Baixar aplicativo
77.77% Legends of God's Children / Chapter 7: Chapter VII

Capítulo 7: Chapter VII

Chapter VII. Revenge

SA loob nang isang opisina sa paaralan makikita ang mga tanyag na guro ng paaralan sinadyang mag tipon-tipon ng mga ito para sa magaganap na pagpupulong. Patungkol sa mga estudyante nila na napabilang sa mga mapapalad na bata sa kasaysayan.

Ang mga batang Anak ng Diyos! Na sinugo para protektahan ang mga tao mula sa mga diyablo na nag kalat sa buong mundo.

Sa loob nang silid ay may Apat naput tatlong indibidwal na makikilala sa ibat ibang larangan ng pag tuturo ng edukasyon.

Ang bawat isa sa kanila ay mga head ng bawat department at nag sadya para sa usapin na kailangan tugunan ng mga estudyante at ng mismong paaralan.

Sa silid ay hindi lamang mga guro ng mismong paaralan ang naroroon mayroon ding mga panauhin sa ibang paaralan at kasama sa mga panauhing ito ay si "Edrian Washinton."

Isa si Edrian sa mga speaker ng bisitang paaralan Ang mga kasama niya ay ang mga head ng bawat department ng kaniyang paaralang kinabibilangan.

"Ang Magica Elite Academy"

Ang lahat ng Guro at Estudyante sa Eskwelahan na ito ay may kaniya kaniyang kapangyarihan. At karamihan din sa mga ito ay wala pang edad na Tatlong-pung taong gulang.

Senyales na kakasimula lamang matatag ang eskwelahang ito para sa mga batang kailangan magabayan sa pag gamit nito ng kanilang kapangyarihan.

"Ehem! Ehem! Magandang Araw sa inyong lahat lalo na sa inyong mga kagalang galang na guro ng tanyag na Magica Elite Academy, At magandang araw din sa inyong Speaker na si Mr. Washinton" Sabi ng isang babae na nakaupo sa pinaka dulo ng mabahang mesa.

Nag palakpakan naman ang bawat naroroon at pinag masdan ang matandang babae na nasa edad 40+ na at kita sa mukha nito ang mga ringcles nito sa mukha.

"Mrs. Hererra, ikinagagalak din naming lahat ang iyung mga tinuran ngayon lamang ngunit huwag naman kayong maging pormal saamin, Pare-pareho tayo ng katayuan at pare parehong mamamayan ng bansang ito" Sabi ng isang lalake na nag mula sa Magica Elite Academy ang lalakeng ito ay may taas na 5'7 at kapansin pansin ang batak nitong katawan at makinis nitong kulis, mayroon itong berdeng mga mata at dilaw na buhok.

Ang lalakeng ito ay si "Sebastian Rodgers Seberaño" isang guro sa magica elite academy at head ng Magical Department. Ang department na pinamumunuan niya ay ang siyang nagiging tagapag turo ng pag gamit ng kapangyarihan ng bawat mga mag aaral nito.

Sila ang nag sisilbing tasahan ng mga baguhang disipolo para maging isang magaling at karapat dapat na maging tagapag ligtas ng mundo. Nagsitinginan naman ang lahat kay Sebastian at kasama na roon si Edrian.

"Ehem! Ehem!" Pag kuha ng atensyon ni Edrian sa mga ito.

"Hindi ang pag purian nang dalawang paaralan ang dahilan ng pag pupulong na ito, May mga dahilan kung bakit tayo lahat naririto upang ipakilala ang limang mga batang mag aaral ng Toril Elementary school, Ito ay sina Lucy Gremory...Akari Noshiko Nishimiya... Aries Jay Vanderford....Gre­y Ashton Morehood.... Shawn Aliston Monteverde..."

Matapos banggitin ni Edrian ang mga pangalan ay siya namang pag bubukas ng malaking pinto ng silid at tumambad sa kanila ang limang mga bata. Dalawang dalaginding at Tatlong nagbibinata. Makikita sa mga ito ang ibat ibang ekspresyon.

Ang batang babae na may pulang buhok ay hindi makatingin ng deretso at halata na nahihiya itong humarap sa lahat. Habang ang isang batang babae naman na may Pink na buhok at makikitaan ng mapag mataas na ekspresyon para itong isang kumandante kung umasta sa harapan ng lahat. At ang isang batang lalake na naka busangot ang pag mumukha at halata rito ang pag ka-irita.

Sa unang tingin palang ng iba at alam na agad nila ang pag kakakilanlan nito. Ang batang ito ay kilala ng lahat na si Jay ar.

Batang basagulero at bawat araw ay hindi nakokompleto ang araw nito na Hindi napapasok sa guidance officer sa ibat ibang reklamo. Ang sunod naman ay ang batang lalake na may puting buhok at asul na mga mata ang batang ito ay si grey.

Alam na ng mga guro na isa si grey sa mga batang ito dahil nasaksihan nila ang pag ligtas nito sa isang guro sa tiyak na kapahamakan. At ang huli ay ang batang hindi nila inakala na mag babago ng husto ang kaniyang panlabas na itsura.

Ang dating patpating shawn ay ngayon ay nag iba na. Naging maayos na ang pangangatawan nito at may nagbago rin sa ekspresyon ng mukha nito. At wala silang makuhang tamang kahulugan ng ekspresyon nito.

"Magandang umaga sa inyo mga bata!" Pag bati ni Edrian sa mga ito at sinundan naman ito ng pagpati rin ng karamihan ng nasa loob ng silid.

Nagkaroon ng ingay sa loob ng silid dahil sa mga pag bati ngunit mabilis na tumahimik ng mag salita ang isang guro.

"Bakit kaya hindi ninyo ipakita saamin ang inyong mga abilidad kahit kaunti lang mga bata" Kuwistyon ng isang babaeng guro na nagmula sa Ability Training Institute ng Magica Elite Academy. Ang babaeng ito ay may magandang pangangatawan at kapansin pansin ang malaki nitong hinaharap dahil sa suot nito na halos iluwa na ang kaniyang kaluluwa.

Ito ay si Stephanie Brauses may tangkad na 5,6 at may pambihira nitong kutis napakaputi nito at kapansin pansin na alaga ito sa lotion dahil nangingintad ito

(A/n: Kabayan ano iniisip mo?)

"Teacher Stephanie?, hindi nila maaaring gawin dito ang kanilang mga abilidad pareparehong mga Aggressive ang kanilang mga ability" para pahintulutan silang gumamit ng kapangyarihan sa Loob ng silid na ito at maging sa eskwelahan" Suwestyon naman ng isang guro mula rin sa Magica Elite Academy.

"Mga guro ng Magica elite academy may alam kaming lugar kung saan nila pwedeng magamit ng malaya ang kanikanilang mga abilidad at sa tingin naman namin ay walang masama kung gamitin man nila ang kanilang abilidad dito sa loob ng aming paaralan" Sabi ng isang lalakeng guro na medyo nasa 40's na ang edad.

"Pumapayag kaba Mrs. Principal na pansamantalang gamitin bilang munting labanan ang ating Soccer field" Sabi ng lalake na ikinataas ng kilay ng kanilang principal.

"Mr. Francisco?, alam mo ba ang sinasabi mo sinabi na ng guro mula sa magica elite academy na agresibo ang mga abilidad ng mga batang iyan nais mo bang masira soccer field alam mo din na sa isang linggo na ang simula ng league!" Pasigaw na sagot ng principal kay Mr. Francisco.

"Mrs. Herrera?, hindi na masama ang kaniyang minungkahi may kasama kaming may abilidad na magmanipula ng lupa magagawan niya ng paraan ang bawat magiging pinsala kung magkaroon man ng problema" Sabi ni Sebastian na nagpasimula ng bulungbulungan ng ibang mga guro.

"Ang Soccer Field! Bakit dun pa!" Ito ang maririnig sa mga ito nang biglang mag salita si Stephanie.

"Kung magkaroon man ng grabeng pinsala asahan niyo na ang magica elite academy ang bahala sa pag papaayos ng iniingatan ninyong soccer field" Sabi ni Stephanie at may inilabas na na papel at mayroong nakasulat na numero sa papel nayun.

Iniabot niya ito sa pinakapalapit na guro sa kaniya at sinubukan nitong tingnan ang nakasulat sa papel at bigla niya itong nabitawan. "$100,000,000,

Nag papatawa kaba Ms. Brauses ang halagang ito ay hindi lang soccer field ang maaayos pati ang buong eskwelahan ay mapag gagamitan ng halagang ito" Sabi ng gurong nakakita ng presyo na nakalagay sa papel.

"Mrs. Principal payagan na natin silang gamitin ang soccer field bilang munting entablado" Suwistyon naman ng iba pang mga guro. Lumipas ang ilang minuto ay nakapag disisyon na ang lahat.

Naunang mag lakad palabas ang limang bata at sabay sabay na nag lakad patungo sa kaisa isahang soccer field ng kanilang paaralan. Habang nag lalakad nga ang mga ito ay kapansin pansin ang kakaibang tensyon sa dalawang batang lalake.

Ang mga ito ay walang iba kundi sina Aries at Shawn.

Si Aries ay masamang nakatingin ngayon kay shawn habang si shawn naman ay tuloy-tuloy lang sa paglalakad at parang walang pakialam kahit alam niyang pinapatay na siya sa tingin ng lalakeng nakatingin sa kaniya.

Samantala si Grey naman ay nakatingin lang sa dalawa habang sa kaniyang isipan ay may mga konklusyon ng nabubuo.

Sa loob ng tatlong araw na nakasama niya si Shawn sa Koloseyo ng mga Washington ay napansin niya ang pinag bago ng ugali ni shawn, nag bago na ito at ayaw na niyang makita ang shawn na puno ng poot at galit dahil tiyak niyang hindi maganda ang mangyayari.

Lalo na ngayon na ang pinaka kinasusuklaman ni shawn ay kasakasama nila ngayon si Aries Jay o mas kilala ng lahat bilang si Jay Ar

:Cyclone Soccer field:

Sa loob ng isang hindi kalakihang soccer arena ay makikita sa field nito ang limang mga bata nag nagsusuot nang kanikanilang mga battle gear na ipinahiram ng mga teacher mula sa Magica Elite Academy.

Ipinahiram ito ng mga guro para maging komportable sa pag kilos ang mga ito dahil ang mga battle gear na iyun ay ginawa para sa malayang pag kilos ng gumagamit.

Samantala habang nagbibihis ang mga bata ay siya namang unti unting pag angat ng lupa.

Ang umaangat na lupa na ito ay kagagawan ng isang guro mula sa magica elite academy.

Umangat iyun ng umangat at nagkaroon ng hulis ang mga umangat na lupa at maya maya pa ay naging matigas ito. Ilang sandali pa ay naging isa itong maliit na battle arena

Para sa mga taga magica elite academy ay wala lang ang ganitong pag gawa ng munting battle arena.

Ilang beses na silang nakasaksi ng pagbuo ng mga battle arena. Ngunit may mas gusto silang pag tuunan ng pansin ngayon ito ay walang iba kundi ang mga batang kanilang mapapanood ngayon.

Samantala sa gilid ng entablado ay mag kaharap si Shawn at Aries. Hinarangan ni Aries si shawn, Nakangisi siyang humarap kay shawn at kitang kita ang pagmamayabang nito sa kaniyang mga mata. Ngunit sa kabila ng pag harang niya kay shawn at pag ngisi niya rito at pag mamayabang ay hindi man lang siya nito pinansin.

Bagkus ay lalagpasan na sana siya nito nang bigla niyang hawakan ang balikat ni shawn.

"Abat?, Ang yabang mo na ngayon ah!" Mapagmalaking sigaw niya dahilan para makuha nito ang atensyon ng lahat ng guro.

"O?, Mukhang may away ah!" Sabi ng kanilang isa sa mga guro mula sa magica elite academy.

"Ayan na naman siya!" Desmayadong kuwestyon naman ng mga guro mula sa toril elementary school.

"Aries Jay?, Isa pang subukan mo akong hawakan, Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sayo!" Sabi ni Shawn na mismong narinig ng lahat.

Si Grey at Edrian naman ay naalerto ng marinig nila ang malamig na boses ni Shawn.

Kumalat naman ang napaka itim na usok sa paligid ni Shawn. Nagulat si Aries sa itim na usok ngunit napagtanto niya kung ano ito.

"Kung ganun sinisindak mo ba ako?, Mahinang Shawn!" Sigaw ni Aries at mula sa kaniyang mga palad ay siyang pag labas ng Dilaw na enerhiya hanggang sa makarinig sila ng sunod sunod na huni ng mga ibon.

nang tingnan naman ng lahat ang pinanggalingan ng tunog ay nagulat sila na hindi pala ibon ang kanilang naririnig kundi Kuryente, Kuryente na dumadaloy sa buong katawang ni Aries.

"Kung ganun Lightning user ka pala!" Walang emosyong sabi ni Shawn.

Si Aries naman ay nakaramdam ng pagka -asar sa inaasta ni shawn Tila hindi ito nakakaramdam ng kaba kapag kaharap siya nito pero ngayon iba na ito at tilang walang kinatatakutan.

"Naiinis na ako sa pag mumukha mo!" Sigaw ni Aries at isang mabilis na pag atake ang ginawa niya.

Ang kaniyang kaliwang kamao ay nababalutan ng kuryente tiyak na malaking pinsala ang magagawa nun kung tatama ito.

Ngunit nabigla ang lahat ng walang reaksyon nang pag ilag si Shawn tila kampante ito habang palapit sa kaniya ang kamao ni Aries na nababalutan ng elemento ng kidlat. Ang mga mata ni shawn ay kumislap, ang asul na buhok niya ay nagliyab ngunit sa gitna ng lahat walang inilalabas na Apoy si Shawn sa kanyang palad.

Isang malakas na pag sabog ang nangyari! Ang gilid ng Arena ay nawasak nababalutan ng usok ang paligid. Samantala si Aries naman ay nasa gitna ng usok nakalapag siya sa lupa at nakabaon sa lupa ang kaniyang kamao.

Doon tumama ang kaniyang atake Nagawang ilagan ni Shawn ang kaniyang atake.

"Akala ko ang Kidlat ang pinakamabilis sa lahat bakit kasing bagal mo ang pagong!" Boses na narinig niya sa kaniyang likod.

Humarap siya sa nag salita ngunit nakatanggap siya ng isang malakas na suntok sa sikmura.

Nang tamaan siya ng suntok nayun ay parang niyanig ang kaniyang kalamnan. Napasuka siya ng laway ng dahil sa isang suntok.

Tiningnan niya ang may gawa ng suntok na iyun at nakita niya si Shawn na pasugod sa kaniya gamit ang kanang kamao nito.

Tinamaan siya sa mukha at ramdam niya ang napakalakas na impact nun kaya naman napatilapon siya at tumama sa barikada ng Soccer Arena.

Nagulat ang lahat ng makita ang pag tilapon ni Aries. Tumilapon ito at nakatanggap ng matinding pinsala mula sa mga kamay ni Shawn....


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
Deredskert Deredskert

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C7
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login