Baixar aplicativo
50% LIGHTS, CAMERA, SCANDAL? / Chapter 5: CHAPTER 4

Capítulo 5: CHAPTER 4

WALA PANG isang minuto buhat nang makatabi ni Krisstine si Blitzen ngunit sandamakmak na klase ng torture na ang inabot ng binata sa nagngangalit na isip niya. If she were to write a book, it would be entitled as "How to Kill Blitzen Claus in 101 Torturous Ways." Ang sarap sigurong pumirma sa mga librong iyon habang prente siyang nakaupo sa harap ng kanyang mesa at nagbu-booksigning sa isang mall.

"I wasn't informed that we're here to have a staring contest," amused na wika ni Blitzen na kanina pa naliligo sa nagbabagang tingin niya. He cooly crossed his legs and put his arms on top of his broad chest. "I am so happy to see you again too, Kriss," nakakalokong ngisi nito.

Exhausted, wala na siyang nagawa kundi ang palihim na irapan na lamang ang mayabang na lalaki. Wala sila sa tamang lugar upang mag-asaran. Lalong wala rin silang oras para mag-angilan. In about five minutes, sasalang na sila sa isang live interview na gaganapin sa isang studio ng ABS-CBN kung saan sila unang nagpaunlak na sagutin ang mga issue na ipinupukol tungkol sa "relasyon" nilang dalawa. The infamous Gonzaga sisters would interview them.

After that pilot interview, tiyak na lilibutin na nila ang lahat ng istasyon para umattend ng kaliwa't kanang interview. It's been three days since their "relationship" has been announced in SBS, but them being an item, was still a hot topic. Inaantabayanan ng lahat ang live interview nila bilang magkasintahan. Sa programang The Buzz nila pinaunlakang maganap iyon.

Isang malaking hamon sa kanilang dalawa, lalo na sa kanyang parte, ang kontrolin ang kanyang sarili at magpanggap na isang devoted girlfriend ni Blitzen sa harap ng maraming tao. Yesterday, they had spent at least three hours to know every possible thing they must know about each other. Kailangan kasi nilang ayusin ang mga impormasyong nakatakda nilang ilahad sa publiko. Bawal silang magkamali, because if they ever did, their career would be doomed.

"Please naman Blitzen, kung balak mong mang-asar ngayon, ipagpaliban mo muna. Hindi ako makakapag-concentrate kung ganitong binu-bwisit mo na naman ako," angil niya.

Inilibot niya ang paningin sa buong studio kung saan sila naroroon. Marami nang tao sa set. All cameras were on standby. Isang pagkakamali lang nila ay tiyak na mahe-headline na naman sila. She calmed herself and concealed her fury with a sly smile. Blitzen grinned in reply.

"Pinapatawa lang naman kita," tudyo nito.

"Naririnig mo ba ang tawa ko?" she sarcastically refuted.

"But I think it's funny," pilisopong sagot nito.

Napabuntong-hininga siya. "For once, let's talk like an adult. Kailangan nating ayusin ang mga isasagot natin sa interview mamaya," she reminded him.

"Don't fret," iling nito. "Kaibigan ko sina Toni at Alex. They won't let us down," kampanteng sagot nito. Iginala rin nito ang paningin sa studio. "Just act what you're supposed to do and everything would be alright. Are you still nervous?" he hesitantly asked.

How could she not be nervous? Kung gano'ng makatitig si Blitzen sa kanya, kung gano'ng kagwapo ang bwisit na binata, kung gano'ng sobrang bango nito at kanina pa ito ngiti ng ngiti sa harap niya? She couldn't rein her heart because of his perplexing presence.

Nagtataka na siya sa kanyang sarili. Diyata't lalong lumalakas ang epekto nito sa kanya habang tumatagal silang magkasama? Palihim niyang ikiniling ang kanyang ulo. No, she wouldn't allow him to mess up her system. Hindi siya papayag na guluhin nito ang puso't isip niya. As of the moment, all she must think was how to act whenever he was around—with or without camera around them. She composed herself and then sighed.

"I was not awarded as the Best Actress for nothing," nagyayabang niyang sagot.

Her reply made Blitzen grin. "I'm glad to hear that."

Lumipad ang tingin nito sa likuran niya. When his eyes sparkled with alarm, she already knew that the Gonzaga Sisters and their managers were done checking the questions they would be asked later. Nagkaroon kasi ng kasunduan ang programa at kampo nila. Kailangang pumayag muna ang mga manager nila sa mga tanong bago sila papayag na sumalang sa live interview na iyon. And since The Buzz was desperate to have them on their show, the program agreed.

Inayos niya ang kanyang pag-upo bago huminga ng malalim. She's done a lot of interviews in the past ngunit ang interview na iyon ang talaga namang nagpakabog sa dibdib niya. Marahil ay dahil nakatakda siyang magsinungaling. She may have a lot of haters and bashers because of her being frank but she never lied on her interviews.

Somebody yelled "set." All cameras turned to them. Another yell came from out of nowhere. "Roll sound!" Then she heard a lot of different but minimal sounds around them. May sumigaw ulit. "Rolling!" That was her cue that the cameras were already taping.

"Slater!" sigaw ulit ng isang lalaki mula sa isang microphone.

One guy who was holding a clapping stick ran towards them and stopped in front of them. He opened the clapping stick and said, "Action!" and then clapped the stick close. Pagkatapos magsara ng clapping stick ay agad na umalis ang lalaki.

"Nangunguna sila sa mga usap-usapan sa parlor, trending sila sa facebook at twitter at most searched din sila sa google! Ang magkaparehang makakapanayam natin ngayon ay inaabangan ng taong-bayan!" panimula ni Toni Gonzaga.

Nagsigawan ang mga tao sa studio. Kinikilig na humagikhik si Alex sa tabi ng kapatid nito. "Ay korek! Heto na ang pinakahihintay ng lahat!" wika nito.

"Let's all welcome, the most controversial couple of showbiz this year. Walang iba kundi sina Blitzen Claus at Krisstine Sandoval!" magkapanabay na sigaw ng magkapatid na host.

Kasabay ng masigabong palakpakan ng dalawang host at audience sa studio ay ang pag-zoom in ng mga camera sa kanila ni Blitzen. She gave her best smile. Kumaway siya sa camera and then gave the Gonzaga Sisters a quick nod before saying, "Good afternoon Toni and Alex."

"Good afternoon, Krisstine!" masiglang bati ni Alex. "Grabe, ang ganda ganda mo pala talaga sa personal. Alam mo bang idol na idol kita?"

Pinamulahan siya ng mukha dahil sa papuri nito kahit na alam niyang binobola lang naman siya nito. "Talaga? Salamat, ikaw talaga, mapagbiro ka," kunwa'y tawa niya.

"Ay hindi ah! Totoong idol ka nitong kapatid ko. Gustong gusto niya ang kaprangkahan mo," tawa ni Toni. "Kahit ako ay hanga sa iyo."

"Hey, nakakasakit naman kayo ng damdamin. I'm here, remember?" amused na singit ni Blitzen sa usapan nilang mga babae.

Nagkatawanan silang lahat. "Sorry Blitz, nakakaumay na kasing kausapin ka. Kaya itong si Krisstine muna ang gusto kong kausapin," biro ni Toni sa kaibigan.

"Ouch," kunwa'y nasasaktang akto ni Blitzen.

"Ako, ayaw talaga kitang kausapin ngayon kasi ipinagpalit mo na ako. Sabi mo hihintayin mo ako? Hindi pa ako pinapayagan ni Ate na magkaboyfriend pero ikaw, may Krisstine ka na! Sinaktan mo ang inosente kong puso," madramang sagot ni Alex.

Nagkatawanan ulit sila, kasama ang audience. "Sorry, hindi ko naman sinasadya. Kita ninyo naman kasi si Kriss, masisisi ninyo ba ako kung nainlove ako sa kanya?"

Kinikilig na nagpakawag-kawag ang kwelang si Alex. "Grabe, kinikilig ako!"

Lalo siyang pinamulahan ng mukha nang hawakan pa ni Blitzen ang kamay niya. Hindi na rin siya nakapagsalita nang pati si Toni ay napahiyaw na rin sa kilig kasama ang sandamakmak na fans nila ni Blitzen sa studio. Nagsilabasan na ng mga banner ang mga fans nila. "Kriss-Blitz Love Team" ang nakalagay sa mga banner.

"Ano nama'ng masasabi mo?" baling ni Alex sa kanya.

She cleared her throat. "I d-don't know," she truthfully replied. "I'm in daze right now."

Napangisi si Blitzen. "Ganyan ang epekto ng kagwapuhan ko sa kanya."

Ngani-nganing batukan niya ang binata. Mabuti na lang at nakapagpigil pa siya. Nagawa pa niyang matawa sa sinabi nito. "Grabe ha! 'Wag ka ngang ganyan. Nakakahiya sa mga fans mo," biro niya rito. "Wala ka na ba'ng pakialam sa image mo?" she teased.

"Wala na. Basta meron ka sa tabi ko, okay na ako."

She was dumbfounded. Grabe, hands down siya sa galing nito sa pag-arte. How could he talk and act as if everything he said was true? Damn her heart for feeling affected with his words. Hindi niya matagalan ang napakalanding tingin ni Blitzen sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang magtakip ng namumula niyang mukha gamit ang dalawang kamay niya.

Nakalimutan niyang hawak pa ni Blitzen ang isa niyang kamay kaya pati kamay nito ay naipantakip niya sa kanyang mukha. Naramdaman na lamang niya ang mabining kurot ni Blitzen sa namumulang pisngi niya. Then he leaned forward and whispered, "Good job, Star. You're doing it right." Then he planted a soft kiss on her head.

Nang magsigawan ang mga tao sa ginawa ng damuho ay tila nagising siya sa katotohanang lahat ng mga ginagawa at sinasabi nito ay pawang acting lamang. Napahiya siya sa kanyang sarili. Bakit ba siya masyadong apektado samantalang si Blitzen ay hindi naman?

"Nakakainis naman kasi! Huwag ka namang mang-asar dito," nahihiyang wika niya matapos niyang alisin ang pagkakatakip niya sa kanyang mukha.

"Ayos lang iyon," kinikilig na wika ni Toni. "Kilig na kilig nga kaming lahat dito eh. Hindi pa tayo nag-uumpisa sa interview nito ha?"

"Nae-excite tuloy ako. Pwede ko na bang ibato ang unang tanong, Ate?" tanong ni Alex.

"Naku, marami na ang nag-aabang sa isasagot nila. Sige, umpisahan mo na," udyok ni Toni sa kapatid nito.

"So, marami ang naglabasang issue na kaya raw kayo nag-announce na may relasyon kayo ay para pagtakpan ang issue ng diumano'y sex video ninyo. Ano ang masasabi ninyo rito?"

They've prepared for that question kaya naman napangiti na lang silang dalawa sa tanong ni Alex. Being the guy, Blitzen was tasked to answer that question.

"Well, what can I say? Sa totoo lang, ayoko na sanang magsalita ukol sa issue na ito pero para kay Krisstine ay gagawin ko. Of course, it's not true. We have already forwarded a formal complaint to NBI. Our agencies have already confirmed that we are not in that sex video. Para sa mga nagdududa pa rin, you are free to go to NBI and verify our filed complaint."

"At para rin sa mga hindi nakakaalam, matagal na kaming magkakilala ni Krisstine. Mga bata pa lang kami ay nagkakilala na kami. Her family and mine are really close. Hindi lang namin ipinaalam sa publiko ang pagiging magkakilala namin para iwas issue rin. Hindi naman namin pinlano na magkagustuhan. But as you can see, it happened."

Napatango-tango ang dalawang host sa mahabang sagot ni Blitzen. "So, ibig bang sabihin nito ay matagal na kayong may relasyon?" tanong ni Toni sa kanya.

"He's been my ultimate crush since I met him," pagsisinungaling niya. "Pero sa matagal naming pagkakakilala ay hindi naman kami agad nagkagustuhan. He'd been very busy with his career. Alam naman nating lahat na bata pa lang siya ay pumasok na siya sa showbiz samantalang ako ay limang taon palang sa business na ito."

"Oh, so nagkamabutihan lang kayo noong nagsimula kayong magshoot ng pelikula ninyo?" curious na tanong ni Alex.

Tumango silang dalawa ni Blitzen. "Maybe we already have this strong attraction with each other, kahit noong hindi pa kami nabigyan ng pagkakataong magkasama sa iisang pelikula. Kaya noong magsama kami sa Kailan Ba Nagkakamali ang Pag-ibig? ay lalong lumakas ang attraction na iyon. And then, namalayan na lang namin na mahal na namin ang isa't isa."

Napatingin siya kay Blitzen nang bigla nitong hawakang muli ang kanyang kamay at marahang pinisil iyon. He really was good at acting.

"Nakakakilig talaga," impit na tili ni Alex. "Pero ito talaga ang gusto kong malaman eh. Krisstine, paano ka niligawan ni Blitzen?" ngisi nito.

Napangisi na rin siya. She saw alarm in Blitzen's eyes. Well, well, it's payback time. Bago pa man makasingit si Blitzen ay inunahan na niya ito.

"Can I say it, Star?" she turned to Blitzen sweetly. Star ang napag-usapan nilang endearment na gagamitin nila para sa isa't isa. Magsisilbi iyong reminder na ang lahat ng ginagawa nila ay acting lang, kasi mga artista silang may career na dapat alagaan.

Blitzen's smile and his eyes told her no, but of course, he had to say yes.

Lalo siyang napangisi. She turned to Alex and Toni. "Well, he's like a stalker. Can you imagine bumping onto that one person everyday and at almost everywhere you went? I even see him at the salon I love going to," she giggled. "I didn't know what to react then."

"Whoa, how sweet," naibulalas ni Toni. "I always knew Blitz as a very persistent person. Hindi ko alam na kaya niya palang gawin iyan. Ang macho mo tignan Blitz!"

Her grin wavered. She said those words to make Blitzen look creepy! Hindi para puriin pa ito nina Toni. Nang mapangisi si Blitzen ay tsaka niya lang naisip na nasabihan nga pala ang dalawang host na isalba sila sa mga nakakahiyang pagkakataon. Sablay!

"O-of course, machong tignan talaga si Blitz. Dahil din sa pagiging persistent niya kaya napasagot niya ako," biglang bawi niya.

Alex grinned. "But hey, maraming fans ang nagrequest sa amin na itest kayong dalawa. Just to see how much you really know about each other. Are you guys up for a game?"

Of course, they were. Pinaghandaan nilang dalawa iyon. Iyon nga lang, kinakabahan pa rin siya. Nasabi mang magkakaroon ng maikling game, hindi naman sinabi kung ano'ng klaseng game iyon dahil ayaw sabihin ng staff. Para raw mas maging makatotohanan.

"O-of course," she said. Blitzen shrugged.

"The game is simple," said Toni. "Bibigyan namin kayong dalawa ng tig-isang board where you will have to write your answers for our questions. Tatlong tanong lang naman. It's from easy, moderate to difficult. Sa tingin ninyo ba ay kaya ninyo ang test na ito?"

"We'll have to try to see if we could do it," sagot ni Blitzen.

"Good!" exclaimed Alex. "Ako na ang magbabato ng unang tanong. Don't worry, this would be easy. Kailangang pareho kayo ng sagot, okay?" Nang tumango sila ay ngumisi si Alex. "Sino sa inyong dalawa ang madalas magsorry kapag nagkakatampuhan kayo?"

They were given just 30 seconds to answer each question. Sa nanginginig na kamay ay binuksan niya ang kanyang marker pen. Bago magsulat ay napatingin muna siya kay Blitzen. Isang kinakabahang ngiti ang ibinato niya rito. Hindi nila napag-usapan iyon!

Ah, damn! Lihim siyang napangiwi. Bahala na. She started to write Blitzen's name. When Toni said, "Time's up!" she and Blitzen raised their boards to the audience. When everybody started screaming, muntik na siyang mapasigaw sa tuwa. Why, Blitzen wrote the word "Me" on his board! Hail the Almighty! Pareho sila ng sagot! Buti na lang.

"Awwww, ang sweet talaga nitong si Blitz," Toni said dreamily. "Parehong pareho kayo ni Paul," tukoy nito sa asawa nitong sikat na direktor.

"Next question na! I'm so excited for this!" Alex said. "Kelan ang exact date na naging mag-on kayo?"

Whew. Surprisingly, that one was easier. Napag-usapan nilang dalawa iyon. So, the question was answered really fast, bagay na lalong ikinatuwa ng mga tao sa studio.

"And for the last question," pag-uumpisa ni Toni. "Who's picture is on your phone's wall paper?" Nagsigawan ang lahat sa studio. "We want to see proofs, kaya hindi ninyo na kailangang isulat sa board ang sagot. Ilabas ninyo na lang ang mga phone ninyo so we could see it."

Nakahinga siya ng maluwag. Napaghandaan din nila iyon. Siya pa mismo ang nagsuggest na icheck nilang pareho ang mga phones nila. Mabuti na lang at naisip niya iyon. Napabaling siya kay Blitzen. And then, naalala niya kung paanong hirap niyang nakuha ang phone nito dahil ayaw nitong ilabas iyon ay ipakita sa kanya—dahil sa isang larawang pinakatatago-tago nito.

Ikiniling niya ang kanyang ulo. Sino kaya ang babaeng nasa wallpaper ng cellphone nito? Hanggang nang mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin ang sagot sa tanong na iyon. He remained tight-lipped with who the girl was. Ni ayaw nitong binabanggit niya ang topic na iyon.

She wasn't Dakila or someone she knew. In fact, first time niyang nakita ang babaeng nasa larawan. Hindi niya maintindihan sa kanyang sarili kung bakit napakapamilyar ng mukha nung babae sa kanya gayong iyon naman ang unang beses niyang nakita ang larawan nito.

Inilabas nilang pareho ang kanilang mga cellphones. Of course, napalitan na nilang pareho ang mga wallpapers nila. Ang dating picture niya ay naging picture nilang dalawa ni Blitzen habang ang dating picture ng misteryosang babae sa phone ni Blitzen ay naging larawan nilang dalawa. Everybody squeaked with delight when they saw their phones.

Napangiti na lang sila ni Blitzen, pinag-igi pang lalo ang pagpapanggap na sobrang sweet nila sa isa't isa. Though she felt really bad for lying in front of her fans, she had no choice but to do it. They had careers to protect. And because of that, they were officially one—for two years.

Sa ayaw man o sa gusto nila.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C5
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login