Baixar aplicativo
28.57% Elise and Andrew (Tagalog) / Chapter 2: Chapter 2

Capítulo 2: Chapter 2

Chapter 2

- Andrew's POV -

"Ahh!" Nabalikawas ako ng upo ng magising ako bigla dahil sa sigaw ng isang babae. Napatingin ako sa babaeng katabi ko na ngayon ay humahagolgol na. "Anong ginawa mo sakin..." Humahagolgol nyang iyak.

"M-miss." Mahina kong tawag sa kanya at dahan-dahan ko syang hinawakan. Nang mahawakan ko na ang mga balikat nya at hinayakap ko sya kaagad. May kung ano kasi sa aking ayaw syang makitang umiiyak. Parang ang sakit masyado.

"Tama na, Elise." Sambit ko sa pangalan nya dahil naalala ko na ang pangalan nya at ang nangyari buong gabi.

"Ang lagkit ko." Reklamo nya at tumingin sa gitna nya. Napangiwi ako dahil may lumalabas pa doong semilya at dugo. Itinali ko ang isang braso nya sa leeg ko at dahan-dahan syang binuhat.

"Maligo ka na. Saan ang bahay mo?" Tanong ko sa kanya. Tumingin lang sya sa mata ko at tinitigan ang buong muhka ko.

"Sa boarding house. Hay. Bilisan mo. Kukunin ko mga gamit ko, papalayasin na ako doon." Malungkot na saad nito. Di ko alam kung bakit ko sya sinunod, pagkatapos naming maligo ay sumakay na kami ng kotse. Pagkatapos ay idinikta nya sa akin ang dereksyon pa punta ng boarding house nya. Pagdating namin doon ay nandoon na lahat ng gamit nya sa labas.

"Grabe talaga ang matandang yon! Wala syang puso!" Sigaw ni Elise habang nakakuyom ang nakataas nyang kamay at nakatingin sa bahay na tinutuloyan nya. Inalalayan ko syang makasakay sa kotse ko at pinag-seatbelt.

Pagkatapos ko syang maipasok sa kotse ay inilagay ko na ang mga gamit nya sa loob ng kotse. At nang makapasok ay nakasimangot syang nakatingin sa bahay na tinutuloyan nya. Kinalabit ko sya at nakanguso syang humarap sakin. Ikinabigla namin pareho ang naging kilos ko. Dahil hindi ko rin inaasahang hahalikan ko sya.

"Tyansing ka ha!" Sigaw nito at hinampas ang balikat ko. Umayos naman ito ng upo at humarap sa kalsada. "San na ko titira ngayon?" Bulong nya.

"Don ka na sa bahay." Saad ko at ini-start na ang kotse. Gulat naman syang tumingin sa akin.

"T-talaga?" Tanong nito habang sobrang aliwalas ng muhka, parang nabuhayan.

"Oo naman." Saad ko at ngumiti. Natahimik kami pero nagulat ako ng bigla nya akong hampasin sa balikat.

"Hoy! Yung ginawa mo sakin kagabi.... Panagutan mo." Saad nito habang namumula ang muhka.

Ang cute.

"Ikaw kaya ang nagsimula." Saad ko at hinampas nya nanaman ako sa balikat.

"Tumahimik ka nga!" Asar nitong sigaw at pumande kwatro. Natatawa naman akong nagmaneho. Nang makita ko na ang gate ng bahay ko ay tumigil ako sa harap non. Maya-maya ay biglang naglakad si Elise at may kinuhang papel sa bag nya. Bigla nyang ibinuka iyon at parang manghang-mangha sa nakikita nya ngayon.

"Oyy, Andrew. Yung bahay mo, parehas na parehas sa dream house ko!" Masiglang saad nito. Lumapit ako sa kanya para tignan ang nakadrawing sa papel na hawak nya at tumingin sa bahay ko. Kamuhkang kamuhka nga.

"Dito na ba talaga ako titira?" Tanong nito. Tumango naman ako sa kanya.

"Wag mo nang kunin ang mga gamit mo. Yung importante nalang ang kunin mo. Mga damit, wag na. Sapatos, alahas, wag na. Ang cheap lahat. Hindi bagay sayo yun, hindi bagay sa ganda mo." Saad ko at iginaya sya papasok. Nang makapasok kami ay hinila nya ang ibabang bahagi ng polo ko.

"Wag mo naman itapon yung mga damit ko. Kung bibilhan mo ako, wag mong itapon. Ipapadala ko nalang sa ampunang kinalakihan ko." Saad nito na parang nagmamakaawa. Ngumiti ako at tumango.

"Kain na tayo." Saad nito at hinimas ang tyan nya. Tumango naman ako. Magsasalita pa sana ako kasi nga lang naglakad na sya papuntang kusina.

"Parang kabisado mo na ang bahay ko ahh?" Saad ko habang nakatingin sa kanya.

"Sabi sayo ehh. Dream house ko tohh." Saad nito habang nakangiti. Namamangha ulit syang tumingin sa refrigerator.

"Grabe, pati refrigerator mo, parehas din." Saad nito at namamangha parin.

"Mag-grocery muna tayo. Wala akong stack dito. Kadalasan sa labas ako kumakain. At madalas lang akong nasa office." Saad ko. Tumango-tango naman sya tapos ay tumayo. Inilahad nya ang kamay nya sa akin.

"Let's go?" Tanong nito sa akin at hinawakan ko ang kamay nya.

- Elise's POV -

Pauwi na kami ngayon sa bahay at may dala kaming mga grocery. Nakatingin ako sa kanya ngayon at iniisip ang sinabi nya sa akin kagabi.

"Baka naman matunaw ako kapag tinitigan mo pa ako ng matagal." Saad nito habang nagpapapalit-palit ng tingin sa kalsada at sa akin. "Ano ba kasing iniisip mo?" Tanong nito.

"Iniisip ko yung sinabi mo sa akin kagabi. Yung bago tayo maghubad." Nahihiyang saad ko. Batid kong namumula na ang muhka ko ngayon.

"Hahaha! Ayon ba? Di naman nakalimutan iyon." Saad nito at biglang iniliko ang kotse. Gulat naman akong tumingin sa kanya.

Kung hindi ako nakaseatbelt siguro pauntog na ako.

"San tayo pupunta?" Tanong nya habang nagmamaneho parin ang kasama.

"Magpapakasal." Saad nito at saka tumudo ng ngiti. Bigla nyang ihininto ang sasakyan at bumaba sya kaagad. Nagtanggal ako ng seatbelt at akmang bubuksan na ang pinto pero bumukas na ito.

"Tara na." Saad nito at inilahad sa akin ang kamay nya.

Ayan nanaman ang puso kong kumakabog. Nakakainis.

Naglakad na kami papalapit sa altar at may pare na doon. Unti-unti na kaming nakalapit at nakangiti itong nakatingin sa amin.

"Ok, father. Make it fast." Saad ni Andrew at tinanguan lang sya ni father.

5 minutes later....

"Di parin ako makapaniwalang kasal na tayo." Excited kong saad habang nakatingin sa kanya.

"Bagay sayo yung singsing na binili ko." Nakangiting hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan iyon. "Kain na tayo. May pasok ako ehh. Sorry. Bukas, day off ko. Samahan kitang mamili ng mga damit." Saad nito at pumunta na ng kusina. Matagal itong tumitig sa kung saan at parang nahihiyang humarap sa kanya.

"M-marunong ka bang magluto?" Tanong nito, natawa naman ako ng bahagya.

"Ako na magluluto." Natatawang saad ko at nakangiting naghanda ng mga ingredients habang sya ay inilalagay ang ibang binili namin kanina.

- Andrew's POV -

Di ko alam kung saan nanggagaling ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Dahil ba kasal na ako? Dahil ba mahal ko sya?

Napailing naman ako habang nagbibihis nasa kwarto ako ngayon habang sya naman ay nasa kusina parin. Naghuhugas ng pinagkainan namin. Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa baba at nakita ko syang tinitignan ang swimming pool sa likod ng bahay.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at walang sabi-sabing niyakap sya galing sa likod at hinalikan ang batok nya.

"Aalis na ako." Paalam ko at kinalas ang pagkakayakap sa kanya tapos ay hinarap ko sya. "May cellphone ka ba?" Tanong ko tapos ay umiling sya. "Dito kalang ha? May kukunin lang ako." Saad ko at dali-daling naglakad papunta sa kabinet. Tapos ay kinuha ang isang bagong cellphone na binili ko for emergency.

"Ito. Kunin mo para matawagan mo ako." Saad ko at ibinigay sa kanya ang cellphone na hawak ko.

"Grabe. Di mo naman kailangan gawin, to. Yung pinakasalan mo lang ako, ok na yon." Saad nito habang naluluha pa. Pinunasan ko ang mga luha nya at niyakap sya.

"Lahat ng sakin, sayo na din. Mahal kita, kasi asawa kita." Saad ko ng wala sa sarili ko.

"T-talaga? M-mahal mo ako ng g-ganon lang kabilis?" Tanong nito na may takot. Hinawakan ko lang ang mga pisnge nya at hinalikan sya.

"Oo. Kaya aalis na ako. Sige. Mag-iingat ka ha? Wag mong pababayaan ang dream house mo! Hahahaha! " Saad ko at dali-daling naglakad palabas ng bahay at itinago ang ngiti.

Ayoko munang may makaalam na asawa na kita, Elise. Magkakagulo ang buong mundo pagnagkataon.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ako sa office ko. Pagpasok ko sa office ko ay naalala ko nanaman ang nangyari ngayong araw. Pinigilan ko ang pagngiti ng biglang may kumatok.

"Hey, kuya!" Tawag ng bunso nyang kapatid.

"Hey, bakit ka pumun--- anong nangyari sa mata mo?" Tanong ko at tumayo sa kinauupuan ko. Kahit nag-aalala ay hindi ko iyon pinahalata. Itinago ko iyon sa aking malamig na personalidad.

- Arry's POV -

"Hey, bakit ka pumun--- anong nangyari sa mata mo?"

"Tsk! Seriously, kuya? Ang slow mo naman! Malamang sinapak ako!" Inis kong sigaw sa kanya. Malamig parin ang tingin nya at parang nakatingin lang sya sa walang kwentang bagay.

Ok lang kahit ganyan sya. For sure naman, tutulungan ako nito.

"No." Madiin nitong saad. Gulat naman akong napatingin sa kanya.

"W-what? What do you mean?" Naguguluhan ko paring tanong.

"Wag mo na akong idamay dyan. Ikaw ang pumasok dyan, kaya labasan mo na yan. Ngayon palang, bro. Wala ka nang maaasahan sa akin. Mula ngayon, ayoko na masangkot sa mga gulo nyo." Saad nito at tinapik ang balikat ko tapos bumalik sa kinauupuan nya kanina at tumingin sa akin na para bang tinataboy nya ako.

"Grabe! Di ako makapaniwala! Akala ko ba kakampi kita?!" Inis kong sigaw at dali-dali lumabas ng opisina nya. Nakasalubong ko naman si Ace.

"Ohh? Anong nangyari?"

"Isa ka pa! Malamang nasapak ako!" Inis kong sigaw.

"Hoy, makasigaw ka, ahh? Mas matanda ka? Mas matanda ka? Hm! Sapakin pa kita dyan ehh!" Saad nya. Inikot ko lang ang mga mata ko.

"Tara kausapin natin si Kuya." Saad nito sabay akbay sa akin.

"Nakausap ko na sya at ayaw na daw nyang masali sa lahat ng gulong papasukin natin."

"What?!" Saad ni Ace at dali-dali naglakad.

"San ka pupunta, hoy, kuya Ace!" Sigaw ko habang nakasunod sa kanya.

"Magsusumbong ako kay Daddy!" Parang batang maktol nito habang ako ay nakasunod parin sa kanya.

"Daddy!" Sigaw namin pareho.

"Ohh? What happened to your face, Arry?" Tanong nito habang nakatingin sa mata kong may blackeye.

"Si Kuya, ayaw akong tulungan dito!" Parang batang maktol ko, nagpapadyak-padyak pa.

"Doktor ba ang kuya mo?" Tanong ni Dad.

"Hindi po."

"Ohh, bakit ang kuya mo ang hinihingian mo ng tulong hindi ang nurse or doktor?" Tanong nito.

Well, may punto naman sya pero iba parin ang ipinuputok ng butsi ko.

"Kasi, sabi nya, ayaw na daw nyang masali sa mga gulo namin. Sino na magtatanggol samin?" Tanong ko sa kanya.

"Malalaki na kayo. May sariling buhay na ang kuya nyo. Wag kayong masyadong umaasa sa kanya, dahil sya, wala syang inaasahan kahit isa satin kaya wag kayong masyadong umasa sa kanya. Tsk! Di pa kayo nasanay sa kuya nyo." Inis nitong saad.

Muhkang mali kami ng nilapitan.

- Andrew's POV -

"Aalis ka na?" Tanong ng secretary nya.

"Joseph, tapos ko na lahat ng trabaho ko. Tyaka day off ko bukas, so... Una na ako." Saad ko at kumaway sa kanya. Shempre sa malamig na paraan parin.

Ngayon makakangiti nanaman ako. Hay!!!

--- To Be Continued ---


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C2
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login