Chapter 27
Napatingin sakin si Cass na parang inaaral ang mukha ko. Siguro sinisigurado niya kung totoo ba ung sinasabi ko dahil napatay niya na ung boss niya.
"Sasama ka sakin" sabi niya saka niya ako hinala.
Hindi niya man lang akong inayos basta na lang niya ako hinila ng nakapagisip isip na siya. Dahil na din sa pambubugbog niya wala na akong nagawa pagod na ang katawan ko kaya hinayaan ko na lang hilain ako ng antok na nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog pero nagising na lang ako nasa malambot na kama na ako hindi ko alam kung nasaan ako pero okay na din na ganito kesa naman kanina makakapagisip pa ako ng paraan para makatakas. Kung totoo ngang siya ang nawawalang nanay ko madami akong tanong pero mas uunahin ko muna makatakas para malaman ko kung patay na ba sila mommy or hindi pa. Hindi ako mapapalagay hanggang hindi ko nalalaman kung okay lang ba si mommy.
"Gising ka na" sabi ng babae. Siya din ung kahapon.
"Ate bakit ang dami mong pasa? Sinong nangaway sayo? Sabi ni tita mommy bawal daw makipagaway" concern na tanong ng babae.
"Nasaan ako?" tanong ko. Baka sakaling sagutin ako nito dahil mukhang bait naman siya.
"Nasa bahay po namin" inosenteng sagot ng babae.
"Saan tong bahay niyo?" tanong ko ulit.
"Dito po" napapikit na lang ako sa sagot ng babae.
"Anong ginagawa mo na naman?" sabi ng kakarating lang na lalaki siya ung kumuha sakin sa lamay ni mommy.
"Naawa kasi ako sa kanya kuya ang dami niyang pasa gagamutin ko sana kaso" paliwanag ng babae.
"Lia diba sabi ni tita wag siyang kakausapin hangga't hindi pa siya nakakabalik?" masungit na sabi ng lalaki. Lia pala pangalan ng babae kailangan ko siya para sa plano ko.
"Naawa nga kasi ako edi sasabihin ko kay tita mommy naaawa ako" pagraraso ni Lia.
"Sige na bumalik ka sa kwarto mo or gusto mo si Leo pa ang pumunta dito para kunin ka" pagbabanta nung lalaki.
"Kuya naman eh! Ayoko kay Leo napakasungit nun eh parehas kayo!" umalis na si Lia mukhang ayaw niya talaga dun sa Leo.
Masakit pa ang katawan ko dahil sa bugbog kaya ang hirap kumilos pero alam kong malalampasan ko din to ilang araw lang ang kailangan ko para maghilom kaagad ang mga sugat ko pero ang mga pasa ko matagal pero pwede nay un maximum na ang tatlong araw.
"Ito gamutin mo ang sarili mong sugat" masungit na sabi ng lalaki. Sabay abot sakin ng mga gamot.
"Salamat" sabi ko. dahil kahit naman papaano ay binigyan niya pa din ako ng gamot kailangan ko to para mas madaling gumaling ang mga sugat ko.
Nakatitig siya sakin habang ginagamot ko ang mga sugat ko.
"Totoo bang patay na lahat ng pamilya ko?" basag ko sa katahimikan. Hindi ko na mapigilan hindi itanong.
Iniwas niya ang tingin niya. "Oo sinigurado ko bago tayo umalis ng araw na yun"
Bigla na lang tumulo ang mga luha ko wala na sila si mommy, kuya, lolo't lola hindi man lang ako nakayakap sa kanila kakamatay lang ni daddy pero ganito na agad ang nangyari. Ang sakit sakit.
"Sapat na bang kabayaran ang buhay ng pamilya ko o kulang pa bakit niyo pa ako binuhay" walang emosyon kong sabi.
"Nautusan lang kami. Hindi ko alam kung bakit ka dinala dito ni tita dapat patay ka na din" siwalat niya.
"Kasi sinabi ko anak niya ako kaya niya ako binuhay pero kung hindi papatayin niya din ako sana nga hinahayaan ko na lang kesa ganito na alam kong patay na sila" nasasaktan kong sabi.
Bigla naman dumating si Cass may dalang mga paper bags.
"Jay nagamot na ba ang mga sugat niya" tanong niya dun sa lalaki na ang pangalan pala ay Jay.
"Siya gumamot ng sugat niya. Pupuntahan ko muna ung dalawa" paalam ni Jay saka umalis.
"Ito mga damit para may magamit ka" ipinatong niya sa may kama.
"Pwede na ba akong umuwi?" walang emosyon kong sabi.
"Hindi pa pwede kung totoong anak nga kita kailangan muna nating magpa-DNA testing" sabi niya.
"Tapos? Kapag nalaman mong anak ako? Anong gagawin mo?" masungit kong tanong.
"Hindi ko alam dahil alam ko wala naman akong anak. Pero kapag hindi kita anak---"
Pinutol ko ang sasabihin niya. "Papatayin mo ko?"
"Sana hindi talaga ikaw ung nanay ko. Dahil kayo ang dahilan kung bakit patay na ang buong pamilya ko isunod mo na ako tutal wala na rin naman dahilan para mabuhay pa" may hinanakit kong sabi.
Biglang nagiba ang itsura ni Cass. "Sana magdilang angel ka"
Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya sa kwartong tinutuluyan ko. Doon na din lumabas ang mga luhang pilit kong pinipigilan sobrang mamaging masakit kapag ang tunay kong nanay ang siya pang nagpapatay sa pamilya ko kaya sana talaga hindi na lang talaga siya ang nanay ko.
Kinagabihan bilang pumasok si Cass at may kasama pang isang babae.
"Siya ung isa mo pang kukunan ng sample" instruction niya dun sa babae.
"Wait…Alam mo Cass feeling ko di mo na kailangan ng DNA kasi…" tumingin ung babae kay Cass pati na din sakin.
"Kunan mo na lang siya. Gusto ko by tomorrow morning meron ng result" utos ni Cass.
"Okay" wala na nagawa ung babae kundi kunan ako ng sample para sa DNA testing.
"Tita mommy!" masayang tawag ni Lia kay Cass.
"Lia wag kang tumakbo baka masaktan ka" nagaalalang sabi ni Cass.
"Hindi ko talaga magets kung bakit kailangan pa ng DNA eh halata naman magkamukha naman kaya sila" bulong ng babae.
Kaya naman napatitig ako sa kanya. "May sinasabi ka ba?"
"Ah wala kako ang cute cute ni Lia no. Ampon yan ni Cass tatlo silang magkakapatid si Jay saka si Lia at Leo ang pagkakaalam ko si Cass na ang nagpangalan sa dalawa dahil sobrang liit pa nila ng mapunta sila kay Cass kahit si Jay ang kinakalakihan na niya ay si Cass. Niligtas ni Cass ang tatlo simula nun sila na ang nagalaga sa tatlo. Ayan tapos na" pinuntahan niya agad si Cass pagkatapos akong kunan ng sample.
Tiningnan muna ako ni Cass bago silang tatlo umalis.
Kinaumagahan hindi maganda ang pakiramdam ko giniginaw ako at nahihilo pa. hindi ko alam kung bakit biglang sumama ang pakiramdam ko siguro dahil to sa bugbog at sa ibang sugat ko. may pumasok sa kwarto hindi ko alam dahil humiga ako ulit at pumikit. May narinig akong nilapag sa may side table.
Dinilat ko ang mga mata ko.
"Ito pagkain kumain ka na lang kung nagugutom ka na" sabi ni Jay.
"Okay" yun na lang ang nasabi ko dahil nahihilo talaga ako.
Umalis na siya pagkatapos niyang marinig ang sagot ko. Bumalik ulit ako sa pagkakahiga dahil nahihilo ako itutulog ko na lang muna ulit ito baka sakaling mawala na pagkagising ko.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
"Leo mainit siya kumuha ka kaya ng yelo"
"Bakit yelo?"
"Kasi mainit siya para lumamig"
"Ayokong mapagalitan Lia sinamahan na nga kita eh kahit alam kong papagalitan na naman tayo ni kuya"
"Gusto ko lang naman makita kung magaling na ung mga sugat saka pasa niya grabe kaya ung itsura niya hindi mo kasi nakita eh"
"Halika na baka biglang dumating si kuya baka pagalitan tayo"
Nagising ako dahil sa ingay ng paguusap. Ganun pa din masama pa din ang pakiramdam ko at masakit ang ulo ko.
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. "Gising na siya Leo"
"Ngayon gising na siya umalis na tayo" ay ani Leo.
"Teka lang…Ate mainit ka po bakit hindi mo pa kinakain tong pagkain mo sabi ni tita mommy bad daw ung mga hindi agad kinakain ung food nila" pangaral ni Lia.
"Kakainin ko din yan mamaya" nanghihinang sabi ko.
"Sige po basta kainin mo yan ate" tinuro niya pa ung tray ng pagkain.
Biglang bumukas ang pinto na siyang kinagulat naman ng dalawa. Pumasok si Cass pati na dun ung babae kanina kahapon na kumuha ng sample sakin kasunod nila si Jay. Bumangon ako kahit sobrang hilo pa ako.
"Tita mommy!" tumakbo agad si Lia kay Cass habang nakasunod lang si Leo.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Cass sa dalawa.
"Gusto ko lang po makita kung oka---"
"Sinabihan ko na po siya na wag na pumunta dito ang kulit kulit" sabi ni Leo sabay tingin kay Jay.
"Kasi naman tita mommy nagaalala ako kay ate tapos ang init niya pa" concern na sabi ni Lia.
Saka naman napatingin sakin si Cass. "Okay ka lang?"
"Anong result?" hindi ko siya pinansin. Tinanong ko na lang ung babae.
Binuksan ng babae ng envelope mukhang nandun ang results inilabas niya ang papel saka binasa.
"In all analyzed PCR systems, Cass does show the genetic markers which have to be present for the biological mother of Gabbie. The biostatistical analysis of the PCR systems was performed according to the method of Essen-Möller. The probability of Ms. Cass being the biological mother of Gabbie is > 99.9999 %. Conclusion: Based on our analysis, it is practically proven that Ms. Cass is the biological mother of the Gabbie" sabi ng babae.
"Diba sabi ko na sayo eh" sabi ng babae kay Cass.
Napayuko ako. "pwede bang iwan niyo muna ako"
"ay di tanggap ni junakis mo?" bulong na tanong babae kay Cass.
"lumabas na muna tayo" sabi ni Cass at sinama ang lahat sa paglabas niya.
Naiiyak ako ang sakit at mahirap hindi ganun kadaling tanggapin lalo na siya ang may dahilan kung namatay sila mommy. Mas lalo akong nahilo dahil sa pagiyak ko itutulog ko na lang ulit ito kailangan bumuti na ang pakiramdam ko para makaalis na ako dito.
"Jay tumawag ka na kaya ng doctor sobrang taas ng lagnat niya" may boses akong naririnig si mommy ba ito?.
"mommy…" tawag ko.
"kuya…"
Hindi ko na maidilat ang mata ko sobrang bigat nila.
"mommy wag mo akong iiwan" pagmamakaawa ko.
"ikaw din kuya wag niyo ako iiwan ni mommy" pagsusumamo ko.
Hindi ko na alam ang nangyayari gusto ko lang matulog.
thank you! :) enjoy!