Baixar aplicativo
85.71% Careless Whisper / Chapter 12: Chapter 11

Capítulo 12: Chapter 11

Chapter 11

HANGGANG NGAYON lutang na lutang parin si Oddyseus sa mga sinabi ni Olcea sa kaniya. Hindi niya alam kung nasa langit na ba siya ngayon o andito parin ba siya sa lupa.

Kasama niya ngayon si Olcea at hindi niya alam kung saan silang dalawa pupunta. Tapos narin ang klase nilang dalawa kung kaya't inaya siya nito na lumabas. Ayaw pa sana niya kaso nga lang nagpumilit ito kung kaya't wala na siyang nagawa pa, kundi ang sumama na lamang rito. Hindi niya rin kasi matiis ang babaeng nagpapatibok ng kaniyang puso.

Maraming mga bata sa lansangan ang kanilang nakakasalubong panay ang iwas ng mga ito sa kaniya sa tuwing siya ay dadaan. Napatingin siya kay Olcea at kahit anong emosyon wala siyang mabasa rito. Nakangiti ito ng malawak at hindi alintana ang mga mapang-usig na tingin ng mga tao sa kanilang dalawa.

Parang sinasabi ni Olcea sa buong taong kanilang nakakasalubong na hindi siya nito ikinakahiya. Hindi niya alam pero napangiti rin siya dahil sa isiping iyon. Kalalaki niyang tao pero kinikilig siya dahil sa simpleng tagpong iyon. Lalo pa't magkahugpong ang kanilang mga kamay ni Olcea.

"O–olcea, hindi ka ba nahihiya na kasama mo ako? P–pinagtitinginan tayo ng mga tao. Baka kung ano ang isipin nila tungkol sa 'yo. Maari ka namang umagwat sa akin habang tayo'y naglalakad. Hindi mo kailangang hawakan pa ang aking kamay at dumikit sa akin," bigla niyang wika.

Tumingin ito sa kaniya saka siya nginitian ng ubod tamis. Napalunok na lamang siya ng laway dahil sa ngiting iyon ni Olcea.

"Bakit naman ako mahihiya? Sila dapat ang mahiya, dahil nanlalait sila sa `yo habang hindi tinitingnan ang sarili nila mismo," taas noo nitong sagot na siyang dahilan kung bakit nanahimik na lamang siya.

Hindi nalang rin niya pinansin ang mga taong nakatingin sa kanilang dalawa ni Olcea. Ini-enjoy na lamang niya ang mga sandaling ito habang kasama at kapiling pa niya si Olcea at baka bukas, o sa makalawa. Tuluyan na siyang pagbabantaan at palayuin mula rito.

"NAKIKITA MO BA ang mga ilaw na iyan, Oddyseus? Iyang mga alitaptap? Sabi nila kapag makahuli ka raw ng isa niyan, at mag wish ka matutupad raw ang kahilingan mo. At alam mo bang napatunayan ko na iyon?"

Manghang-mangha si Oddyseus habang nakamasid lamang sa napakagandang mukha ni Olcea. Ang laki ng ngiti nito habang mangha na nakatingin sa mga alitaptap na nakapalibot sa kanilang inuupuang puno.

Habang nagsasalita ito nakatutok lamang ang kaniyang mga mata sa maganda nitong mukha. Para itong diwata sa taglay nitong ganda. Lalo pa't pinapalibutan ito ng mga alitaptap.

"P–paano mo napatunayan?" balik tanong niya rito nang tumingin na ito sa kaniya.

Iyon na naman ang boses niyang nauutal. Hindi niya alam pero kung palagi niyang kaharap si Olcea nauutal siya't nawawalan ng lakas.

Tumayo ito at hinabol ang isang alitaptap na lumilipad. Tumayo na rin siya at sinundan ito. Hindi niya inakalang maabutan sila ng dilim rito sa kagubatan ni Olcea. Akala niya kung saan siya dadalhin nito kanina pero iyon pala dito lang sa gubat sa likod ng kabahayan ng ultra syudad, malapit sa kanila.

Pinagmasdan niya ang babae sa pagdakip ng maliit na alitaptap. Gusto niyang matawa dahil hindi nito iyon mahuli-huli. Isa pa napakakyut tingnan ni Olcea. Para itong prinsesa na ilang taong nakakulong at  inosenteng nakawala sa hawla, at parang first time makakita ng isang alitaptap.

"Nasubukan ko na kasi noong humiling rito noong makahuli ako sa loob ng aking silid. Naligaw yata sa silid ko, at sakto ring naalala ko ang kwento sa akin noon ni Lola. Hindi ko alam kung bakit at sinubukan ko. Hindi naman ako nagsisi dahil natupad nga ang kahilingan kong iyon. Simula no'n, naniniwala na akong tmutupad ng kahilingan ang isang alitaptap."

Lumingon ito sa kaniya sabay ngiti ng malapad. Iyon na naman ang puso niya. Bumibilis na naman ang tibok at pilit na namang lumalabas mula sa kaniyang dibdib.

Unti-unti nitong ibinuka ang mga palad na nakakuyom. Andoon ang isang alitaptap na nahuli nito kanina habang nakatalikod sa kaniya. Ipinikit nito ang mga mata, kasabay ang paglipad ng alitaptap.

Tulala siya sa mas kagandahang kaniyang nasaksihan nang pumikit si Olcea.

Diyos ko! Bakit naman sobrang ganda ng babaeng mahal ko? Pwede bang akin na lamang siya? Pangako kong sayo'ng iingatan ko siya ng aking buong puso.

Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya na ang alitaptap na mula sa kamay ni Olcea ay papunta na ngayon sa kinaroroonan niya. Nagulantang siya't hindi malaman kung ano ang gagawin. Nakapikit pa rin si Olcea at wala itong kaalam-alam sa nangyayari.

Kinakabahan siya. Baka ang diwata na namang iyon ang may pakana nito? Baka sa mga oras na ito, andito ang diwatang sumumpa sa kaniya. Nagmamadali siyang lumapit sa kinatatayuan ni Olcea. Kailangan niya itong mailayo agad rito bago pa magpakita ang diwata ng kagubatang ito.

Bakit kasi wrong timing naman ng diwata na ito? Masosolo pa sana niya si Olcea ng matagal pero mukhang hindi na iyon mangyayari pa. Mukhang ang bitter yata ng diwatang sumumpa sa kaniya. Hinawakan niya sa kamay si Olcea at hinila ito. Puno naman ng pagtataka ang babae.

"Umalis na tayo rito, Olcea. Hindi maganda ang nangyayari sa kagubatang ito kapag sumapit ang alas sais ng gabi. Kailangan na nating umalis rito," pagsagot niya sa naguguluhan nitong mukha.

Binitbit na niya ang kaniyang bag at maging ang kay Olcea. Hinila na niya ang babae papalabas ng kagubatan.

"Pero—"

Wala narin itong nagawa pa kundi ang sumunod na lamang sa kaniyang pagtakbo.

Bakit ngayon lang kasi sumagi sa isipan niyang delikado ang maabutan ng gabi sa gubat na iyon? Muntik na sanang madala sa kapahamakan ang babaeng minamahal niya. Baka ito na naman ang isumpa ng diwatang iyon, at hindi niya talaga mapapatawad ang sarili kapag may magyaring masama kay Olcea.

Tumigil na siya sa pagtakbo at paghila rito nang tuluyan na silang makalayo sa gubat. Agad niya itong binalingan at sinipat ng tingin.

"Okay ka lang ba, Olcea? Wala ka bang kakaibang nararamdaman?" Hinawakan pa niya ang pisngi nito at sinipat ang kabuuan.

Tinignan niya rin ito mula ulo hanggang paa. Amused na amused naman itong nakatitig lamang sa kaniya.

"Olcea? Ano sumagot ka, huwag mo naman akong pakabahin ng ganito. A–ano may nararamdaman ka ba kaya't hindi ka makasagot sa akin?"

Bigla itong napahagalpak ng tawa na siyang ikinataka niya. Shit! Ito na ba ang sumpa ng diwata kay Olcea? Ang gawing baliw ito?!

"O–olcea, sabihin mo sa akin—"

Napatigil siya sa kaniyang pagsasalita nang bigla siya nitong higitin papalapit sa mukha nito. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata dahil sa gulat. Hinila nito ang kwelyo niya saka hinaplos ng isa nitong kamay ang kaniyang pisngi. Shit! Mukha yatang maiihi siya sa nararamdamang kilig sa mga oras na ito.

"O–olcea..."

"Just say my name, baby. Just say it," bulong nito sa kaniyang tainga na siyang dahilan kung bakit siya napalunok nang wala sa oras.

Ikinawit nito ang mga kamay sa kaniyang leeg na siyang nagpatayo ng lahat ng balahibo sa kaniyang katawan.

"Ang gwapo mo talaga, Oddy. Napakagwapo mo," sabi nito sa kaniya na mukhang lasing. Titig na titig pa ito sa kaniya, isang malalim na titig.

Kinuha niya ang kamay nito sa kaniyang leeg na nakakawit. "Olcea, namamalik mata ka lang siguro. Halika na at ihahatid na kita—"

"Ayaw ko," matigas nitong tugon.

Hinila ulit siya nito at inilapit ang mukha niya rito. Ibinalik rin nito ang mga kamay sa kaniyang leeg at kumapit itong muli. Lumalalim na rin ang hininga niya at sigurado siyang ganoon rin ang nararamdaman ni Olcea. Dumaloy ang bolta-boltaheng kuryente sa buo niyang katawan nang isandig ni Olcea ang mukha nito sa kaniyang dibdib. Inamoy-amoy siya nito na siyang ikinagulat niya nang husto.

Hindi lang sa kaniyang dibdib kundi papunta na sa kaniyang leeg. "O–olcea, halika na, umuwi na tayo."

Nahihiya siya rito. Siya mismo ang nandidiri sa sarili niya. Hindi manlang siya nahihiya na hawakan ni Olcea ang kulubot niyang leeg at kamay. Tapos ngayon hinahayaan pa niya itong amuyin siya. Ang kapal naman yata ng mukha niya.

Umangat ito ng tingin sa kaniya at sinalubong ang mga mata niya. Seryoso ito at walang halong salamangka o sumpa ng diwata ang namamagitan rito. Normal pa rin si Olcea.

"Gusto ko pang maamoy ka, Oddy. Gusto ko pang mayakap ka ng ganito. Gusto ko pang pagmasdan at makapiling ka nang ganito kalapit. Gusto pa kitang makasama kahit kaunting oras lang..."

Muli itong sumandig sa kaniyang dibdib at inamoy siyang muli. Ang mga kamay na nito ay nakayapos sa kaniyang buong katawan. Isang mahigpit na yakap ang iginawad nito sa kaniya. Mukhang wala na siyang magagawa pa. Napakahina niya talaga pagdating kay Olcea. Hindi siya nag-iingat.

He is so careless. And she whisper.

"Mahal na yata kita, Oddyseus."


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C12
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login