Ayradel's Side
"Kamusta ka naman?" untag ni Jayvee nang hindi ko namalayang napatitig na pala ako sa mga kakalayo ko lang na kaibigan. Napalingon ako sa kanya.
"Ay sorry. Okay naman haha!" sagot ko. "Nahanap mo na mga classmates mo?"
"Hmm." tumango siya. "Pero tulungan muna kitang hanapin mga ka-blockmate mo bago ako dumiretso sa amin. Hindi ba sila nagcha-chat sa GC niyo?"
"Nag-chat na, pero hindi ko pa alam yung mga lugar na sinasabi nila."
"Oh, saan daw?"
"Wait, tignan ko." kinuha ko yung phone upang tignan at i-backread ang mga conversation ng mga kaklase ko. "Dome? Dome daw, 4th floor."
"Ah, tara, doon din malapit yung mga kablockmate ko. Siguro lahat ng Entrep doong floor."
Tumango ako saka kami sabay na naglakad ni Jayvee patungo sa kung saan. Sobrang siksikan ng mga tao kahit sa unahan pa lang ng Main Building, pero kahit ganoon e, hindi pa rin nakakaligtas sa mata ng mga tao ang kagandahang-lalaki ng kasama ko.
Katulad ng dati ay ang dami pa ring napapalingon dahil sa kanya. Hindi na siya mukhang highschool, bukod doon ay sadyang mas naging manly siya dahil naka-civilian na siya at hindi na naka-uniform.
Nakarating kami sa gitna ng Main Building kung saan-- upang makaakyat ka sa second floor ay dadaan ka sa parang hagdan, pero patag. Ibig sabihin, hagdanan siya pero walang steps... para siyang slide pero daanan.
"Ito yung dome, makaakyat lang tayo hanggang sa 4th floor ay nandoon na ang mga kablockmate natin."
Napatango naman ako at naaliw dahil para akong nagi-skating sa dulas ng sahig. Halatang kaka-floor wax lang.
"Hilahin kita pataas?" Ani ni Jayvee at nakita kong nakalahad na ang kamay niya.
Natigilan ako.
"Huwag na." sabi ko.
"Bakit? Kinakabahan ka pa rin ba sa akin?" aniya na halatang nangaasar porket ultimate crush ko siya dati.
"Hindi no!" hinablot ko ang wrist niya para patunayang hindi na ako affected sa kanya. Humalakhak siya.
"Kumapit ka ng maigi." aniya, saka siya tumakbo habang nagpapadulas naman ako.
Halos tumili ako kakahalakhak. Nakarating lang kami ng 2nd floor ay pinatigil ko na siya.
"Tama na, nakakapagod pala. Hahahaha!"
Isang floor pa lang pero nakakahingal. Pano pa kaya siya na nanghila sa akin.
Naglakad na lang kami at hindi nga nagtagal ay narating namin ang 4th floor.
"Sabi ng mga kaklase ko, sa W-404 na raw sila."
Laking pasasalamat ko talaga na I had Jayvee at my company. Sa sobrang laki nitong Main Building ay talaga namang maliligaw ako. Sobrang astig rin na halos alam niya na lahat ng lugar sa university na ito.
"Bakit kabisado mo yung pasikot-sikot dito?" tanong ko.
"N'ong entrance exam, naglibot-libot na ako."
"Ahh."
"Sige na. Ayan yung W404." aniya saka kami napatingala sa room number na nasa itaas ng bawat pinto.
"OMG!" Bumaba ang tingin namin sa isang lalaki na tumili habang nakatingin kay Jayvee. "A-Ah, I mean... Hi... pogiii! BSE 1-1D ka ba?" anito sabay kagat labi. May ilang mga tao rin ang nagsusumiksik sa likuran niya na tila ba nakikiusyoso para makita lang si Jayvee.
Natawa naman ako ng palihim.
"Hindi, hinatid ko lang ang kaibigan ko." sabi ni Jayvee.
Saka lang nila napansin na nandoon pala ako. Tumango ako kay Jayvee, saka ako tumango sa kanila. Ngumiti lang si Jayvee saka napagpasyahang umalis. Doon ko rin napagpasyahang pumasok na ng room namin.
Narinig ko ang tili nung tatlo.
"Omaygad gurl! Boyfriend mo ba 'yung pogee na yun?!" hinabol agad nila ang paglalakad ko papasok ng room.
"A-ah hindi. Kaibigan lang."
Nailang naman ako sa titig ng mga bago kong kaklase. Medyo marami-rami kami, pero ang ilan sa kanila ay parang dati nang magkakakilala... o talagang pala-kaibigan lang sila?
"Kung gan'on... may gusto ka ba sa pogi na 'yon?!" sabat naman ng isang babae sa likod ni Kuya Gurl.
Ngumiti ako at umiling. Nagsitilian naman sila, samantalang naghanap ako ng bakanteng upuan.
"Ipakilala mo naman kami ate gurl!" sabi pa ng isang babae.
"Sige. Kapag nagkita ulit kami."
"OMG!!!"
"Dito ka na umupo sa tabi namin ate gurl!!!" saka nila ako iginaya sa upuan nila sa bandang harapan.
"Hoy Rocel! Si Charles ang crush mo diba? Yung kausap mo sa GC natin?! Bakit pati yung Fafa ko gusto mo sayo?!"
"Hoy, landi neto. FYI, Leonard!-"
"Oops- Lea na lang hahahaha!"
At nag-away na nga sila at nagusap pa ng tungkol sa mga crushes nila. Mababait naman sila, kaya lang ay sobrang iingay talaga. Kung magusap e parang nagsisigawan.
Nagpakilala kami sa isa't isa. Pagkalipas ng isang oras naming paguusap ay doon lang kami nagkakilanlanan. Hahaha!
"Ang tagal ng first prof natin ah!" reklamo ni Leo- este, Lea.
"Bakla. Adjustment period pa lang. Walang prof niyan." sagot naman ni Blesse na paypay ng paypay.
"Baks, ang tagal naman ng fafa Charles natin?!" sabat na naman ni Rocel.
"Tignan mo! Charles ka na naman e kanina lang Jayvee ka ng Jayvee!"
Nasabi ko na nga pala sa kanila ang pangalan ni Jayvee. Sorry, Jayvee! Hahaha!
"Ikaw, Ayra, sinong crush mo sa mga classmates natin?"
"Wala noh!"
"Totoo?!?"
"Oo, saka hindi naman ako nang-stalk ng mga kaklase natin sa GC. So wala akong kakilala."
"Boring naman non, te gurl! Ni hindi mo nakita mukha ni Fafa Charles!!!"
"Speaking of..."
Halos malaglag ako sa upuan dahil sa pangangalabit ni Blesse. Nakatulala na ang lukaret sa pintuan kaya naman pati ako e, napatingin na rin...
...at agad na napatakip ng mukha.
Omaygad?
Parang nangyari na 'to ah?
"Omaygad si Fafa Charles!!!" impit na tili n'ong tatlo.
"Ang pogi niya rin pala talaga sa personal!!!!"
Buong pasasalamat ko at hindi ako nakita ng taong 'yon at nilampasan niya lang kami upang maupo sa pinakadulo.
Naghabulan ang tibok ng puso ko. Habang ang ilan sa mga babae at kabekihan ay siya na ang center of attention.
"Grabe baks!!! Tumitingin siya sa direksyon natin!!!" ani ni Rocel.
Mas lalo akong napatungo kahit nasa likuran naman namin si Charles.
"Grabe, parang lahat yata ng lalaking galing sa Lee University pogi?!" ani ni Blesse.
Muntik naman akong mabilaukan dahil pati iyon alam nila?!
"Saang Lee University?"
"Sa Buenavista!" Lea.
"Bakit?! Taga-Lee University ba si Charles n'ong highschool? Saka sino pang taga-Lee University?!" Rocel.
"Basta, ini-stalk ko 'yang si Charles kaya ko nalaman kung taga-saan siya. At syempre pati mga kaibigan niya kilala ko hihihihi!" Blesse.
"Grabe kang mang-stalk bakla!!!"
"Anu-ano name nila sa facebook?!" Si Lea.
"Wait, check ko sa phone. May list ako e. Hahahaha!" kinuha niya nga yung phone niya.
Samantalang kinuha ko yung tubig ko dahil hindi ko na kinakaya yung tension.
"Ahm... Antoine Lalic, Alec Viernes, Santiago Fermin-"
Naibuga ko ang tubig dahil sa gulat. Napatingin silang tatlo sa akin.
"Bakit cyst?! Kilala mo ba yung binanggit ko?"
Agad akong napailing.
"H-hindi nabilaukan lang ako."
"Anu-ano pa name, Bless?!!!" inip na tanong nina Rocel at Lea.
"Ayun nga, Santiago Fermin, Karl and Lei Suarez, at ito ang pinakapogi mga beks!!!!!!"
Kinilig muna si Blesse kaya naman inis na pinaghahampas siya ng dalawa.
"Dalian mo! Ano nang pangalan!!!"
"Secret!!! Akin lang siya no! Hahahahahahahahaha!"
"Hays! Sinusumpa kita Blesse makikita mo hindi ka magkakajowa ng masarap!!!" ani ni Lea.
"As if namang magkajowa ka rin ng masarap?" umirap si Blesse.
"Ano nga kasing name Baks?!"
Dumila si Blesse kaya naman natawa na lang rin ako sa kaguluhan nila.
"Ikaw Miss Ayradel Bicol?" natuon naman ang atensyon nilang tatlo sa akin. "Nananahimik ka diyan ah? Sigurado ako marami kang alam!" Lea.
"Huh? Bakit naman ako?"
"Anong pangalan ni Fafa Jayvee sa facebook? At sino pang mga pogi sa school niyo dati?!?!?"
"Baka magalit si Jayvee Gamboa e."
Natawa ako kasabay ng pagtawa nila.
"Ang witty mo d'on cyst!" anila sabay tawa. Nagtawanan na lang din kami.
Sorry, Jayvee. Hahaha!
Lumipas pa ang ilang oras na bakante't laking pasasalamat ko na hindi pa ako nakikita at ginagambala ng Charles na iyon.
Hindi kami close... Naaalala ko lang na nakausap ko siya isang beses noong nagswimming kami sa bahay ni Richa- ayoko nang maalala.
Umiling-iling ako.
Tapos na rin naman na iyon. Kapag kinausap niya ako at nagtanong, magpapanggap na lang ako na hindi ko siya naaalala.
Last subject nang nagulat ang lahat dahil dumating yung prof.
"Corny naman ng prof na 'to dumating pa!" reklamo ni Lea.
"Alam mo Leonardo napakagulo mo! Kanina naghahanap ka ng prof tapos—"
"Hoy gusto mo busalin ko bibig mo sa pagsasabi mo bf sinumpang pangalan?!"
Tumahimik lang sila nang nagsalita yung prof.
"Get 1/4 index card," anito agad. "Write your name, course and section, contact number, address. Now."
Sinunod naman naming lahat, pagkatapos ay ipinasa na nga iyon sa unahan.
"Sa subject kong ito class, ay magkakaroon tayo ng seating arrangement."
"OMG! Sana si Leonardo ang makatabi ko!" may babaeng nagsalita mula sa likod.
"Gaga! Ate! Lason ka!" sigaw naman ni Lea pabalik.
"Hahahaha! Shet, ang pogi mo kasi Leo e!"
"Ew! Di ko kayaaaa!"
Bawat isa sa amin ay lumabas, ang ilan naman ay nasa unahan. Pasimple pa rin akong nagtatago kahit alam kong darating rin yung time na makikita at makikita niya ako.
"Leonar—" bago pa matapos ni Sir ang pangalan niya ay nagsusumigaw na si Lea.
"AHHH SIR AKO YAN! PRESIDENT!!!!"
"Anong president?!" kunot noong tanong ni Sir.
"Present Sir, present!"
"Sit beside Ms. Palacio."
Nanlaki ang mata niya samantalang natawa naman kaming lahat.
"Come here baby Leonard!!!" sigaw ni Gela Palacio.
"Sir naman e! Bakit sa lason niyo pa ako tinabi pwede namang kay Charles na lang!" reklamo ni Lea.
"Cyst! Tomboy ka na!" sigaw ng ilan pa sa mga beki sa room.
"Wetetet!" aniya sabay upo sa tabi ni Gela na kinilig din naman agad.
Pagkalipas ng ilang minuto...
"Bicol?" ani ni Sir. Itinaas ko ang kamay ko. "Doon ka sa sunod na seat."
Itinuro niya ang gitna sa limang magkakahanay na upuan. Two rows lang ang mayroon, pagkatapos ay kada column ay may 5 arm chairs. May dalawang babae na na nakaupo sa naunang dalawang seat. Randomly selected rin ang seatplan at hindi ayon sa apelyido.
"Next is... Mr. Lee-..."
Agad na naghabulan ang tibok ng puso. Inilibot ko ng tingin ang buong classroom at napako ang tingin ng lahat sa lalaking tinawag ni Sir Calingo.