Disclaimer: Ang mga pangalan ng tao, lugar at pangyayari na ginamit sa kwentong ito ay may mga kinuha mula sa mga totoong tao, lugar at pangyayari pati na ang iilan sa kanilang mga impormasyon. Ngunit maliban sa mga impomasyong ito ay pawang kathang-isip at bunga ng imahinasyon lamang ng manunulat.
MAINE'S POV
"Mahal! Huwag mo naman kaming iiwan…"
Pagmamakaawa ni Mama kay Papa na ngayon ay papalabas na ng aming bahay bitbit ang kaniyang maleta.
"Hindi ko na kaya ang buhay na meron ako kasama niyo! Gusto ko nang lumaya at maging masaya!"
Nakasunod lang kami kina Mama't Papa na naglalakad palabas ng bahay.
Nakapulupot si Mama sa mga braso ni Papa at hinihila siya papasok ng bahay ngunit patuloy parin si Papa sa paghila ng maletang pinaglagyan niya ng lahat ng kaniyang mga gamit.
"Mahal... Huhuhu.. Wag naman sana ganito."
Patuloy na umiiyak si Mama na walang ibang magawa kundi ang magmakaawa.
"Papaaa!! Huwag na po kayong umalis.. Pleaseeeeeeeeeee... Papa.."
Biglang tumakbo si Kyline, ang nakababata kong kapatid, sa harap ni Papa at niyakap siya sa may bewang. Iyak ng iyak narin siya ngayon.
Ako naman ay walang magawang sumusunod lang sa kanila habang pinapanood na nadudurog ang mga puso ng aking mga mahal sa buhay.
"Hindi na magbabago ang isip ko."
Pagpapatuloy pa ni Papa sa paglalakad kahit pa nahihirapan siya dahil kay Mamang nakasabit sa braso niya at sa kapatid kong nakayakap sa kaniya.
"Huhu... Huhuhuhu!"
Patuloy sila sa paghahagulhol habang ako naman ay nanatiling nakatayo malapit sa kanila.
Ayaw kong umiyak. Ayaw kong makita nila akong umiiyak. Ayokong magmukhang mahina. Dahil ako nalang ang aasahan ng aking pamilya na magtataguyod nito.
Masakit. Sobrang sakit ang iwanan ng isang amang nag-aruga at nagparamdam ng tunay na pagmamahal sa amin. Ngunit kailangan kong harapin ang pangyayaring nasa harap ko ngayon nang matatag.
Alam kong emosyonal si Mama at dinadamdam niya talaga ang lahat ng masasakit na pinagdadaanan niya kaya kailangan kong tatagan ang aking sarili para sa kanila.
Nakalabas na si Papa ng gate ng bahay namin. Nanlumo ako sa aking nakita nang hawakan ni Papa ang mga kamay ni Mama at pilit itong inaalis sa mga braso niya. Padabog rin niyang hiniwalay sa kaniyang katawan si Kyline kaya napayakap nalang ito kay Mama na ngayon ay mas lumakas pa ang paghahagulhol.
Nang mapansing akma nang aalis si Papa ay doon na ako kumilos upang pigilan siya. Hinawakan ko siya sa kanang braso.
Tiningnan niya ako ng malungkot ngunit batid ko sa mga mata niyang hindi siya nagdadalawang-isip sa ginagawa niya ngayon.
"Pa..."
Mahina at maluha-luhang usal ko.
"Maawa na po kayo. Tingnan niyo po sina Mama't Kyline oh. Hindi namin kakayanin kung wala kayo sa tabi namin Papa."
Nagtitigan pa kami sa huling beses at tiningnan lang niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya sinyales na pinabibitaw na niya ako.
Wala akong magawa kundi ang ibaba ang kamay ko at lumapit kina Mama at niyakap silang dalawa.
"Sisikapin kong maging masaya anak... Sana'y ganun din kayo. Ikaw nalang ang inaasahan kong mag-aalaga sa kanila. Huwag niyong pababayaan ang sarili ninyo."
Bahagya pa siyang napangiti sa akin at tuluyan nang tumalikod.
"Hener!"
Pagtawag pa ni Mama kay Papa ngunit hindi na niya kami nagawang lingunin pa.
Sa sitwasyong iyon ay isa-isa nang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Niyakap ko nalang sila ng mahigpit at hinaplos ng marahan ang likod ni Mama.
Pinanood nalang naming naglalakad si Papa sa kalsada papunta sa kabilang side upang dun mag-abang ng masasakyan.
Ngunit parang bumaliktad ang mundo ko nang nagdahan-dahan sa paningin ko ang pagdating ng isang itim na kotse sa kinatatayuan ni Papa.
Nakatungo lang siyang naglalakad at hindi napansin ang paparating na sasakyan.
Nabunggo siya nito dahilan para tumilapon siya ng mga ilang metro siguro ang layo marahil dulot ito ng malakas na pagpapatakbo ng sasakyan. Nabitawan niya ang maleta at lumipad rin ito sa ibang direksyon.
"PAPAAAAAAAAAA!"
Parang nagslow motion ring sigaw ko habang pinanood ang pagbagsak unang-una ng ulo niya sa semento ng kalsada.
*BOOOGSSSHHHHH!*
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Ang kaninang sobrang lungkot ay napalitan ngayon ng sobrang gulat at takot. Binalot ng napakalakas na kabog ng aking dibdib ang aking mga tenga. Para kaming naestatwa sa aming nasaksihan.
Mabilis na muling humarurot ang sasakyan paiwas sa kinalalagyan ni Papa ngayon.
Nang makarekober kami sa trahedyang nangyari ay patakbo naming tinungo si Papa.
Nakaluhod si Mama habang inaakay niya sa mga hita ang walang malay na katawan ni Papa. Nakaluhod narin si Kyline at mas lumakas pa ang iyakan sa paligid.
Napatakip nalang ako ng bibig at hindi makapaniwala sa nakikita ko ngayon.
Pilit itinatanggi ng aking isipan ang katotohanang aking nasisilayan.
Dumanak ang presko at namumula-mula pang mga dugo na marahil ay galing sa ulo niya. Dahan-dahang dumilat ang kaniyang mga mata na kanina'y nakapikit. Nasa harapan niya ako ngayon na nakatayo lamang.
"Meng..gay…"
Mahinang usal niya at napaubo pa ng dugo. Pagkatapos niyang banggitin ang aking pangalan ay napapikit na siyang muli at nawalan na siya ng lakas at malay ng tuluyan.
Napahagulhol narin ako at napaluhod sa harap niya. Napakalambot na ng mga tuhod ko at nanlalamig ang buo kong katawan. Halos hindi ko na maramdaman ang aking sarili dahil sa panghihina ng aking sistema.
Hindi ko aakalaing ang pamamaalam niya kanina ay ang pamamaalam na pala ng tuluyan. Isang habilin na tanda ng tuluyan naming pagkakawalay sa kaniya. Isang pagkakataong ibinigay sa amin upang siya ay masilayang may hininga sa huling pagkakataon.
~FAST FORWARD~
Limang taon na ang lumipas mula noong iniwan kami ni Papa ng tuluyan.
Nawalan man kami ng isang napakaimportanteng tao sa buhay namin ay patuloy parin ang aming mga buhay. Si Mama ay bumalik na rin sa pagtuturo bilang high school teacher sa isang pampublikong paaralan dito sa probinsiya namin.
Simple lang ang pamilya namin ngunit masasabi kong masaya naman kaming tatlo sa kung anong meron kami ngayon.
Nakatira kami sa isang bahay na katamtaman lang ang laki dito sa barangay Buenavista, Carcar City, Cebu.
"Ate Menggay! Ate Menggay!"
Rinig kong pagtawag ni Kyline sakin habang niyuyugyog ako. Nanatili lang akong nakadapa sa kama ko at nakapikit pa.
"Ateee! Ateee! Gising na!"
Patuloy parin siya sa pagyugyog sakin habang nakatakip ang kumot ko mula paa hanggang sa aking leeg. Gulo-gulo ang buhok ko kaya natatakpan nito ang mukha ko.
"Ate Menggaaaay!"
"Hmmmm…"
Ungol ko. Actually kanina pa ako gising pero tinatamad talaga akong bumangon.
"Ate naman eh! Gumising ka na kasi. May pasok pa ako. Si Mama nasa kwarto pa niya nagpapahinga. Ikaw naman ang tagaluto natin dito sa bahay eh! Sige na ateeee!"
Pagrereklamo niya pa at hinila ang mga paa ko.
"Mmmmm... Bumaba ka na susunod na ako."
Walang gana at halatang tutulog-tulog ko pang sagot.
"Ayaw mong bumangon ah!"
Sabi pa niya na binitawan ang paa ko. Naramdaman ko ang pagkawala niya sa tabi ko.
Halaaaaa! That's the sign. This is deadly now!
Napabalikwas ako ng bangon at napaupo sa kama. Napalinga-linga pa ako sa kabuuan ng kwarto ko at hinanap ng dalawa kong mata si Kyline.
Wala na siya sa loob. Ngunit napanganga nalang ako sa sumunod na nangyari.
"Tutulog-tulog ka pa pala ah!"
"Waaaaaaaaaah!!"
Napapikit nalang ako nang batuhin niya ako ng malakas ng isang maliit at manipis na balloon na nilagyan niya ng tubig.
*PAAKKK!*
Pumutok ito sa mismong mukha ko. Napadilat ako nang maramdaman ang dahan-dahang pagdausdos ng tubig mula sa mukha ko hanggang sa aking dibdib.
Basang-basa na rin ang t-shirt na suot ko.
"Kay... KAAAAAY!!"
Mabilis akong patalon na tumayo mula sa kama ko at isinuksok ko ang aking mga paa sa aking pambahay na tsinelas.
Mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya ngunit kumaripas din siya ng takbo papunta ng sala.
Nagpaikot-ikot kami sa center table namin at kahit anong bilis ko ay hindi ko parin maabutan si Kyline.
"Habol pa ate Menggay! Hahaha. Matutulog ka pa pala eh."
Pang-iinis pa niya sakin kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.
Tumakbo na naman siya papuntang pintuan at umikot sa gilid ng bahay namin papasok ulit sa exit door. Habol parin ako ng habol sa kaniya.
"Kapag nahuli talaga kita Kaykay... Lagot ka sakeeen!!"
Bigla naman siyang nabunggo sa gilid ng dining table namin kay medyo napahinto siya.
"Huli ka!"
Niyakap ko siya mula sa likuran at inangat siya habang nasa tiyan niya ang magkahawak kong kamay.
"Waaah! Mama! Mama! Mamaaaaa!"
Akala mo rin ah...
Napatingin kaming dalawa sa pinto ng kwarto nila ni Mama at Kyline.
Naibaba ko si Kyline at humiwalay naman siya sakin.
"Ma... Pasensya na po kung naistorbo po namin ang pagpapahinga niyo."
Ngumiti lang siya sa amin at titig na titig lang sa aming magkapatid habang nakatayo sa tapat ng pintuan.
"Si.. si ate po kasi ma eh ang hirap gisingin. Ang tagal bumangon wala pa naman siyangg agahang naluluto."
"Eh ikaw kaya tong panira ng tulog. Si Kaykay po kasi ma... Ang ganda na sana ng gising ko eh. Binato ba naman ako ng balloon na may tubig."
Pagsusumbong ko pa sa kaniya.
"Ikaw kaya tong parang mantika kong gisingin."
"Uyy hindi ah! Bawiin mo yung sinabi mo!"
Hinawakan ko pa ang magkabilang pisngi niya gamit ang kanang kamay ko. Ngunit ignalaw niya bigla ang ulo niya kaya nabitawan ko iyon.
"Totoo naman ah! Mantika.. Mantika.. Mantika!"
Pang-iinis paring ulit niya.
"Nye.. Nye.. Nye.. Nye.. Whatever!"
Nagmemake face pa ako habang magkaharap kami.
"Asuss. Para kayong mga bata! May pacrush-crush ka na nga Kaykay.. Itong ate mo naman may manliligaw na. Tapos ganiyan pa rin kayo tuwing umaga."
Natatawang usal naman ni Mama.
"Ehh.. Tignan niyo po ang ginawa ni Kaykay ma oh! Basang-basa na tuloy ako."
Pinakita ko pa sa kaniya ng basa kong t-shirt habang nakanguso.
"Bagay lang yan sayo! Bleeeh! Hahahahaha."
Dinilaan pa niya ako kaya nilakihan ko nalang din siya ng mata.
"Oh siya.. siya! Ako nalang ang magluluto. Maligo kana Kaykay at magpalit ka na ng damit mo Menggay."
Pag-uutos ni Mama samin at humakbang na papuntang kusina.
Ngunit napatakbo kami papunta kay Mama nang bigla siyang napahawak sa noo niya at pabagsak na nawalan ng malay.
"Ma? Ma!"
Niyugyog ko ang mga braso niya at hinawakan ang mga pisngi niya.
Napaluhod narin si Kaykay sa harap namin.
"Kaykay tumawag ka ng tricycle.. Bilis!"
Agad namang napatakbo si Kaykay palabas ng bahay. Akay-akay ko sa magkabilang braso si Mama at ilang sandali pa ay bumalik na si Kaykay. Inalalayan niya akong maglakad at marahan kaming sumakay sa tricycle.
Pagkarating namin sa Cebu Provincial Hospital-Carcar City ay sinalubong agad kami ng mga nurse at inihiga si Mama sa dala nilang stretcher.
"Mama... Huwag po kayong bumitaw pleaseee. Mama!"
Maluha-luhang sambit ko sa kaniya habang hawak-hawak ang kaniyang kamay.
Diretsong dinala si Mama sa Emergency Room kaya naiwan lang kami ni Kaykay sa labas ng kwarto. Niyakap ko nalang siya upang patahanin mula sa pag-iyak.
Hindi ko rin mapigilan ang mga luha ko at pilit na tinatago ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ayokong maging mahina sa harap ng kapatid ko.
Ilang sandali pa kaming magkayakap ni Kaykay sa upuang nasa gilid ng lobby nang may lumapit sa aming doktor kaya napatayo ako habang naiwang nakaupo lang si Kaykay.
"Dok.. Kamusta na po si Mama?"
Nakita kong bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita.
"Maaari ba kitang makausap sa opisina ko?"
Tumango lang ako at napalingon kay Kaykay na nagpupunas parin ng pisngi niya.
Nagpaalam na muna ako sa kaniya at sinabing hintayin niya lang ako.
"Hindi ko inaasahan ang mabilis na pagkalat ng cancer cells sa katawan ni Mrs. Alcantara."
Napabuntong-hininga pa ang doktor pagkatapos niyang sabihin iyon.
Nakaupo ako ngayon sa harap ng table niya. Pilit kong pinapakalma ang aking isip upang mas madali kong maintindihan ang mga sasabihin niya.
"Your mother is now in her Stage 4 Cervical Cancer which only means that the cancer has spread from where it started to another body organs. We have conducted so many chemotherapies and homo therapies from the past year but her cancer cells are very much active and have scattered already throughout some of her body organs."
Parang dinikdik at piniga ang puso ko sa narinig kong yun. Sumariwa sa aking isipan nung una naming dalhin si Mama sa ospital at madiagnose na may Cervical Cancer siya. Ngunit hindi ko rin inaasahang magiging ganito kabilis at kalala ang magiging sitwasyon niya matapos lamang ang isang taon.
Bumuga muna ako ng isang napakalalim na hininga at saka siya tiningala.
"Ibig po bang sabihin nun ay nasa last stage na ng cancer si Mama?"
Mahinahong tanong ko.
"Yes Miss Mendoza."
Medyo napangiti pa siya pero alam kong pilit na pilit lamang iyon.
"Masyado nang malala ang mga signs na naranasan ng iyong ina at hindi na maitatangging nasa Stage 4 na nga siya."
Ngayon alam ko na. Ang katotohanang ayaw na ayaw kong dumating pa sa buhay namin.
Natatakot ako sa maaaring mangyari. Natatakot akong maulit muli ang nangyari kay Papa... Ang tuluyan na rin siyang lumayo.
Hindi ko kaya ang mga naririnig ko mula sa bibig ng doktor.
"Then do everything you can doc para mailigtas ang Mama ko."
"Well, sa sitwasyon ng Mama mo ngayon Miss Mendoza, tanging dasal nalang ang magagawa natin upang mailigtas ang Mama mo at may himalang mangyari sa katawan niya…"
"THEN YOU MUST ALSO DO YOUR PART DOC!"
Bigla akong napasigaw nang maramdamang pati siya ay nawawalan na rin ng pag-asa at sumusuko na.
Bahagya pa muli akong napasandal sa upuan at nanlumong napatungo nang titigan ako ng doktor ng sobrang malungkot at parang sinasabing naiintindihan niya ang nararamdaman ko.
"Hindi talaga madali ang pinagdadaanan ng pamilya ng mga cancer patients. Higit pa ito sa bigat na dinadala nila sa pinansyal na bagay kundi ang emosyonal rin na estado ng kanilang mga mahal sa buhay. Sana'y huwag kayong huminto sa pagpaparamdam ng pagmamahal at pagpapahalaga sa iyong ina hangga't nabubuhay…"
"Stop it dok!"
Napatayo na ako at inilapit ko ang palad ko sa kaniya upang sabihing huwag na niyang ituloy ang nais niya pang ipahayag.
"Salamat na lang po sa impormasyon pero mauuna na ako. Salamat po ulit."
Nakayuko ko paring sabi at mabilis na lumabas. Ayaw kong marinig ang mga susunod pa niyang sasabihin.
Ang sabihin niya kung hanggang kailan nalang ang buhay ni Mama. Gugustuhin ko nalang na alagaan siya hanggat makakaya ko kesa dun sa maghintay nalang kung kailan siya huling makitang humihinga.
Ilang buwan na rin naming inalagaan si Mama. Palagi lang siyang nakahiga sa kama niya at tumatayo lang upang magbanyo.
Buwan na ng Marso ngayon. Nandito ako sa tabi ng kama ni Mama habang pinagmamasdan ang pagtulog niya.
"Good noon ate."
Pabulong na pagbati ni Kyline sakin habang inilalapag niya ang bag sa kaniyang cabinet. Bumeso siya sakin at tinabihan ako sa pag-upo.
"Kamusta ang skwela?"
Paglingon ko sa kaniya. Napangiti naman siya.
"Okey naman po. Hindi na ganun ka busy kasi final exams nalang ang hinihintay namin dahil patapos na ang school year."
"Good to hear. Sigurado akong ikaw parin ang magkakamit ng with highest honor. Masaya ako para sayo Kaykay."
Napaakbay ako sa kaniya at bahagya pang inilapit ang katawan niya sakin.
Sana nga po ay magiging proud sila Mama't Papa sa akin ate.
Ngumiti rin siyang nakatingala sakin.
Alam kong kung may mas hihigit paman sa salitang proud ay yun ang nararamdaman nila.
Napabuntong-hininga pa ako at ibinalik ang paningin kay Mama.
Napansin ko ang pagdilat ng mata ni Mama kaya napayuko ako ng kunti upang abutin ang kamay niya.
Maputla na si Mama at nanghihina na rin. Ngunit gayunpama'y sinisikap namin siyang maging positibo sa kabila ng kaniyang kondisyon.
Masaya akong makitang nagkakasundo talaga kayong dalawa. Ang dalawang prinsesang aking pinalaki at ang tanging yamang maipagmamalaki ko maging sa kabilang mundo.
Nakita ko ang dahan-dahang pagdaloy ng luha ni Mama sa gilid ng mata niya. Parang pinisil ang puso ko at naramdaman ko nalang ang pamamasa ng aking mga mata.
Itinapat ko ang palad niya sa pisngi ko at pilit siyang nginitian.
"Ikaw po ang pinakamabait na Mama sa buong mundo ma. Kailanman ay hindi kayo mapapalitan sa puso namin."
Napalipat naman ng tingin si Mama kay Kaykay na umiiyak na rin pala.
"Ingatan mo ang sarili mo, mahal ko. Huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo ha? Gugustuhin ko mang gawin ang karangalang sabitan ka ulit ng medalya sa iyong graduation ay hindi na kaya ng katawan ko. Kaya pagpasensyahan mo na si Mama ha?"
Nanghihinayang na usal pa ni Mama.
"Mama..."
'Yun lang ang nasambit ni Kyline at napahagulhol narin.
Huwag niyong pababayaan ang isa't isa...
"Hindi po ma. Mas matagal pa naman po namin kayong makakasama. At huwag po kayong mag-alala ma, kayo po ang unang makakakita ng certificate ni Kaykay maliban sa aming dalawa."
Mahinang pagpapasaya ko sa kaniya. Bahagya naman siyang ngumiti.
"Sige na..."
Dahan-dahan niyang ipinikit muli ang mga mata niya kaya napatayo ako agad at tinitigan siya.
"Ma! Ma... Please stay ma. Huhuhu."
Doon ay napaiyak na talaga ako.
"Matutulog muna ulit ako."
'Yun lang ang huling binitawan niya at mahimbing nang natulog.
Akala ko talaga ay yun ang pagpikit niya na kailanma'y hindi na gigising.
Nakahiga naman kami ng maluwag sa sinabing iyon ni Mama at napaupong pinapanood siya habang natutulog.
March 3, 2018
Maaga akong nagising dahil sa paggalaw na naramdaman ko.
Napaayos ako ng upo at tiningnan si Mama sa kama niya.
Nandito ako ngayon sa kwarto nila ni Kyline. Sa mga nakalipas na linggo ay dito narin ako namamalagi upang maasikaso si Mama araw hanggang gabi.
"Good morning ate. Good morning Ma."
Pagbati ni Kyline sakin sabay beso at ganun din siya kay Mama na nagising narin pala.
Bihis na si Kyline ng uniform niya. At kinuha na niya ang kaniyang bag na nasa cabinet niya.
"Happy Birthday nga pala ate. 23 kana so... ang tanda mo na pala ngayon."
Pagbibiro pa niya sakin.
"Salamat. Hehe. Ganun talaga ang buhay eh."
Nginitian ko nalang din siya.
"By the way, ate may niluto na pala akong omelette sa kusina at bacon. Nagbreakfast narin po ako. Maaga kasi kami ngayon dahil today na yung final exams namin. Pinagluto na kita kasi alam kong napuyat at pagod ka."
Sabi niya habang sinusuot ang ID niya.
"Mga anak…"
Pabulong na tawag samin ni mama dahilan para lingunin ko siya at napalapit naman si Kyline.
"Maligayang kaarawan anak, Menggay."
Ngumiti si Mama sakin kaya ginantihan ko din siya ng ngiti.
"Salamat Ma."
Sana'y maging masaya ka anak. Masaya ako sa mga naabot mo sa buhay at alam kong may nais ka pang gawin kung wala nang magiging sagabal sayo.
*DUG! DUG! DUG! DUG!*
Napakunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Mama. Biglang lumakas at bumilis ang kabog ng aking dibdib ngunit dahil sa hindi inaasahang dahilan.
"Ma? A..anong ibig niyo pong sabihin?"
Hindi ko na magawang lingunin si Kyline dahil tutok ako sa susunod na sasabihin ni Mama ngunit alam kong nagpipigil rin siya ng hininga.
"Anak... Hindi ka makakakilos ng maayos hangga't inaalagaan mo ako."
Napansin ko nalang ang isa-isang pagpatak ng malalaking butil ng luha mula saking mga mata.
Halos isang taon ko na ngang inaalagaan si Mama at buong oras at atensyon ko ay ibinuhos ko sa isang taong iyon. Sa totoo lang ay isang taon narin ang dumaan nung makatapos ako ng kursong Bachelor of Science in Elementary Education ngunit nang malaman namin ang tungkol sa sakit ni Mama ay napagdesisyunan kong hindi na muna maghanap ng trabaho at samahan si Mama sa laban niya against Cervical Cancer.
"Ma... Kailanmanma'y hindi kayo nagiging pabigat sa akin. At hindi rin kayo nagiging hadlang sa pagkamit ng mga pangarap ko sa buhay. Alam niyo po bang ang pinakapangarap ko talaga ay ang makapiling kayo hanggang sa makapag-asawa ako... Magkapamilya ako... Tumanda ako... Na kasama ko kayo..."
Ngayon ay bumilis na ng pagdaloy ng mga luha ko at basang-basa na ang mga pisngi ko.
"Hindi naman sa ganun anak. Pero... Hinang-hina na ako at.. at handa na akong makaharap muli ang iyong Papa. Tanggap ko na ang nararapat na mangyari sa akin. Kaya kayo..."
Napatingin din siya kay Kyline.
"Mga anak ko... huwag kayong matakot gawin ang gusto niyo talaga sa buhay... Hindi natin alam ang mangyayari sa mga susunod na araw... Mahal na mahal ko kayong dalawa…"
"Ma...!"
Napakapit ako ng mahigpit sa kamay ni Mama nang marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at nakita ko pa ang unti-unting pagtulo ng isang luha sa gilid ng mata niya.
Wala na kaming ibang nagawa kundi ang yakapin si Mama sa huling pagkakataon at ipakita ang lakas namin sa kabila ng kaniyang pagpanaw.
Hindi naging madali ang pinagdaanan naming magkapatid. Iyon na siguro ang pinakaayaw kong regalo sa kaarawan ko.
Hindi na namin pinatagal pa at naipalibing na namin agad si Mama katabi ng pinaglibingan din ni Papa.
Mahigit isang buwan na ang lumipas simula nung mawala si Mama. Gumuho ang mundo namin ni Kyline ngunit hindi na namin maibabalik pa ang kanilang mga buhay.
"Good morning Kaykay."
Normal na tonong bati ko sa kapatid kong ngayon ay nag-aayos ng kaniyang damit.
"Good morning din ate."
Sagot naman niya habang nakatingin lang ng diretso sa salamin.
Bihis narin ako ngayon para masaksihan ang isa sa mga pangyayaring babago sa aming mga buhay.
Tinitigan ko nalang muna siya habang nakaupo sa sofa namin. Simple lang ang kapatid ko ngunit lumilitaw ang ganda niya dahil sa suot niyang casual cocktail dress na kulay blue na may florals sa skirt. Off shoulder ito ngunit may manipis itong strap na naka-ekis sa likod kaya mas kitang-kita ang magandang complexion ng kaniyang balat. Ngunit mas ikinagulat ko pa nang maibaba ko ang mga mata ko sa suot niya sa paa.
"Uy! Uy! Uy! Kaykay ano yang suot mo, ha?"
Napatayo ako at napalingon naman siya sakin.
"Bakit ate Menggay?"
Inosenteng tanong niya naman sakin.
"Ano yang suot mo? Heels ko yan ah? Kinuha mo sa closet ko no?"
Suot niya pa ngayon ang itim na high heels ko na kahit hindi siya yung pointed na tipo ng heels ay talagang maganda parin dahil sa pa-ekis na strap nito na may ribbon sa harap.
"Ito ba ate?"
Bahagya pa siyang tumagilid at itinaas ang isang paa upang ipakita sakin.
"Hindi ba't nagpaalam na ako sayo nung unang araw? Nakalimutan mo na naman no? No?!"
Pag-uulit pa niya.
"Huh?! Pinahiram ko naman ba sayo yan? Pinakafavorite ko kaya yan. Hubarin mo yan! Hubarin mo bilis!"
Pag-uutos ko naman sa kaniya.
"Ate naman ehh... Wala na akong ibang isusuot oh!"
Paglalambing pa niya sakin kaya pinanlisikan ko siya ng mata.
Agad naman siyang nataranta at napayuko nalang upang tanggalin yung heels.
Alam na alam niya talaga kung gaano ko kaayaw yung may nangingialam ng mga gamit ko. War freak na kung war freak pero ayaw ko talaga yung may ibang nakikinabang lalo na sa mga mahahalaga at personal kong gamit.
"Joke lang! Hehe. Alam ko namang gusto mo yan eh tsaka ngayon ka rin lang naman magsusuot ng ganyan kaya okey lang."
Pambabawi ko naman sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at inakbayan siya.
"Salamat talaga ate ah. Kasi naman hindi talaga ako mahilig magtakong-takong eh. Kung pupwede nga na magsapatos nalang ako sa dami ba naman ng meron ako diyan diba? Pero ang sagwa ko naman siguro tignan nun na naka cocktail dress ako tapos nakasapatos. Haha!"
Nakapout pang sabi niya.
"I know. Hehehe. Kaya suotin mo lang yan hanggang mangalay yang mga paa mo."
Bigla siyang napakunot-noo at humiwalay sa akin.
"Ate Menggay? Ang bad mo ah!"
"Hahaha! Pero in fairness ang ganda mo ngayon Kay."
Niyakap ko naman siya.
"So ngayon lang talaga ako maganda ganun?"
"Hindi naman. Namana mo nga itong beauty ko eh! Ito oh!"
Nginitian ko siya ng sobrang lapad.
"Wait a minute kapeng mainit... Parang may kulang pa sayo eh. *ISIP* Aha!"
Napangiti ulit ako at hinila siya sa upuan namin na nakaharap sa isa pa naming salamin na nasa ibabaw ng isang mesa. Yung kaninang nasa harap niya ay yung body mirror namin pero yung ngayon ay yung salamin ko tuwing nag-aayos ako ng buhok at nagme-make up minsan.
"Bakit ba ate? Male-late na tayo oh!"
Litong-lito siyang napasunod nalang sa paghila ko at pabagsak na naupo. Halos mailuwa pa niya ang mga mata niya nang hindi ko na siya sinagot at nginisihan lang.
Hinawakan ko ang pisngi niya at iniharap sa akin. Kinuha ko sa drawer na nasa gilid ng mesang sinandalan ko ng salamin ang make up kit ko.
Bibigyan lang kita ng fresh make up look okey? So chill ka lang muna diyan.
Sinimulan ko na ang pag-aayos sa mukha niya kaya hindi nalang din siya nakapagsalita.
After mga 5 minutes siguro ay natapos ko na rin ang look niya. Simple lang at hindi makapal. Puro light colors lang ang in-apply ko sa mukha niya.
"Ayan! Mukha ka na talagang tao little sister."
Inikot ko ang swivel chair niya at iniharap siya sa salamin.
"Waaah! Mukha ba talaga akong alien ate? Pero... Let me see the look, choss! Haha. Okey naman siya. Keri narin to."
Sabi niya after titigan ang sarili sa salamin.
"Yan! Kaya dapat marunong ka nang mag make up ng sarili mo. Malapit ka nang magcollege kaya dapat marunong ka nang mag-ayos."
"Dapat ba talaga o belief mo na naman yan? Kasi ako simplicity is beauty na eh."
Nakapout na naman niyang sabi.
"Parang ganun nga yun! Hahaha. Wait! Selfie muna tayo para pang post ko sa IG at Pesbuk. Hashtag Proud Sissy!"
*Click*
Thanks for reaching this far! Please don't forget to comment. Salamat!