Baixar aplicativo
30.98% Broken Trust | Completed / Chapter 22: Chapter 20

Capítulo 22: Chapter 20

Chapter 20: Worst Day

"Someone gave me these a lot of chocolate candies, so I decided na ibigay sa inyo 'yong iba. Ang dami kasi." I'm with my bestfriends here in cafeteria. Lunch na at himala hindi ko kasama si Oliver ngayon. Gosh! Sawang-sawa na 'ko sa pagmumukha niya.

Iniligay ko naman 'yong mga chocolate candies sa 'mesa at kinuha naman nila ito.

"Sino nagbigay?" Tanong sa akin ni Jess.

"I don't know." Sagot ko naman.

"Huh?"

"Hindi ko alam kung kanino galing ito, basta nakita ko na lang sa table ko kanina."

"Woah?.. So? It means, someone wants to become your secret admirer? Iba talaga ang ganda ng isang Jamilla." Tanong pa niya sa akin at bola habang kumakain ng chocolate na binigay ko. She already done with her lunch, ginawang dessert na lang 'yon. Sus, hindi naman ako gano'n kagandahan. Simple lang naman ako. Simpleng paglalagay lang ng make-up at simpleng pananamit. Ewan ko ba, kung bakit sila nagagandahan sa 'kin.

"Baliw." Hinampas ko siya sa braso niya nang mahina. "Pero yup, sabi niya sa akin magiging secret admirer ko raw siya."

"Oww.. e di nakausap mo na pala?" She asks me again. Ang dami naman tanong ng babaeng 'to.

"Oo, but in the different way, bigla siyang tumawag sa akin kanina, of course, nagtaka ako. I asked him how he got my number, sabi naman niya nakuha raw niya sa FB account ko. Gagawin ko na ngang private 'yon mamaya, baka may tumawag pa ulit."

"Oo nga. Baka ma-victim ka rin ng mga scammer." Pagsang-ayon niya sa 'kin.

"At alam mo ba? Nagulat nga 'ko kasi sabi niya sa akin ay magiging boyfriend ko raw siya. Like duh! Ang lakas ng loob." Saad ko sabay subo ng kanin. Nakita ko sa gilid ng mata ko na unti-unti siyang ngumingiti nang malapad na may kasama sigurong kilig.

"Seriously? Omg. Mga lalaki nga naman." Hirit niya. "But it seems your life story will be like a novel with have an happy ending. Ang sweet niya sa 'yo, eh. Look, ang daming chocolates, at nag-effort pa siyang tawagan ka. Paano pa kaya kapag naging kayo na?" Kinikilig niyang saad. Agad-agad? Kaunting effort lang 'yon nagawa no'n tao ay magiging happy ending agad? Ang OA. T'saka hindi ko pa nga 'yon kilala. Baka trip lang niya akong paasahin dahil ayun 'yon pustahan ng barkada nila. Psh.

"Imposible, wala nang lalaki ngayon na hindi mangloloko, sa una ang effort at 'pag naging kayo na, mawawala na. Kaya nga, mas masaya pang nililigawan ka na lang. Kung maaari nga, 'wag nang sagutin eh, para lagi niya nai-ipakita 'yong effort niya at kung totoo bang gusto ka niya."

Tumingin siya sa akin na may kasamang gulat. Wala naman mali sa sinabi ko, I was just saying the truth.

"Grabe ka naman, how you so sure about that?" Nakataas niyang kilay na tanong sa akin.

"Kasi alam ko na. Tingnan mo si Papa, akala ko masaya kami, akala ko perfect 'yon family namin, akala ko hindi niya kami iiwan. But then, where he was now? Sa bagong niyang pamilya na matagal na niyang tinago sa 'min. How cheater he is." Sumubo ulit ako ng kanin. Sa totoo lang, I don't even feel pain, siguro inis, galit, yamot at poot 'yon laman ng puso ko para sa kanya at mga katanungan na hindi ko mahanap kung na saan 'yong tunay na sagot. It's been 4 years since he left us without saying goodbye. Fresh pa rin sa isipan ko kung gaano nasaktan si Mama. But nevermind. Huwag nang balikan ang mga masasakit na ala-ala kasi wala naman mapapala.

"I understand you Jamilla, I'm sure hindi ka matutulad sa mama mo dahil alam kong matapang ka, at alam kong may natutunan ka sa mga nangyari sa mama mo." Naramdaman kong inakbayan niya ako. Sana totoo 'yan sinasabi mo Jess, kasi wala pa akong kilalang lalaking hindi nagloko. Sinuklian ko naman siya ng ngiti at gano'n din naman siya sa akin.

"Basta ba 'pag may ibibigay ulit siya sa 'yo na katulad ng gan'to. Pahinga kami ah?" Pakiusap ni Jess, tumango ako na may kasamang ngiti bilang pagsang-ayon. I accidentally take a glance to Claire and Aivin having their own world. Yes, kanina pa namin sila kasama pero hindi namin ramdam ni Jess 'yon presence nila.

"Mag-jowa na ba kayong dal'wa?" 'Yong kaninang nagtatawanan ay naging blanko ang mga mukha, pareho silang humarap sa akin at yumuko. Para silang mga bata na nakagawa ng masamang bagay. Jusko, one week palang sila magkakilala, parang sila na agad. Hindi manlang nagpakapabebe itong si Claire.

"Kami?" Aivin asked.

"Siguro kami ni Jess." Pilosopo kong saad sabay yakap kay Jess. Childhood friend ko nga 'tong si Aivin, slow rin.

"So ano nga? Kayo na?" I repeated my question.

"Hindi." "Hindi pa." Sabay nilang saad habang nakaharap na sa amin ni Jess. Magsasalita na sana ulit ako pero biglang sumabat si Claire.

"Anong hindi pa? Bakit may 'pa'? Hindi mo naman ako gusto at hindi ka naman nangliligaw!"

"Hindi pa ba? Last week pa ako nagsimula para ligawan ka ah. Hindi ba obvious?" Nag-form ng circle ang labi ni Claire dahil sa gulat. Kahit kami ni Jess ay nagulat din. Kakaiba itong si Aivin, dati sobrang torpe pero ngayon one week pa lang sila magkakilala ni Claire ay nasabi agad niya na may gusto siya rito. Pero teka nga, no'n nasa Laguna kami, sabi niya sa akin 'study first' daw muna siya. Hmm.. People change nga naman.

Hindi ko naman masisisi si Aivin kung bakit gano'n na lang kadali para magustuhan niya si Claire, maganda siya at masayang kasama although sometimes nakakabwiset na.

"Bakit hindi mo sinabi?"

"Gano'n ako eh. Hindi naman kailangan sabihin pa kung kaya ko naman iparamdam." Banat ni Aivin. Halata sa mukha ni Claire ang kilig dahil sa pula ng mukha nito at sa pagpipigil nito ng ngiti.

Hindi ko na naman siguro kailangan tulungan pa si Claire para ilakad siya kay Aivin, like what she requested to me last week. Whoo. Sumagi na naman sa isip ko 'yon natapunan ako ng tubig. Bwiset Oliver, ayun 'yon araw na ginawa niya 'kong slave.

"Yieeee namumula!" Asar ni Jess kay Claire. Ganiyan talaga 'pag may kaibigan kang walang lovelife, taga asar.

"Stop doing that, Jess." Suway ni Claire sa kanya. Asus, kunwari naiinis kahit gustong-gusto naman. 'Wag ako.

"Naku! Claire next year mo na lang sagutin 'yan si Aivin para machallenge natin kung totoo ba 'yan pangliligaw niya sa 'yo." Sumubo ulit ako ng kanin. Kunot-noong tumingin sa akin si Aivin.

"Grabe naman. Bata pa lang tayo you know who I am, hindi ko kayang makasakit ng puso ng babae, lalo na 'tong bestfriend mo. Nagtataka nga ako ang bilis kong tamaan dito."

"Yieee! Yiee! Kinikilig na talaga 'yan." Pang-aasar pa ulit ni Jess kay Claire.

"Parang t*nga. Tumigil ka nga!" Even she cannot be able to tell us what her feeling right now, I know punong-puno na ng saya at kilig ang puso niyan.

Tuloy lang sa pang-aasar si Jess at tuloy lang din sa pagpigil dito ni Claire. Nagiging awkward tuloy ang atmosphere nila Claire at Aivin, hindi kasi magawang kausapin ni Claire si Aivin dahil siguro'y nahihiya pa, unlike kanina na nagtatawanan sila. Hays! Nape-predict ko na magtatatalon 'yan si Claire sa kama mamayang pag-uwi.

Ngayon ko lang nakita kung paano kiligin ng sobra si Claire. Hindi naman siya nagiging-speechless everytime na may umaamin sa kanya sa halip ay tinatawanan niya lang ang mga ito, tanging dito lang talaga kay Aivin siya tumahik. Masaya ako para kay Claire, agree naman ako sa sinabi ni Aivin na hindi siya marunong makasakit ng puso ng mga babae, even we're in Laguna, sobrang careful niya sa akin, though magkaibigan lang kami.

"Ayan na sundo mo." Bulong sa akin ni Jess.

"Huh?" Sinong sundo? Wala naman akong driver. Nilibot ko ang mata ko para hanapin kung sino tinutukoy niya, bigla akong napatitig sa nilalang na palapit na naglalakad papunta sa akin. Ba't parang ang lakas ng appeal niya? Ba't parang tuluyan niyang kinuha 'yon attention ko? Stop Jamilla, back to yourself.

"Siya pala 'yong mas bagay sa 'yo hindi 'yon secret admirer mo." Bulong pa ni Jess sa akin. Hindi ko na siya pinansin dahil bigla na nagsalita si Oliver na ngayon ay nasa harapan ko na. Jusko.

"Hey! Tiger Girl. Your free time has been ended now. Kaya tara na." Sinimangutan ko siya.

"Yieee! Tiger Girl daw oh." Sa akin napunta ang pang-aasar ni Jess imbes na kaya Claire, tinutulak-tulak niya pa ako. Ramdam ko rin na nagiging center na ako dahil lahat ng nakain dito sa Cafeteria ay tanging nasa akin na. Huhu, Oliver. Gumagawa ka na naman ng eksena, in short Issue.

"Ano ba? Tumigil ka nga." Suway ko kay Jess. Tumayo na ako at binitbit ang bag.

"Bye guys! Na'ndito na kasi si boss. Hoy Aivin 'wag mong pababayaan si Claire. Sapak ka sa akin kung hindi mo iingatan 'yan." Ngumiti at tumango naman siya sa akin. Tumalikod na ako at tuluyan na naglakad, pero ilan hakbang pa lang ang nagagawa ko ay napahinto ulit ako.

"Bro, ingatan mo rin 'yan si Jamilla ha?" Rinig kong tanong ni Aivin kay Oliver.

"Kahit 'di mo na ako sabihan, I will take care of her." Napairap na lang ako at pinapatuloy ang paglalakad. As if gagawin naman niya 'yan. Ayokong maniwala pero wala naman siguro mamawala kapag kinilig ako sa sinabi niya 'di ba? Hays. Ang gulo.

-

I didn't give Oliver to wait even he is calling my name. Ramdam kong tumatakbo siya pero hindi gano'n kabilis dahil sa dami ng estudyante na nakakasalubong namin. Sinadya ko talaga na maglakad nang mabilis para hindi ko siya makasama kasi alam kong another issue na naman ito for sure. I don't know where we go, pero siguro sa room na lang namin ako pupunta.

-

"Nakakapagod Jamilla. Ang bilis mong maglakad." Hingal na hingal na saad niya. Bagay lang 'yon sa kanya. Kumuha siya ng tubig mula sa bag niya at ininom ito.

"Ano i-uutos mo?" Umupo na ako sa upuan ko at tumingin sa kanya.

"Mind Reader ka ba?"

"Bakit?" Taas kilay kong tanong.

"'Cause you already knew what the next you'll do."

"Malamang, slave mo 'ko e. Ano nga? may i-uutos ka nga?" I repeated my question. Inilagay niya sa bag niya 'yon tubigan niya.

"Yup, Ibili mo 'ko ng fries." My forehead suddenly pucker. Anong gimik ng taong 'to? Balak pa yata akong pahirapan.

"Nasa Cafeteria na tayo kanina bakit hindi-"

"Fries ng McDo ang gusto ko, pinahirapan mo 'ko habulin ka pwes ibili mo 'ko ngayon." So? 'Yon lang 'yong reason niya? Bwiset. Siguro mas mabuti nang tanggapin ko na lang 'yon utos niya kaysa makasama ko siyang maglakad kanina. Pero gosh! Ang layo ng McDo dito, ilan meters din 'yon layo. Naku po.

"Akin na 'yon pambili." Kahit sobrang labag sa kalooban ko, sinunod ko pa rin siya, wala eh, kahit mag-demand ako siya pa rin ang mananalo. Nilahad ko ang palad ko at nilagay naman niya rito 'yon pera. "4 large fries."

Nag-rolled eyes ako sa kanya bago maglakad palabas ng room namin. But after 1-2-3 steps I suddenly stop.

"It's 12:35 PM already and exact 1 PM ang start ng klase natin. 'You have to double your quickness." Tumingin ako sa relo ko at nakitang 12:35 na nga. Naku. Sabi na nga ba papahirapan ako ng taong 'to eh. Hays. "Gusto ko ngayon mo na ako ibili, ayokong mamaya pang uwian." Gosh, siya yata 'yong may mind reader eh. Magpoprotesta na sana ako kaso naunahan agad ako. Jusko. Badtrip.

Hindi ko na lang siya pinansin sa halip ay tumakbo na agad ako papunta sa parking lot kung nasaan 'yong bike ko. Ang kapal talaga ng mukha mo Oliver, kasing kapal ng gulong na ang sarap ipagulong sa putikan. Argh!

Dobleng bilis ang ginagawa ko ngayon, mabuti't wala masyadong sasakyan kaya mabilis akong nakakausad.

Nang makarating ako sa McDo, dali-dali kong pinarada ang bike ko at hindi na naisipan ikadena pa ito dahil sa pagmamadali.

Kaagad akong um-order ng Large Fries, mabuti't walang pila ngayon sa counter kahit tanghali pa lang. Maya't maya akong tumitingin sa relo ko. Pakiramdam ko, sobrang halaga ng one minute na dumaraan. Kapag na-late kasi ako sa next class ko siguradong detention ang abot ko.

Nang makuha ko na ang order ko, mabilis na takbo ang ginawa ko palabas ng McDo ngunit bigla akong nanlumo nang makita na wala na 'yon bike ko kung saan ko siya pinarada kanina. Lumibot pa ako para hanapin siya, umaasa na baka nilipat lang ni manong Guard. Pero wala talaga. Pumunta ako sa kalsada para hanapin kung sino ang kumuha nito. Pero huli na nang makita kong malayo na ito sa akin. Cleared na sa isipin ko na ninakaw 'yon bike ko. Hays. Malas, sobrang malas, napaka malas ko.

My heart starts beating harder, dahil sa kaba. Sobrang mahalaga 'yon bike ko na 'yon e. Grade 6 pa lang ako nasa akin na 'yon. I remember, regalo pa 'yon sa akin ni kuya John and it's almost 5 years na ang nagawa namin memories, tapos ngayon mananakaw lang siya nang gano'n gano'n lang? Sinong hindi malulungkot no'n? Sinong hindi maiinis?

Napaupo ako sa sahig at pinunasan 'yon pawis at konting luha na nasa gilid ng mga mata ko. Huminga ako nang malalim para pigilan ang sarili at hindi tuluyan umiyak.

"Psst! Anong ginagawa mo d'yan? Nasa gitna ka ng labasan ng mga sasakyan." Suway sa akin ng isang guwardya. Tumingin ako sa kanya bago tumayo.

"Sorry po." Tumingin ako sa relo ko to find out what's time it is now. 12:54 na pala. Kaya ko pa sanang habulin 'yon oras kung nakabike lang ako kaso wala na e.

"Ineng? Anong problema?" Mabuti naman at nagtanong siya, sana matulungan niya 'ko.

"Manong Guard 'yong bike ko po ninakaw." Tuluyan ko nang nailabas 'yon luha ko. Kahit anong pigil ang gawin ko talo pa rin ako. Why I'm so being crybaby all times?

"Hala, totoo? Dito ba nanakaw?" Natataranta niyang tanong. I noded at him as my answer. "Ineng, tara. Panoorin natin sa Cctv camera kung sino ang nagnakaw."

"May pasok pa po ako eh."

"Ahmm.. Ganito na lang ineng, ibigay mo sa akin ang number mo at tatawagan ka na lang namin kung nakuha na 'yong bike mo pero 'pag hindi ka namin na-contact ibig sabihin hindi na namin nahanap. Anong bang pangalan mo? Ineng?"

"Jamilla po." Binigay ko sa kanya 'yon mobile phone ko. Pagkatapos ay nagpasalamat na ako sa kanya at nagsimula nang maglakad pabalik sa school.

Sana mahanap nila, kahit half-half lang 'yon percentage para makita pa nila 'yon. Bakit kasi kailangan pang nakawin?

Kahit bilisan ko ang lakad ko, hindi pa rin ito makakatulong para makarating agad ako sa school, kaya mabagal lang ang ginagawa ko habang nag-pi-pray na sana makita nila 'yong bike ko, pagkatapos ay nakatulala na lang ako. Kung marami lang taxi ang nadaan sa part na ito, siguro pwede pa 'ko makarating nang sakto sa oras kaso baka matagalan ako para maghintay.

"Hayss."

Siguradong sesermonan ako nang todo ni Kuya John mamayang pag-uwi ko. Nakakabwiset naman eh. Gigil na gigil talaga ako.

-

1:20 na nang makarating ako sa school namin at nandito na ako sa tapat ng room ko. Rinig ko na nag-di-discuss na si Sir Ramos sa loob. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hays, bahala na kung ano ang next na mangyayari sa akin.

I started to knock and some moments, Sir Ramos's open the door. "Why are you late Ms. Aravello?"

"Sorry po Sir, pumunta po kasi ako ng McDo at may nagnakaw po ng bike ko kaya ngayon lang ako nakarating. Sorry po talaga." Sunod-sunod kong sabi dahil sa kaba.

Nadako ang mga mata ko kay Oliver na ngayon ay diretso lang nakatingin sa akin, halata sa mukha niya na nag-aalala siya sa akin. Should I trusted his emotion on his face right now? Naiinis ako sa kanya. Hindi 'yon inis na lagi ko na lang nararamdaman before. Sobra na.

"Okay Come in. Nasabi mo na ba sa guard?" Pumasok na ako.

"Opo, sabi po niya ay tatawagin na lang daw po nila ako kung nakita na raw po nila 'yon bike ko."

"Hopefully." Ito lang talaga ang nagustuhan ko kay Sir Ramos, maalahanin siyang tao at nakikinig siya sa mga rason ng mga estudyante kung bakit sila late, unlike sa mga iba ko pang teacher na kapag na-late ka ay hindi na hinihingi ang dahilan ng mga estudyante at athomatic sa Detention Room ang bagsak mo.

Nang madaanan ko ang table ni Oliver ay padabog kong nilagay dito 'yon supot ng fries niya. Deretso pa rin ang tingin niya sa akin at hindi pa rin nawawala 'yon pag-aalala sa mukha niya. Ginusto naman niya 'yon 'di ba? 'Yon pahirapan ako para sa ikakasaya niya? Bakit ayaw niyang magpakasaya? Ang layo nang nilakad ko oh. I'm pretty sure hindi ako makakatulog mamayang gabi dahil sa sakit ng binti ko, hindi kasi ako sanay sa lakaran.

"Ubusin mo 'yan!"

Kinuha ko ang bag ko at lumipat sa ibang vacant na upuan kung saan absent ang nakaupo rito. Ayoko na munang tumabi sa kaya dahil baka bigla ako mang-gigil at bigla ko siyang sabunutan.

Nakakainis 'di ba? Wala siyang sinabi na 'Sorry' or 'Salamat' manlang. Sobrang Cold niya.

-

After 3 subjects ay uwian na. Nang tumunog ang bell ay dali-dali kong kinuha ang bag ko para makalabas na agad. Gusto nang umuwi, gusto ko ng katahimikan, gusto ko ng space.

"Ja-Jamilla?" May biglang humahawak sa braso ko. What else do I expect? Siya lang naman ang mahilig manghawak sa braso ko. Anong kailangan niya sa akin? Anong sasabihin niya sa akin? Anong gustong niyang ipagawa ulit sa akin? Hindi pa ba siya nakokonsensya?

"Ano ba!?" Padabog kong tinanggal 'yon kamay niya sa braso ko.

"I'm sorry what happened earlier, don't worry I'll buy you a new one." Kita pa rin sa mukha 'yong pag-aalala niya sa akin.

"Then? 'Yon na 'yon?"

"Please Jamilla. I'm sorry. Hindi ko ginusto 'yon." Naglolokohan ba kami dito? Inutusan niya ako para bumili ng fries, ibig sabihin ginusto niya 'yon. Gosh.

"Look Oliver, I appreciate your apologize but I wouldn't accept it. Sabi mo ibibili mo 'ko ng bago? Nahihibang ka ba? Sige nga, ibili mo 'ko ng bago but just make sure nandoon pa rin 'yon memories na nagawa namin ng bike ko." Tuloy-tuloy kong sabi. "Oliver it's not just a bike like others, almost 5 years na 'yon sa akin at pinag-ipunan pa 'yon ni Kuya John gamit 'yon allowance niya. Kasi nga nag-promise 'yong mangloloko kong tatay na ibibili raw niya ako ng bike pero hindi naman tinupad, iniwan niya kami na hindi na ginawa 'yon promise niya, umasa kasi ako eh. Kaya nga sobrang thankful ako kay kuya John dahil siya ang nagtupad no'n sa akin kasi siya lagi gumagawa ng obligasyon na dapat gawain ng isang ama. Kahit maraming sira na 'yong bike ko mahalaga pa rin 'yon sa akin. Kung sa 'yo madali lang bumili ng bago pwes sa akin hindi." Nararamdaman kong konti na lang bibigay na 'yong mga mata ko, ramdam kong namumuo na 'yong tubig dito.

Hindi ko alam kung bakit kusang lumabas sa bibig ko 'yong tungkol sa pag-iwan ng tatay ko. Siguro, dumagdag lang 'yong inis ko kay Oliver kaya nasabi ko 'yong background ng bike ko. "Isipin mo na parang ang OA ko pero 'yon 'yong totoo kong nararamdaman." Dagdag ko pa.

"Sorry, I promise hahanapin ko bike mo." Sa totoo lang, ako talaga 'yong may kasalanan pero naiinis lang ako kasi kung hindi niya 'ko inutusan e di dapat nakangiti akong uuwi ngayon gamit 'yong bike ko. In short, pareho kaming may kasalanan.

"Huwag na, siguro okay na sa akin na ibalik mo na lang 'yon panyo ko para tapos na 'to, 'di ba? Buwiset talaga! Malas ka kasi sa akin! Umalis ka nga sa harapan ko! Malas! Ang hirap mong pakisamahan!"

Sandali siyang nanahimik.

"Hm.. Sige, ibabalik ko sa 'yo 'yon sa Wednesday. Sorry kung parang malas lang pala ako sa 'yo. Pasensya na ulit." Nagsimula na siyang maglakad palabas ng room namin. Nasaktan ko ba siya sa sinabi ko? Ba't parang ang bigat sa pakiramdam ko? 'Di bale na, pakialam ko? Kailangan ko lang talaga sabihin sa kanya 'yong hinanakit ko sa kanya para sa gano'n ay gagaan sa pakiramdam ko, pero base sa inarte niya parang mali eh hindi 'ata gagaan sa 'kin.


next chapter
Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C22
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login