Kabanata 8 - Mensahe Mula sa Nakaraan
Habang papalapit ang mini-bus sa Phase 6, Camarin, halos walang imik ang lahat. Ang paligid ay tahimik, ngunit ang tanawin ng mga bangkay at ilang gumagalang zombie ay sapat na para bigyan sila ng babala.
"Parang ghost town na 'to," bulong ng isa sa mga kasama ni Mon habang tinitingnan ang mga bakanteng bahay at tindahan.
Nang makarating sila malapit sa North Caloocan Elementary School, huminto ang mini-bus. Bumaba si Mon mula sa driver's seat at humarap sa grupo. "Dito na muna kayo sa bus. Sunduin ko lang ang pamilya ko. Babalik agad ako."
Tumango ang lahat, bagama't halata ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. Pinagmasdan nila si Mon habang nilalakad ang papunta sa kanilang bahay.
Pagdating sa harap ng kanilang tahanan, agad napansin ni Mon ang kakaibang katahimikan. Walang kahit anong galaw sa paligid. Nang buksan niya ang gate, napansin niya ang sulat na nakadikit sa pinto ng tindahan nila. Agad niya itong kinuha, ang kanyang mga kamay bahagyang nanginginig.
Binasa niya ang mensahe ng kanyang ama:
"Mon, kung sakaling mabasa mo eto, wag kang mag-alala, buhay kaming lahat. Umuwi kami sa probinsya natin dahil mas secure dun dahil isa itong isla. Sana sumunod ka sa amin."
Napaluhod si Mon habang hawak ang papel. Isang bahagyang ginhawa ang naramdaman niya—buhay ang kanyang pamilya. Ngunit kasabay nito ang panibagong takot: paano siya makakarating sa probinsya?
Tumayo siya at tumingin sa paligid ng kanilang bahay. Kinuha niya ang ilang mga gamit na maaaring makatulong, tulad ng pagkain, tubig, at isang family photo na iniwan sa mesa.
"Buhay sila... at susundan ko sila," bulong niya sa sarili.
Pagbalik ni Mon sa mini-bus, nakatingin ang lahat sa kanya, umaasang may dala siyang magandang balita. Tumango siya at pinakita ang sulat. "Buhay sila. Pero umuwi na sila sa probinsya. Kailangan natin magplano kung paano ako makakasunod."
Napuno ng pag-asa ang mga tao sa loob ng mini-bus, ngunit alam nilang mahirap ang tatahakin nilang landas.