Baixar aplicativo
64.78% Broken Trust | Completed / Chapter 46: Chapter 44

Capítulo 46: Chapter 44

Chapter 44: Acquiantance Party

Ngayon araw na gaganapin ang Acquiantance Party. Actually, I woke up at exact 6 AM even the program will start at the afternoon. Alam ko naman kung bakit maaga akong nagising it was because I am super excited to see Oliver later. 5 PM ang start ng program pero kailangang 4-5 ay nasa school na. Sa field ng campus gaganapin iyon.

1 PM na at kasalukuyan na akong inaayusan ni Mama. Sa kanya ako nagpapa-make up at nagpapaayos ng buhok kaysa naman umalkila pa ako ng make-up artist, ayaw ko naman gumastos pa.

"Susunduin ka ba ni Oliver?" Tanong ni Mama habang kinukulutan ang buhok ko gamit ang curling iron. Nag-request ako sa kanya kung puwede niyang kulutan 'yong laylayan lang ng buhok ko pero 'yong sa ibabaw ay walang gagawin.

"Hindi raw po."

"Nagparamdam na ba siya sa 'yo kanina?" Sunod niya pang tanong. Ikinuwento ko na kasi sa kanya 'yong tungkol sa pagiging multo ni Oliver kagabi.

"Not yet. Tanging last message niya pa lang po sa akin 'yong kagabi," Malungkot kong sagot.

"Aw.. Don't be sad my baby girl. Makikita mo rin naman siya mamaya katulad ng ikinuwento mo sa akin. Just enjoy the party and wait for what will happen next," I smiled at her warmly.

Nag-i-imagine rin ako kanina kung anong klaseng sorpresa ang gagawin ni Oliver. 'Yong mala-wattpad ba? 'Yong tipong kami 'yong magiging center of attraction ng mga tao. Or baka naman ay 'yong kakanta siya sa stage at unti-unting lalapit sa akin. Gosh. P'wede na bang pabilisin 'yong oras at tumungo na ako agad sa sorpresang iyon?

Nang pagkatapos akong ayusan ni Mama ng buhok ay nilagyan niya ito ng flower crown. Tiningnan ko muli ang sarili ko sa salamin, sobrang simple lang ng make up ko that which is I liked. Gusto kong maging presentable kapag kaharap ko na si Oliver mamaya.

"Anak, suotin mo na 'yong dress mo. You will more beautiful if you wear it," Sinunod ko ang utos niya dahil pumasok na agad ako sa banyo para suotin 'yong dress na binili ko kahapon. This is a pink dress and floral print with fabric of chiffon material. Maliit lang 'yong sleeves nito at saktong-sakto para sa akin.

Pagkatapos kong suotin iyon ay lumabas na agad ako sa banyo at ipinakita ito kay Mama. Malaki ang ngiti niya at tila'y gandang-ganda siya sa akin.

"You're super beautiful, anak. Ang suwerte ni Oliver sa iyo," Puri niya sa akin. Nakaramdam ako ng pag-init ng pisngi when she mentioned the name of Oliver. Nahiya ako masyado kay Mama.

"Ako rin po, masuwerte sa kanya."

"Hay nako. Haha. Halika, lapit ka nga sa akin," Humakbang ako patungo sa kanya habang deretso lang tingin. She held my hand and I feel she's feeling something emotionally. I don't know why. "Anak, kung ano man ang mangyayari mamaya. Just enjoy the party, huwag masyadong mag-expect ng mga bagay-bagay na gusto mong mangyari. Natatakot akong baka masaktan ka," Nagtaka ako nang sabihin niya iyon. Hindi magagawa ni Oliver na saktan ako o paasahin, basta makita ko lang siya, okay na ako. Swear. Hindi na ako magtataka kung saan ako nagmana ng pagiging over thinker ko.

"Mama naman. Huwag OA. I can handle myself, 'Ma. Kung hindi man ma-reach ni Oliver 'yong expectation ko, okay lang po iyon basta makita ko lang siya mamayang gabi, buo na ang araw ko."

"Paano kapag hindi siya nagpakita?" Natigilan ako nang tanungin niya ako ng ganoon.

"Uhmm..." I bit my lower lip. Napatanong din ako sa sarili ko kung paano nga kapag hindi siya nagpakita? Gosh. "Imposible po iyong sinasabi mo."

"O s'ya. Maghihintay lang ako ng taxie sa labas para masakyan mo mamaya. Tatawagan na lang kita rito kapag meron na. Ayusin mo pa iyan sarili mo."

"Sige po."

Nagsimula na siyang maglakad palabas ng kuwarto ko. Umupo ako sa kama ko at aksidenteng napatingin sa salamin na katapat ko. Bakit ganoon? Bakit ganito hitsura ko? Bakit ang ganda ko?

Bagay na bagay sa akin 'yong dress na suot ko but I feel like I'm still missing of. Hindi ko alam kung ano iyon ngunit ramdam ko. Sinuri ko pa ang sarili ko when I finally got the reason why. I didn't wear yet the necklace that Oliver's gaves to me. Kinuha ko agad iyon sa isang kahon at isinuot ito. Gosh, mabuti't naalala ko 'to.

"Anak! May taxie na rito!" Rinig kong sigaw ni Mama kaya agad kong kinuha 'yong pouch ko at bumaba na.

"Pangatlong beses ko na itong ipapaalala sa iyo pero sana'y mag-enjoy ka mamaya. Lalo na't ngayon taon ka lang aattend ng aquiantance. Hindi kita pagbabawalan kung anong oras ka uuwi basta huwag kang uumagahin. Klaro, baby girl?" Tumango lang ako kay Mama at nagpaalam na bago pumasok sa loob ng taxie.

-

Mga 3:30 PM ako nang makarating sa school. Pagkababa ko sa taxie, agad kong nakita sina Claire at Jess mula sa gate. Hinihintay pala nila ako. Nagbeso-beso muna kami nang makita nila ako.

"Nakakatibo ka, Jamilla," Sambit ni Claire sa akin.

"Loka ka."

"No jokes, Jamilla. But you're so gorgeous!"

"You, too guys."

Ang suot ni Jess ay ang swing loose summer hawaiian dress, samantalang si Claire ay off-the-shoulder crop top in Floral print. Ang gaganda rin nila. Naka-rebond ang buhok ni Jess at 'yong kay Claire naman ay naka-ponytail but I know she will remove the floral hair scrunchies later on.

"Let's go! Naghihintay na raw 'yong dalawang boys sabi nila sa akin," Nagsimula nang maglakad si Claire kung kaya't sumunod na kami sa kanya.

Medyo marami-rami na ang mga estudyante nang pagkarating namin sa field. Hindi naman ganoon kalakihan at hindi rin naman gano'n kaliitan 'yong field na meron itong school namin. Kumbaga, sakto lang kapag may ganitong event.

"Yow! Girls!" Bati sa amin ni Rico ngunit kay Jess agad napadako ang tingin nito. "Ang ganda mo. 'Langya ka, my Jess."

"Mura ka pa, eh. Small thing, Rico," Ani nito. "Biro lang. By the way, ang hot mo d'yan sa suot mo."

"Huwag ka ganyan, my Jess. Mas lalo akong na-fa-fall sa iyo," Kinikilig nitong sabi kaya napatawa na lamang ako.

"Hey. Selfie tayo. Hindi ko papalagpasin ang panahon na sobrang ganda mo. Ang ganda mo na nga kapag walang ayos, may sosobra pa pala," Puri rin ni Aivin kay Claire. Namula si Claire at hindi makatingin nang maayos kay Aivin. Ito 'yong nakakatuwa kay Claire, eh, kapag bumabanat si Aivin, lagi siyang tiklop dito.

"Ang pogi mo."

"Siyempre maganda ka, eh. Dapat gwapo rin ako."

"Loko ka, Aivin," Sabi nito sabay mariin niyang pinalo ang braso ni Aivin.

Aivin wearing a polo shirt in floral print habang naka-white short pants siya. Samantalang si Rico naman ay naka-polo shirt din katulad lang din no'ng kay Aivin ngunit ang pinagkaibahan lang nito ay 'yong mga kulay no'n. Naka-short pants din siya ng light brown.

Kinuha ni Aivin 'yong phone niya at nag-selfie silang dalawa ni Claire.

"Ang lalandi niyo. Paano naman ako rito?" Paawa kong tanong.

"Andyan ka pala?" Sinamaan ko ng tingin si Rico nang sabihin niya 'yon. Bwiset na ito, hindi manlang ako napansin dito. Mas inuna ang pakikipaglandian.

"Tarantado ka."

"Hintayin mo lang siya. Darating din iyon," Sambit ni Aivin. Kahit hindi niya na sabihin kung sino iyon, alam kong si Oliver ang tinutukoy niya.

"Kailan? Gusto ko na siyang makita."

"Hintay ka lang, bes."

"Kaya nga, magkakaroon ka rin ng kalandian mamaya," Hirit naman ulit ni Rico kaya agad ko siyang binatukan sa ulo.

"Alam mo? Nakakainis ka na."

"Wala naman nakakainis sa sinabi ko, 'di ba?"

"Ewan ko sa iyo!" Umalis ako kanila at pumunta sa mga kaklase ko. Nakipagpa-picture ako sa kanila gamit ang phone ko at ganoon din sila sa akin.

Naglibot-libot lang akong mag-isa sa buong field, tinitingnan ko lang 'yong mga design dito. Punong-puno ng bulaklak ang paligid at dahon, kung aakalain ay parang nasa lugar ako ng mga dyosa dahil sa ganda ng ayos.

Hindi pa naman nagsisimula ang acquantance at tila'y tirik na tirik pa rin ang araw ngunit maya-maya ay lulubog na rin. Mabuti nga't hindi maiinit ang simoy ng hangin.

Saktong paglilibot ko ay biglang nagtama ang paningin namin ni Prince, I smiled at him widely but he doesn't give to me the same thing. Kumunot na ang noo ko at naisipang lumapit sa kanya.

"Huy, Prince? Ba't parang nakakita ka ng multo?" Titig na titig pa rin 'yong mga mata niya sa mukha ko. "Huy! Okay ka lang?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko para kalugin siya. Gosh.

"Ang ganda, ang s'werte niya," He wispered.

Tiningnan ko ang suot niya. Simpleng-simple. Naka-t-shirt lang na floral at nakashort. Kung titingnan, mukhang hindi niya pinaghandaan ang event na ito.

"Sinong masuwerte?"

"Nevermind," Uminom siya sa baso na hawak niya. "May kasama ka?"

"Wala nga, eh."

"Hinihintay mo siya?" Kahit hindi niya banggitin ang pangalan ni Oliver, alam kong siya rin ang tinutukoy nito.

"Oo, eh. Ang tagal nga niya."

"Uhmm.. I see. Kating-kating ka ng makita siya."

"Sobra, Prince. Kung alam mo lang kung gaano ko siya na-mi-miss ngayon," He just smiled at me. "Ikaw? Wala kang kasama?"

"Meron naman. 'Yong mga classmates ko lang."

"Ah."

"Good Afternoon, everyone!" Napatingin kami sa emcee na nagsisimula nang magsalita sa stage. Magsisimula na pala but I still can't find where Oliver is. Dumating na ba siya? Gosh. Gaano kaya siya kagwapo mamaya kapag nakita ko na siya? Excited na ako.

Nagpaalam na muna ako kay Prince to go back to my friends. I decided to sat on one of the chairs that where my friends sat, too. Nakasimangot akong umupo kaya sa akin sila nakatingin.

"Huwag kang mag-alala. Darating din iyon," Claire said.

"Ang oras? I was craving to see him."

"Don't worry. Just enjoy the party instead. Maya-maya nandirito na rin iyon."

"Tara, nood tayo ng banda doon!" Yaya ni Rico kaya sumama sila dito maliban lang kay Claire na nagpaiwan. Sasamahan niya raw ako.

"Kumusta na kayo ni Aivin?" Tanong ko sa kanya at ngitian siya nang nakakaloko.

She smiled at me widely."Okay na. Dapat pala hindi ko muna siya pinagdudahan na hindi niya ako gusto. Look, I get wrong. Tama ka nga, busy lang talaga siya sa mga projects."

"Mabuti ka pa. Si Oliver kasi, wala."

"Gosh. Nag-message ba siya sa iyo kung nasaan na siya?"

"Not yet."

Hindi na siya sumagot pa, instead she wallked out, leaving me alone from our table. Hindi na raw siya makatiis para manood ng banda.

Samantalang ako, hinihintay lang si Oliver na dumating. Besides, hindi ako mahilig manood ng banda.

-

Malapit nang magsimula 'yong party at katatapos lang mag-perform no'ng sa banda at 'yong sa dance showdown din. Pero heto ako, I've been sitting here for almost 3 hours and waiting for Oliver to arrive here. At madilim na rin 'yong kalangitan. Kanina ko pang damang-dama 'yong boredome sa kakahintay.

Dumating na muli 'yong mga kaibigan ko at nagtatakang tumingin sa akin.

"Hindi ka nanood?"

"Wala ako sa wisyo para manood doon."

"Wala pa ba siya?" Tanong sa akin ni Jess. I nodded at her.

"Darating din iyon."

"I hope so."

"Tara, kung ikinakain mo na lang 'yan paghihintay mo. Mas mabuti pa," Yaya sa akin ni Claire. She mandatory held my hand just to stood up and follow her. Wala na akong nagawa kung hindi, magpatangay sa hila niya.

Pagkarating namin sa buffet table ay takam na takam ako sa mga masasarap na pagkain at halatang pangmayaman. Amost everything here I haven't eat it before. Kaya mas naiisipan kong lubusin na at kumuha na ng madami.

Nang pagkabalik namin sa table ay gulat silang napatingin sa plato ko. Halos puno-punong na kasi ito nang iba't ibang pagkain.

"You are going to eat that all?" Aivin aksed then he chuckled.

"Oo naman."

Saktong nakain kami ni Claire ay nagsalita na ulit 'yong emcee para simulan na 'yong party. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali sa inuupuan ko dahil inip na talaga akong makita si Oliver. Kanina pa ako lingon nang lingon sa entrance kaso hindi pa rin siya nadaan doon. Hays.

Nang magpatugtog na ng love song ay kanya-kanyang tayuan ang mga lalaki at naghahanap ng babae para maayang isayaw ito. Ganoon din si Rico kay Jess. Pumayag naman si Jess. Pakipot pa itong kaibigan ko minsan, gusto rin naman. Bahagya akong napailing-iling.

"Sayaw tayo?" Aya ni Aivin kay Claire.

"Nakain pa ako. Mamaya na,"

"Kuya? P'wede ko pa kayo isayaw?" Tanong ng isang babae kay Aivin. Tumingin si Aivin kay Claire senyas na nagpapaalam ngunit siya na ang sumagot sa babae.

"Sorry. Isasayaw na niya ako. Tara, Aivin," Nadismaya ang babae at umalis na. Tumayo na silang pareho at pumunta na sa gitna kung saan ginaganap 'yong sayawan. Natawa na lamang ako nang mariin.

They left me again in this table, with their partners. Ipinagpatuloy ko ulit ang pagkain ko. Pagkatapos no'n, ipinako ko na lang ang paningin ko sa crowd. Pinanonood ko kung paano silang magsayaw. May ilan na kayakap 'yong kanilang mga jowa habang sumasayaw, may ilan na ordinaryo lang na nagsasayaw at may ilan na gumagala para maghanap ng maaaya.

"Shall we dance?" May bigla nag-alok sa akin at inilahad ang kamay sa harapan ko. Sinundan ko 'yong braso nito at nalaman na si Prince pala iyon.

"Of course."

Hinawakan ko 'yong kamay niya at pumunta sa gitna. Habang nagsasayaw kami I can't looked at him directly, naiilang ako lalo na't tinititigan niya talaga ako. Gosh, baka matunaw ako niyan.

"Stop staring at me," Suway ko sa kanya.

"I can't."

"Huh?"

"Nothing," Iniwas niya 'yong tingin niya sa akin at ibinaling sa ibang direksyon.

Sobrang awkward nitong pagsasayaw namin. Sadyang nagpapatuloy lang kami sa pagsasayaw at hindi nag-uusap. Hindi ko alam kung bakit. Gosh. Parang ang intense nito.

Natapos kami nang magpatugtog na ng party music. Binitawan ko na siya at agad tumungo sa upuan ko. Ngunit bago iyon, ang daming estudyante pa ang nag-papicture sa akin kahit hindi ko naman sila kilala. Gosh, bakit kasi ang ganda ko?

Nang pagkarating ko sa table namin ay nandoon na rin 'yong mga kaibigan ko.

"Himala, tumayo ka na."

"Baliw, niyaya ako ni Prince na magsayaw kanina."

"Asaan na siya?"

"Ewan. Basta, binitawan ko na lang siyang bigla nang tumugtog na ng party music."

Umupo na ako at nanood muli sa crowd. Lahat ng tao ay ine-enjoy ang gabing ito. Kitang-kita sa kanila kung gaano sila kasaya. Habang ako, unti-unti na nawawalan nang pag-asa kung darating pa ba si Oliver. Hays. Sana dumating siya.

-

Naiwan na naman akong mag-isa sa table namin dahil 'yong mga kaibigan ko ay umalis ulit.

I looked at my wristwatch to check the time. It's already 9:30 PM. I check my inbox too if I receive a message coming from Oliver but it's empty. Gosh. Darating pa ba 'yon? Pinapaasa niya lang ako.

Nakasubsob lang ako sa table ng ilang oras kanina, may mga nagyaya sa akin para isayaw ako but I declined. Wala ako sa mood para magsayaw ng iba kasi gusto ko nang isayaw 'yong taong gusto ko. Gusto ko na rin siyang mayakap.

"Are you okay?" Itinunghay ko ulit ang ulo at tumingin sa taong nagtanong sa akin. Si Prince.

"Yeah."

"Did he come?"

"No yet."

"Darating din iyon."

"Sana."

He sat on the table which is next to mine, on the chair adjacent to me. Wala pa naman 'yong mga nakaupo rito dahil nasa crowd pa.

"Kapag nag-11 na and he didn't come yet? It's better to go home," I grimace.

"Sabay na tayo."

"Huwag na. You should enjoy this night."

"You should, too," Tumingin ako sa kanya at pansin kong nakatingin pala siya sa akin.

"Hays," Buntong-hininga ko. "Wala pa 'yong kasiyahan ko, so I can't"

"Ang suwerte niya sa iyo, 'no?"

I chuckled. "Ulit-ulit?"

"Nasabi ko na pala iyon. Haha," Lumingon na siya sa crowd at ipinako ang atensyon niya rito. "Sige, punta lang ako sa mga kaklase ko."

-

"Jamilla?" Tinunghay ko 'yong ulo ko mula sa pagkakasubsob sa lamesa when I heard my name calling by microphone. Nasilaw ako dahil sa spotlight na nakatapat sa akin ngayon. "Jamilla!" He repeated.

Buo ko nang narinig ang boses na iyon at sigurado ako kung kanino iyon, kay... Oliver.

Tumayo ako habang tinatakpan ang mata ko dahil sa sinag ng spotlight. Bahagya kong sinilip-silip 'yong stage at napagdesisyonan na maglakad patungo doon.

"Oliver? Ikaw ba iyan?"

Pansin ko, lahat ng estudanye ay nasa akin ang atensyon. May mga hawak na camera 'yong iba at alam kong vini-video-han kami. Gosh.

Nang medyo makalapit na ako sa stage, I saw a figure of man and I know that's a man who I been waiting for one week. Hindi na ako makapaghintay, so I ran towards him and quickly hugged him so tight. Na-miss ko siya, na-miss ko 'yong amoy niya, na-miss ko 'yong ngiti niya at lahat-lahat miss ko sa kanya. Gosh.

"Do you miss me?" He asked. Also his voice, I miss it.

"Of course," I sencerely said.

Ilang segundo rin kami nagyakapan bago siya nagsalita muli.

"But wait. I have a question for you," Inilayo niya ako sa pagkakayakap at tiningnan ako nang maiigi. Lumuhod siya sa harapan ko at dahan-dahang may kinuha mula sa bulsa niya.

Gulat akong tumingin sa kanya when he putted out the lil red box. Napanganga ako at hindi makapaniwala. Ano 'tong ginagawa niya? Gosh.

He opened it slowly and took the silver white ring with a pink diamond in the center. Ang ganda ng nakikita ko. Tunay na tunay. Ito na ba 'yong nabanggit na sorpresa raw ni Oliver para sa akin? Hindi ako makapaniwala. Nawiwindang din ako sa nangyayari.

"Will you be my girl?"

Umingay ang buong crowd at halos lahat ay naghihintay ng sagot ko.

"Oo naman," Mangiyak-ngiyak kong sagot. Isinuot na niya iyon sa aking daliri at agad akong niyakap nang mahigpit. Nag-ingay ang mga estudyante dahil sa amin. Ito 'yong hinihintay kong experience na mala-wattad. Hindi niya ako binigo.

This night will be a memorable night.

"Bes, wake up!" Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Jess. Agad akong tumayo at tumingin sa stage, nandoon ako kanina pero paanong napunta ulit ako dito sa kinauupun ko?

"May problema ba?" Hindi ko iyon sinagot dahil dismaya akong umupo muli.

It was a dream? Nakatulog lang pala ako. Punyeta, okay na iyon, eh. Kahit panaginip lang iyon ay sana hindi na dapat ako ginising. Ganoon 'yong gusto kong mangyari ngayon, ganoon 'yong inaasahan ko.

"Wala pa ba si Oliver?" Tanong ko sa kanila.

"Wala pa," Napahalukipkip ako dahil sa sagot na iyon.

I got my phone and I quickly message Oliver. Hindi ko na talaga kayang tiisin na makita siya ngayon. Ayaw ko nang maghintay, lalo na't 'yong hinihintay ko ay parang hindi darating. Wala rin naman saysay itong gabing ito.

Aksidente kong natingnan kung anong oras na at 10:45 PM na pala pero punyeta wala pa si Oliver. Darating pa ba 'yong gag*ng iyon?!

Jamilla:

Gag* ka.

Time: 10:46 PM

"Bes?" Tawag sa akin nila Claire. Mabuti pa sila, nasulit itong aquiantance party. Samantalang ako, kulang na lang ay lumubog na sa kinauupuan ko.

"Punyeta," Bulalas ko. "7 hours na akong naghihintay sa kanya, pinapaasa niya lang ako," Mangiyak-ngiyak kong sabi. Pumunta sina Claire at Jess sa direksyon ko at niyakap agad ako.

"Hahabol iyon."

"Hahabol? 7 hours 'yong biyahe? Gaano kalayo 'yong school natin sa condo niya?!" I combed my hair by my fingers. "Sabi na nga ba, dapat hindi na lang ako umasa na darating pa siya."

"Malay mo naman."

"I want to go home now. Ayaw ko nang hintayin 'yong taong walang balak dumating."

"Mamaya na. Baka dumating pa nga siya."

"Gosh. Hindi na iyon. Look, malapit na mag-11 and one hour to go, this acquiantance party will end." Mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Shh," Hinagod-hagod ni Jess ang likuran ko while Claire patted my sholder gently.

Ramdam kong umiinit 'yong pisngi ko dahil sa agos ng luha na galing sa mga mata ko. Punyeta talaga. Ngayon lang ako nakapagmura nang ganito. Hindi ko na kasi kaya. Pinaasa niya ako na darating siya pero hindi. Umasa ako sa wala.

"Rico?" Tumingin siya sa akin. "This is the surprise that your talking about? 'Yong hindi siya magpapakita sa akin? 'Yong paasahin ako?" Tumahimik lang siya.

Bumuntong-hininga ako. Maarte na kung maarte. OA na kung OA. Pero punyeta, eh. Buong gabi, nakaupo lang ako dito habang hinihintay siya, kaso hindi naman darating. Pinaasa niya ako. Masyado kasi akong nagpabilog doon sa mga sinasabi niya. Gosh.

He's the only reason why I attended on this kind of event but eventually, he didn't come. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kay Oliver. Punyeta, dapat nga ay hindi na ako pumunta rito kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari. Nakaka-fustrated.

Lahat ng mga kaibigan ko ay hindi na umalis sa table namin. Pinainom na lang nila ako ng tubig upang pampaklama. Umasa pa kaming hintayin si Oliver hanggang matapos na 'tong ganapan. Kahit uwing-uwi na talaga ako.

-

Tapos na 'yong Acquaintance Party at nakatulala lang ako sa kung saan.

"Bes, tara na?" Yaya sa akin ni Claire para umuwi na dahil halos lahat ng estudyante ay lumabas na ng school. Kakaunti na lang kaming naiwan.

Pumunta kaming parking area na tila'y wala akong sarili. This is a kind of things that I'm really hate of. 'Yong mangangako na hindi tutuparin. Punyeta, pareho sila ni Papa. Pinaasa lang ako. Hindi na ako magtataka kung bakit ganito ako mag-react kasi allergic talaga ako sa mga ganoon. Expectations usually lead to disappointments.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C46
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login