>Sheloah's POV<
"Veon, ang bilis mong magmaneho," reklamo ko no'ng nauntog ako sa glass sa harap.
"Isuot mo kasi yung seatbelt mo! Alam mong zombie apocalypse… kailangan natin itong bilisan," sabi niya sa akin as I put my seatbelt on.
Tumingin ako sa mirror sa taas at nakita ko si Josh at Tyler na nakakapit sa metal sa taas. "Okay lang kayo diyan sa likod," tanong ko sa kanila at tumango sila.
"Sana nandoon na tayo sa SM para hindi na kami parang hamster dito. Kahit nakahawak kami sa metal, and bumpy parin ng ride," sabi ni Josh.
"So this is what a hamster feels like inside the ball sphere when you shake it," dagdag sabi pa ni Tyler at napatawa ako sa sinabi niya.
Tiningnan ko si Veon. Halatang kinakabahan siya. "Umm… Veon, okay ka lang," tanong ko sa kanya and he shook his head.
"Hindi… kinakabahan ako," sagot niya sa tanong ko at hinawakan ko balikat niya. Nagaalala ako kasi ngayon ko lang nakita si Veon na ganito.
"It's about your parents… isn't it," tanong ko sa kanya at mas binilisan niya yung pagmaneho niya. Kumapit ng mas mahigpit si Josh at Tyler sa metal sa taas at ako naman kumapit doon sa handle sa taas ng door.
Well, I can't blame Veon for acting like this. Yung family ko, safe and sound. Yung family ni Veon nandoon pa sa bahay nila. Nakatago sa bedroom para hindi makagat ng zombies.
I do hope na safe pa sila. Babalikan namin siya ni Veon, I promise… babalikan namin sila ni Veon.
Biglang nag buzz yung phone ko at tinanggap ko yung tawag. "Hello," sabi ko and I heard gunshots sa tawag.
"Sheloah… Sir Jim ito," sabi niya over the phone at may naririnig nanaman akong gunshots.
"Nasaan po kayo," tanong ko sa kanya at narinig ko may nasisirang gamit.
"Nahuli ba kayo? Malapit na kami sa SM. Dito na kami Session Road. Malapit sa Porta Vaga," sagot ni Sir Jim sa tanong ko.
Tumingin ako sa bintana. "Umm… Sir, medyo malapit po kami sa inyo. Nandito kami sa bandang Greenwhich, lower Session," sabi ko sa kanya and I heard a big sigh.
"Pag nandito na kayo malapit sa amin, mag mamaneho ulit kami. Your uncle can't hold the zombies much longer. Yung iba sa inyo may baril so use it," sabi ni Sir Jim at pinatay niya na yung tawag.
"Veon, nasaan baril mo," tanong ko sa kanya at binigay niya sa akin with his right hand, habang yung left niya nakahawak sa wheel ng kotse.
Tiningnan nila ako. "So what are we gonna do," tanong ni Tyler at binuksan ko yung window ko at nilabas ko half ng katawan ko and I started shooting zombies.
Habang binabaril ko yung zombies at nakalabas kalahati ng katawan ko, ramdam ko yung hangin at nahahanginan yung buhok ko kaya hindi ako masyado maka-focus dahil napupunta yung buhok ko sa mukha ko.
Pumasok ulit ako at umupo ako. "Kailangan pa bang tanungin kung ano ang gagawin," sagot ko sa tanong nila habang inaayos ko yung buhok ko.
Lumingon ako. "Let's kill zombies," sabi ko kay Josh at Tyler at nginitian nila ako.
Binuksan nila yung pinto at nakita nila na may zombies na tumatakbo papunta sa service car no'ng binuksan nila yung pinto. They started shooting them at nilabas ko nanaman half ng body ko sa bintana, and started to shoot zombies as well.
"Sheloah! Mayro'n sa left part ng service car," sigaw ni Veon sa akin at tumaas pa ako ng onti para mabaril ko yung dalawang zombies sa left part ng service car near Veon.
"Kung tumaas ako sa bubong ng kotse at doon ako magbabaril… mahuhulog ba ako," tanong ko kay Veon and he looked at me from the corner of his eye.
"Baliw ka ba? Oo, ah! Mahuhulog ka! Mabilis pa pagtakbo ko sa kotse," sagot ni Veon sa tanong ko at inirapan ko siya.
"Ang daming zombies na humahabol sa atin. I need to shoot them down. Tumutulong si Josh at Tyler pero sa likod yung mga binabaril nila. I need to defend our left and right side," sabi ko pa kay Veon.
"So tataas ka," tanong ni Veon sa akin at tumango ako.
"Yup! Needed or else, you will die early," sabi ko sa kanya at huminga siya nang malalim.
"Hindi ko masisigurado na hindi kita mahuhulog, ah. Basta, mag ingat ka sa taas. May metal naman doon siguro so hawak ka doon kung sakali it gets bumpy," sabi ni Veon at kinuha ko yung baril ko.
Lumabas ako sa bintana at tumaas ako nang dahan-dahan sa bubong ng service car. No'ng nandoon ako sa taas, ramdam ko talaga yung wind at medyo napaupo ako dahil naka skirt ako at medyo uncomfortable ang kalagayan ko ngayon.
This is why I hate our uniform! Skirt kasi, eh! Nakakainis!
Short release. :D Salamat sa pagbabasa! I hope more readers get to update. ^^
Guys, favor. Kahit nagpu-proofread ako bago ako mag post, may mga hindi ako napapansin. Please do paragraph comments para ma-correct ko. :D
Salamat sa pagbabasa! Sana naman may mag comment. :3