Baixar aplicativo
66.66% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 142: Nakikinig

Capítulo 142: Nakikinig

Biglang natauhan si Anthon sa sinabi ni Enzo, napaurong ito at saka tumakbo palayo. Namataan sya nila Belen, Edmund at Tess na nooy kababa lang ng elevator.

Nagkatinginan sila.

'Anong nangyayari?'

Dali dali silang nagtungo sa silid ni Issay at nadatnan nila duon si Enzo.

Edmund: "Mr. Belmonte?"

Napatingin sila sa naglalabasan na duktor at nurse galing sa silid ni Issay.

Belen: "Anong nangyari kay Issay?"

Dr. Bing: "Nasaan yung guardian ng pasyente na si Ms. Vanessa?"

Enzo: "Doc lumabas po para kumain. Sa akin po inihabilin si Issay!"

Dr. Bing: "Nabigyan na sya ng pampakalma. Sa ngayon kailangan syang ma obserbahan. Mukhang okey naman ang sugat nya sa loob pero masyadong tumaas ang blood pressure nya kanina dahil sa nangyari. Sana wag na itong maulit, hindi ako makakasiguro kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya sa susunod!"

Tumango lang sila.

Dr. Bing: "At isa pa nga pala, bago nawalan ng malay ang pasensya paulit ulit nyang hiniling na ayaw nyang makita yung dumating! Kung sino man yon!"

Belen: "Yes doc, pwede na ba namin syang makita?"

Saktong dumating din sila Ames at Miguel kaya sabay sabay na silang pumasok.

Miguel: "Anong nangyari dito?"

Hindi nya nadinig ang sinabi ng duktor kaya sya nagtanong.

At ikinuwento na ni Enzo ang nangyari kanina pati reaksyon ni Issay simula ng dumating si Anthon.

Ames: "Bakit parang mas dumami ang mga tanong?"

Belen: "Dahil may nangyayari na hindi natin alam at mukhang kilala ko ang makaka kumpleto sa mga naganap."

Kinuha ni Miguel ang cellphone nya at may tinawagan.

Miguel: "Kukuha ako ng magbabantay kay Issay para hindi na maulit ito!"

Paliwanag nya ng makita ang mga tanong sa mata nila.

Nang biglang bumukas ang pinto, lahat ay nakatingin sa dumating na mag kasintahan.

Nagtataka ang dumating kung bakit sila tinitingnan ng mga ito na parang nagtatanong at naiinis.

Vanessa: "Bakit may nangyari ba?"

Enzo: "Dumating si Anthon at muntik ng mapahamak si Issay!"

Vanessa: "Jusko!"

Sa reaksyon ng dalawa, lalong nilang natiyak na may nangyayari ngang hindi nila alam.

Vanessa: "Pasensya na! Friendship sorry! huhuhu!"

Joel: "Huwan nyo syang sisihin, sinamahan nya lang ako dahil ...."

Hindi nito matuloy ang sinasabi. Hindi nya maisatinig ang kalagayan ng ina.

Belen: "Hindi namin kayo sinisisi pero gusto lang namin malaman kung ano talaga ang mga nangyayari!"

Ames: "Tama! Pare pareho kaming walang alam, i-share nyo naman!"

At nagkuwento ang dalawa simula sa nangyari mula ng out of town sila sa San Mateo hanggan sa nangyari sa hotel.

Lahat ay nagimbal at hindi makapaniwala na may matinding pinagdadaanan si Issay.

*****

Pagkatapos malaman ang kalagayan ni Mama Fe, pinuntahan ito ni Belen sa ICU at duon nya nakita si Gene, tahimik na nakaupo at nakatingin sa ina.

Gene: "Giliw, Salamat at nagpunta ka, tyak na matutuwa ang Mama."

Nakangiting bati nito.

Mababanaag ang pagod at puyat sa mga mata nya.

Hinalikan nito si Belen at inakap, na hindi naman tinanggihan ng huli.

Maya maya nararamdaman nyang nagiging wild na ang halik nito at pati kamay kung saan saan na nakakarating.

Belen: "Teka teka! Tumigil ka nga nasa ICU tayo at nakikita tayo ng Mama mo!"

Tinulak nito si Gene at saka lumayo. Baka hindi nya rin mapigilan ang sarili kung ano pa ang mangyari.

Gene: "Asus si Giliw ko! Wagka mag alala sa Mama hindi magagalit yan pag nalaman nyang tayo na!"

Belen: "Anong tayo na? Tumigil ka nga sa sinasabi mo!"

Gene: "Hmmm mm, si Giliw naman palabiro! Diba baby palabiro si mommy!"

At hinawakan nito ang puson ni Belen.

"Ma, tingnan mo o may baby na kami ni Belen.... buntis sya Ma kaya magpagaling ka na at magkakaapo ka na ulit!"

Nahihiya naman si Belen kay Mama Fe sa sinasabi ni Gene.

Gene: "Giliw, sabi ng duktor dapat daw lagi namin syang kinakausap para madali syang magising."

Maya maya nagulat sila ng biglang umingay ang mga makina sa loob ng ICU at kasunod nuon ang pagdating ng mga nurse at duktor.

"Lumabas muna po kayo!"

Paglabas ng ICU..

Belen: "Anong nangyayari sa Mama mo?"

Takot na takot ito.

Gene: "Giliw, mukhang nakikinig ang Mama sa pinaguusapan natin kaninana!"

Seryoso nitong sabi habang nakatingin sa ina.

Belen: "Walanghiya ka! Lintek ka talaga! Paano kung may mangyari sa Mama mo dahil... dahil sa akin?"

Nagaalala nitong sabi habang sinusuntok si Gene sa inis.

Gene: "Wagkang masyadong magaalala Giliw, malakas ang Mama alam kong magiging okey sya."

At biglang kumirot ang tiyan nya.

Belen: "Aray, aray! Gene masakit ang tyan ko dalhin mo ako sa duktor, ang baby ko!"

Takot nitong sabi.

Kinarga sya ni Gene at patakbong dinala sa emergency. Nang sabihin ng duktor na may kailangan gawin test hindi pumayag si Belen.

Nakiusap ito kay Gene na dalhin sya sa duktor nya upang makasiguro. Kahit na ganun ang duktor nya alam nyang magaling iyon at mapagkakatiwalaan.

Nasa ibang ospital ang duktor ni Belen kaya bumyahe pa sila patungo duon.

Habang nasa byahe halatang hindi mapakali si Gene.

At lihim naman nangingiti si Belen habang pinagmamasdan ito.

Pagdating sa opisina ni Dr. Drew sinabi nilang emergency kaya agad silang pinuntahan nito.

Doc Drew: "Hmmm Madam, sabi ko sa inyo iwasan muna ang exercise."

Belen: "Eto kasing damuhong ito Doc hindi ko masabi sabi, ang hirap kausapin!"

Paano ba naman magagawang sabihin ni Belen kay Gene na bawal silang mag exercise, e umuurong ang dila nito pagnagsimula ng umaksyon si Gene.

Tiningnan ni Dr. Drew si Gene mula ulo hanggang paa.

'Kaya pala nahihilig sa exercise si Madam.'

Doc Drew: "Sya ba yung damuhong tinutukoy nyo Madam? Hmmm... kaya pala..."

Belen: "Anong kaya pala?"

Doc Drew: "Kaya pala kusang nalalag ang karsonsilyo nyo!"

Tiningnan nya ng matalim si Doc.

Doc Drew: "Alam nyo Daddy bawal munang ma stress si Mommy kasi pag na stress si Mommy ma iistress din si baby!

Kaya hanggat maari bawal muna ang exercise, lalo na ang wild exercise na may kasama pang exhibition. Ngayon kung hindi talaga maiwasan ang pagbaba ng karsonsilyo ni Mommy e sana dahan dahanin nyo para hindi ma istress si Baby!"

"Buti pa i-confine ko kayo Madam para ma sure natin na safe si baby!"

Namumula ang buong mukha lalo na ang tenga nilang dalawa ng matapos ang paliwanag ng duktor.


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
trimshake trimshake

Opo doc!

Good day everyone!

next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C142
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login