HINDI pa nakakabigkas ng salita si Zain ay agad ng naglaho si Oreo. Habang si Halls naman ay marahan naman na hinaplos sa pisngi si Hailey.
"Kapit ka lang Ley, pagbalik ko magiging okay kana."bulong nito sa dalaga.
"Tara na Halls,"yakag ni Zain.
Tumango naman ito, agad na itong sumunod kina Zain at Eleezhia. Isang maiksing sulyap muna ang ginawa ni Halden kay Hailey bago ito unti-unting naglaho sa kadiliman.
Hindi na napansin ng binata ang itim na anino na nakatago sa likod ng kurtina...
----
AGAD ang pagsadsad ni Halls sa lupa ng maramdaman niya ang pagtama ng katawan ni Oreo sa kanya.
Ngunit agad siyang bumuwelo ng tayo ng makita niyang pasugod ang isang lobo sa kanila.
Ramdam niya ang kakaibang puwersa sa paligid. Maski ang kakaibang usok sa paligid na tuluyang bumabalot ay nagbibigay ng kilabot sa kanila. Ang marahas na tunog ng hangin sa paligid ay nakakabingi.
Agad siyang nagpalit ng anyo kasabay ng pagsugod niya sa lobo. Maski si Oreo' y mabilis na tumayo at sinalubong ng sunod-sunod na suntok at sipa ang isa pang lobo.
Maski si Zain ay nagimbal sa nasaksihan.
Nagkalat sa paligid ang mga iba' t ibang klaseng nilalang: may zombie, vampire at kung anu-ano pang nilalang na ngayon lang niya nakita.
Ang alam nila'y tuluyan ng napuksa ang lahat ng mga bampira at lobo, ngunit sa nakikita nila ngayon tila nagbabago na ang lahat ng paniniwala nila.
Akma sana siyang susugod ng pigilan siya ni Eleezhia. Nangunot ang noo niya dahil sa ginawa nito.
"Bakit mo ako pinigilan Eleezhia?"takang tanong ni Zain rito.
Hindi ito umimik, ngunit kitang-kita ni Zain ang pakikipagtitigan ni Eleezhia kay Lerryust, ama ni Yalena. Kasalukuyan nitong hawak sa kaliwang kamay si Oleene na kababakasan ng takot ng mga sandaling iyon. Maang nakatitig sa kanya ito habang may ngisi sa labi. Nagtitili at humahaguhol sa iyak naman si Oleene ng maramdaman ng dalaga ang marahang pagdantay at pagsugat ng matatalas na kuko ni Lerryust sa leeg nito na nagbigay ng mumunting hiwa. Upang maging dahilan ng pagtulo ng sariwang dugo nito.
"Walang hiya ka! bitiwan mo si Oleene!"Galit na galit na sigaw ni Oreo.
Hindi na nag-isip ang binata, mabilis na itong sumugod sa bampirang may hawak kay Oleene. Ngunit hindi pa siya nakakalapit ay agad ng tumimbuwang ito sa lapag. Akma pa sana itong tatayo ng pigilan siya ni Zain.
Sa pamamagitan ng mata'y nag-usap sila. Sinabihan siya nitong maghunos-dili. Hayaan si Eleezhia ang makipagtuus kay Lerryust. Ayaw man niya ngunit wala siyang magagawa sapagkat napuruhan siya ng labis. Isang malaking hiwa sa sikmura ang natamo niya galing sa matandang Alpha.
Dahan-dahang naglakad si Eleezhia palapit sa matandang Alpha.
"Muli na naman tayong nagkita Dyosa Herriena,"bigkas nito kasabay ng unti-unting paglapit nito sa dalaga na hindi man lang tumatapak sa lupa ang paa.
Biglang nawala ang pagkakangisi ni Eleezhia dahil sa biglang pagbanggit nito sa kanyang dating pangalan.
Ayaw na ayaw na nitong naririnig ang dating pangalan. Marami siyang mapait na alaala kaakibat ng dati niyang pangalan.
Sa bawat paghakbang niya'y ang pagsugod naman sa kanya ng mga iba't-ibang nilalang na binuhay ni Lerryust.
Isa iyon sa kapangyarihan nito ang magtawag ng mga iba' t ibang nilalang, maski ang makuntrol ang klima ng paligid at pangunahing elemento sa mundo'y kayang-kayang gawin ng isang tulad nitong Alpha.
"Manahimik ka Lerryust maaring huwag na huwag mong mababanggit ang pangalang iyan sa aking harapan."malamig na tugon ni Eleezhia rito.
Maski ito'y nagsimulang maglakad palapit. Sa bawat madikit na alagad ng ama ni Hailey ay biglang naglalaho sa hangin at tuluyang nagiging alikabok.
Samantalang ang buwan ay nanatili pa rin nakatanglaw sa kanila magkagayunman, tuluyang binalot ng pulang liwanag ito. Kasabay ng pamumula ng langit sa mga sandaling iyon.
Isang dipa nalang ang pagitan nila ni Lerryust ng muling magsalita si Eleezhia.
"Sumama ka sa akin at sundin mo ang iuutos ko bago kita tuluyang puksahin!"mariin na utos ng dalaga kay Lerryust.
"At bakit kita susundin? Noon pa man alam mong hindi ako basta sumusunod."may kakaibang ngisi sa labing masasalamin dito.
"Kung ganoon ay wala akong magagawa, kung 'di ang idaan kita sa dahas!"
Unti-unting naningkit ang mga mata ni Eleezhia kasabay ng paggalaw nito'y tuluyan niyang naabot ang kuwelyo ni Lerryust. Kasabay niyon ang maingat na paghila niya kay Oleene palayo sa katawan ng matandang Alpha.
Agad na yinakap ni Oreo ito, matapos itong makalapit. Biglaan ang paglalaho ng dalawa pagkatapos. Ang plano nilang napag-usapan bago magtungo roon ay umayon sa kanila.
Isang nakasisilaw na liwanag ang bumalot kay Eleezhia kasabay ng pag-iipon sa kanan niyang kamay ng puwersa.
Isang pamilyar na punyal ang biglang sumulpot sa palad nito. Mahigpit iyong hinawakan ng dalaga at marahas na isinaksak sa dib-dib ni Lerryust.
Nanatiling nakatutok ang tingin ni Eleezhia sa mata ng matandang Alpha, nagtaka siya.
Nanatili pa rin itong buo?
Dapat ay abo na ito.
Bigla siyang dinumbol ng kalituhan ng mapagtanto niya ang isang bagay.
May kakayahan pala ang mga katulad nitong Elder Alpha na magsagawa ng aparisyon.
Isang ngisi na lamang ang nakita niya sa binuo nitong "ilusyon".
Maski ang mga nilalang na nasa paligid ay unti-unting naglaho na tila alikabok.
Mabilis siyang napalingon kay Zain sa sunod nitong sinabi.
"Eleezhia, si Hailey!"
Mula sa isip mabilis na dinala ni Eleezhia ang sarili sa silid kung saan naroroon si Hailey.
At sa hindi inaasahan pangyayari. Kitang-kita niya ang matandang Alpha na nakatayo sa tabi ng kama ni Hailey, nakita pa niyang bumaling ang mata nito sa kanya. Agad nitong binuhat si Hailey, kasabay ng pagkawala ng dalawa!
Sa isang kisap-mata naman ay agad na nakabalik sina Zain kasama ang mga kapatid sa malaking mansyon.
Pinagmasdan niya si Eleezhia na natahimik lamang.
Ngunit ramdam ng binata ang bigat sa paligid, ang pamilyar na amoy--- kaparehas ng lugar na nanggalingan nila.
Nanlalaki ang mga mata at biglang kinutuban si Halls, agad na nitong nilapitan ang kama na kinahihigaan ni Hailey.
Napakuyom ang kamao at nagtagis ang ngipin ni Halls sa hinuha. Hindi niya aakalaing magkakatotoo ang kutob.
Dahil ang totoo bago pa sila magpunta sa kinaroroonan ni Lerryust ay matagal na itong nasa silid kung saan naroon ang anak nito...
Isang malakas na suntok sa pader ang ginawa ni Halls, kaya upang mabitak ang sementong natamaan ng kamao ng binata.
Kitang-kita ni Eleezhia na napaluhod ito pagkatapos at tuloy- tuloy lamang ang pagpalatak nito.
Hindi niya ito masisisi.
Dahil tuluyan silang nalamangan ng matandang Alpha.
Hindi aakalain ni Eleezhia na lalong naging bihasa ito sa paggamit ng ilusyon kaya upang mapaikot sila nito magmula sa umpisa pa lamang!