>Sheloah's POV<
Hanggang ngayon, nag tititigan lang kami ni Shannara. Gulat kami sa pangyayari na pareho yung pinag uusapan naming guy. Na pareho naming mahal si Veon. Hindi ko akalain na ang naging kaibigan ko, magiging rival ko rin sa love. Siguro, ganito rin yung iniisip niya. Talagang unexpected. Kanina ang saya-saya namin na nag kakilala kami 'yon pala… Meron din palang bad side ang friendship namin.
"Teka…" nilapitan kami ni Veon at tiningnan niya kaming dalawa. "Magkakilala kayong dalawa?" tinanong niya ulit. Hindi namin tinitingnan si Veon, pero we both nodded slowly.
"Hay!" sigaw ni Geof at lahat kami napatingin sa kanya. "Magtititigan lang ba kayo? Hindi tayo aalis? Yung totoo? Dito lang tayo?" sunod-sunod na tanong ni Geof at biglang lumaki yung mga mata ni Shannara nung tiningnan niya si Geof.
"Ah!" sigaw ni Shannara at tinuro niya si Geof. "Ikaw yung madalas kong nakikita sa sementeryo these past few days!" dagdag sabi pa niya at tiningnan namin si Geof.
"Excuse me." Sabi niya at nilapitan niya si Shannara. "Stalker ba kita?" tanong pa ni Geof at tiningnan namin ni Shannara na halatang gulat yung expression ng mukha niya.
"Ang kapal ng mukha mo! Hindi, no!" pasigaw na sagot ni Shannara at inirapan niya si Geof. "Nakikita lang kita kasi ditto ka usually nagte-training." Dagdag sabi pa niya at nagulat din siya at tinuro niya si Shannara.
"Ikaw ba yung multo na kumakanta sa sementeryo?" tanong naman niya at medyo nainis si Shannara at binatukan niya siya sa ulo.
"Sira!" sabi niya at hinawakan ni Geof yung ulo niya dahil sa ginawa ni Shannara. "Ano'ng multo? Buhay pa ako!" sabi pa ni Shannara sa kanya at nilayuan na lang siya ni Geof.
Ang weird nilang dalawa. Nagkakilala lang sila and they act as if close na sila. Pero ang kulit nilang tingnan. Nakakaaliw panoorin arguments nila. Nakakaiba. Nakakatuwa pa kaya hindi kami nagsalita ni Veon. Pinapanood lang namin sila.
Binalik ni Shannara yung tingin niya sa akin at nabigla ako. "Umm…" Shannara trailed off and she smiled at me for a bit. "A-ano na ang plano, Sheloah?" tanong niya at nag ride on na lang ako sa ginawa niya. Para hindi halatang awkward pero alam namin na awkward ito para sa aming dalawa.
"Ah, umm…" I trailed off at nginitian ko rin siya. "Aalis na tayo?" patanong na sagot ko and we both laughed nervously. Pansin ni Geof at ni Veon na fake yung tawa naming dalawa kaya mas nagtaka silang dalawa.
"Ano ba ang problema niyong dalawa?" tanong ni Veon sa amin at tiningnan namin siya ng sabay.
"Wala!" sabay naming sabi ni Shannara at tiningnan naming ang isa't-isa at binalik namin ang tingin namin kay Veon. "'Wag mong pansinin!" sabay ulit naming sinabi at tiningnan nanaman namin ang isa't isa kasi exactly the same ang sinabi namin kay Voen.
Kinamot ni Veon yung ulo niya at hindi parin umaalis ang curious expression niya sa kanyang pagmumukha. "Para kayong twins. Prinaktis niyo ba yung sasabihin niyo sa akin?" tanong niya and we both shood our heads at the same time to say no. Pati actions, pareho rin kami ng galaw.
"Hoy…" tinawag ni Geof ang aming pansin at tiningan naming siya. "Hindi ba may nakakalimutan tayong tao?" tanong niya at nakatitig parin kami sa kanya. May nakalimutang tao? Now that he mentioned it, parang may nakalimutan nga kami, pero sino? I don't seem to remember who, pero alam kong may nakakalimutan nga kami.
"Oo nga… si Tyler kailangan nating hanapin. Nasaan kaya siya?" tanong niya at tiningnan namin ni Shannara ang isa't-isa.
Tiningnan ko si Veon. "Kung si Tyler hinahanap mo, nandoon siya sa loob ng bahay ni Shannara." Sabi ko sa kanya at tumango siya.
"Titingnan ko muna siya kung okay lang." sabi ni Geof at pumasok siya ng bahay, leaving me, Shannara and Veon together.
Ngayon na pumunta siya sa loob ng bahay, medyo awkward na magkasama kaming tatlo dito. Pareho kaming may gusto ni Shannara kay Veon. Pero nakakagulat talaga na ngayon lang kami nagkakilala, tapos 'yon pala, pareho kami ng love interest. Pero sa dinami-dami ng mga tao, bakit yung kakikilala ko palang ngayon at yung naging close ko?
Bakit si Shannara pa?
Salamat sa pagbabasa! Please do rate my chapter, add sa library niyo, comment, leave a review, and give power stones. ^^