Patibong
Ikasiyam Na Kabanata
Naghiwa-hiwalay kami upang hanapin si Liza. May kalakihan kasi itong eskwelahan kaya kung saan saan kami naghanap. Sinisigaw na namin ang kanyang pangalan ngunit wala kaming natanggap na tugon. Kasama kong naghanap si Mikee at Jack. Habang ang iba, chineck ang ibang lugar. Sinubukan muna naming tignan sa corridor pero wala kaming nakita.
Maya-maya pa, biglang tumaas ang mga balahibo ko. May kakaiba akong naramdaman sa lugar na iyon. Isa iyong classroom at may upuan sa gitna. Muli kong naalala ang panaginip ko, itinali at linatayan ang babae. Bakit ba nila ito ginagawa? Atsaka, bakit tinatanong nung boses sa babae kung nasaan ang bagay na hinahangad nito? Ano bang kinalaman ng vial na iyon sa buhay niya? Mamatay ba siya kung mawala iyon?
Napa-alog ako ng ulo atsaka na nagpokus sa paghahanap kay Liza. Tumingin din sila Mikee sa tinititigan ko mula kanina pa. Isang litrato ang nakakuha ng atensyon ko, nakalagay 'yon sa frame at nakasabit sa dingding. Ngumiti ito sa harapan ko. Tama ba ang nakita ko? Isa na namang bang ngumingiting larawan ang napagmasdan ko ngayon-ngayon lang? "Guys, ngumiti yung picture. Ngumiti yung teacher." sabi ko sabay turo sa larawan.
"Huh? Anong pinagsasabi mo?" takang tanong ni Mikee. "Cut it, Becca. Hindi ito ang oras para sa mga pranks mo. Smiling picture my ass." sarkastikong sabi ni Jack. Nakita ko talaga, right infront my eyes. Tinitigan ako ng larawan atsaka nginitian. Naghahalucinate na ba ako? Pero tama ang nakita ko. Hindi ako nababaliw o kung ano. Kung ayaw nilang maniwala sa kung anong kayang makita ng mga mata ko, hahayaan ko lang sila.
Kinalimutan ko na ang tungkol sa larawan atsaka na kami nagpatuloy sa paghahanap. Dinaanan namin ang guard house para magtanong kay Manong. Baka kasi nakita niya si Liza o pinahintulutan niya itong lumabas dahil may emergency o iba pang reason. "Manong?" sigaw ko atsaka kumatok sa bintanang gawa sa salamin. Hindi iyon kumibo at nakaupo parin. Kasing pareho ng posisyon noong nakita ko siya kahapon.
"Tara na, baka tulog pa yan. Maghanap nalang tayo sa ibang lugar." sabi ni Jack atsaka na nilead ang daan. Sinubukan pa naming tignan ang garden at ilang classroom, pero sa huli, hindi namin siya nakita.
Nasaan ka na ba talaga Liza?
--**--
Kinagabihan, habang abala ang lahat sa pagkain ng mga canned goods, kahit hindi sila kumain ng kanin, nagtungo ako sa isang lugar na malapit lang dito sa kampo. Gusto kong mapag-isa at malalim na mag-isip. Patuloy parin akong binabagabag ng biglaang pagkawala ni Liza. Ano na kayang nangyari sakanya?
Pinagmasdan ko ang hawak-hawak kong note na nagsasaad ng ikatlong task na kailangan naming magawa. Napabuntong hininga ako. Ano bang meron sa mga task na ito na kapag hindi mo sinunod ay may hindi magandang mangyayari?
"Task three, Translate me, Not!"
Halos wala akong ganang kumain buong araw. Isang cookie lang na iniabot saakin ni Rinnah ang kinain ko. Matapos no'n ay pakiramdam ko ay busog na busog ako. Hindi ko alam pero, masasabi kong naging epektibo ang binigay na training saakin ni Ms. Vara. Nagawa kong pigilan ang aking gutom ng isang araw.
Habang tahimik na nakamasid sa paligid, pinakinggan ko lang ang tunog ng mga kuliglig. Napatingin ako sa langit at nakita ang bilog na buwan. Napaka-ganda nitong pagmasdan. Ilang minuto ko lang iyong tinitigan ngunit nagising ako sa katotohanan nang marinig ko ang ingay mula sa isang hayop. "Meow, meow." Tanging bigkas ng isang pusa.
Pinagmasdan ko ito ng ma-igi. Doon ko napagtantong ang pusang ito ang natagpuan ko noong isang araw at tinulungan ko mula sa bingit ng kamatayan. Napangiti ako. Hindi parin ako makapaniwala na nagagamit ko sa tama ang aking mga natutunan. Tumalon sa hita ko ang pusa, at para bang komportable itong humiga sa harap ko. Hinimas ko ang katawan nito at mukhang nagustuhan niya iyon.
"Nag-eenjoy ka ba sa buhay mo?" tanong ko sa pusa kahit alam kong hindi ito sasagot. "Hirap na hirap na ako. Ang hirap i-please ng isang tao ng walang sapat na ebidensya. Dito sa mundo, kahit nasa tamang landas ka, kahit matuwid ang iyong tunguhin, kung wala kang sapat na ebidensya, hindi magiging sapat ang pagiging mabuting tao mo." Patuloy lang ako sa pagkausap dito.
"K-Kaya ikaw, I-enjoy m-mo ang i-ikalawang buhay mo. Mag-iingat ka lagi, ha?" bigkas ko sa pusa. Tumulo ang mga luha sa pisngi ko. Isang 'meow' lang ang natanggap ko. Napatingin ako sa langit at doon ko napagtantong may isang nabuong constellation sa madilim na langit, na mas kilala sa pangalang Cassiopeia.
--**--
Lumipas ang isang araw, nagpatuloy kami sa paggawa at pagdisenyo ng kampo. Hindi parin namin magawang mahanap si Liza kahit sa kasulok-sulukan ng university. Habang abala ang iba sa ginagawa nilang proyekto, kami munang tatlo uli nina Mikee ang inatasang maghanap ngayong araw.
Muli naming binalikan si Manong Guard. Walang pinagbago sa mga nakaraang araw at nanatiling nakaupo doon. Kaya napagdesisyunan naming pasukin na ang kwarto niya. Binasag namin ang bintana atsaka ibinukas ang pinto. Kataka-takang wala man lang siyang naging reaction ukol dito. Marahan kong pinihit ang door knob at pumasok sa loob.
Isang malansang amoy ang unang bumungad pagpasok namin. Nang papalapit na kami sakanya, napasigaw nalang si Mikee. "Patay na siya, Becca!" sigaw niya. Lumapit narin kami at nakitang wala na ngang buhay ang gwardya. Sumigaw siya ng sumigaw hanggang sa mahimatay siya. Hindi ko iyon inaasahang mangyari. Ano ba ang nangyayari sa loob ng university na ito? Ano ba talaga ang gumugulo sa amin?
Binuhat namin siya para makalabas kami. Nang makarating kami sa main gate, binuhat muna ni Jack si Mikee atsaka ko sinubukang buksan ang gate. Nang makalapit ako, nakakapagtakang nakakandado iyon at mahigpit na nakapalupot ang isang kadena.
Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya nag-umpisa na akong mag-panic. Una, ang misteryosong pagkawala ni Liza at pangalawa ay ang pagpatay kay Manong Guard. Sino bang gumagawa ng lahat ng ito? Sa mga oras na ito, naramdaman ko na ang takot. Nagmadali na kaming bumalik para sabihan ang iba pa tungkol sa nangyari. Tulad namin, gulat rin ang mga ito.
Inasikaso nila si Mikee. Pinaypayan siya ng mga ito para hindi siya mainitan. Kita ko naman si Jack, halatang nagaalala ito ng sobra. Doon ko nalaman na gusto pala nila ang isa't isa. Ilang saglit pa, nagising si Mikee na hinihingal. Mukha itong pagod na pagod. "Kailangan na nating umalis dito. Ngayon na." sabi niya atsaka na nag-ayos. Natigilan siya ng yakapin siya ni Jack.
Ang dating tilian nila tuwing may mga taong nagdadamayan at nagmamahalan ay napalitan ng takot sa mga sunod-sunod na pangyayari. Maging ako, hindi ko na alam ang gagawin.
Gumawa kami ng paraan, ang boys na ang bahala sa paghahanap ng malalabasan namin. Kami naman ay sinubukan naming tumawag ng tulong ngunit walang signal. Dati namang tumatawag at nagagamit namin ang mga cellphone namin, ha? Ang weird kasi nang pumasok kami rito, hindi na namin maipaliwanag at hindi maganda ang mga nangyayari.
Ilang saglit pa, dumating ang mga boys ng may dalang iba't ibang gamit pang-bukid. May palakol, asarol at martilyo silang hawak. Galing nila siguro sa tool storage. Isa-isa nilang ginamit ang mga ito upang sirain ang kandado. Pinanood lang namin ang mga sumunod na nangyari.
Sa wakas at nasira na nila ang kandado. Tinaggal nila ito at itinapon sa isang tabi. Binuksan nila ang gate. Nagulat sila sa nakita nila.
Nakita nila ang naagnas na katawan ni Liza na nakaupo sa isang arm chair. Nakatahi ang labi nito atsaka puno ng latay ang mga paa. Napasigaw nalang kaming lahat at isa-isang sinamahan ng mga boys. Iba't ibang emosyon ang nabuo sa paligid. May nalulungkot, naiiyak, nagagalit at higit sa lahat, nagsisi at tinanggap nila ang alok na ito na magiging dahilan pala ng kanilang pagkapahamak.
Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa aksidente akong nadapa. Tinulungan akong tumayo ni Jack. Bago pa man ako tumayo, natigilan ako. Muling nagpakita ang class picture sa harapan ko, at ngayon hindi na apat ang bakante kung hindi tatlo nalang. Itinuro ni Jack ang babae sa picture.
"Hindi ba si Liza yan?" tanong niya saakin. Mabilis kong ipinasok ang larawan sa bag ko. "Guys, hindi na importante yan, ang importante ay makalabas tayo dito at sabihan ang mga pulis tungkol sa mga nangyari sa kaibigan natin at sa guard." halos naiiyak na sabi ni Mikee. Nanatili ang katahimikan pagkalipas ng ilang segundo.
Biglang tumunog ang notification ko, nang tignan ko ito, nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa isang unregistered na number. Binasa ito ni Jake ngunit hindi rin namin naintindihan ang ibig sabihin nito. "Quien ve una foto, muere en una fila ¡Muere! Eh!?" basa ni Jack.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Ashley. Napahawak ako sa aking baba at malalim na nag-isip upang maintindihan ang salita. Wala kaming mahagilap na koneksyon, hindi namin malisan ang lugar na ito dahil isang negatibong enchantment ang nagpapapigil saamin upang makalabas. Ano kaya ang dapat naming gawin? "Iisa lang ang paraan para malaman." sabi ko sakanila.
"Paano kung walang kwenta naman pala ang laman niyan? Nagsayang lang tayo ng oras." sabi ni Mikee, na kahit natatakot ay nagawa parin niyang i-roll ang mga mata niya sa harapan ko. "Ehh, papaano kung ito ang sagot para malaman natin ang mga nangyayari? Isa pa't naalala niyo pa ang sinabi ng history teacher natin, kabilang sa nasakop ng mga kastila ang eskwelang ito." sabi ko sakanya. Nanatiling tahimik si Mikee.
"Ngayon, naniniwala na akong hindi ito magagawa ng isang tao." sabi ni Jack. "What do you mean?" tanong ni Lyneth dito. "Na baka, gawa ito ng mga hindi matahimik na kaluluwa." tuglong ni Jack, at matapos no'n ay nakaramdam kami ng isang kakila-kilabot na ihip ng hangin.
"Kung ganon, kailangan na nating mahanap ang translation ng salitang yan. Pumunta na tayo sa library. Nakuha ko na ang punto ni Becca." sabi ni Markie. Napatingin ako sa bawat isa saamin. "Kailangan nating subukan ang mga computer sa library kung may translator ba ang mga ito, o kaya naman maghanap ng spanish-english na libro." Sabi ko. Sumang-ayon lamang sila saakin. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras atsaka na pumunta sa library. Kasabay ng bawat hakbang ay ang pagtibok at kaba ng mga puso namin.
Habang naglalakad, pinagiisipan ko na kung anong posibleng kahulugan ng text na iyon. Iyon ang ikatlong task na hindi ko na binanggit sakanila dahil baka mag-alala sila pero hindi parin naming nagawang ilagan. Kailangang ma-i-translate namin ang salitang iyong nagmula pa sa isang unregistered na number. Sino--I mean, ano kaya ang gumagawa nito?
Lakad-takbo ang ginawa namin para makaalis na kami sa corridors. Habang papalayo kami kasi, padilim ng padilim at nagiging nakakatakot ang daan. Ilang minuto pa, narating namin ang library, sinubukang buksan ni Jack ang mga ilaw at nagpatay-sindi muna ito bago bumukas. Nakakuha sa atensyon ko ang isang lumang computer sa harap ng counter. Ito na ang sagot.
Tumakbo ako papalapit sa computer at sinaksak ito. Pagkabukas ko, kaagad itong napunta sa translation section. Pinagpalit ko at ginawang spanish to filipino ang translation. Itinype ko ang mga salitang "Quien ve una foto, muere en una fila ¡Muere!" Kaagad na ipinakita nito ang translation at ikinagulat ko ang resulta.
"Oh? Ano na?" tanong ni Jerome na hanggang ngayon, kinakabahan parin sa posibleng mangyari. Nang makita nila ang tinype ko, sabay-sabay nila itong binasa. "Kung sino man ang makakita sa litrato, mamamatay ng sunod sunod." basa nila. Hindi na maipinta ang kanilang mukha sa takot. Ramdam ko ang pagtibok ng mabilis ng puso ko.
"Oh my God!" napasigaw nalang si Mikee sa takot. "Dapat talaga, umalis na tayo dito kaagad." sabi ni Jack. Naramdaman ko na din ang takot. Magagawa pa kaya naming makaalis sa lugar na ito ng buhay? "Ayoko na, natatakot na ako." sabi naman ni Ashley.
"Aling litrato ba ang tinutukoy ng kung ano man ang gumagawa nito?" tanong ni Jack saamin. Matapos kong marinig ang tanong ni Jack ay doon ko unti-unting naalala ang isang background information tungkol sa university na ito. "Guys." Bigkas ko. Nakuha ko ang tingin nilang lahat. "May gusto akong ipahayag sainyo, pero huwag kayong matatakot. Huwag sana kayong uurong matapos ang mga maririnig niyo saakin. Dahil sa oras na pumasok ang mga salita ko sa tenga niyo at sinubukan niyong pigilan ito, hindi na kayo makakaligtas sa sumpa ng Erzeclein University." sabi ko. Lahat sila'y naguguluhan sa mga sinabi ko.
"Kung makatutulong 'yan upang makalabas tayo, makikinig ako." bigkas ni Jerome. Napangiti ako. Nakita kong nag-thumbs up si Rinnah, Lyneth, at Ashley. "Pakiramdam ko ay makikinig lahat sayo, kaya makikinig nadin ako." bigkas ni Nathaniel. Ngumiti lang si Markie saakin. "Hindi na ako takot mamatay. Kung itinakda akong mamatay ngayon man, wala na akong magagawa pa. Ang importante, maging ligtas kayo, kahit kapalit pa ng buhay ko." Ito ang unang pagkakataong marinig ko si Jack na magsalita ng seryoso. Napakalalim, pero nakakagaan ng pakiramdam.
Napatingin kaming lahat kay Mikee. Nang i-angat niya ang kanyang ulo ay 'dun niya lang napagtantong nakatingin kaming lahat sakanya. "Oh? Ba't nakatingin kayong lahat saakin?" tanong niya. "Makikinig ka ba sa sasabihin ni Becca?" tanong sakanya ni Jerome. "Pumayag na si Jack. Ano pa bang magagawa ko?" Bahagya silang tumili sa harap ng dalawa.
"Uumpisahan ko na. Ito ay batay sa konklusyon ko ng mga bagay-bagay." bigkas ko. "Taong 2032-2033, isang propesor ng ating university na nagngangalang Erginald Solomon ang nagtayo ng isang sikretong laboratory sa kung saan dito. Doon pinaniniwalaang nakatago ang kanyang anak na si Erzeclein." Kwento ko. "Erzeclein? As in ang ipinalit na pangalan ng university?" tanong ni Markie. Tumango lang ako.
"Alam naman natin na Dandelion ang unang pangalan ng university bago pa dumating ang bago nating head teacher na si Mr. Angelo Dimorsnol." Huminga akong malalim bago nagpatuloy saaking kwento. "Ang Erzeclein ay nagmula sa kwento-kwento ng university tungkol sa mag-amang si Erginald at Erzeclein. Kaya siguro nang marinig ito ni Mr. Dimorsnol ay naging interesting sakanya ang pangalan kaya dito ipinangalan ang school."
"Si Erzeclein ay nagkaroon ng sakit na cancer. Isa noong scientist ang kanyang ama na tuluyan ng nabaliw dahil hindi niya mahanap ang tamang formula na makakapagpagaling sakanyang anak. Isang araw, nakabuo siya ng cure para sa naturang sakit, ngunit bigla na lamang itong nawala nang umalis siya saglit upang i-check ang kanyang anak." Nakikinig lamang silang lahat saaking kwento.
"Hinanap niya ang nagnakaw ng kanyang formula. Doon niya natagpuan ang apat na estudyante na aksidenteng nandodoon at napagbintangan. Dahil ayaw aminin ng apat kung sino ang nagnakaw ng vial ay pinatay niya ang apat. Lunes ng umaga, nang magpatawag ng meeting ang dating head mistress, kaparehong araw na pagpapakunan ng mga class picture. Nagsidantingan ang mga magulang ng apat na estudyante, upang itanong kung nasaan nga ba ang kani-kanilang mga anak dahil dalawang araw na silang nawawala."
"Namataang ang apat na estudyante ay nasa university bago sila nawala, at nandoon 'din si Mr. Erginald Solomon kaya siya ang napagbintangang nagtago sa mga bata. Doon, isinumpa ni Mr. Solomon ang Class Picture ng Batch 8 - A 2032 - 2033, na may apat na bakanteng upuan. Papatay siya ng iba pang estudyante upang mabuo niya ito. Ngayon..."
"Anong nangyari?" tanong ni Ashley na nanginginig na ngayon sa takot. "Isinumpa ni Mr. Solomon na ang tititig sa class picture ay ang magiging kabayaran sa mga nawalang mga estudyante." Pagtatapos ko ng aking kwento. "Bakit si Liza ang nasa class picture? Siya ba ang unang tumitig nito?" tanong ni Jack.
"Liza? Ang nasa class picture? Anong class picture?" tanong ni Rinnah."Ang totoo niyan..." rinig naming nagsalita si Markie. "Si Liza ang naunang nakakita sa class picture na tinutukoy mo, Becca." Medyo nanginginig ang boses na sabi ni Markie. "Huh?" Komento ng iba habang ako, nanatiling tahimik.
"Nakita ni Liza yan. Una niyang nakita noong bumili siya sa vending machine. Wala syang mautusan saatin dahil busy tayong lahat atsaka, bandang hapon yata 'yon. Nagulat ako, nang ipakita niya ito saakin." malungkot na sabi ni Markie ng maalala ang patay na ngayong kaibigan niya. "Hindi importante kung matatapos ang mga task o hinde..." Nadinig 'din naming magsalita si Nathaniel.
"Ang mga task ang nagbibigay babala saatin kung sino nga ba ang sunod na target niya. Magawa o hindi ang task, basta tumitig ka sa larawan, mamamatay ka." Tuglong pa niya. "Sabi ng message, mamamatay ng sunod-sunod ang sino mang makakita sa litrato. Ibig sabihin ba nito--" natigilan si Lyneth ng tumango si Markie.
"Hinde, maliligtas ka, Markie. Lalabas tayo dito ng buhay." sabi ko para hindi siya mawalan ng pagasa. "Kailangan nating magplano. Susunod na si Markie. Ang ibig sabihin, siya ang puntirya. First things first. We won't survive kung wala tayong kagamitan. Jerome, Jack, and Lyneth." sabay turo ko sakanila. "Kayo ang babalik sa lugar natin noong first day. Kukunin niyo lahat ng gamit na maaari nating gamitin." sabi ko atsaka naramdaman na kampante kami dahil nalaman nanamin kung paano ang series of death.
"Okay." buong tapang nilang sagot. "Tayo namang natira, hahanap pa tayo ng iba pang background info, about sa nangyari, 10 years ago. Hahanap tayo dito sa library." sabi ko naman sa mga natira. "Sa ngayon, matutulog na muna kayo. Kami na ang magbabantay ni Markie. Sisiguraduhin naming walang mangyayaring masama sainyo." sabi ko atsaka na naghanda. Naghanda na din ang iba sa pagtulog. Natulog sila ng nakahiga sa mga mesa at ang iba naman sa armchair. Nanatili kaming gising ni Markie.
Kinabukasan, nakatulog kami pero buhay parin naman si Markie. Kagising ko, ang una kong nakita ay ang paghahanda nila para sa iniatas ko sakanila. "Bro, dalhin nyo ang mga ito." May iniabot si Jack na ilang tools. Siguro just in case na may mangyare pero wala naman sana.
"Magiingat kayo." sabi ko atsaka tinapik ang braso ni Lyneth. Nginitian ko siya. "Matatapos din ang lahat ng ito." sabi niya atsaka nginitian ako. Tumalikod na sila at lumabas ng library para maghanap ng mga bagay na kakailanganin namin.
Jack's POV
Kaagad kaming umalis para hanapin ang mga gamit namin sa kampo. Sa sobrang takot namin, hindi namin maiwasang gawin ang lakad-takbong procedure. Sa tuwing naglalakad ako sa mga corridors, feeling ko tumataas ang mga balahibo ko.
Nadaan namin ag iba't ibang establishimento tulad ng maliit na simbahan, isang canteen, clinic at iilang kwarto. Maya-maya pa, nakarating kami. Isa-isa naming hinablot ang mga bag na nasa loob ng tent. Pagkatapos naming kunin, napagisipan namin na icheck ang canteen kung may pagkain ba doon.
Sa daan, muli naming nasilayan ang labasan at ang naagnas na katawan ni Liza. Nalulungkot ako sa nangyare. Sana maging ayos na ang lahat. Nang aktong matatakpan na ang scenario, nakita ko ang malakas na pagsaradong muli ng gate na ikinagulat namin. Dali-dali kaming pumasok sa canteen para maghanap na ng pagkain.
Isa-isa naming linock ang mga pinto. Sinira namin lahat ng nakakandadong storage para tignan kung may pagkain. Sa mabuting palad, nakakita kaming iilang de latang pagkain. Ipinasok namin ang mga 'yon sa bag.
Maya-maya pa, narinig namin ang pag-umpisa ng mga nagkikiskisang mga utensils sa kusina. Isa-isa iyong nahulog atsaka lumipad papunta saamin. Tumakbo kami papalabas, tumagal 'yon dahil nakakandado ang daan palabas. Sinubukan iyong buksan ni Lyneth pero hindi niya magawa.
Papalapit na ang mga lumilipad na kutsilyo at tinidor saamin. "Lyneth! Sa likod mo!" sigaw namin pareho ni Jerome.
Becca's POV
Hinaluglog namin ang bawat year book at hinanap ang School Year 2032 - 2033. Mabilis namin iyong nahanap. Ipinatong namin ang libro sa mesa. Ilinipat namin ang pahina ng libro isa-isa. Nahanap namin ang apat na estudyanteng may nakalagay na missing sa background nila. Nagulat nalang ako sa mga pangalan nila.
Lyza Mitchell, Markie Severino, Lyneth Mandrado, at ang panghuli, Becca Rosales.
Kapangalan pala namin. Lalo akong nangilabot nang makita ang pangalan naming apat. Kaparehong pangalan ngunit iba ang apelyido. Hindi kaya, sadyang kami ang binalak na patayin dahil kapangalan namin ang mga nawawalang estudyante?
Natagumpay siya, sa unang estudyante. Pinatay niya si Liza para lang mapuno ang class picture niya. Such a selfish a jerk. Nang ilipat ko ang page, nandoon ang background ni Ma'am Carmelita. Muli, sa pangalawang pagkakataon, nakita kong ngumiti ang larawan.
"Nakita mo 'yon diba? Ngumiti ang larawan." tanong ko kay Markie. Sumangayon naman ito. "Becca tignan mo 'to." Pinakita saakin ni Markie ang larawan. Oo, tanggap ko na ang kapalaran ko kaya tinignan ko ang class picture. "Si Lyneth." Turo nito sa litrato. Isang imahe ni Lyneth ang para bang ilaw na nago-on-off okaya nawawala at bumabalik.
Ibig sabihin ba nito, nasa bingit ng kamatayan si Lyneth?