"POSITIVE! May mga survivor nga sa labas."
Isang lalaki na nakaupo sa isang swivel chair, kasama ang tatlong surveillance monitoring officers, ay kausap ang nag-iisang pangulo ng bansa—President Benjamin Bautista Montemayor, o mas kilala sa palayaw na BBM.
"That changes everything… we have to form a rescue team to save those survivors outside the safe zone, but we have to study first about all of the past recordings," President Montemayor said, his voice filled with hope and relief.
"Right away, Mr. President. I will gather the team to discuss this news," responded the officer with determination.
"Commander Reyes… This is a classified information. Make sure walang ibang makakaalam tungkol dito."
Now that they had crucial information about the outside world, they could devise a plan from within. The outside was survivable, and this newfound knowledge could lead to a significant breakthrough in their efforts to save everyone. However, it was important to remember that while survivable, the outside world was still fraught with dangers.
NANG mangyari ang pag-atake ng mga Chinese, nakaligtas ang grupo ng pangulo at iba pang kasamahan nito sa Malacañang. May nakatagong underground safety room ang gusali, kaya't hindi sila naapektuhan nang malubha sa pagsabog. Hindi rin agad nakapasok ang radiation sa loob ng gusali, marahil dahil sa matinding pagkapaligiran nito ng mga malalaking durog na bahagi ng gusali.
Kinakailangan nilang lumabas nang may tubig na pumapasok sa kanilang pinagtataguan. Ang pag-angat ng tubig ay dahan-dahan at tuloy-tuloy, kaya't napilitan silang buksan ang pinto na gawa sa purong semento. Subalit, hindi magawang buksan ng personal security guard ng pangulo ang pinto. Ipinindot niya muli ang passcode sa wallpad—successfully opened—pero hindi pa rin bumukas.
Mabuti na lang at may kasama silang hindi bangag. Hinubad niya ang kaniyang sandal at ginamit ito upang basagin ang emergency tool case na may crowbar sa loob. Matapos niyang makuha ang crowbar, ginamit niya ito upang iangat ang pinto at makalabas sila mula sa pinagtataguan.
"You're not one of my subordinates. Ano'ng pangalan mo?" The president easily recognized her as not part of his group.
Agad na inilabas ng tatlong guwardiya ang kanilang mga baril at itinutok ng mabuti sa babae. Isang senyales mula sa pangulo at tiyak nilang babarilin siya. "Umalis ka sa pinto at ibaba mo ang crowbar," utos ng guwardiya nang may awtoridad.
Dahan-dahan siyang humakbang palayo sa pinto at maingat na ibinaba ang hawak na crowbar tulad ng utos ng guwardiya. Subalit, bago pa man niya ito tuluyang maibaba, mabilis niyang ikinawit ang paa ng lalaki, dahilan upang tumumba ito sa sahig. Hinablot niya ang baril mula sa pagkakatumba nito habang nasa ere, saka niya binaril ang isang guwardiya mula sa bandang likuran ng pangulo, nang walang pag-aatubili. Kasabay ng ingay ng baril ang pagtitili ng mga kasamahan nila sa loob.
"Ibaba mo 'yang baril o sasabog ang bungo nito!" kumpiyansang sabi ng natirang guwardiya habang mahigpit na hawak ang baril sa ulo ng pangulo gamit ang isang kamay. Tumindi ang sigawan ng mga tao sa loob dahil dito.
"Diyos ko!" napasambit ang isa sa kanila habang tinatawag ang Panginoon dahil sa nangyayari.
"Ano ang ginagawa mo?" tanong ng pangulo, tagilid at naguguluhan habang nakatingin sa guwardiya mula sa kaniyang likuran.
Mabilis na inihagis ng babae ang kaniyang baril patungo sa kinatatayuan ng pangulo at sa guwardiya nito.
"Gusto nilang siguruhin na patay ka," wika ng guwardiya, na may nakangising tono.
"Sino 'yong sila?" tanong ng pangulo, mas naguguluhan. "Ang mga Chinese ba? Pareho lamang tayong Filipino, pero bakit mo ito gagawin sa iyong pangulo?"
Napangisi ang guwardiya. "Lahat sila. Lahat sila ay gusto kang paalisin sa puwesto, pero huli na ang lahat. Malalim na ang dagat; huli na para sagipin ang nalulunod na isda. Mas makabubuti pa sa bansa kung magiging malansa kang isda sa kasaysayan ng bansang ito."
THE group continued their journey from Haven's Refuge Camp. They walked in a straight line, following every steps of the person in front of them, led by Miguel Conilas. He had been a part of the Philippine Army when everything happened. He had been securing civilians for evacuation as soon as possible, but clearly, things hadn't gone as planned.
"Ga, make sure na lahat ay nakasunod, ha. Kailangan natin magmadali kasi baka magbago ang direksyon ng hangin. Hindi aabutin ng ilang oras ang suit natin. Kailangan natin makaabot sa barangay hall para magpalit ng suit," sabi ni Miguel, habang nakatuon lang ang pansin sa paligid hawak-hawak ang dalang M16 na baril na nakasabit sa kaniyang leeg.
Lumingon si Dr. Len upang tiyakin na lahat ng bata ay nakasunod sa kanila. "Mga bata, 'wag na 'wag kayong magpapahuli. Sumunod ang lahat dahil baka—Nasaan si Juan?" tumaas bigla ang kaniyang boses nang mapansing nawawala ang isa sa mga bata.
Agad na napatigil ang lahat sa paglalakad at nilakbay ang kanilang mga mata sa paligid upang hanapin si Juan, kahit na nahihirapan silang may makita sa paligid dahil sa halos nababalot ng makapal na usok dahil sa pagpasok ng uling at mga partikulo sa atmosphere, na humantong sa mga kondisyon ng nuclear winter. Bumaba ang temperature, kulang sa sikat ng araw, at pagkasira ng natural na takbo ng vegetasyon ng bansa.
"Juan!" malakas na sigaw ni Dr. Len. "Juan!" Ilang beses niyang tinatawag ang pangalan ng bata habang palayo nang palayo siya sa grupo nila.
Habang naghahanap sa makapal na usok, may nakita siyang isang hugis ng tao kaya pinuntahan niya ito at nilapitan. Nakumpirma niyang si Juan nga iyon dahil sa suot nitong suit.
"Juan, ayos ka lang ba?" mahinang boses na sabi ni Dr. Len.
Hindi sumagot si Juan. Tila may pinagkakaabalahan itong himasin. Hinawakan ni Dr. Len ang kanang balikat ng bata at tinabihan ito upang makita kung ano ang ginagawa nito. Halos mawalan ng hininga si Dr. Len nang makita niya ang isang nilalang na hindi niya inaasahang makakakita pa siya pagkatapos nang lahat ng nangyari. Pero nasabi niya sa kaniyang sarili na kung sila nga ay nagawa nilang makaligtas, paano na lang ba ang mga katulad nitong nasa harap nil ani Juan.
"Saan mo 'to nahanap, Juan?"
Ibinaling ni Juan ang tingin kay Dr. Len. Nakangiti siya na tila'y nasisiyahan sa kaniyang natuklasan. "Puwede po ba nating dalhin 'to?" sabi ni Juan habang hawak-hawak ang nilalang.
Tiningan ni Dr. Len ang mga mata ni Juan. Makikita sa mga mata nito na gustong-gustong ng bata ang nilalang na ito. Subalit may pag-aalinlangan sa mga mata ni Dr. Len. "Hindi puwede, eh. Mapapabagal lang ang paglalakad natin kung isasama mo 'yan. Isa pa, baka may mama ang isang 'yan."
"Pero nakaaawa naman kung iiwan lang natin dito, 'di po ba?"
"Mas nakaaawa kung ihiwawalay natin siya sa mama niya. Baka hinahanap na nga 'yan ngayon." Hinawakan ni Dr. Len ang kanang kamay ni Juan upang ibaba ang hawak na nilalang.
Subalit ayaw itong bitawan ni Juan. Tinigasan ng bata ang kaniyang pagkakahawak nito na naging resulta ng pag-iyak ng nilalang. Napahinto sila sa nangyari. Biglang lumakas ang pagkabog ng puso ni Dr. Len, na para bang may nararamdaman siyang masamang mangyayari na paparating.
"A-Ate L-Len…" Halos hindi makapagsalita ang batang nasa likuran nila nang may napansing siyang isang malaking aninong anyo ang dahan-dahang lumitaw mula sa makapal na usok.
Mabilis na napalingon si Dr. Len upang tingnan kung sino ang nagsasalita. "Amado? Bakit ka nandito? Ano ang ginagawa mo rito? Bumalik na sa grupo ngayon din." Sa hindi malamang dahilan ay biglang nag-iba ang tono ng boses ni Dr. Len. "Amado, makinig ka sa akin!" Ngayon ay galit na nga siya.
"Ate…" mangiyak-ngiyak at basag na boses na pagkakasabi ni Amado habang nakatingin siya sa harapan nila.
Naguguluhan si Dr. Len sa kinikilos ni Amado, dagdag pa rito ang pag-iyak ng nilalang na hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapakawalan ni Juan.
"Juan, sabing ibaba mo na—" naputol ang pagsasalita ni Dr. Len nang ibinalik niya ang tingin sa hawak ni Juan, nang makita niya ang isang malaking mukhang aso na nasa dalawang tao ang taas kung ipagpapatong-patong ito. Halos wala nang balat sa katawan nito; ang natitirang balat ay nakabitay, umuusok ang bawat dugong lumalabas mula sa katawan nito, at kitang-kita ang mga matutulis at malalaki nitong ngipin dahil sa basag na mukha. Nagngitngit ang mga ngipin nito at ang buong katawan ay nanikip sa matinding hangaring kumilos, handa nang sugurin sila.
"A-Amado, makinig ka nang mabuti. Pagkabilang ko ng tatlo, tumakbo ka. One…" Dahan-dahan na humakbang paatras si Dr. Len habang mahigpit na hawak ang kanang braso ni Juan. "Two…" Hakbang ulit, na tila bawat hakbang ay sumasabay ang pagpitik ng puso niya. "Three—Takbo!" Mula sa pagkakatalikod ay mabilis siyang humarap at humakbang nang sobrang laki at hinatak si Juan palayo sa malaking nilalang na hindi kayang ilarawan bilang isang aso, kundi isa itong halimaw!
Hindi agad kumilos ang halimaw mula sa pagtakbo nila, kaya mas naging dahilan pa ito upang tumakbo pa nang mabilis. Subalit, biglang kumawala si Juan mula sa kamay ni Dr. Len dahil nalaglag niya ang maliit na tuta.
Nabigla si Dr. Len sa nangyari. Hindi niya naisipan na kumawala si Juan mula sa kamay niya, baka nabitawan lang ito. Kaya agad niya itong binalikan, subalit ayon sa nakikita niya ay tumakbo palayo si Juan imbes na bumalik sa kanya. Hindi siya makakilos. Naguguluhan siya kung ano ang kanyang gagawin. "Juan!" Tanging pagsigaw na lang ang kanyang nagawa.
Kinuha ni Juan ang tuta mula sa pagkakalaglag at tumakbo pabalik kay Dr. Len, nang biglang kagatin ng tuta ang kamay ni Juan dahilan upang makalanghap siya ng maraming hangin at napahinto sa pagtakbo.
"Juan!" Halos sasabog ang tiyan ni Dr. Len sa pagsigaw. Tatakbo pa sana siya upang lapitan si Juan, subalit pinigilan siya ng kanyang asawa, si Miguel. Nauna nang makabalik si Amado upang humingi ng tulong.
Nang makita ni Miguel ang halimaw, agad niya itong binaril ng ilang beses, subalit tila walang epekto sa kanya. Nang walang pag-aalinlangan, gigil na binuksan ng halimaw ang bibig nito at kinain ng buo si Juan kasama ang tuta. Hinawakan ni Miguel ang braso ni Dr. Len at tumakbo.
"Miguel, si Juan!" naiiyak na sabi ni Dr. Len.
"Wala na si Juan! Tumakbo na tayo bago pa tayo maabutan ng halimaw!" Halos lumipad sa bilis ng takbo ni Miguel kasama ang asawa.
Nang makabalik sila sa grupo ay agad na hinalukay ni Amado ang laman ng kanyang bag. Isang flare gun. Pagdating nina Dr. Len at Miguel, kasabay na maririnig mula sa mabangis at malakas na pag-ungol ng halimaw ang bawat pagtakbo nito na ramdam sa lupa, habang nakasunod sa kanila.
Agad na pinasabog ni Amado ang flare gun patungo sa posibleng kinaroroonan ng halimaw, dahilan upang sumabog ito. Tinamaan ang halimaw kaya sumabog ito. Napansin ni Amado ang usok na nagmumula sa dugong pumapatak mula sa katawan ng halimaw kanina, kaya naisip niyang posibleng sumabog ang katawan ng halimaw kung malantad ito sa apoy gaya ng flare gun.
Dahil sa pagsabog ng halimaw, nagkaroon ng malaking pagkawala ng usok mula sa paligid nila, kaya mas kitang-kita nila ang buong tanawin sa paligid at ang wasak na wasak na katawan ng halimaw.
Agad na niyakap ni Dr. Len ang mga bata at tiningnan kung kumpleto ba sila, habang naiiyak sa isipang nawalan sila ng isa. Napatingin silang lahat nang marinig ang ingay ng isang helicopter mula sa himpapawid. Halos mawala sa isipan nila ang pagkawala ng isa nilang kasamahan nang makita ang helicopter. Napuno sila ng pag-asa na maliligtas na sila.
The helicopter descended gracefully, its rotors kicking up a storm of dust and debris. Fully equipped personnel, clad in pristine white radiation suits, emerged from the vehicle, each holding a white suitcase. They moved with purpose toward the monstrous remains that had recently exploded. One of them pulled out a large syringe and a cotton swab, carefully collecting a sample from the creature.
Meanwhile, two armed men in identical suits approached the scene with deliberate strides. Dr. Len instinctively gathered the children closer, her protective instinct heightened, while Miguel firmly gripped his gun. He could barely contain his excitement at the sight of what he believed to be fellow soldiers.
"Sir! Sergeant Miguel Conilas, First Infantry Division!" Miguel declared, his voice filled with a mix of relief and authority.
"Put your weapon down. Now!" barked one of the suited men, his tone unyielding and commanding.
"Hindi n'yo po ba ako narinig? Isa po akong sundalo." Miguel insisted, his frustration mounting.
The men stepped closer; his face obscured by the helmet. "Ang sabi ko, ibaba mo ang baril, Sergeant. We're under strict orders."
Miguel hesitated, but the urgency in the man's voice left little room for argument. He slowly lowered his weapon, still wary but complying with the command. Dr. Len watched the exchange with bated breath, clutching the children tightly.
"Thank you, Sergeant," the man said, his tone softening slightly. "Kailangan naming tiyakin ang kaligtasan ng lahat. My name is Lieutenant Reyes. We're here to assess the situation and provide support."
Dr. Len stepped forward cautiously. "We have injured and children here. They need medical attention."
Lieutenant Reyes nodded. "Our medical team is ready to assist. Let's get everyone to a secure location first."
As the armed men guided them towards the helicopter, Miguel couldn't help but feel a glimmer of hope. Despite the chaos and uncertainty, the arrival of these fully equipped personnel signaled a potential turning point in their struggle for survival.
Bago sila tuluyang makaalis, habang pabalik si Dr. Len sa mga bata, lima sa kanila ay tila hangin na biglang naglaho sa harapan niya nang biglang patakbong dinagit sila gamit ang mga matutulis nitong mga ngipin ng isang halimaw na kagaya lamang ng pinasabog nila kanina.
Miguel and the rest of the group froze in shock as the monstrous creature, with its grotesque form and razor-sharp teeth, lunged at the children. Dr. Len screamed, her voice breaking with fear and desperation.
"Dumapa kayo!" Miguel shouted, raising his weapon and firing at the beast. The creature snarled and thrashed, but it didn't retreat. The armed personnel in white radiation suits quickly joined the fray, aiming their specialized weapons at the monster.
"Protektahan ninyo ang mga bata!" Dr. Len cried, pulling the remaining kid, Amado, closer to her, shielding him with her body.
The air was filled with the deafening sounds of gunfire and the creature's guttural roars. Miguel's heart pounded in his chest as he fought to keep his aim steady. The soldiers in radiation suits moved with precision, their weapons emitting a strange, humming sound as they fired.
With a final, piercing shriek, the monster collapsed to the ground with the kids, writhing in pain before it finally lay still. The silence that followed was almost as overwhelming as the noise that had preceded it.
Dr. Len, shaking with relief and horror, turned to the children, checking each one to make sure they were still alive. "N-No!" she shouts, her voice trembling.
Miguel lowered his weapon, his hands still shaking. "Kailangan nating makaalis na rito," he said, looking at the other soldiers. "Maaaring may iba pa sa paligid."
The leader of the radiation-suited soldiers nodded. "Dadalhin namin kayo sa mas ligtas na lugar," he said. "Let's move quickly."
Dr. Len trying to gathered her strength, Amado and with Miguel and the other soldiers leading the way, they hurried away from the scene, their hearts heavy with the loss and the lingering fear of what other horrors might be lurking in the shadows.