Baixar aplicativo
30.76% LADY AKIRA [FILIPINO] / Chapter 4: Akira

Capítulo 4: Akira

"aki kuhanin mo nga iyong plato at lagyan ng kanin at ulam, abay hindi pa kumakain ang kapatid mo" utos ni mama sakin

Ako rin Ma hindi pa kumakain.

Middle child ako, may kuya ako na sobrang pogi, may bunso naman kaming sobrang pogi rin. Tapos ako sobrang maganda.

Totoo naman eh! sabi nung mga kapitbahay namin ay sobrang ganda raw ng genes namin! kahit na mahirap lang ay ang gaganda raw ng katawan namin.

Hindi raw halata yon, maganda si mama hindi ko naman kilala tatay namin. Ang alam ko ay iniwan nya kami. Half Brother lang namin si bunso.

Mayaman ang bagong asawa ni mama pero hindi sya makontak ngayong katatapos lang ng 1st bday ni bunso. Pinagtatawanan nga kami ng mga kapit bahay ang sabi ay binuntis lang daw si mama.

Ayan tuloy napatay ko manok nila kaya may ulam kami.

"aki baka magtaka na si mama pagnapansin nyang hindi tayo nauubusan ng manok" bulong sakin ni Kuya

"edi sasabihin ko totoo, kesa naman wala tayong makain" bulong ko

Alam ni Kuya na may mali sakin, pagnasasaktan daw o naapektuhan utak ko biglang nagiiba ugali ko. Hindi naman daw ako nakakatakot cool nga daw! may powers daw ako!

Umupo ako sa harap ni Bunso hindi sya mukang 1 year old dahil malaki na sya! kumakain na nga ng kanin nakaknguya na!

Dinurog ko ang patataas at hinaluan ng kanin sabay subo sa kanya. Adobo ang ulam. Adobong manok nila Ateng tesa.

"masarap?" aliw kong tanong sa kapatid habang pinapunasan ang bibig nya tapon tapon kumain

"yum yum" ani nya sabay ngiti sa akin

Iilan palang ipin nya.

"ano pinakain mona- san galing manok mo?" takang tanong ni mama

"kila Ateng Tesa po" ani ko halata ang gulat sa muka nya sa sinabi ko

Nahagip pa ng mata ko ang muka ni Kuya na gulat na gulat na sinabi ko ang totoo. Kinalbit naman ako ni bunso kaya pinagsubo kopa sya ng pagkain.

"Nagnakaw ka?" gulat na tanong ni mama umiling naman ako

"Hindi po, patay napo kasi to nung kinuha ko" paliwanag ko

"Paanong patay?jusq baka may virus ya-"

"Pinatay ko po"

Napasampal sa noo si Kuya pero tahimik lang madadamay sya pagnapagalitan ako nito.

"Bakit pinatay mo?!" sigaw na tanong nya

Nilock nya ang mga pinto at sinara ang binata. Tumakbo naman sya papunta sa kusina at nakita kong tinignan nya ang ref puno iyon ng bagong katay at linis na manok.

"akira anong ginawa mo?!" sigaw nya sa akin

Pinasubo kopa ng minsan si bunso bago tumayo at yumuko sa harap ni mama na may hawak ng hanger

"Kasi po hindi ko kaya pumatay ng tao kaya ung hayop nalang po nila. Ano ano pong sinabi nilang masama sa inyo nagalit po ako! pero sabi nyo bad pong manakit ng tao!" paliwanag ko at handa ng umiyak

Nagulat ako ng tumingin ako kay mama ay tumutulo na ang luha sa mga mata nya. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at niyakap ako ng mahigpit

"aki" ani nya sabay hagulgol sa akin

"ma bakit po?" tanong ko

"aki hindi mo naman kailangan gawin yon pero salamat" ani nya

"hindi kapo galit?"

"Galit pero sorry...sorry hindi kita napagtutuonan ng pansin. Hindi ko man lang napansin na may mali pala sayo. Sorry anak"

Napaiyak naman ako at umiyak sa leeg ni mama niyakap nya naman ako ng mahigpit

"Mama ung kamay kopo! bad napo sya! sorry po! ayaw ko naman gawin yon eh! pero kasi pp nagagalit ako pagnaririnig kong ano ano pinagsasabi sayo" ani ko sabay hagulgol

#

Andito kami ngayon sa bagong bahay! Kaya pala hindi makontak si Tito ay inayos nya ang bahay. Surprise daw!

Ang sabi ni mama secret lang daw namin yon. Nang umalis kami don sa brgy ay nagpamigay kami ng fresh chicken joy hihihi

Tuwang tuwa pa nag si Ateng tesa eh! Palagi nakong kinakamusta ni mama! Hindi na sya ung dati na walang paki sa akin.

Si Kuya naman ay tuwang tuwa dahil may pc na daw sya! tapos umiyak ako kasi gusto ko rin non! sabi pa ni mama pagnag 12 nalang daw ako.

10 palang ako! matagal pa yon. 2 years pa kaya umiyak ako kay Kuya sabi nya pahihiramin nalang nyako para makalaro ako.

Tinuruan din ako ni Daddy sa paggamit ng pc kala ko nga bibilan na din nyako pero sabi nya hiram muna daw kasi hindi maganda sa mata ng bata.

"Kuyaa" napatalon si kuya sa Gaming Chair nya at napatay nya agad ang pc ng pumasok ako bigla

"aki! dapat kumakatok ka!" ani nya habang nakahawak sa puso at hingal na hingal

"bakit kuya?ano bang ginagawa mo?" tanong ko

Pumasok ako sa loob at sinara ang pinto. Lumapit ako kay kuya na inoon na ang pc .

"may pinagaaralan ako!" pagmamalaki nya sakin

"talaga ano?!" tanong ko at hinila ang isang upuan at itinabi sa upuan nya

Nakapatong ang dalawang braso ko sa arm chair nya.

"Hacking" bulong nya sakin

"ano yon kuya?" tanong ko para kasing secret talaga kasi binulong nya

"ung crush ko kasi gusto kong malaman kung sino sino kachat nya"

"eh?hindi mo alam privacy kuya?" napangiwi naman sya

"ano ba, gusto ko lang naman malaman eh. Tska madalian lang to." ani nya

Napatango naman ako at pinanood sya sa mga ginagawa. After one hour ay nabuksan nya na! nakalog in na sya sa fb nung crush nya

Nagpapalakpak kami sa tuwa non. Kaso nagulat kami ng bumukas ang pinto at sumilip si yaya

"ah pinapatawag si kuya" ani nya

Nagkamot ulo naman si kuya at tumayo para bumaba tawag daw sya

"oy wag mo papakilaman ah" tumango tango naman ako

Nang makalabas sya ay pumunta agad ako sa messenger at tinignan ang mga chat pero dahil wala akong alam ano ano pinindot ko

Search Conversation daw?ano yon?ah baka ung makikita gusto mo makachat kaya tinype ko name ni kuya

Akihiro

May lumabas! nang binasa ko iyon biglang tumigil paghinga ko. Parang tumigil ang paligid

'I don't like akihiro nga! kulit mo naman. Sinasakyan ko lang paglalandi non duh'

Hindi ako bobo para sa isang batang 10 yrs old marunong nakong umintindi ng english! at ang ibig sabihin nung sinabi nya ay

HINDI NYA GUSTO SI KUYA!

Napasara ako ng kamao at tinignan ang pangalan nya.

Trixie ****

____________


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C4
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login