"Whaaaaat? May nililigawan na daw si Fafa Trev?!"
Napalingngon ako sa malakas na sigaw ni Ru. Nandito kami ngayon sa park dahil vaccant namin pare pareho at hindi ako natutuwa sa pinag uusapan nilang dalawa dahil tungkol na naman ito sa lalaki saka isa pa, ang iingay nilang dalawa e nakikita nilang busy akong nagrereview para sa very very long quiz namin mamaya.
"And take note, taga Bio Department daw yung girl."
Lumapit sila ng sabay sa akin saka inagaw yung binabasa kong libro.
"Ody, baka kilala mo yung nililigawan ng Fafa Trevor namin?"
Kinunutan ko silang dalawa ng noo. Ano bang pinagsasabi ng dalawang to? At sino ba yung sinasabi nilang Troller na yon?
"Anong nililigawan? Tsaka sinong Troller?"
Seryoso kong tiningnan si Miyha. Ano bang nakakatawa sa sinasabi ko?
"Trevor teh. Trevor McKnight yung may ari ng Unniversity? Yung prince charming ko....."
Natawa ako ng makita kong natulala sa kawalan ang ate mong Ruby. Akala ko talaga baliw na ako, may mas baliw pa pala sa akin.
"Hubarin ko kaya sapatos ko parang yung kay Cinderella saka ko sya takbuhan. Hahabulin kaya niya ako? Haaaayss"-Ru
Napapantastikuhang tiningnan ko si Ru saka tiningnan si Miyha ng masama. Nahihibang na tong kaibigan ko. Kung ano ano na ang naiisip juskopo.
"Hoy Ruby na walang halaga, yung ibang babae diyan hinubad na ang lahat iniwan parin. Please lang wag mong hubarin sapatos mo, magkakahiwalay sila ng partner niya. Maawa ka ha?"-me
"Oo nga"-Mihya
Sumimangot si Ruby sa mga pinagsasasabi ko pero dahil wala akong pake binalik ko na ulit ang atensyon ko sa pagbabasa ng libro ko sa bio. Mas mahalaga ang quiz ko sa bio mamaya kesa sa kung ano pa man na pinaguusapan nila.
Hindi na ako muling kinausap ng dalawa.
Maghapon akong narindi dahil bukambibig talaga ni Ru yung kung sino mang Trever na yan at ang mas nakakainis pa don, muntik ko ng maisagot sa quiz yon buti nalang at nakita ng nangongopya kong katabi kaya napaltan ko kaagad.
Kaya ngayon nag aayos na ako ng gamit dahil uwian na sa last subject ko para sa araw na to ng biglang narinig ko ang bulungan ng tatlo kong kaklase na tungkol sa akin.
"Diba sya yon?"-Maria
"May problema ba kayo sa akin?"-me
Tinaasan ko silang tatlo ng kilay ng bigla silang nagsisikuhan kung sino ang dapat na mag salita.
"Ano? Hindi kayo magsasalita? Magsisikuhan nalang kayo?"-me
Hinintay kong may magsalita salita sa kanila. Bored na bored na ako kaya kahit wala naman akong pake sa pinagtsitsismisan nila, sige papansinin ko na sila. Hindi na ata kasi nakukumpleto ang araw ko pag wala akong pinagsusungitan.
"Kanina ka pa kasi hinahanap ni Trevor"-Leonora
Napakunot ang noo ko. Sining Trevor? Abay maghapon ko ng naririnig ang pangalan na iyan. Ano bang meron sa Trevor na yan?
"Nasa harap sya ng Department natin kanina. Hinihintay ka talaga niya girl"-Theresa
Napataas ang kilay ko dito sa huling nagsalita. Girl? iww.
"Wala akong kilalang Trevor. And please? *tingin kay Theresa* Don't girl me, hindi tayo close ok"-me
Umalis na ako sa room dala yung mga gamit ko habang iniisip kung may kakilala ba akong Trevor at bakit ako hinahap nito.
"Baaaaaaaabe Wait!!"
Napalingon ako sa isang eskandalosong lalaki na sumisigaw palapit sa akin.
Wait! parang kilala ko yung sumisisigaw.
"Babe, ang bilis mo maglakad. F@ck!"
Huminto ako sa paglalakad para tingnan ang kung sino mang sumisigaw sa likuran ko and wait, parang kilala ko siya.
"Lance?! What are you doing here?!"
Ngumiti muna siya saka nagpunas ng mga namuong pawis sa noo niya dahil sa pagtakbo kani kanina lang. Napatingin ako sa mga mangilan ngilang estudyante na nakatingin sa amin ngayon dahil ata sa pagsigawa ng lalaking to kanina.
"Susunduin ko sana girlfriend ko"-Lance
Napataas ang kilay ko saka ko siya inirapan. Manunundo lang pala to ng girlfriend kailangan pang sumigaw ng sumigaw sa hallway na akala mo kanya tong unniversity ha?
"O ngayon?"-me
Nagulat ako ng bigla niyang agawin ang shoulder bag ko pero mas nagulat ako ng biglang ikinawit niya ang braso niya sa bewang ko like what is wrong with this man?
"O diba ikaw ang girlfriend ko?"
Nanlaki ang mga mata ko. Ano bang pinagsasabi ng lalaking to? Ako daw ang girlfriend niya? Noong isang gavi lang kami nagkakilala tapps biglang jowa ko na sya?
"How? When? Why?"
Ngiti lang ang ginawa nito sa sunod sunod kong tanong.
"Hoy sumagot ka! Kelan kita sinagot? Tsaka teka nga bakit pala kita sasagutin e hindi kita type?!"
Mahinang sabi ko dahil dumadami na ang estudyanteng nakatingin sa amin. Ayoko ng eskandalo.
"Ha? Namiss mo ako? Babe, kahapon lang tayo nagkita diba?"-Lance.
Nanlalaki ang mata kong tiningnan ko siya dahil sa mga isinigaw niya. Ano bang sinasabi ng hayop na to? Nababaliw na ba to?
"Hoy tumigil ka!"
Pabulog parin ako sa pagsasalita dahil sa mga estudyanteng nakatingin. Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak niya sa bewang ko pero the more na kumakapit ako mas lalo lang niyang hinihigpitan ang hawak niya. Masasampal ko talaga tong hahop na to pag hindi pa niya tinigilan ang trip niya.
Hinatak niya ako at dinala sa parking lot. Wala ng mga estudyante halos kaya anumang oras masasampal ko na tong hayop na to. Hinanap ko ang sundo ko sa parking lot at saktong pagtingin ko sa kanan ko nakita ko naman.
" Lance bitawan mo na ako at ng makauwi na ako"
He smiled playfully na nakapag painit ng dugo. Humarap pa siya sa akin saka pinagsalikop ang mga kamay niya na parang niyayakap na ako kaya mas lalo akong nahirapn lumayo sa kanya. Medyo naiinis pa ako dahil lumililis na ang off shoulder dress ko at lumalabas na ang hindi dapat makita sa akin.
"Babe inaakit mo ba ako?"-sya
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita. Kailangang kalmado ako bago ko siya palpiliin.
"Bibitiwan mo ba ako o babayagan kita?"
"Babe, wag ka ng magsungit. Your mood's turning me on"
Nagtaas baba pa ang kilay niya saka ngumiti mg malapad na nagpalabas sa cute nitong dimples and i had to admit mas lalong nakadagdag ng kagwapuhan niya iyon but i am not buying that so.....
"Aaaaaaaaahhhh"
"Serves you right"
Nabitawan niya ako pati ang bag ko kaya kinuha ko na ang pagkakataong yon para makawal sa kanya. Kinuha ko ang bag ko na nalaglag sa floor saka nagtatakbo papunta sa sasakyan ko. Narinig ko pa siyang sumigaw kaya huminto ako sa humarap sa kanya.
"Babe, paano pa tayo makakabuo ng panganay natin kung binasag mo na ang itlog ko? *Aw*"
Ngumiti ako ng napakatamis sa kanya.
"Wag kang mag alala wala akong planong bumuo kasama ka"
Yun lang ang sinabi ko saka ko sya iniwan na sapo sapo ang ano niya. Buti nga sa kanya napaka epal kasi.
Hindi ko alam kung magugustuhan nyo pero bala na kayo dyan?