Baixar aplicativo
58.82% DIE INTO YOU / Chapter 10: CHAPTER 9:

Capítulo 10: CHAPTER 9:

CHAPTER 9:

A day after, naging tahimik ang campus, walang gulo dahil walang nanggugulo. Umayos narin ang pakiramdam ni Shean at binabantayan nalang siya nila tita at ng boyfriend niya.

Natutuwa ako kapag nakikita kong bumabalik na siya sa dati, maingay at walang preno ang bibig. Sobrang daldal na niya ulit. 

Si Kurt ay palagi namang nandito para sa akin, kung minsan ay pinapanuod ko parin siyang mag-basketball at sari saring pang-aasar ang natatanggal namin mula sa mga kaibigan niya. Masaya parin sila kasama.

While Kelvin, nandito siya sa bahay namin ngayon at tinutupad ang sinabi niya na dito niya lang ako liligawan. Maaga siyang pumunta para lang sunduin ako. May pasok kasi ngayon.

"Mauna na po kami, tita. Salamat din po pala dito sa pagkain." Nakangiting paalam ni Kelvin nang paalis na kami.

Kumaway pa kaming dalawa kay mama bago niya tuluyang paandarin ang kotse. Natutuwa naman ako na sa kabila ng mga nangyari ay hindi siya na-turn off sa akin, lalo na at sinigaw-sigawan ko pa siya nung araw na nag-away kami ni Janah. Hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sa akin, just a typical guy I used to know.

Tinignan ko yung pagkain na binigay sa kanya ni mama at napasimangot ako.

"I hate you!" I pouted my lips, "hindi naman ikaw yung anak pero ikaw yung binigyan ng baon, tapos ako wala man lang."

He chuckled. "Para sa ating dalawa na kasi iyan, hindi ko naman mauubos ang ganyang kadami ng pagkain."

Tinignan ko siya at ngumiti, "Pumupuntos ka sa mama ko ha."

Hindi nakaligtas sa akin ang kakaiba niyang ngiti at tumingin sa akin. "Nakikita ko kasi ang mommy ko sa kanya." Mahinahon niyang sabi.

Napahinto ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan yung sagot niyang iyon. Marahil ay naaalala niya ang mommy niya dahil sa pag-aalaga ng mama ko. Kahit papaano ay natutuwa ako na nakikita siyang ngumingiti dahil duon.

"Si mommy, she loves cooking food, lalo na yung mga paborito ko. Palagi niya akong pinaghahanda ng pagkain when I was kindergarten. Kung paano mag-alaga si tita gano'n din ang mommy ko." Kwento nito, pero hindi tulad ng una, may ngiti na ang mga labi niya.

"Kung nasaan man ang mommy mo ngayon, sigurado akong masaya siya ngayon. Lalo na ngayong ngumingiti kana ng ganyan, tignan mo ang cute cute mo." Pinisil ko pa ang magkabilang pisngi niya.

Nagulat ako nang bigla niyang hininto ang sasakyan, muntik pa akong masubsob buti nalang ay naka-seatbelt ako. Tumingin ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Steph, alam kong mataas ang chance na ako ang piliin mo over Kurt pero napapansin ko lang na hindi mo siya masyadong binibigyan pansin. Nag-aalala lang ako, hindi lang para sa akin o para sa'yo nag-aalala rin ako sa kalagayan niya. Lalaki rin ako alam kong nararamdaman niya na hindi ka interesado sa kanya, sa bawat pagtingin mo palang sa kanya. I think he's just waiting for you to stop him."

That made me stop, tama siya, hindi ko nga binibigyan pansin si Kurt dahil kaibigan lang naman ang tingin ko sa kanya. Siguro tama ang sinabi ni Kelvin na nararamdaman at alam ni Kurt na kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Siguro nga hinihintay lang niya akong patigilin siya sa panliligaw sa akin.

Gano'n pa man hindi ko maiwasang lalong mapamahal kay Kelvin dahil kahit karibal niya si Kurt ay inaalala niya parin ito. Kelvin is Kelvin. Coldirkv siya kung titignan pero sa loob loob niya ay nagmamalasakit siya sa tao. Iyon na marahin ang dahilan para lalo akong mapalapit sa kanya.

"And, also, huwag ka na ulit makikipag-away. Hanga ako sa tapang na mayroon ka pero..."

"Hindi naman talaga ako nakikipag-away, hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Pero ayos na ako, huwag ka nang mag-alala."

Tumango nalang ito at muling pinaandar ang kotse. Baka ma-late pa kami dahil sa kaharutan naming dalawa.

Nakarating naman kaming dalawa ng maayos sa campus at hindi rin kami na-late. Nakita ko pa si Kurt sa loob ng classroom nila at nginitian ito. Ngumiti din ito pabalik sa akin.

Hindi ko alam kung anong naramdaman ko pero dama ko ang bilis ng tibok ng puso ko nung makita ko ang mga ngiting iyon. Ngiti na may halong lungkot, nakikita ko iyon sa mga mata niya. Para akong tinusok ng libo libong karayom dahil duon. Siguro ito narin yung tamang panahon para sabihin ko sa kanya kung ano ang talagang nararamdaman ko para sa kanya.

Tulad nang mga naunang klase ay tahimik lang ako, wala naman kasi ang kaibigan ko at nagpapahinga pa. Tanging si Kelvin lang ang kausap ko sa loob ng classroom at si Kurt narin kapag free time. Ang hirap pala kapag wala ang kaibigan para akong nasa isang disyerto, wala man lang makausap. May nakakausap man ako, hindi naman katulad ng pag-uusap namin ni Shean.

"Nalunod ako duon ah?" Nagulat ako ng biglang umupo si Kurt sa tabi ko.

Free time namin ngayon at walang teacher, siguro ay wala din sa kanila. Hindi naman siya makakapunta dito kung may teacher sa kanila.

"Free time?" Tipid kong tanong sa kanya.

"Oo," sagot nito at tumingin sa akin. "ikaw? Mukhang wala ka sa mood at tulala ka ah?"

"Wala ang kaibigan ko eh. Alam mo naman kung gaano ako kadaldal at ka-hyper kapag nandito ang babaeng iyon."

"E, bakit ayaw mong kau---ano yun tulog?" Tanong ni Kurt sabay turo sa nakatungong si Kelvin.

Tumango lang ako, sigurado akong tulog siya dahil kung hindi ay siya ang kausap ko ngayon. Ako rin ang nagsabi sa kanya na matulog muna siya dahil wala naman ako sa mood makipag-usap.

Feeling ko pagod na pagod ako ngayong araw kahit na wala naman akong ibang ginagawa kundi ang umupo at titigan ang blangkong whiteboard. Hindi ko nga alam kung paano ako nakakatagal ng hindi man lang pinapansin ang nangyayari sa paligid ko.

"Gusto mong sumama sa amin mamaya?" Tanong ni Kurt.

Pinagtaasan ko siya ng kilay, "Saan?"

"Sa Ice cream shop, libre kita."

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa sinabi niya. Well, ice cream is my stress reliever.

"Good. Ang ganda mo kapag nakangiti ka."

Tumayo ito at iniwan ako, tila nakalimutan ko ang lungkot nang mga ngiti niya kanina. Ang galing niyang magtago ng tunay niyang nararamdaman. Ang hirap niyang hulaan.

Huminga ako ng malalim ng makaalis siya. Lumapit naman ako kay Kelvin na nakatungo ngayon, hinawakan ko ang braso niya at humilig ako sa balikat niya.

Feeling ko ang bigat bigat ng pakiramdam ko, sa hindi malamang dahilan. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat yung bigla nalang bibigat ang pakiramdaman ko pero walang specific reason.

Naramdaman ko ang paggalaw ni Kelvin pero hindi ko iyon pinansin. Gusto ko lang na ganito kami, na nandito siya sa tabi ko at malapit ako sa kanya.

"Is there something wrong?" Tumunghay siya dahilan para mahiwalay ako sa kanya. Tinignan niya ako at hinawakan ang kamay ko.

Hindi ko sinagot ang tanong niya, tipid lang akong ngumiti. Naramdaman ko nalang ang kamay niya sa ulunan ko habang giniya nuya sa dibdib nila.

Napangiti ako ng marinig ko ang pintig ng puso niya, yung pintig na may pagmamahal. Hinihimas niya rin ang buhok na nagbigay gaan sa loob ko. Dama ko ang pag-aalaga niya sa akin.

"What's the matter?" Tanong nito sa akin.

"Wala, gusto ko lang na ganito tayo." Makungkot kong sagot sa kanya.

"Kanina ko pa kasi napapansin na wala ka sa mood. Kahit si Kurt hindi mo kinausap ng ayos."

Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ba tulog ang lalaking ito? Bakit alam niya ang tungkol kay Kurt?

"Hindi ka tulog?" Tanong ko sa kanya, agad naman itong umiling.

"Nope, nakikiramdam lang ako. Pinagmamasdan kita." Nakangiting sagot nito.  "May lakad kayo mamaya?"

"Yep, kasama ang nga kaibigan niya, ililibre nila ako ng ice cream."

Sumimangot siya sa sinabi ko. Ano naman kayang problema nito?

"I'm jealous."

Wait what? Si Kelvin nagseselos? Simula ng magkasundo sila ni Kurt hindi na niya pinagselosan ito dahil sa alam niyang siya ang pipiliin ko sa dulo, pero ngayon he's jealous.

"N-nagseselos ka? Why?'

"Aayain din kasi sana kita mamaya, ililibre din kita ng ice cream pero naunahan ako ng lokong iyon." He even pouted his lips. How cute?

Hinawakan ko ang kamay niya at muli akong humilig sa balikat niya. Ang tigas, halatang maganda ang tikas ng katawan niya.

"Next time nalang, maybe tomorrow?"

"Sure, tomorrow, but..." He paused and looked at me. "please take care, don't eat too mu---"

"Ang cute mo, hindi naman ako papabayaan ni Kurt, ikaw man ay dama mo na totoong mahal niya ako. Don't worry about me too much, baka pumangit ka pa." Pinisil ko ulit ang pisngi niya.

Hindi na siya umimik pa at hinayaan nalang akong humilig sa kanyang bakikat. Kahit papaano ay nawala ang bigat sa dibdib ko sa naging pag-uusap namin.

After class ay masayang bumungad sa akin si Kurt, palagi niya namang ginagawa iyon, ang sunduin ako pagtapos ng kalse tapos ililibre niya ako ng street foods.

Nasa ice cream shop na ang mga kaibigan ni Kurt nang makarating kami duon. Malapad din ang ngiti ng mga ito ng salubungin kami, sari-saring pang-aasar din ang natanggap namin mula sa kanila.

"Steph, bakit hindi mo pa sagutin ang kaibigan namin?" Tanong ng isa sa kanila.

"Oo nga, bagay naman kayo. Gwapo si Kurt tapos maganda ka." Panggagatong naman ng isa.

"Single si Kurt tapos ikaw gano'n din. Sagutin mo na." Dugtong pa ng isa.

Hindi ako sumagot, hindi ko rin alam kung anong isasagot ko sa mga tanong nila. Alam ko naman sa sarili ko na kaibigan lang ang turing ko sa kanya at alam kong nararamdaman niya iyon. Agad naman silang sinaway ni Kurt.

"Kurt?" Taeag ko sa pangalan niya sa kalagitnaan ng pag-uusap nilang magkakaibigan.

Tumingin siya sa akin. "Hmmm?"

"Pwede ba tayong mag-usap? Tayo lang dalawa, sana." Nahihiya kong tanong sa kanya.

Mapait siyang ngumiti at tumayo. Hinawakan niya din ang kamay ko bago nagpaalam sa mga kaibigan niya.

Pumasok kami sa loob ng kotse niya, tahimik, tila nagpapakiramdaman kaming dalawa kung sino ang dapat na maunang magsalita. Ang totoo hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa kanya ngayon. Marami na akong lalaking ni-reject per hindi sa puntong ito. Parang ang hirap saktan ni Kurt.

"Kurt... Ahm..." Tinignan ko siya ng deretso sa mata.

Kakayanin ko bang saktan ang lalaking ito? Kaso, mas masasaktan siya kapag pinagpatuloy ko pa siya sa panliligaw niya. Mas masasaktan pa siya kung patuloy siyang aasa sa wala.

"I know." Tipid niyang sabi. Pinagkunutan ko lang siya ng noo.

"Huh?"

"Alam ko na ang gusto mong sabihin. Kaibigan lang naman talaga ang turing mo sa akin diba? Alam ko iyon, Steph. Alam ko na simula palang na wala na akong pag-asa kasi si Kelvin ang gusto mo. Pero sinubukan ko, baka sakali, baka sakali lang naman na mapansin mo ako, pero anong panama ko duon? Alam mo ba na palagi ko kayong pinagmamasdang dalawa? And everytime, I watched how you laughed with him, my heart scattered into pieces."

Hinawakan niya ang kamay ko at huminga siya ng malalim. Dama ko yung bigat ng kalooban niya.

"Kanina, gusto kong pangitiin ka but it turns out na hindi ako ang kailangan mo para ngumiti. Pinagmasdan kita, nakita ko kung paano mo nilapitan si Kelvin, kung paano mo siya tinignan. Alam mo ba kung anong sinabi ko sa sarili ko? 'Kailangan ko ng palayain ang babaeng ito, kailangan ko na siyang ipaubaya.'"

" Kurt..." Tanging nasabi ko. Isang malapad na ngiti lang ang ginanti niya sa akin.

"I court you not just because I wanted you but because I wanted to show you how much I love you. Gano'n naman talaga kapag mahal mo eh, susugal ka kahit pa alam mong malaki ang tsansa na matalo ka."

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko, masaya ako para sa kanya at the same time nalulungkot dahil nakikita ko yung sakit na nararamdaman niya.

"I'm sorry, Kurt." Tipid kong paumanhin sa kanya.

"Shhh. Don't be sorry, feeling ko mali na niligawan kita kaya ka nagso-sorry. So please, don't be." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinarapa ko sa kanya. "Just tell me right now, Steph. Sabihin mo sa akin na wala akong pag-asa."

Hindi nakaligtas sa nga mata ko ang mumunting luha na malapit ng bumagsak mula sa mga mata niya. I hurt this man, he don't deserve this.

"Kurt, Kurt ayaw kong masak---"

"Mas masasaktan ako kung hindi mo sasabihin, Steph. Mas masasaktan ako kapag hindi ko narinig mismo sa bibig mo ang katagang iyon, kasi aasa ako, aasa ako, Steph kahit pa alam kong wala na. So please, sabihin mo sa akin na wala na akong pag-asa." Tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya.

Alam kong hindi umiiyak ang mga lalaki sa harap ng isang babae at kung iiyak man sila iyon ay dahil hindi na nila kaya ang sakit. Did I caused to much pain in him?

*Sorry but..." I paused, hesitating if I continue this or not, "Wala ka nang pag-asa Kurt, kaibigan lang ang turing ko sa'yo. Hindi kita gusto, s-si Kelvin ang gusto ko, Kurt." Pero sa huli kailangan kong sabihin.

"C-can I hug you?"

Hindi na ako sumagot at niyakap nalang siya. Paano ko ba nagawang saktan ang lalaking ito? Hindi niya deserve yung pain na binibigay ko sa kanya. I don't deserve every single drop of his tears.

"Alam kong iingatan ka niya, aalagaan at mamahalin ng totoo at tapat. Pero, kung sakaling saktan ka niya nandito lang ako ha. Nandito lang ako para saluhin ka. I love you." Bulong niya sa akin bago lalong higpitan ang yakap niya.

Siya rin ang kumalas sa pagkakayakap sa akin, pinunasan niya ang luha niya sa mga mata. Humarap siya sa akin at mapait na ngumiti.

"Can I have my last favor?"

"A-ano naman iyon?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Can I have my last battle with Kelvin?"

Pinagtaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya, balak ba niyang saktan ng husto ang sarili niya? Ano bang ginagawa nito sa sarili niya?

"May gusto lang akong malaman. Huli na ito at kung iniisip mo na masasaktan ako, nope, sagot ko ang sarili ko. I can manage this pain, ako ang bahala sa'yo. Just this one,."

Pinaliwanag niya sa akin na hindi ko pwedeng sabihin kay Kelvin na surrender na siya. Gusto niya ng huling laban sa hindi ko malamang dahilan. Ang sabi niya ay kailangan ko lang magtiwala sa kanya.

So, if it was planned and he assured me na hindi siya masasaktan, who am I to stopped him? Hindi rin naman siya papapigil.

I'm just happy na sa kabila ng pain na binigay ko sa kanya, kapakanan ko parin ang iniisip niya. How lucky I am to met this kind of man?


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C10
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login