makinig ka sa akin. Kinakailangan mo ng umalis hanggang maaga pa. Hangga't nandito ka hindi kayo ligtas ng mga kaibigan mo. At alam kung ayaw mong may masamang mangyari sa kanila"

"Lors..." hindi na napigilang sambit ni Caitlin

"Lors? Yung kaibigan mo na kasama mong pumunta dito? Kailangan niyo ng umalis. Come on, I'll help you find her and then I'm getting you out of here"

"Bakit?" biglang tanong niya sa matanda. Hindi na niya napigilang itanong iyon. Ang dami niyang gustong malaman pero iyon lang ang tanging kaya niyang itanong ng mga sandaling iyon

Nanatili itong tahimik. Nagpatuloy lang siya

"Bakit mo po nasabing delikado ako dito. Ttotoo bang delikado ang mga taong kinasasangkutan ngayon ni Lorelei or is this just some crappy way of saying by some old man who cares for the youth to stop partying because it's not healthy?"

"When I say dangerous that means you three will be killed at madadamay ang mga kaibigan mo ng dahil sayo"

"Nang dahil sa akin?" ulit niya. He just nodded. "May galit po ba kayo sa akin?" pabirong saad niya para pagtakpan ang tunay na nararamdaman. Dahil ng mga sandaling iyon sinimulan na siyang kabahan sa mga pinagsasasabi nito at ang nakakainis pa naniniwala siya dito

"Bakit sinasabi ng utak ko na maniwala ako sayo?" Caitlin asked in a quiet voice

"Because your not stupid" the old man replied earnestly.

Hindi na napigilan ni Caitlin ang pagak na tawang namutawi sa bibig niya "You're definitely wrong about that" Muling bumalik sa isip niya ang agam agam at kabang naramdaman niya kani-kanina lang.

She got stupid tonight because she actually was stupid enough to take on and humor her dead father. Hinayaan niyang pangunahan siya ng pansamantalang kabaliwan kaysa ang isip niya

She's definitely stupid. At kung totoo man ang pinagsasasabi ng matanda. Alam niyang kahit kailan hindi niya mapapatawad ang sarili sa ginawa niyang desisyon ng gabing iyon. Bago pa niya mamalayan ang ginagawa, natagpuan na lamang niyang nakalabas na pala siya ng pinto at nagmamadaling naglakad pabalik sa direksyon na pinanggalingan nila. Kinakailangan na niyang makita sina Lors at Luce.

Malapit na siya sa may entrance ng ballroom ng biglang may humila sa kanya pabalik. Natagpuan na lamang niya ang sariling nakalapat na ang katawan sa dingding at ang ang kamay ng matanada ay nakatakip na sa bibig niya. Nagsimula siyang magpupumiglas pero walang kwenta iyon dahil sa lakas nito.

She pinned up the wall, glaring helplessly towards her unwanted savior. She was about to bite his hands off, when suddenly screams filled up the whole room burning a hole in her ears. She froze in place.

That voice...

That voice...

It can't be...

Then suddenly, she hears the ear splitting sound of the grandfather clock, striking midnight

"It's starting" he whispered.

What's starting?! she screamed inside her head It doesn't take a rocket scientist to know what's happening outside. Something is happening there, something dangerous. At kung wala pa siyang gagawing aksyon ngayon baka pagsisihan niya iyon. Unbidden, tears blurs her vision.

"I'm sorry Lolo" she half-whispered, then without a second thought she smacked him pretty hard in his head using his steel purse. When she finally got away from him, she starts running towards the entrance.

Lors, Luce. Please be safe!


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C7
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login