Kanina pa bumubuhos ang malakas na ulan na ito,... May balak pa kaya siya na tumila ngayong araw?...
Parang dugo ang pakiramdam ko sa mga patak ng ulan kapag dumadampi ito sa aking balat... Napakalapot. O baka naman kung ano ano lang talaga ang naiisip ko ngayon?...
May nabasa ako sa isang libro na isang maikling kwento at ang title eh WHAT MEN LIVE BY na gawa ni Leo Tolstoy... (smile) isa iyong magandang kwento, siguro iyon ang dahilan kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayong araw...
Tumila na ang malakas na ulan at kasabay nun ay nakita ko ang isang matandang pulubi na binabato ng mga batang naligo sa ulan. Nag sitakbuhan sila ng sinaway ko at nilapitan ko ang matanda at tinulungang tumayo.
Umupo siya sa tatluhang upuan na naroon habang ako naman ay nakatayo at hinihintay ang tamang sandali para ako makapagpaalam umalis.
" nagmamadali ka ba iho?... Huli ka na sa klase mo. "
Akala ko ang unang gagawin niya ay magpasalamat,... Kakaiba naman ang matandang ito...
" siguro nga po dahil tinulungan ko pa po kayo,... Sige po kailangan ko ng umalis... "
" sandali lang iho,... May sasabihin ako sa iyo... "
" ano ho iyon? "
" nagliliwanag ka kaya lang napakadilim at napakalamig ng loob mo... "
" manghuhula po ba kayo?... "
" bakit naman? hindi ka ba naniniwala sa manghuhula?... "
" sinasabi lang ng manghuhula kung anong gusto mong marinig... " sigh!... Parang ganito lang yung mga napapanood ko sa t.v...
" merong isang binata ang umibig noon sa isang babae... "
" wag niyo na ho akong kwentuhan... "
" baka magsisi ka binata, maganda pa naman ang kwento ko... "
" hindi na ho... "
Umalis ako at iniwan na ang matanda pero ng lumingon ako ay wala na siya sa inuupuan niya kanina,... Kakaiba talaga ang matanda na yun...
[ Epsilon Academy gate ]
Dumating na ako sa school at nasa gate na ng sawayin ako ng guard na nagbabantay doon.
" ikaw na naman bata!?.. Bakit palagi ka na lang nahuhuli?... "
Sigh... Kahit pa magpaliwanag ako sa laaking ito eh siguradong hindi rin niya ako pakikinggan...
" ano nga ba ulit ang pangalan mo at ng mai-log ko dito sa aking record book... "
" Sylvan Zephyni,... Ilang beses ko na iyong sinabi nung nakaraan. "
" o sige na, pumasok ka na... "
[ minutes later at the gate ] Emia
" hi manong!?... Pasensya na, late ulit ako,... Tinanghali ng gising eh... "
" pangatlo mo na yan ngayong linggo ah,... "
" papapasukin niyo ho ba ako?... "
" aba oo naman, basta ba kasing bait mo ang malalate eh ayos lang... Hindi na kita isusulat sa log book basta sa susunod ah,... "
" opo manong,... Thank you... "
" buti ka pa nagpapasalamat sa akin yung isang nale-late dito eh ang sama ng ugali... "
" masama rin siguro ang mukha... Hehehe... "
Ako nga pala si Emia Rain, mahilig akong kumain ng mga matatamis pero hindi ako tumataba kahit pa damihan ko ang pagkain ko. Spoiled brat ako at lahat ng gusto ko eh nagagawa ko at madalas ay napapahamak rin ako pero okay lang, masaya naman ako eh...
Isa rin ako sa mga babaing nangagarap na isang prinsesa na balang araw ay ililigtas ng aking knight in shining armor. Siguro iyon ang dahilan kung bakit ako madalas na nasasangkot sa gulo...
I'm in a quest to find my knight in shining armor... Sigurado akong makikita ko rin siya but for the meantime eh papasok na muna ako sa first class ko...
Nag aaral ako sa school na ang tawag ay Epsilon Academy. Isa itong third class private school kung kaya kahit sino ay pwedeng mag aral dito.
Oo nga pala baka hindi niyo ako maintindihan.
Ranking based ang umiiral sa lugar namin. Nira-rank ayon sa antas ang lahat, halimbawa ang pamilyang kinabibilangan, mga schools mga gamit at kung ano ano pa.
Schools...
First class private school. Ang mga nag aaral dito ay kabilang sa first and second class family o kung tawagin ng iba eh billionaire's family
Second class private school. Kagaya ng first class ang mga nag aaral dito, kaya lang mas kilala ang mga pamilyang nag aaral dito bilang Millionaire's family.
Third class private school. Ito yung katulad ng school na pinapasukan ko at mas kilala bilang Thousand's family. Kaya lang kabilang ako sa first class family pero mas pinili kong dito mag aral. Karamihan kasi sa mga first class families na nag aaral sa first class school na nag iisa lang sa lugar namin ay ang gusto lang eh ang magkaroon pa ng karagdagang impluwensya. Isa pa kaya mas gusto ko dito ay dahil mas may tsansa ako na mahanap ang knight ko dito,... Gusto ko kasi yung temang from rag to riches.
---------
[ Sylvan ]
Umupo na ako sa upuan ko matapos akong pagalitan ng prof ko dahil na-late na naman daw ako sa pagdating sa klase niya at ilang beses na iyong nangyayari...
Sigh,... Hindi ko naman iyon sinasadyang lahat, nagkakataon lang siguro na may mga hindi inaasahang pangyayari ang nagaganap. Sa totoo lang eh wala naman akong pakialam kung ma-late man ako sa klase niya,.. Ang boring kasi ng subject niya eh... Hindi ko na nga napansin ang mga sumunod na nangyari dahil nakatulog na nga yata ako...
--------
[ Emia ]
" LATE KA RIN EMIA!?... Ano bang nangyayari dito sa klase kong ito!? "
Huh?... Nakakapagtaka naman? ... Hindi naman ako pinapagalitan ng ganito ni sir kapag nale-late ako... Mukhang bad mood ata siya ngayon.
" ah? Eh? i'm sorry sir,... Pasensya na po kung na late ako... "
Mukhang hindi ako gaanong pinansin ng prof ko dahil mukhang may iba siyang tinitignan at galit na galit siya...
Nilapitan niya ang isang lalaki na natutulog habang ginigising naman ito ng katabi niya...
" yes?,... Ano po iyon sir?... Yawn... "
Ah naku po!?... Lagot siya ngayon kay sir...
" Sylvan, pumunta ka mamaya pagtapos ng klase sa office!... "
Halatang nagpipigil si sir pero umalis rin siya pagtapos nun...
Ano kayang problema ng lalaking iyon at nakuha pang matulog sa klase?...
[ office ] Sylvan
Hawak ngayon ng istriktong president ng academy ang mga files ko sa school. Nakalagay doon ang lahat ng mga records ko: grades, absences, lates at kung ano ano pa.
" Sylvan Zephyni. Hindi na kita pagsasabihan pa, alam mo naman siguro kung bakit ka nandito. Ano ba ang gusto mong mangyari sa mga inaasal mo? "
Sa ganitong mga sitwasyon ay kailangang manahimik na lang ako...
" ayon dito eh nung nakaraan ang dahilan mo kung bakit ka na late ay dahil may humabol sa iyong aso. Ang sumunod ay may tinulungan ka namang pusa at sumunod ay may nakita kang bata na naliligaw... Kay aga aga may naliligaw talaga na bata ah?... Ngayon, ano naman ang dahilan mo? May nakita kang matanda.? "
Ang galing!... Clap clap clap... Paano niya kaya nalaman yun?...
" Sylvan ayoko na sanang maulit na ipapatawag ka sa opisina ko para sa mga ganitong bagay, maliwanag?... At wag ka na ulit matutulog sa klase ng kahit na sinong professor mo dito... "
**********
[ Emia ]
Ano kayang nangyari dun sa lalaki kanina?... Grabe ang ginawa niya kanina at first subject na nga lang sa umaga eh nakuha pang matulog,.. Kahit pa boring yung subject eh hindi niya dapat iyon ginawa pero buti na lang dahil nakaligtas ako kanina dahil sa pagtulog niya.
Papunta na ako sa susunod kong klase... Oo nga pala hindi ko pa pala nasasabi na may iba't ibang classroom sa bawat klase at depende sa choice ng student kung anong gusto niyang schedule sa bawat klase. Bali may pitong subject kaya may pitong classroom na papasukan ang isang studyante kaya nag iiba iba rin ang mga classmates niya. Halimbawa na lang ang schedule ko ay una english next math then science... Iba't iba ang nagiging classmates ko pero minsan eh may classmate ako sa first subject ko na classmate ko din sa third o kaya naman sa iba.
Ang goal ng school kaya nila ginawa ang ganun ay para maging active ang social life ng bawat estudyante at maraming makilala. Limited lang kasi ang pwede mong makilala sa loob ng isang taon kung iisa lang ang magiging classroom at schedule ng bawat isa.
Nakarating na ako sa first class ko ngayong hapon at umupo na ng may lumapit sa akin.
" hi!?... Good afternoon, pwede ba akong tumabi sa iyo?... "
Hindi na ako lumingon pa sa ibang pwesto kung may bakante pang ibang upuan doon sa halip ay sumagot kaagad ako.
" okay lang, wala naman akong katabi eh... "
" ako nga pala si Lliane, kung tama ang pagkakaalala ko eh magkaklase tayo sa third, ngayon at seventh class natin... "
" ah! Oo nga, natatandaan kita,... sko si Emia,... Nice meeting you... "
" diba may group project tayo,... Kung gusto mo eh tayo na lang dalawa ang magpartner... "
" sige ba,... Wala pa rin naman akong kagroup eh... "
" ako din... ( smile ) "
Mukhang pareho kaming masayahim nitong si Lliane,... Sapalagay ko eh magkakasundo kami sa maraming bagay...
**********
[ last period ] Sylvan
Hindi na tuloy ako nakapasok ng buong araw... Akalain mo ba namang pinag-jogging ako, parusa ko daw iyon para naman daw hindi ako antukin sa susunod.
Nakakapagod kaya,... Last subject na nga tapos pinatigil pa ako... Kailangan ko pa tuloy pasukan yung klase ko...
Pumunta ako sa lagayan ng locker at kinuha ang extra na uniform ko at nagpunta sa c.r para magpalit.
Pagbalik ko sa locker eh nakita ko si Lindoln na palapit.
" kumusta yung parusa sayo? Akalain mo ba namang natulog ka sa loob ng classroom habang may klase kayo... "
" paano mo nalaman?... "
" nakita kitang tumatakbo sa may field kanina, tapos narinig kong nag uusap yung ibang classmate mo kanina... Grabe, ang lakas mo talaga... Hahaha... "
Si Lindoln Foris. Kabilang siya sa second class family at mahilig sumama sa mga Save The Earth Program. Hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit niya dito napiling mag aral pero masasabi ko na isa siya sa mga mabuting tao na nakilala ko.
**********
[ end of class ] Emia
Gusto ko sanang sabay kami ni Lliane na umuwi dahil siya ang naging first friend ko dito kaya lang eh may kailangan pa daw siyang gawin kaya pinauna na niya ako.
Masaya siyang kasama at pareho kaming playful, kind, joyous, humble and what's more is we are both beautiful.
Malapit na ako sa may intersection ng makita ko yung classmate kong lalaki kaninang umaga na pinapunta sa office dahil natutulog sa klase. Sa pagkakaalala ko eh Sylvan yata ang pangalan niya... Yun kasi ang tinawag sa kanya ng prof namin kanina.
Sumigaw ako para marinig niya na tinatawag ko siya pero hindi naman siya tumingin kaya napilitan akong tumakbo para maabutan ko siya.
Sinubukan kong banggitin ulit ang pangalan niya ng makalapit ako at nasa likuran na niya ako ng lumingon siya.
" magkakilala ba tayo?... "
" magkaklase tayo sa English, pero ngayon pa lang tayo nagkausap... "
" ah ganun ba,... Eh bakit kung tawagin mo ako eh parang close tayo?... "
Para namag binabara ako nito...
" pasensya ka na kung gamun ang tono ko... "
" pinaplastik mo ba ako?... "
Napansin pala niya... Naku po... Ano kayang sasabihin ko dito? Parang ang naive naman niya masyado...
" di bale na, ano bang kailangan mo?... "
" ah!... Tama!... Naisip ko kasi na baka gusto mong hiramin ang nnotes ko kanina... "
" hindi na,... Sige una na ako... "