Baixar aplicativo
33.33% Darkest Darkness / Chapter 1: Prologue
Darkest Darkness Darkest Darkness original

Darkest Darkness

Autor: outofword_theater

© WebNovel

Capítulo 1: Prologue

"You're so beautiful talaga, Maine," turan ng babaing katabi ni Maine.

Napatingin si Maine sa katabi at nang makita niya ang mga malalaking tigyawat sa mukha ay napaismid siya. "I knew right," maarti niyang sagot, and she flipped her hair at dahil dito napasigaw sa sakit ang katabi. Animo'y parang isang basang-sisiw kung manangis sapagka't ang buhok ni Maine ay humampas sa mukha nito at hinagupit ang bukas na mga tigyawat na iniingatan nito. Hindi man lang makahingi ng paumanhin sa babaing umiiyak; ang maarting si Maine ay walang pakialaman na bumalik sa pag-scroll sa mamahalin niyang smartphone.

Nagdatingan ang mga mag-aaral at naupo sa kanya-kanyang upuan. Nagsimula na rin ang malalakas nilang mga usapan. May nagtatawanan, nagbibiroa't naglulukuhan. Maririnig rin mula sa mga bibig ng mga babaing mag-aaral ang paksa ng kanilang bulgar na usapan. Tungkol iyon kay Maine kung gaano siya kaganda, kung gaano siya kayaman, at gaano siya ipagsumpa dahil sa rami ng kanyang naging nobyo samantalang sila ay hindi pa nakakalima o ni isa.

Napapangiti na lamang ng palihim si Maine. Alam niyang may nagmamahal sa kanya at marami ring naiingit sa kanya. Hindi niya maitatangging siya ay maganda. Maganda talaga siya sa paningin niya.

Tumigil ang malalakas na hiyawan sa silid na parang napahinto ang orasan dahil dito ay nagtaas ng tingin si Maine mula sa kanyang smartphone at napatitig sa bagong pasok sa silid-aralan na isang napaka-guwapong lalaking may asul na mga mata na animo'y isang pusa, mapulang manipis na mga labi, kumikintab na olandes na buhok, mataas ang tayog ng binata na halos kasing-taas na nito ang pintuan, at kung makalakad ay parang isang modelo. Nagkusang tumayo si Maine na parang nahipnotismo sa taglay nitong kariktan, at mabilis na nilapitan ang lalaki. She stood in front of him that halted him from walking.

"Hey!" she said, pero parang walang pakialam ang lalaki dahil hindi nito tiningnan si Maine, o 'di kaya'y sumagot man lang. Sa pagkadismaya ay hinila niya ang necktie ng lalaki at marahas niyang hinalikan sa labi. Nanlaki ang almond, deep set na mga mata ng lalaki for he was taken aback. Mabilis nitong naitulak si Maine na napaatras ng isang hakbang at tumakbo papalabas ng silid.

"Tinakot mo naman, Maine," saad ng isang babaing nakasandal sa may bintana. Koloreteng mukha at napakapula ng labi na animo'y isa itong payaso sa perya.

"Yeah," walang pakialam na sagot ni Maine, at bumalik sa kanyang upuan sa pinakaharap, katabi ng babaing may maraming tigyawat.

"Ang astig talaga ni Maine. Akalain mong nagawa niya iyon sa harap ng klase!" sigaw ng isang lalaki sa mga barkada.

"New toy rin 'yan, p're!" sagot ng isa.

Ang kaligaligan ng klase ay nagpatuloy pa at lalong lumalakas dahil lamang sa ginawa ni Maine. Pumasok bigla ang naka-unipormeng kulay-rosas na isang babae at inilapag ang bag nito sa mesa at ang mga papeles na dala.

"Quiet!" matinis na sigaw ng guro, at tumahimik ang buong klase. "Now," tumingin muna siya sa gawi ni Maine, tinitigan siya nito ng mariin, bago nagsalita ng mahinahon, "our Principal summoned you herself, Miss Maine Martinez."

Tumayo si Maine and she gathered her things. She walked out without saying anything.

Kumatok siya sa pinto, kahit hindi pa siya pinapasok, she twisted the knob and pushed the door open.

"Madam."

Umupo siya sa harap ng principal, sa kaliwang parte siya ng guro, sa kanang bahagi naman ay ang lalaking Kano. Tinitigan niya ang nakatungong Kano nang magsalita ang punong-guro. "Miss Martinez, we checked the CCTV footage on your classroom and we're deeply disappointed of what you did to Mister Parker. You're an achiever but I won't tolerate and just neglect your misconduct."

Nakita niya ang namamagang mapulang labi ng lalaki at napangiti siya. Ang cute lang nito, parang takot na takot sa kanya.

"You're suspended for one week and you will not take the tests in your classes during that period of suspension. My secretary already called your parents about this matter."

"Okay." Tumayo si Maine kahit hindi pa siya pinapatayo ng punong-guro. Nagawa pa niyang kindatan and she blew a flying kiss sa kawawang lalaking napapayuko na lang sa kahihiyan.

Nang makalabas siya sa silid ng punong-guro, lumapit sa kanya ang lalaking naka-unipormeng itim. "Señorita Maine, pinapatawag po kayo ng inyong ama."

Napabuga siya sa hangin. "Whatever." She glared at him at patiunang naglakad papunta sa parking area ng paaralan.

When she got out of the car, she was ashered by him to enter a room.

"¿¡Qué haces, mi hija?! (What are you doing, my daughter?!) You disgraced my name!" salubong na sigaw ng ama ni Maine sa kanya nang makapasok siya sa study ng ama.

She rolled her eyes. Nagdikuwarto muna siya sa upuan sa harap ng ama bago sumagot ng palatak. "You always see my faults not my achievements."

"Because you only do your faults," her father retorted, sighing.

"¡Esta odiar! (Hate this!)" She stumped her foot and stood up. Sinipat niya ng tingin ang ama at masama niyang tinitigan ang masungit na mga mata nito. "I don't care! ¡Hasta nunca! (See you never again!)" she shouted and shut the door closed before her father's eyes.

"Maine, come back here!"

Hindi siya nakinig sa ama bagkus she marched into her room as she massaged her temple and slammed the door close. She threw her things on the floor and went to her walk-in closet. She changed her school uniform into a black revealing V-neck Barbie-doll dress, into a five inches stiletto heels, put on a dark make up.

There was knock on the door and a soft voice calling her name na nagpabago ng kanyang atensyon habang tinititigan ang kanyang get-up sa kanyang human-size mirror.

"Mom," bulong niya, ngunit mismong sarili niya ay hindi iyon narinig.

She took her purse from the soft chair in the middle of her walk-in closet. Dali-dali siyang tumakbo at isinuot ang sarili sa makapal na comforter ng kanyang higaan. Para siyang nagtatago habang ang kalaro ay naghahanap sa kanya.

Binuksan ng babae ang pinto at tumabi sa kanya. Tinitigan siya nito ng ilang minuto bago nagsumamong nagpakiusap.

"Makinig ka naman sa amin, anak, oh."

"Am I not my own person? Why do I feel like I am a humanized product that is chained in the cell of your dictatorship?" sagot niya habang nakatalikod dito, nakabukot.

"We want the best for you."

She clutched her purse tight at marahas na bumangon. "The best that is not the best for me! It's your best!"

"Maine," nag-aalalang tawag sa kanya ng ina.

"Enough! I just want you to leave me alone, won't you!"

Tumakbo siya papalabas ng bahay. Nang makalayo na siya ay tiningnan niya ang kabuuan ng kanilang bahay at doon na tumulo ang kanyang luha. Pinunasan niya iyon at tumakbo uli habang ang braso ay nasa pisngi pa rin niya. Napadpad siya sa isang parke para sa mga bata, at umupo siya sa isang swing.

"Hello!"

She hummed in response at tumango siya habang nakatingin sa kawalan.

"Mukhang ang lalim ata ng iniisip mo, ah."

"I'm fine."

"That's not what I see on you."

Inangat niya ang kanyang tingin at tinitigan ang batang babae. "You don't know."

"I know and I care. I love you!"

"Are you my stalker, or something?" she asked in disgust. She can't imagine if this youngster's her stalker. It would be creepy and disgusting.

"Hindi, 'no. I love you because God says so," sweet na sagot ng babae. Nakangiti pa nga animo'y wala lang ang paratang ni Maine dito.

"You're God is vain. No one really loves me."

"God cares and loves you because God carried the same burden when He was hanged on that cross for us all to be justified."

"Foolish death," she retorted, glaring the poor little girl.

"That's not foolish, that's agape, selfless love by Him." Nakatayo ang babae sa kanyang harapan at sa palagay niya ay nasa apat lang na talampakan ang taas nito.

"You know what?" She stood up at mariing kagat-pangang tinitigan ang bata. "I think you better talk to someone who has interest in that subject." Nariya'y nagmartsa si Maine palayo sa babaing napanganga na lamang sa pagiging prangka niya.

Naglakad-lakad si Maine dahil hindi na niya alam kung saan tutungo. Mukhang wala ng magmamahal sa kanya kung sa gayon. Napatingin siya sa nadaanang bahay na pamilyar sa kanya at matagal na niyang hindi nakikita. She halted and returned her pace. Kumatok siya ng tatlong bisis na walang halong galit.

Bumukas ang pinto at tumambad ang nagtatakang laon. "Maine, iha, ikaw ba 'yan?"

"Ya Yeng," tawag niya sa babaing nakatayo sa kanyang harapan, at hinagkan ito ng mahigpit, "I miss you, po."

"Na-miss din kita, anak."

"Why won't you return, Ya Yeng?" nagsusumamo niyang tanong dito at malumanay na tinitigan ang kulu-kulubot nitong mukha.

"Pasensiya ka na, iha. Tapos na ang kontrata ko sa iyong mga magulang."

"You knew, I want to spend my time with you."

"Ngayong Linggo, magsimba-"

She frowned at lumayo sa bisig ng matanda. "Church again?!" she bursted, cutting her off. "I don't want to do anything with your god!" Tumakbo si Maine papalayo, away from anyone.

"Maine, iha, anak!"

She never thought everyone would be against her. She didn't want that, she wanted to be loved. She badly wanted to be loved by everyone. Ngunit pinagkait lamang iyon sa kanya. Galit siya dahil hindi siya ganoon kasobrang ganda para mahalin ng lahat.

Hindi niya alam na napasok siya sa isang bar. Siya'y may katangkarang babae kaya kahit anong pagbawal sa kanya ng bouncer ay nalulusutan niya. Isa pa, magaling siyang magsinungaling. Ito'y assit niyang segunda ng pagiging maganda. Nag-order siya ng alak na pinakamahal sa bar na iyon. Nakikinig lang siya sa bandang kumakanta sa entablado habang iniinom ang inumin. Wala pa siyang kain mula noong umaga kaya tiba-tiba ang pag-inum niya ng bawal sa edad niya.

"Mestisa ka, ano?"

Hininto ni Maine ang paglagok dahil sa boses na nagti-temp sa kanya upang isagawa ang gusto niyang iuwi ito sa bahay at hindi napapakawalan pa dahil boses pa lang ay guwapo na.

She looked up and stared at the guy na nakaupo sa tabi niya. Hindi niya maaninag ang mukha dahil against the light galing sa party lights at madilim din ang lugar. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon pero pinasawalang-bahala na lang sanhi ng marami niyang nainom. "How did you know?" flitry niyang sagot, and batting her lashes, teasing; she wanted to have fun for awhile dahil ni-reject siya ng Kano.

"You're beautiful," sabi nito at nag-order ng isang nakakalasing na inumin sa isang bartender na nasa counter sa likuran nila.

She leaned against the counter. "I knew right." She flipped her hair na nagpangiti sa lalaki.

"I'll call you, beauty."

Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang tawag nito sa kanya. The guy caressed her legs that sent shivers down her spine. Napansin niyang ang silhouette ng ulo ng lalaki ay titig na titig sa kanyang cleavage na nagpakabog sa kanyang dibdib. He inclined his head to her na nagpataas ng balahibo niya sa batok and her limbs. Ilang inch na lang ang mukha nito sa kanya at naaamoy niya ang pabango nito na may halong amoy ng alak that snarled her stomach kaya she gathered all the energy she could muster at buong lakas na itinulak ang lalaki.

"Get off, pervert!"

Pupungas-pungas niyang tinahak ang madilim na daan papalabas ng bar, nagpapatintero sa mga boisterous drankards, at ipinara ang taxing papadaan.

Ito nama'y mahal lamang ang kanyang katawan. She hated men of that kind. She wanted them to rot in hell. Ang bastos ng mga ito. Walang awa kung manghipo, mangbastos, at manggahasa sa mga babae. They take advantage when a girl is weak. Para lamang alipin ang mga babae, mga basurang kapag tapos nang gamitin ay ibinibinta, o itinatapon na lang.

Naghihikahos siyang lumabas sa sasakyan at matumba-tumbang tinahak ang sampung talampakang layo sa bahay mula sa kalsada.

She slapped the bell button of their house without anticipation. She wanted to be with her bed. She wanted to sleep. She wanted rest dahil sa stress.

Nagbukas ang malaki nilang pinto. Tumambad ang ina sa pintuan. She wanted to shout nang inakay siya ng ina. She wanted to scream na hindi niya kailangan ng tulong ngunit wala siyang lakas upang isagawa ang ninanais ng bibig ngunit kabaliktaran naman ang laman ng puso.

Nang ilapag siya sa kama ay para siyang lantang gulay na gagalaw ng panandalian pero hindi na kikibo kahit kilitiin pa ng pakpak ng manok at parang istatwa kung manigas sa pagkakahiga. Malalaman lamang siyang buhay dahil sa pagtaas-baba ng kanyang dibdib habang humihinga. Nakatulog na pala siya dahil sa pagod. Bumalik ang ina dala ang bimpo't palanggana at umupo sa gilid ng higaan niya.

"Kailan ka titino, anak ko?" tanong ng inang lumuluhang sumisinghot habang pinupunasan ang mukha niya ng basang tuwalya.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C1
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login